Share

CHAPTER 3 - IMPRISONED

Samantalang sa loob ng interrogation room, wala pa ring tigil sa pagbuhos ang mga luha ni Ciara, habang paulit-ulit siyang tinatanong ng police officer.

“Miss De Luna, hindi na kita pipilitin kung ayaw mong umamin na ikaw ang pumatay kay Mr. Harrison. Ngunit sinasabi ko na sa iyo, hindi basta-basta ang taong pinatay mo. Isa siyang Bigtime Human Smuggler sa buong bansa, at delikado ang buhay mo, kung hindi ka makipag cooperate sa amin. Kapag umamin ka sa lahat-lahat ng nalalaman mo, posibleng gagaan ang kaso mo.”

Namumula ang mga mata niya na umangat ng mukha at tiningnan ng masakit ang lalaking police na kanina pa nag-iimbestiga sa kanya.

“Sinabi ko na kanina ang sagot ko sa tanong mo, hindi ko kilala si Mr. Harrison, at mas lalong walang nag-utos sa akin upang patayin siya. Pinagtangkaan niya akong gahasain, ano sa tingin mo ang gagawin ko? Self defence ang nangyari, at naniniwala akong hindi pa siya patay. Senet-up lamang ako.” mahina ngunit madiin niyang sagot.

“Kung hindi mo siya kilala, ano ang ginagawa mo sa room ng Skyward Hotel kung saan nandoon din si Mr. Harrison?” tanong ng police.

Tumahimik siya sandali, batid niyang nakakahiya aminin ang totoong rason kung bakit siya pumunta ro’n, pero kailangan niyang magsabi ng totoo.

“Nandoon ako upang makipag-meet sa boyfriend ko dahil may usapan kami na ibigay ko sa kanya ang aking virginity, kapalit ng pagsalba niya sa kumpanya ng mga magulang ko. Ngunit hindi ko inaasahan na si Mr. Harrison ang pupunta roon.” pilit niyang pinigilan muli ang kanyang emosyon upang huwag bumagsak ang mga luha niya. Nandito siya ngayon sa loob ng kulungan, dahil sa maling desisyon na ginawa niya. Binigay niya ang kanyang buong tiwala kay Lorenz sa pag-akalang hindi nito magagawa sa kanya ang ipinagkanulo siya.

“Ngunit nakita namin ang mga text messages mo kay Mr. Harrison, siya ang ka text mo, noong pumunta ka sa mismong hotel at hindi si Mr. Lorenz, Dellon. Paano mo ipapaliwanag na hindi kayo magkakilala?"

Matagal siyang hindi nakagalaw matapos marinig ang sinabi ng pulis. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, bakit napunta kay Mr. Harrison ang mga messages niya. Malinaw sa kanyang alala na si Lorenz ang ka text niya dahil hindi naman niya alam ang numero ni Mr. Harrison. Hindi na siya sumagot pa sa pulis. Kahit anong gawin niya, hindi rin naman ito maniniwala, wala siyang laban dahil may ebidensya na siya ang pumatay kay Mr. Harrison.

Nang makita ng pulis ang pananahimik niya at wala ng plano na magsalita, nagpakawala na lang ito ng buntong hininga at itiniklop ang record book. Tinapunan muna siya nito ng nanghihinayang na tingin bago muling nagsalita.

“Miss De Luna, may panahon ka pa upang maghanap ng magaling na abogado. The hearing of your case will be held in the next two weeks.” matapos sabihin iyon, agad na itong lumabas ng silid.

Saka pa lang pinakawalan ni Ciara ang mga luha niya ng makitang lumabas na ang pulis sa interrogation room. Ilang sandali pa, pumasok na rin ang dalawa pang pulis at muli siyang inilipat sa loob ng selda. Habang hawak sa rehas na bakal, paunti-unting bumagsak na naman ang mga luha niya. Saan nga ba siya kukuha ng abogado, gayung kahit pamilya niya itinakwil na siya. Hindi rin niya kilala kung sino ang tunay niyang mga magulang. Ni hindi nga niya alam kung paano siya napunta sa daddy niya na tiyuhin niya pala.

“Hoy, Miss!” tawag sa kanya ng isang babae, na tinatawag nila kay Tibo. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi niya ito pinansin. Nanatili lamang siyang nakatayo at nakakapit sa rehas na bakal, habang wala pa ring tigil sa paglandas ng kanyang mga luha. Minsan na tanong niya sa sarili kung deserve ba niyang parusahan ng ganito? Paano ba siya nagkamali? Saan ba siya nagkulang? Bakit kailangan niyang maranasan ang ganito kasakit?

