Share

CHAPTER 2 - FINDING HER

“No.. hindi ko siya pinatay. Pinukpok ko lang ang ulo niya ng vase, alam kong buhay pa siya, nawalan lang siya ng malay,” agarang paliwanag niya.

“May karapatan kang manahimik. Ang anumang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo sa korte ng batas. May karapatan kang kumuha ng abogado mo. Kung hindi mo kayang bayaran ang isang abogado, isa ang ibibigay para sa’yo.” sinagot siya ng pulis ayon sa miranda rights.

“No..no..hindi ko siya pinatay maniwala po kayo sa akin, Pinagtangkaan niya akong gahasain.” umiiyak niyang sagot at binalingan muli ang daddy at mommy niya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata.

“Daddy, please tulungan ninyo ako, hindi ko talaga pinatay si Mr. Harrison.”

Sa kabila ng pagmamakaawaa niya, tila, matigas na ang puso ng daddy niya na nakatingin sa kanya. Sinubukan niyang humingi ng tulong sa kanyang ina, nagbabakasakali na maawa rin ito sa kanya.

“Mommy, Please maniwala kayo, gusto kong isalba ang kumpanya ngunit….” Napa-tigil siya sa pagsasalita ng nahagip ng kanyang mga mata ang pagdating ni Lorenz. Nagpapaliwanag ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Ngunit hindi na siya naniniwala, dahil sa mga maling tingin na iyon kung bakit siya nasadlak sa dusa ngayon.

“Wala ka nang karapatan na tawagin kami bilang iyong mga magulang Ciara. Siguro panahon na para malaman mo, na …”

“Shut up, Matilda!” agad na pigil ni Ignacio sa kanyang asawa.

“Huwag mo akong pigilan Ignacio! Panahon na rin upang malaman niya na hindi natin siya tunay na anak. Dahil anak siya ng kapatid mo!” galit na sagot ni Matilda. Gustong nitong pamukha sa kanya na hindi siya kasapi ng pamilya.

Napalingon siya rito dahil sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala na tumingin sa kanyang ama. “Dad,” tawag niya rito upang kumpirmahin kung totoo nga ang sinabi ng mommy niya.

“Daddy, totoo ba ang sinabi ni mommy?” gumuhit ang sakit kanyang mukha, ng makita ang blankong ekspresyon ng kanyang ama.

Nagpakawala muna ito ng buntong hininga bago sumagot. “Totoo ang sinabi niya, Ciara. Pamangkin lang kita, at hindi kita tunay na anak. Ito ang dahilan, bakit hindi ko matanggap na sa kabila ng pagpapalaki ko sa’yo, ito pa ang iginanti mo. You failed me, Ciara!”

Pwersahang kumalas si Ciara mula sa kamay ng pulis at lumapit sa ama. Nanlalabo ang kanyang mga mata, bakas ang sobrang sakit na kanyang nadarama, tila ayaw maniwala sa katotohanan na tumambad ngayon sa harapan niya. “But Dad, Why? Why have you come to see me as a failure? As your daughter, I made sure to always do what was right, para sa kapatid ko, nagparaya ako sa pagmamahal ko, lahat ng gusto mo, ginawa ko. I gave my life to spare your company, so why am I getting this in return?” Every word she spoke was tinged with venom. Her tears were more like rain that wouldn't stop flowing, and she desperately tried to suppress them. She gazed up at the sky; it was almost 6 a.m., but the sun appeared unwilling to rise. Its darkness understands how dark her life is, right now. Ngumiti siya ng mapakla at tiningnan ang ama. “Thanks anyway, Dad. You made me feel like my family doesn't need me any more.” She didn't even bother to wait for her dad to respond. She just goes along with the police as they drag her to the car.

“Ciara.”

She stopped for a moment when she heard Lorenz's voice. In the past, when he called her, she would have awakened like a flower waiting for its butterfly. But now, just hearing his voice calling her name made her feel like a flower that had unexpectedly faded, because the stem that brought her life had been broken long ago. Lumapit ito sa kanya, bakas ang pagsisisi sa mukha, akmang hahawakan siya nito ngunit agad na umigkas ang dalawang kamay niya kahit naka posas.

SLAP!

