Share

Book 1-203

Author: Batino
last update Last Updated: 2025-12-23 10:49:59

Tahimik pa rin ang opisina nang tuluyang magsalita ang doktor.

Huminga siya nang malalim, saka dahan-dahang umupo sa likod ng mesa. Inalis niya ang salamin at pinunasan ang mga mata, parang may iniisip na mas mabigat pa sa limang milyong nakasulat sa papeles sa harap niya.

“Mr. Villar…” mahinahon ngunit seryoso ang tinig niya. “Hindi ko po dapat ginagawa ito.”

Napahigpit ang kapit ni Drick sa sahig. Handa na siyang tanggapin ang pagtanggi.

“Pero…” dugtong ng doktor.

Napatingala si Drick.

“Hindi rin po kasi pangkaraniwan ang sitwasyon ninyo.”

Tumayo ang doktor at nilapitan siya. “May temporary quarters ang ospital para sa mga pasyenteng walang uuwian. Hindi iyon marangya—pero may bubong, may kama, at ligtas para sa mga bata.”

Nanlaki ang mga mata ni Drick. “Ibig sabihin po ba—”

“Opo,” tumango ang doktor. “Pwede muna kayong manatili. Ikaw, ang asawa mo, at ang kambal.”

Parang biglang nabunutan ng tinik ang dibdib ni Drick. Hindi niya napigilan ang pagluha. “Salamat p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-227

    “Ano na ang balita, Gerald? Nahanap mo na ba si Lyka?” mariing tanong ni Dark sa kabilang linya. Halata sa tono ng kanyang boses ang pagpipigil sa galit at pag-aalala. “Wala pa po, Sir Dark,” maingat na sagot ni Gerald. “Nahalughog na po namin ang paligid ng ospital, pati ang mga exit at CCTV, pero wala pa rin pong bakas. Parang bigla na lang siyang naglaho.” Tumahimik sandali si Dark, mariing kinuyom ang kamao. “Imposible,” malamig niyang sambit. “Hindi basta-basta mawawala si Lyka. May nangyari—sigurado ako.”Hanapin niyo siya! “Sir, magdadagdag pa po kami ng tao. Pati mga tauhan sa labas ng lungsod ay pinakikilos ko na rin,” dagdag ni Gerald. “Gawin niyo ang lahat,” biglang tumaas ang boses ni Dark. “Halughugin niyo ang bawat sulok. Tanungin niyo ang lahat ng pwedeng matanongan. Ayokong may makaligtaan kayo kahit isang detalye. Huwag kayong titigil hangga’t hindi niyo siya nahahanap!” “Opo, Sir,” sagot ni Gerald bago tuluyang naputol ang linya. Dinig na dinig ang utos

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-226

    Seryoso ka, ’yan talaga ang itatanong mo sa akin?! kung may dalaw ako?!Unang linggo ng buwan nag-means na ako, Drick. Katapusan na ng buwan ngayon. Kung may means ako, dapat kanina pa sumasakit ang puson ko!Pero… parang na-virgin talaga ako, Drick… may dugo—oh ,tignan mo ...oh my God!Hindi kaya *virgin pa talaga ako bago nangyari ’yon?!Takang-takang nagsasalubong ang kilay ni Lyka habang mabilis ang paghinga, hawak ang tiyan na para bang hinihintay nitong umangal.Si Drick naman, nanlaki ang mata, napaatras ng kalahating hakbang na parang binatukan ng invisible na tanong.Sabay pa silang napatingin sa kambal—na payapang natutulog, walang kaalam-alam sa existential crisis ng mga magulang nila.“Kung… kung gano’n?!” halos mabulol si Drick, nagkakamot ng ulo. “Ibig sabihin… hindi ko anak ang kambal na ’yan?! At… at maging ako man, hindi ko na rin alam?!”Napasapo si Lyka sa bibig niya, nangingilid ang luha pero halatang naguguluhan. “Drick, physics ba ’to o magic? Kasi kung magic, wa

