thank you sa pag abang ng story. Sana makilala ko kayong lahat na maga nagbabasa nito hahaha.. thank you sa dagdag gems. god bless you all.
“Clarence!” bigla siyang napahinto sa paghabol kay Ciara ng marinig ang boses ng kanyang ina. Nilingon niya ito, nakita ang nagbabanta nitong mga tingin na nagpapahiwatig na hindi nito gustong habulin niya si Ciara. Tinapunan niya lang ito ng masamang tingin. Nagbabanta rin ang kanyang mga mata na hindi rin niya gusti ang ginawa ng mga ito kay Ciara. Nagpatuloy siya sa paghabol kay Ciara, ngunit nawala na sa paningin niya ang taxi na sinakyan nito. Pumasok siya sa kanyang kotse, hanggang ngayon naguguluhan pa rin siya sa mga sinabi ni Ciara kanina. Hindi niya alam na nakaranas pala ito ng pagkakulong 5 years ago. Ngunit paano nasangkot ang DelCas Group sa tangkang pagpatay kay Ciara? Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Brando.“Boss, wala pa akong magandang balita..”“Itigil mo na ang paghahanap niyan, may bago akong ipapagawa sa’yo,” agaw niya sa pagsasalita nito. “Nakikinig ka ba?” tanong niya ng maramdaman na hindi na nagsasalita si
Binalik niya sa dressing table ang picture frame ng marinig ang pag ring ng kanyang telepono. "Boss, nandito na po ako sa labas ng pintuan," saad ni Brando ng sagutin niya ang tawag.Mabilis siyang lumabas ng silid at binuksan ang pintuan. Kinuha niya ang isang maliit na supot ng plastic, galing sa pharmacy na pinagbilhan nito. "What is this?" tanong niya ng maliban sa plastic mayroon pang brown envelope na inabot si Brando sa kanya. "Files po iyan, tungkol sa personal background ni Ma'am Ciara, boss." Sagot ni Brando.Tinanggap niya iyon ngunit nagdududa ang kanyang mga mata na nakatingin sa personal assistant niya. "Bakit ang bilis? Sigurado ka bang tama ang lahat na mga impormasyon na nandito sa loob?" "Syempre naman boss. Madali lang mangalap ng impormasyon dahil alam namin kung sino ang hinahanap namin, kaysa naman naghahanap kami ng taong hindi namin alam kung sino dahil hindi naman namin nakita ang mukha." Sagot nito sa kanya."Mukhang may ipinapahiwatig ang mga salita mong i
"Ibig sabihin, totoong nakulong siya ng siyam na buwan?" Hindi makapaniwala ang mga mata ni Clarence habang nakatitig sa police record na hawak n'ya. Kapapasok lang ni Brando sa loob ng opisina niya mula sa paghatid ng pagkain kay Ciara."Yes boss, at ayon sa nakausap ko na pulis, buntis si Ciara ng mangyari ang sunog sa kulungan. Hindi nila nakita ang bangkay nito, ngunit natagpuan nila ang kulay puting bathrobe na lagi nitong suot simula ng araw na nakulong ito. Nakasabit ang nasabing bathrobe sa bintana ng banyo na pinaniniwalaang gagamitin sana nito upang makatakas sa sunog. Hanggang ngayon hindi nila alam na nakaligtas si Ma'am Ciara mula sa pagkasunog. Ang akala nila, patay na ito."Biglang pumasok sa isipan ni Clarence ang tungkol sa nawawala niyang bathrobe 5 years ago. "Nakita mo ba kung ano ang itsura ng bathrobe na sinasabi ng pulis?" Interesado siyang malaman ang tungkol sa bathrobe na sinasabing suot ni Ciara ng makulong ito.Kinuna ni Brando ang cellphone niya at binuksan
"Godmother, I need to go back, I forgot something." Kinalabit ni Zariah ang ninang niya ng makitang nakatulala pa rin ito habang nakatingin sa kanya. Ngayon pa lang natauhan si Mylah ng marinig ang sinabi ni Zariah. "Huh? Zariah, nandito na tayo, hindi naman mawawala 'yan doòn. Tatawagan ko na lang ang school mo na iligpit ang naiwan mo. Ano ba iyon?" tanong niya sa inaanak. Tinitigan ni Zariah ang ninang niya. Sinuri n'ya kung kaya ba niya itong pagkatiwalaan. Kailangan niya ng tulong ngayon."Godmother, can I trust you?" tanong niya habang hawak ang pisngi ng ninang niya."O..of course," sagot din ni Mylah, ngunit halata na nagtataka ito sa mga kinikilos ng inaanak niya.“Godmother, please, samahan n’yo muna ako, mayroon tayong pupuntahan.” pag-aaya ni Zariah at sinamahan pa ng pagmamakaawa ang ekspresyon ng kanyang mga mata.Walang nagawa si Mylah, kundi ang sundin na lamang ang kagustuhan nito, lalo pa’t nahalata niya na may gusto itong sabihin. Sinenyasan niya ang driver na sund