Napapikit si Lorenz, at dinama ang masakit na sampal mula sa kamay ni Ciara. Nanatili lamang sa isang lugar ang pagbaling ng ulo niya dulot ng sampal nito. Gumalaw ang muscles ng panga niya at maluwag na tinanggap ang masakit na sampal ng babaeng unang minahal niya.

Hindi na nag aksaya pa si Ciara na pahiran ang mga luha niya habang mapait na nakatingin sa lalaking akala niya maging parte ng mundo niya.

“I am pleased that you loved me in this way, Lorenz. You've already won by doing this to me. Just keep your word and save my parents' business.”

Matapos sabihin iyon, binalingan muna niya kung saan nakatayo ang kanyang ama, matigas pa rin ang anyo nito, at walang balak na tumingin sa kanya. Samantalang si Monica at ang kanyang ina, may bahid ng tuwa ang mata ng mga ito habang nakatingin sa kinaroroonan niya. Sinulyapan muna niya ang kanyang inakalang tahanan, bago tuluyang pumasok sa patrol car. Nangyari ang lahat ng ito, dahil sa paniniwala niyang wagas na pagmamahal.

**

"Psst..Monica, sigurado ka bang hindi alam ni Ciara ang ginawa nating pag set-up sa kanya?" tanong ni Matilda sa anak nang makitang nakaalis na ang patrol car.

Sumilay ang demonyong ngiti sa labi ni Monica. “Of course mom, tanga 'yang si Ciara, at hindi niya malalaman na tayo ang may kagagawan ng lahat," pabulong niyang sagot sa ina na sila lang dalawa ang nakarinig. Wala na ang kanyang ama dahil pumasok na ito sa loob ng bahay.

"Si Lorenz, baka nabagok na ang ulo niyan at naisipan na bumaliktad, tayo ang idiin sa kaso ni Ciara." saad ni Matilda habang nakatingin sa gawi ni Lorenz na hanggang ngayon, tulala pa rin na nakatingin sa kawalan.

"Never mind him. Ako na ang bahala sa kanya. Wala siyang ibang gagawin kundi sundin ako," nakangiti nitong sagot sa ina.

**

Samantalang nagising si Clarence dahil sa sunod-sunod na pag ring ng cellphone niya. Kinapa niya ang cellphone sa bedside table, at sinagot ito habang nakapikit.

“Sir, Clarence, I”m very sorry, ngayon ko lang nalaman na hindi pala natuloy ang ni-request mong babae kagabi, mamaya available na siya, ano kukunin mo pa rin ba?” tanong ng baklang si Freny.

Napabalikwas ng bangon si Clarence at hinanap ang babaeng kaulayaw niya kagabi, ngunit wala na ito sa tabi niya. Hindi niya namukhaan ang babaeng iyon dahil sinadya talaga niyang walang ilaw upang hindi siya nito makilala. “Fuck” mahinang mura niya ng maalala na virgin pa ang pinatos niya. Sa tanang buhay niya, never pa siyang pumatos ng birhen sa kadahilanang, ayaw niya ng commitment. Maraming babaeng nagkadaluhod sa harapan niya upang maangkin lang niya, ngunit pumipili siya. Pinaka-ayaw niya sa lahat, ang may nakakakilala sa kanya. Kaya, si Frenny ang inutusan niyang maghanap ng babae sa tuwing kailangan niyang ibunton ang stress sa mga babaeng kanyang kina-kama. Ngunit ang babae kagabi, hindi niya mapigilan ang sarili na hindi hanapin ang lambot ng katawan nito. "My, little sugar," usal niya habang iniimagine pa rin ang babae sa kama. Masyado siyang napasarap kagabi, to the extent na nakalimutan niyang gumamit ng condom, na madalas na niyang ginagawa sa ibang mga babae niya.

"Sir Clarence? Narinig po ba ninyo ako?" muling tanong ng bakla.

“No need.” tipid niyang sagot at pinatay na ang tawag. Tiningnan niya ang oras sa kanyang suot na wristwatch, 6:30 na ng umaga, Bumaba na siya ng kama ng muling mag ring ang telepono niya. Nagbuga siya ng hangin ng makita ang numero ng mommy niya, mula sa screen.

“Mom,” tinatamad niyang sagot.

