The Billionaire’s Hidden Twins

The Billionaire’s Hidden Twins

last updateÚltima atualização : 2026-05-28
Por:  QuinnAnnStoriesAtualizado agora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
Classificações insuficientes
5Capítulos
2visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

Matapos ang limang taon ng pagkawala, muling bumalik sa Pilipinas si Samantha Aracosta dala ang mabigat na lihim at pusong pilit kinalimutan ang lalaking minsang minahal niya nang sobra—si Lucien Reverio, ang ruthless billionaire na minsang winasak ng pagkawala niya. Isang gabing puno ng alak, ulan, at maling akala ang muling naglapit sa kanila. Hindi alam ni Samantha na ang lalaking inaya niya sa isang impulsive one-night stand ay ang ex-boyfriend niyang matagal niyang tinakasan. Ngunit para kay Lucien, hindi aksidente ang muling pagkikita nila—limang taon niya iyong hinintay. Habang pilit umiiwas si Samantha sa mapanganib na lalaking kayang sirain muli ang puso niya, mas lalo naman siyang hinihila ni Lucien pabalik sa mundo nito. Ngunit hindi alam ng billionaire na may mas malalim pang dahilan kung bakit siya iniwan noon… at ang pinakamalaking sikreto ni Samantha ay ang dalawang batang matagal nang hinahanap ng tadhana sa kanya. Sa pagitan ng galit, pagnanasa, at hindi pa rin nawawalang pagmamahal, kaya pa bang mabuo muli ang isang pusong minsang winasak? O tuluyan nang sisirain ng mga lihim ang ikalawang pagkakataong ibinigay sa kanila?

Ver mais

Capítulo 1

Chapter 1

“Sam? Ayos ka lang?”

Nag-aalalang lumapit si Hannah kay Samantha nang mapansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Kanina ay tahimik lang itong nagbabasa ng mga documents, pero ngayon ay tila biglang nanlamig at nawalan ng kulay ang mukha.

“Nag-aalala ka ba dahil kay President Reverio?” tanong muli ni Hannah habang inilalapag ang hawak nitong folder sa mesa. “Relax ka lang. Ako naman ang magsasalita mamaya. Basta samahan mo lang ako tapos basahin mo ‘yang mga files para kung may itanong siya, may maisagot ka.”

Piliting ngumiti si Samantha at bahagyang tumango.

Kinakabahan ba siya?

Oo.

Pero hindi dahil sa reputasyon ni Lucien Reverio bilang malamig at ruthless na businessman. Hindi siya natatakot sa talim ng dila nito o sa kayang gawin nitong pagpapatalsik ng empleyado sa isang iglap.

Ang totoong kinakatakutan niya ay baka mabasa nito ang nasa isip at puso niya.

Lucien had always been good at reading her. Kahit noon pa man, kahit pilitin niyang itago ang emosyon niya, parang isang tingin lang nito ay kaya na nitong hubarin lahat ng tinatago niya.

At iyon ang delikado.

Dahil hindi puwedeng malaman ni Lucien ang lahat.

Hindi puwedeng malaman nito kung bakit siya nawala noon.

Hindi puwedeng malaman nito ang mga lihim na pilit niyang ibinaon sa nakaraang limang taon.

Tumikhim si Samantha at muling ibinaba ang tingin sa mga documents para umiwas sa usapan.

Pero mukhang wala pang balak tumigil ni Hannah.

“May chika pala ako sa’yo,” bulong nito na parang excited. “Para hindi ka masyadong kabahan.”

Napatingin si Samantha rito.

“Alam mo bang may issue raw si Pres?” ngumisi si Hannah. “Sabi nila wala raw sex life ‘yon. Wala ring babaeng nali-link sa kanya.”

Halos mabitawan ni Samantha ang hawak niyang papel.

“What?”

Napatakip siya agad ng bibig nang mapagtantong halos mapalakas ang reaksyon niya.

Piliting pinigilan ni Samantha ang sariling tumawa pero hindi niya talaga kinaya. Pagkalabas ni Hannah ng office ay saka siya napahilig sa upuan habang mahina ngunit sunod-sunod ang tawa.

Walang sex life?

Si Lucien Reverio?

Imposible.

Kilalang-kilala niya ang lalaking iyon.

That man practically breathed lust and desire.

Hindi niya makalimutan ang nangyari kagabi. Kahit lasing siya noon, malinaw pa rin sa alaala niya ang paraan ng paghawak nito sa kanya, ang gaspang ng boses nito sa tenga niya, at kung paano siya nito halos baliwin buong gabi.

Walang practice?

Yeah right.

Kung sino man ang nagpakalat ng tsismis na iyon ay siguradong naloloko lang. O baka sadyang magaling lang magtago si Lucien.

Napabuntong-hininga si Samantha habang pinipilit alisin sa isip ang alaala ng gabing iyon. Ramdam pa rin niya ang init sa mukha niya sa tuwing naaalala kung gaano siya ka-out of control kagabi.

Hindi na dapat iyon maulit.

Kahit kailan.

Mabilis niyang inayos ang sarili bago muling tumayo. Wala na siyang atrasan. Nandito na siya at kailangan niyang harapin ang kahit anong mangyari.

