Hindi niya pinansin ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata dahil sa pagkapahiya kanina, wala na siyang pakialam pa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at naramdaman na lamang niya ay mahigpit na paghawak ni Lucas sa mga balikat niya at marahan siya nitong itinulak palayo rito.“Annie ano ba!” galit na sabi nito. “Ilang beses ko bang uulitin sayo? Lumabas ka na.” malamig na saad nito habang nag-aapoy ang mga mata.Upang pagtakpan ang labis niyang pagkapahiya ay bigla siyang nagtaas noong tumingin rito. “Paano kung ayokong lumabas?” hamon niyang tanong rito.“Kung ibibigay mo sa akin ang sarili mo paano na ang lalaking sinasabi mong sampung taon mo ng mahal? Isa pa ay hindi ko na kayang lokohin pa si Trisha.” sabi nito sa kaniya.Parang espadang tumarak sa dibdib niya ang mga salitang binitawan nito sa kaniya. Habang nakatitig siya rito ay hindi niya alam kung paano niya ba sasabihin rito na ang lalaking matagal na niyang mahal ay walang iba kundi ito.‘Ikaw yun Lucas, ikaw.’ bulong ni
Eksaktong pagbukas ni Lucas ng pinto ay kakatok pa lamang sana si Kian, kaya sa halip na sa pinto sana ito kakatok ay sa noo tumama ang kamay niya. Napakagat-labi na lamang siya sa gulat nang makita niya ito. Isa pa ay bakas sa mukha nito ang galit at naisip niya na baka nahuli na siya ng dating. Napalunok siya.“Sir ano po kasi… medyo naharang ako ng Mommy ninyo sa baba at halos natagalan ako sa pagdadahilan sa kaniya. Isa pa ay talaga inusisa niya ako at hindi talaga siyang tumigil hanggang hindi niya nakuha sa akin ang gamot.” sabi niya rito at pagkatapos ay napayuko na lang. Hindi niya alam kung paano siya haharap rito ngayon dahil sa nangyari. “Ikukuha ko nalang po kayo ng tubig para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niyo.” sabi niya ngunit natigil siya nang tapunan siya ng nakakamatay na tingin ni Lucas.Nang mga oras na iyon ay halos manginig ang tuhod ni Kian sa takot.“Hayaan mo na, may magagawa pa ba tayo ngayon.” sabi nito at pagkatapos ay napabuntung-hininga.Samantal
Kinaumagahan pagkagising ni Annie ay alas-diyes na ng umaga. Tapos na ang kaarawan ng lolo ni Lucas at ngayon na ang napagkasunduan nilang araw upang sabihin sa rito ang paghihiwalay nilang dalawa. Ang una niyang hinanap kaagad ay ang kanyang cellphone at tiningnan kung may missed call ba doon galing kay Lucas ngunit wala kahit na isa.Agad siyang bumaba sa kanyang kama at nagdiretso sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay tinawagan niya kaagad si Lucas ngunit walang sumagot. Ganun pa man ay muli niya itong tinawagan, ngayong buo na ang loob niyang hiwalayan ito ay wala ng dahilan pa para maudlot iyon.Ayaw na niyang magmukhang kaawa-awa sa harap nito dahil lang sa hindi siya nito mahal. Hindi niya ipagsisiksikan ang sarili niya rito. Aalis siya pagkatapos na pagkatapos nilang maghiwalay at magsisimula ng panibagong buhay niya mag-isa kasama ang magiging anak niya at sinisiguro niyang kapag nakalayo siya sa piling nito ay baka may pag-asa pang makalimutan niya ito.Sapat na ang sampung t
Natigilan si Annie nang marinig ang sinabi ng matanda. Hindi niya akalaing alam pala nito ang tungkol sa pagbabalik ng bansa ni Trisha.“Lolo pasensiya na po, hindi ko po sinasadyang ilihim sa inyo.” sabi niya.Napabuntung-hininga naman ito. “Alam ko naman hija na ayaw mong mag-alala ako, pero ngayong bumalik siya ay wala ka man lang bang gustong gawin?” tanong nito sa kaniya.Gustong gawin? Napatanong siya bigla sa kanyang isip. Ano nga ba ang pwede niyang gawin? May magagawa pa ba siya? Sa totoo lang ay nang muling bumalik si Trisha sa bansa at binanggit sa kaniya ni Lucas ang tungkol sa divorce ay nawalan na siya ng paraan para manatili pa ang pagsasama nila.Sinubukan niya naman dahil ginawa niya ang lahat ngunit hindi iyon naging sapat. Isa pa ay si Lucas na mismo ang nagpasyang maghiwalay sila, natitiyak niya na wala ng paraan para mabago ang isip nito dahil buo na ang desisyon nito. Wala ng ibang paraan kundi ang magpaubaya na lamang.Inangat niya ang kanyang ulo upang tumingin