"Zammy, sigurado ka bang kwintas ko ang isa sa mga auctioned items rito?” tanong ni Ciara habang naglalakad sila papasok sa entrance ng Auctioned Center. Simpleng skinny Jeans at white T-shirt lang ang suot niya ngayon na pinatungan ng makapal na kulay puting sweater upang hindi siya pasukin ng lamig. Medyo masama pa ang pakiramdam niya, ngunit pinilit pa rin niya ang katawan upang mabawi ang kwintas niya na binigay ng kanyang lola. “Yes, Ma’am, sigurado po ako. Sa katunayan tinanong ko pa sa nag host ng event na ito kung anong klaseng kwintas ang kasama sa auction, at tugma sa kwintas mo ang description niya,” sagot ni Zammy. Inayos muna nito ang upuan para sa kanya, bago ito umupo sa tabi niya.“Thank you, Zammy. Alam mo na ang gagawin mo mamaya sa auction. Kahit anong mangyari, kailangan makuha natin ang kwintas,” wika niya rito. Maraming negosyante at socialites ang pumunta sa nasabing auction, mabuti na lang at nakakuha si Zammy ng VIP seat sa taas kaya medyo nakakahinga siya ng
“Ma’am, mawalang galang na po, sasakay po ba kayo?” Narinig niya ang tanong ng taxi driver. Akmang sasagot na siya ng inunahan siya ni Clarence. “We have a car; here’s the payment; you may go,” sabay hugot ng pera nito mula sa wallet at binigay sa driver. Sobrang tuwa nito ng makita ang libong pera na binigay ni Clarence. “Thank you, boss, good luck.” Nag salute pa ito bago umalis. Binalingan siya ni Clarence at sandaling tumama ang kanilang mga mata. Ngayon niya lang napansin na nakapulupot pa rin ang kamay nito sa baywang niya, tila wala itong balak na bitawan siya. “I'll take you home,” saad nito at hinawakan na ang kamay niya upang bumalik sa kotse. “About my daughter…” “Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa handa na ipakilala ako sa kanya.” agaw nito sa pgsasalita niya. Nilagyan muna siya nito ng seatbelt ng makitang nakaupo na siya sa tabing upuan ng driver seat. Kinagat niya ang ibabang labi, hindi alam kung ano ang isasagot. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala
Pinatulog muna niya ang anak sa tabi niya. Si Mylah, tama lang na nakaupo sa gilid ng kama habang nagmamasid sa ginagawa niya. “Hindi ka pa ba matutulog?” tanong niya rito.“Nasa mukha ko ba na inaantok?” mataray din nitong sagot. Ngunit alam niyang marami na naman itong itatanong sa kanya. Nang makitang tulog na ang anak habang nakayakap pa rin ito sa kanya, binalingan niyang ang kaibigan at tinanong. "Sino ang nagbigay sa 'yo nito?" kinuha niya ang invitation nilapag niya kanina sa bedside table."Hinatid lang ‘yan sa opisina ko kanina. Siguro alam ng taong ‘yan na kaibigan kita kaya sa akin niya idinaan." sagot ni Mylah. Wala itong ideya kung saan nanggaling ang sulat. Wala naman kasing nakalagay sa labas ng envelope kung kanino galing."Bakit kanino ba galing iyan?" Tanong nito ng mahalata ang nakasimangot niyang mukha.“Kay Daddy,” tipid niyang sagot. “Ano daw ang sabi?” interesado nitong tanong. “May hinanda raw siyang Welcome Party para sa akin, kaya gusto niya na umatend ak
Kinuha ng ni Donya Leticia ang telepono at tinawagan ang lahat ng mga Board of Directors, para sa gaganaping emergency meeting bukas.Si Clarence na kararating lang ng kanyang mansyon ay biglang napahinto sa kanyang pagbibihis ng tumawag ang kanyang sekretarya. Sinagot niya ito dahil hindi naman ito tumatawag kung hindi kailangan. Matagal na itong sa pagseserbisyo sa kanyang kumpanya kaya kabisado na nito ang mga ayaw at gusto niya. Si Melody ang kinuha niya bilang sekretarya dahil lahat ng mga sekretarya na unang dumaan sa kanya ay halos gusto ng maghubad sa kanyang harapan para lang maangkin niya. Ayaw naman niyang mangyari iyon dahil umiiwas siyang habulin ng mga ito at gamitin ang batang pinagbubuntis para lang makapasok sa buhay niya. “Melody,” wika niya ng sagutin na niya ang tawag. Narinig niya ang pag buntong hininga mula sa kabilang linya, tila hindi alam kung paano sasabihin sa kanya.“Sir, tumawag sa akin ang Mommy mo, kailangan ko raw ihanda ang Conference Room bukas dahil