“Hoy! Bingi ka ba? Kanina pa kita kinakausap!” Muntik na siyang matumba ng marahas siyang hinila ng babaeng tibo, upang harapin niya. Malaki ang pangangatawan nito at halatang hindi bubuhayin ang sinumang lalaban.

“Naku, kawawang babae. Sa tingin ko nasa twenty pa lang ang edad niyan. Sayan kung papatayin lang ni Tibo. Iyon pa naman lagi ginagawa kapag may bagong preso. Palibhasa may kapit sa itaas.” Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang usap-usapan ng mga kapwa niya preso sa loob ng kulungan. Inaasahan na ng mga ito na hindi na siya makakatayo pagkatapos ng gagawin ni Tibo sa kanya. Gayunman, hindi siya natatakot. Sa lahat ng pinagdaanan niya, hindi na siya natatakot mamatay, at ipagpasalamat pa niya sa tibo na ito, kung ito mismo ang tatapos ng paghihirap niya. Tinapunan lang niya ito ng matalim na tingin at muling humarap sa rehas na bakal dahilan upang magalit ito sa kanya.

“Aba, matapang ka huh!”galit nitong pinaharap siya.

“Arrgh..” impit na sambit niya ng marahas siya nitong pinaharap at sinuntok sa kanyang sikmura. Pakiramdam niya, mamatay siya ng wala sa oras dahil sa sobrang sakit. Buong araw siyang walang kain, kaya literal na walang laman ang kanyang tiyan.

“Ano, huh? Lalaban ka? Sige subukan natin kung hanggang saan ang tapang mo. Narinig kong pinatay mo ang Bigtime Human Smuggler, tingnan natin kung uubra 'yang katapangan mo sa 'kin!” Muli siya nitong susuntukin sa kanyang sikmura, ngunit mabilis niya itong naiwasan, sa halip hinila niya ang kamay nito upang doon tumama sa rehas na bakal, dahilan upang mapasigaw ito sa sobrang sakit.

Lahat ng nanood sa loob ng selda nila ay tumayo bigla. Hindi makapaniwala sa ginawa niya. Siya lang ang tanging nangahas na lumaban kay tibo na matagal ng nagpapahirap sa kanila. Dahil sa ginawa niya, mas lalong nagalit si tibo. Namumula ang pinsgi nito at inunat ang kamay na tumama sa bakal. Nang makita niyang muli na naman itong aatake para sa pangalawang suntok na pwedeng tumama sa mukha niya, mabilis siyang dumadausdos pababa kaya muling tumama ang kamay nito sa bakal na kasalukuyang nasa likuran niya. Nang makitang hindi pa ito nakahuma dahil sa sobrang sakit ng kamay nito na muling tumama sa bakal, buong pwersa niyang tinadyakan ang tuhod nito kaya, agad na nag pabiling-biling ang katawan nito at natumba. Nilapitan niya ito at gumanti rin ng maraming suntok sa tiyan.

Maririnig ang hiyawan ng buong preso sa loob ng kanilang selda, maging sa kabilang selda na kasalukuyan ring nanonood ng away nila. Wala na siyang pakialam sa mga ito. Durog na ang buong pagkatao niya, nasaktan na siya both Physically and emotionally. Para saan pa, na hindi niya gagamitin ang natutunan niya sa military camp. Noon, isang beses, nagluluto siya sa kusina, at kasalukuyan siyang humihiwa ng sibuyas, ng biglang ginulat siya ni Monica mula sa likuran. Nang humarap na siya rito, nagulat siya na nakasaksak na ang kutsilyo sa tyan nito. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon ng ganun kabilis, ngunit alam niyang hindi siya ang may gawa niyon kundi si Monica mismo sa sarili niya. Wala siyang nagawa nong pinarusahan siya ng kanyang ama. Pinapili siya kung saan niya gustong magdusa ng kasalanan niya, isang taon sa kumbento ba or sa military base camp? Dahil nandoon ang tito Greg niya na kapatid ng daddy niya, mas pinili niyang magdusa sa military base camp. At sa loob ng isang taon, natutunan niya kung paano lumaban.

“Aaaahh, watch out!” nanumbalik siya sa kanyang sistema ng marinig ang sigaw ng mga kasamahan niyang preso. Saka pa lang niya narealized na may hawak na palang patalim si Tibo, at hindi maipinta ang mukha nito habang galit na nakatingin sa kanya.

“Papatayin kita!” sigaw nito at mabilis ang mga kamay na sinaksak siya. Mabuti na lang at agad siyang nakaiwas.