***

Tahimik ang hallway sa executive floor ngunit ramdam na ramdam ni Hannah ang kaba habang papalapit sila sa opisina ni President Reverio.

Samantalang si Samantha ay tila kalmadong-kalmado lang sa tabi nito.

Hindi alam ni Hannah kung paano nagagawa iyon ng babae. Kahit siya na ilang taon nang nagtatrabaho sa kumpanya ay kinakabahan pa rin tuwing maririnig lang ang pangalan ni Lucien Reverio.

Huminto sila sa tapat ng malaking double door.

Agad silang sinalubong ni Assistant Jason.

“Miss Samantha. Director Hannah,” magalang nitong bati. “You may enter now. Hinihintay na kayo ni President.”

Hindi napansin ni Hannah na si Samantha ang unang tinawag ng assistant at hindi siya.

Pero napansin iyon ni Samantha.

At alam niyang sinadya iyon ni Jason.

Nagkatinginan silang dalawa sandali bago pareho umiwas ng tingin na parang walang alam.

Pagkapasok nila sa opisina ay agad bumungad ang malawak na glass walls at mamahaling interior ng buong silid. Malamig ang ambiance roon, pero mas malamig ang presensya ng lalaking nakaupo sa gitna ng opisina.

Lucien Reverio.

Nasa swivel chair ito habang may nilalarong ballpen sa kamay.

At sa isang iglap ay nanlamig ang buong katawan ni Samantha.

Kilala niya ang ballpen na iyon.

Siya mismo ang nagregalo noon kay Lucien.

Bahagyang kumunot ang noo niya.

May pinapahiwatig ba ito?

“Good day, President Reverio,” agad na bati ni Hannah. “I’m Hannah from Department One, and this is Samantha Aracosta, the new director of Department Two.”

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Lucien.

At diretsong kay Samantha agad tumama ang mga mata nito.

“Good day, President,” kalmadong bati rin ni Samantha.

Bahagyang tumigil si Lucien sa paglalaro ng ballpen. Tumingin ito sa kabilang side at tila pinipigilang ngumiti bago muling bumalik ang seryosong mukha nito.

Pero hindi nakaligtas kay Samantha ang maliit na reaksyon na iyon.

Habang si Hannah naman ay halos hindi makatingin nang diretso sa lalaki.

Nakakatakot kasi talaga ang aura ni Lucien Reverio.

Napakalamig ng mga mata nito at parang kayang durugin ang isang tao sa simpleng tingin lang. Pero sa kabila no’n, hindi maikakaila na sobrang gwapo talaga nito.

Matalim ang features nito. Malinis ang jawline, makapal ang kilay, at napakalalim ng mga mata na parang kayang humila ng tao palubog.

No wonder maraming babae ang nahuhumaling rito.

Pero ang nakakailang ay ang paraan ng pagtitig nito kay Samantha.

Parang wala silang ibang kasama sa loob ng opisina.

Hindi inaalis ni Lucien ang tingin sa kanya na tila bawat galaw niya ay pinag-aaralan nito.

At mas lalong naging obvious iyon nang tumayo ang lalaki at lumipat sa single sofa.

Ibinaba nito ang ballpen saka tinanggal ang necktie niya.

Dahan-dahan iyong nilaro sa kamay nito.

At doon tuluyang natuyo ang lalamunan ni Samantha.

Tie.

That damn tie.

Nanigas siya sa kinatatayuan nang makilala iyon.

Iyon ang necktie na ginamit niya noon para itali si Lucien sa kama bago niya ito iniwan limang taon na ang nakalipas.

Nanlamig ang buo niyang katawan.

He’s doing this on purpose.

Habang si Hannah naman ay tila unti-unti nang kumakalma dahil mukhang hindi naman siya pinapansin ng Presidente.

Sa halip, kay Samantha lang talaga nakatutok ang atensyon nito.

Hindi rin naman niya masisi ang lalaki.

Samantha looked breathtaking.

Napakalinis tingnan ng babae sa suot nitong beige dress at salamin. Mukha itong inosente at elegante, kabaliktaran ng dangerous na tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Lucien.

Napataas lang ng kilay si Lucien habang nakatingin sa suot nitong salamin.

She never needed glasses before.

Parang gusto tuloy niyang tanggalin iyon mismo gamit ang sarili niyang kamay.

Kumuyom si Samantha nang mapansing panay ang lingon ni Hannah sa kanila. Halatang napapansin na rin nito ang kakaibang atmosphere sa loob.

Masama niyang tinignan si Lucien na tila pinapatigil ito sa ginagawa.

Pero sa halip na tumigil ay napailing lang ang lalaki saka marahang natawa.

“What a snob,” bulong nito.

“P-po?” naguguluhang tanong ni Hannah. “I’m sorry, President Reverio?”

Doon lang tuluyang inalis ni Lucien ang tingin kay Samantha.

Marahan itong sumandal sa sofa bago malamig na tumingin kay Hannah.

“Director Hannah,” mababa nitong sabi, “I’m not satisfied with your new hire for Department Two.”

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Sem comentários
5 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status