“Saan ka na naman ngayon, Clarence Adler Del Castrillo? Nakalimutan mo na ba, alas syete ang scheduled ng board meeting mo and yet wala ka pa rin sa kumpanya hanggang ngayon. Babae na naman ba? Matagal ng may gusto sa’yo si Crystal, bakit hindi mo na lang siya yayain na magpakasal, kaysa naman kung sino-sinong babae na lang ang kina-kama mo. Sinasabi ko na sa’yo, ayoko ng mga babae, na dinadampot mo lang sa kung saan-saan.” Napuno na ang tainga niya sa kakatalak ng mommy niya. As always, memorize na niya ang linyahan nito. Isa lang ang gusto nitong sabihin. Ayaw nitong mag-asawa siya ng hindi ka-level ng kanyang pamilya or walang sinasabi sa lipunan. Ngunit mas ayaw naman niyang pinapakialaman ang buhay pag-ibig niya lalo na ang mga babaeng nirereto ng mommy niya sa kanya.

“I’m coming mom,” tipid niyang sagot, at saka pinatay ang tawag.

Kinuha niya ang mga nakakalat na damit sa sahig at sa ibabaw ng kama. Agad siyang natigilan ng malaglag ang isang bagay sa sahig. Dinampot niya ito, Napag-alaman niyang isa itong kulay silver necklace na halatang ginawa sa unang panahon, hindi dito sa pilipinas kundi sa ibang bansa. Kalahati lang ang pendant nito, posibleng ang babaeng nakaniig niya kagabi ang nagmamay-ari ng kwintas.. Pinasok niya ito sa loob ng wallet niya at nagmamadali na tinungo ang banyo upang maligo. Hinahanap niya ang bathrobe na lagi niyang sinusuot matapos maligo, ngunit hindi na niya ito nakita. Exclusive lamang para sa kanya ang VIP room ng hotel na ito, paano naman nawala ang bathrobe niya? Nagmamadali siya kaya hindi na lang niya ito hinanap pa. Lumabas siya ng banyo habang tumutulo pa ang tubig sa kanyang buong katawan at hinanap ang bath towel sa loob ng closet at iyon ang ginawang pamunas sa basa niyang katawan. Mabilis na siyang nagbihis at lumabas ng Hotel.

Saktong alas syete ng dumating siya sa DelCas Group of Companies building. Agad na binuksan ng kanyang personal assistant na si Brando ang pinto ng kanyang Aston Martin Rapide na sasakyan ng makapag-park na ito. Alerto naman lahat ng mga body guard ng makita ang pagdating niya.

“Kumpleto na ba sila sa loob ng Conference room?” tanong niya habang inaayos ang suot niyang Black Suit. Makikita ang pagka strikto sa kanyang mukha, animoy maliit na pagkakamali mo lang hindi ka na makikita sa harapan niya.

“Yes, boss, kanina pa sila naghihintay sa’yo kasama ang mommmy mo,” magalang na sagot ng assistant niya at sinara ang pintuan ng makalabas na siya.

Nasa kalagitnaan siya ng kanyang paglalakad patungong entrance building ng may naalala siya kaya siya tumigil sa paglalakad. Muntik pa, mabangga ang kanyang assistant sa kinatatayuan niya dahil hindi nito inaasahan ang biglang paghinto niya. Kinuha niya ang kwintas sa loob ng wallet at ipinakita ito sa assistant. Nagtaka naman itong nakatingin sa kanya.

“Take a picture,” utos niya, dahilan upang mapaawang ang labi nito habang nakatingin sa silver necklace.

“What? Are you just going to stand there?” Bakas ng iritasyon ang boses nito.

“Ahh..yes..yes boss.” natarantang kinuha ni Brando ang cellphone at kinuhanan ng picture ang silver necklace habang nakasabit ito sa daliri ng boss niya. “Anong gagawin ko sa picture na ito boss?” tanong niya habang nakatingin sa picture sa cellphone niya.

“I want you to find my woman.”

Sandaling natulala si Brando habang nakatingin sa likuran ng papalayo niyang boss. Paano niya hahanapin ang babaeng sinasabi nito sa pamamagitan lang ng kwintas?

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
nice story
goodnovel comment avatar
Jake D Tan
Ciara wagkang mag alala parating na ang Prinsipe mo.. Ang sama ng kinikilala mong Ina at Kapatid Ciara.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status