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-225 POV: LYKA

    Niyakap ko si Drick nang mas mahigpit, halos mawalan ako ng hininga habang nagtatagpo ang aming mga labi. Parang huminto ang mundo—tanging tibok ng puso ko at ang init ng katawan niya ang naririnig at nararamdaman ko. Grabe… bakit ganito? Para akong lulutang at malulunod sa iisang sandali, sabay. Mag-asawa na kami, kaya bakit ganito pa rin ang tama? Bakit parang ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong kilig—yung tipong nanginginig ang tuhod ko at nanlalambot ang mga daliri ko? Bulong-bulong ko iyon sa isip habang dahan-dahang bumababa ang halik niya, mula sa labi ko pababa sa leeg, nag-iiwan ng init na gumuguhit sa balat ko. Napapikit ako, kusa akong napayakap sa kanya nang mas mahigpit, parang takot akong bumitaw at mawala ang sandaling ito. May hiya, may takot, pero mas nangingibabaw ang lambing—yung pakiramdam na pinipili ako, hinahawakan ako nang may pag-iingat at pagnanasa. Sa bawat haplos, mas lalo kong nararamdaman kung gaano kami kalapit, kung paanong sa gitna ng lahat,

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-224

    “Sandali—” hingal na hingal si Lyka habang mahigpit na yakap ang bag na naglalaman ng mga gamit ng kambal. Ang mga gamit na 'yon ay kasamang itinapon ng mga kasamahan nila sa trabaho, dahil kahit papaano naawa sila ng kaunti sa kambal. Nanginginig ang mga tuhod niya, ngunit pinilit niyang tumakbo nang marinig ang malakas na clang ng nagsasarang gate. “Lyka, huwag kang lilingon!” mariing utos ni Drick, mas hinigpitan ang pagkakakarga kina Clairox at Roxiel na muling umiyak, tila ramdam ang panganib. Tumunog ang alarma. Umiilaw ang pulang ilaw sa itaas ng gate. “Isa… dalawa… tatlo…” pabulong ngunit nanginginig ang tinig ni Lyka habang pilit niyang isinisiksik ang sarili sa papaliit na pagitan ng gate. Kumayod ang balat niya sa malamig na bakal, ngunit hindi niya inalintana ang sakit. Sa isang huling pilit—nakalusot siya. “Takbo!” sigaw ni Drick. Walang lingon-lingon, nagtakbuhan sila palayo sa QUMAN Hospital, hingal, pawis, at takot ang tanging baon. Humahabol ang tunog ng

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-223 Lyka Agustin

    “Ilang oras na ang lumipas… bakit wala pa ring balita sa mga tauhan natin, asawa ko?” Basag ang boses ni Roxane habang mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama. Pawis na pawis ang noo niya, at kahit pilit niyang magpakatatag, hindi maitago ang takot sa mga mata. Bawat segundo ay tila humahaba, bawat katahimikan ay parang nagbabadyang sakuna. Hinaplos ni Dark ang kanyang pisngi, pilit na ipinapasa ang lakas na siya mismo’y unti-unti nang nauubos. “Lalabas muna ako, mahal kong asawa. Titingnan ko ang lagay sa labas. Hahanapin ko mismo ang sagot,” mariing sabi niya, bakas ang determinasyon sa tinig. Tumayo siya at hinarap ang mga tauhan. Ang mga mata niya’y malamig, mabigat—iyong uri ng tingin na hindi maaaring suwayin. “Mga tauhan,” mariin niyang utos, “wag na wag ninyong iiwan ang Madam ninyo rito kahit sandali. Maliwanag ba?!” “YES, SIR!” sabay-sabay na sagot ng tatlong lalaki, tuwid ang tindig at handang ialay ang buhay kung kinakailangan. Naiwan sa silid si Roxane, ang m

  • ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO   Book 1-222

    “Saan ka pupunta, babae ka! Diba sinabi ko sa’yo na hindi ka pwedeng lumabas ng hospital?!” sigaw ng dalawang babae habang mariin nang hinawakan ang magkabilang braso ni Lyka. Walang paki kung nasasaktan siya, basta’t masunod ang utos. Napalingon si Lyka, nanlalabo ang mata sa gulat. “Ano bang problema niyo?! Bakit niyo ba ginagawa sa akin ito?!” singhal niya pabalik, sinusubukang bawiin ang sarili niyang lakas, pero tila mas malakas ang kapit ng dalawa kaysa sa boses niya. “Utos ito ni Aling Poring at ni Korason. Hindi namin sila pwedeng suwayin!” sagot ng isa, sabay kaladkad sa kanya papunta sa exit ng hospital. Hindi sa main door — kundi sa service exit, don sa likod, kung saan walang CCTV na umaabot, at ang mga nurse ay abala sa emergency ward. Habang hinihila siya, sumasabit ang paa niya sa sahig, ang tsinelas niya halos matanggal na. Ang ingay ng pagkaladkad, at ang sigaw ng protesta niya, pilit nilang tinatabunan sa pamamagitan ng pagmamadali. “Bitawan niyo ako! Ano ba,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status