Share

Chapter 29.2

Hindi niya pinansin ang mga luhang namuo sa kanyang mga mata dahil sa pagkapahiya kanina, wala na siyang pakialam pa. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at naramdaman na lamang niya ay mahigpit na paghawak ni Lucas sa mga balikat niya at marahan siya nitong itinulak palayo rito.

“Annie ano ba!” galit na sabi nito. “Ilang beses ko bang uulitin sayo? Lumabas ka na.” malamig na saad nito habang nag-aapoy ang mga mata.

Upang pagtakpan ang labis niyang pagkapahiya ay bigla siyang nagtaas noong tumingin rito. “Paano kung ayokong lumabas?” hamon niyang tanong rito.

“Kung ibibigay mo sa akin ang sarili mo paano na ang lalaking sinasabi mong sampung taon mo ng mahal? Isa pa ay hindi ko na kayang lokohin pa si Trisha.” sabi nito sa kaniya.

Parang espadang tumarak sa dibdib niya ang mga salitang binitawan nito sa kaniya. Habang nakatitig siya rito ay hindi niya alam kung paano niya ba sasabihin rito na ang lalaking matagal na niyang mahal ay walang iba kundi ito.

‘Ikaw yun Lucas, ikaw.’ bulong ni
MikasaAckerman

pa-leave naman po ng review salamat po! ^_^

| 1
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (4)
goodnovel comment avatar
MikasaAckerman
salamat po:)
goodnovel comment avatar
MikasaAckerman
salamat po:)
goodnovel comment avatar
RIZZANE HERRERA
ganda ng kukwento ..keep it up author...pangwla ng stress tong pagbabasa ko sa story mo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status