Kinaumagahan ay inimpake na ni Annie ang kanyang mga gamit at nagpaalam sa kanyang biyenan at sa kanilang lolo na gusto na niyang umuwi sa bahay nila ni Lucas. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ng matanda nang magpaalam siya at sa totoo lang ay halos nalungkot din siya.Ngunit alam niya na ang relasyon nila ni Lucas ay tuluyan nang nanlalamig. Nagawa niyang magpanggap na okay lang sila nitong mga nakaraang araw pero habang dumadaan ang araw ay hindi na niya kayang itago pa sa mga ito.Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang sumakay sa kotse habang ipinagmamaneho siya ng isang driver ng pamilya. Pagdating niya sa sentro ng siyudad ay kaagad niyang sinabi sa driver na ibaba na lamang siya doon.Agad naman na nag-alinlangan ang driver. “Pero ma’am ang sabi ni Sir ay ihatid ko kayo hanggang sa bahay ninyo.” sabi nito.Agad niya rin naman sinagot ito. “Susunduin ako rito ng driver namin huwag kang mag-alala.” sabi niya rito at pagkasabi nun ay bumaba na sa kotse si Annie. Sa malapi
Hindi maiwasan ni Annie na tumingin sa kanilang dinadaan, ang mga estudyanteng naglalakad, ang mga naglalako sa tabi ng daan at may mangilan-ngilang mga tao na naglalakad sa gilid mismo ng daan. Maging ang mga nakamotor ay hindi rin napalampas ng kanyang paningin.Habang pinapanuod ang mga ito ay hindi niya maiwasang isipin ang magiging buhay niya pagkatapos niyang umalis sa puder ni Lucas. Siguro ay magiging ganun din ang buhay niya sa mga ito, siguro nga ay iyon talaga ang buhay na nababagay sa kaniya.Kung hindi lang naman talaga dahil iniligtas ng kanyang ina ang Daddy at lolo ni Lucas ay tiyak na wala talaga siya ngayon sa pamilya Montenegro, baka kung sakali ay hindi siya nakasal kay Lucas. Siguro pagkatapos niyang makapagtapos ay magiging isa lang siyang ordinaryong mamamayan at hahanap ng trabaho at pag nakanap naman ay araw-araw siyang maghihintay ng sasakyan papunta sa kanyang trabaho at pauwi.Ngunit kung hindi nangyari iyon ay hindi sana niya nakilala si Lucas, hindi sigur
Napasigaw ang lalaking hawak-hawak ni Greg nang mas hilahin niya pa lalo ang mga kamay nito. “Nasaan ang ninakaw mong hikaw?” malamig na tanong niya rito.“Wala akong alam sa sinasabi mo! Bitiwan mo ako!” pagmamatigas ng lalaki sa kaniya.Mas hinila niya pa ang kamay nito at narinig niya ang pagda*ng nito dahil sa sakit. “Ilabas mo na dahil ayoko ng paulit-ulit. Huwag mong hinataying baliin ko pa itong kamay mo bago mo pa ilabas ang ninakaw mo.” sabi niya rito at sinamaan ito ng tingin.“Ibibigay ko na. Ibibigay ko na…” sumusukong sabi nito. Pagkatapos niyang marinig ito ay bahagya niyang niluwagan ng kaunti ang pagkakahawak sa kamay nito hanggang sa tuluyan niyang binitawan ang isang kamay nito ngunit nakadagan pa rin siya sa likuran nito.Ilang sandali pa ay inabot na sa kaniya nito ang isang hikaw. Nang mailagay nito sa kanyang kamay ang hikaw ay sinenyasan niya ang isa sa mga kasamahan niya na posasan na ang lalaki at pagkatapos ay tumayo na siya. Akmang ibibigay na sana niya ang
Nanlaki ang mga mata ni Annie nang marinig niya ang sinabi nito. “What?” salubong ang kilay niyang tanong rito dahil baka mali lang siya ng narinig.Ngunit bago pa man siya makapagtanong ulit ay mabilis siya nitong hinila palapit sa kotse at pagkatapos ay sapilitang pinasakay doon. Pagkasakay niya ay hindi pa rin siya makapagsalita dahil naguguluhan pa rin siya hanggang sa mga oras na iyon.Ilang sandali pa ay nakita niya mula sa rearview mirror ng sasakyan na sinulyapan siya ng driver ng kotse at pagkatapos ay ngumiti. Nilingon niya ang sumakay sa tabi nito. “Boss parang ang dami mong dapat ikwento sa akin ah. Ito na ba ang magiging hipag ko?” tukso nito sa katabi nito.“Magmaneho ka na nga lang. Masyado kang maraming sinasabi.” inis naman na sagot nito rito.Mas lalo lamang lumawak ang pagkakangiti nito at pagkatapos ay muli siyang sinulyapan bago nito pinaandar ang kotse.Ilang sandali pa nga ay tuluyan na siyang nakabawi mula sa pagkakagulat niya at pagkatapos ay nilingon ang lal