Prrrrt..prrrt…prrrt.. Maririnig ang pag silbato ng jailguard, sa gawi ng kanilang selda, kaya napatigil sila ni Tibo sa pag-aaway. Mabilis naman bumalik sa normal ang lahat na parang walang nangyari, ngunit hindi pa rin maalis ang masamang tingin ni Tibo sa kanya.

Umabot ng dalawang linggo, hanggang sa sumapit na ang araw ng kanyang paglilitis, tanging abogado lamang mula sa Public Attorney’s Office (PAO) ang nagsisilbing tagapagtanggol niya. Ngunit ano ba ang aasahan niya? Wala siyang panama sa abogado ng kampo ni Mr. Harrison, at marami silang inilatag na ebidensya na siya ang pumatay. Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang hatol sa kanya na habang buhay na pagkakakulong.

**

Samantala, kasalukuyang pumipirma si Clarence ng mga nakatambak na dokumento sa ibabaw ng lamesa niya ng pumasok si Brando– ang kanyang personal assistant. Sinulyapan niya lang ito at muling itinuon ang atensyon sa mga pinirmahan.

“Any news?” tanong niya. Alam niyang ilang linggo na si Brando na wala sa opisina niya dahil hinanap nito ang babaeng pina-pahanap niya. Naintindihan naman niya na hindi ganun kadali ang paghahanap ng babaeng iyon, dahil lamang sa kwintas.

“Boss, doon ako galing sa Skyward Hotel na tinutuluyan mo sa tuwing may babae ka. Pinacheck ko sa CCTV kung sino ang huling babae na pumasok sa silid mo. Ang nakapagtataka dahil wala na iyong footage ng oras kung kailan siya pumasok ng gabing iyon. Babalik pa ako r’on bukas, kapag na retrieved na nila ang naburang video.” pagbibigay-alam ni Brando.

“Don't wait for tomorrow, do it now,” sagot niya habang pumipirma dahilan upang mapaawang muli ang labi ng assistant niya. Kung alam lang nito na pinipigilan niya lang ang sarili niya na magalit dahil malapit ng mag-isang buwan ang paghahanap niya rito. Maliban kay Brando, lihim pa siyang nag hire ng agent upang hanapin rin ang babae na huling ikinama niya. Simula ng makaniig n’ya ang babaeng iyon, wala ng ibang hinahanap ang katawan niya kundi ang babaeng iyon. Hindi niya alam sa sarili kung bakit siya nagkakaganito, and he hates the fact na ang babaeng ‘yon ang laging laman ng isip niya. Minsan gusto na niyang isapubliko ang babaeng nagmamay-ari ng kwintas, ngunit ayaw naman niyang ulanin siya ng mga mapagpanggap na babae para lang pumasok sa buhay niya. Ayaw naman niyang malaman ng mommy niya ang tungkol dito, tiyak na ayaw nito sa babaeng iyon. Halata ang stressed sa mukha niya ng isinandal niya ang ulo sa headrest ng kanyang inuupuang swivel chair.

“What?” tanong niya kay Brando nang hindi pa rin ito umaalis sa harapan niya.

Tila nahimasmasan naman si Brando nang marinig ang boses ng boss niya. “Oh, okay..right away boss.” sagot niya rito. Hindi nito maintindihan kung bakit atat ang boss niyang makita ang babaeng isang gabi lang nito nakaniig sa kama. Wala ba itong plano na pahingahin siya?

Si Madam Letecia na papasok sana sa opisina ni Clarence ay sandaling natigilan ng marinig ang pinag-uusapan ng dalawa sa loob. Matalim ang kanyang mga mata na kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang kanyang tauhan. Hindi pwedeng maunahan siya ng kanyang anak sa paghahanap ng babaeng iyon. Lahat ng mga babae na kina-kama nito, sinusubaybayan niya dahil ayaw niyang mabuntis ang mga ito at bigla na lang lilitaw sa harapan ng anak niya upang ipaako ang bata. May access siya sa hotel na tinutuluyan ni Clarence kapag may babae ito. Sisiguraduhin niyang hindi na nito matatagpuan pa ang babae.

ILANG BUWAN ang lumipas, tumunog ang balita na nasunog ang kulungan, kung saan nakulong si Ciara.

"Mommy, patay na si Ciara, ayon sa informant ko," tuwang-tuwa si Monica, habang sinasabi iyon sa kanyang ina na prenteng nakaupo sa veranda at nagkakape.

Um-arko pataas ang labi ni Matilda, "Mabuti, wala nang sagabal sa mga plano natin. Pwede na nating angkinin ang kumpanya na ipinamana sa kanya ng kanyang ina."

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jake D Tan
Ang Sasama ng Mag Ina.. dagdag pa ang Ina ni Clarence haysss.. kawawa naman c Ciara.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status