Share

CHAPTER 10

Ang sarap ng gising ni Yolly. Nakatulog kasi siya nang maayos kaya wala na ang masakit sa kanyang ulo. Wala na ang hangover niya. Idagdag pa na Sabado ngayon, ibig sabihin ay wala siyang pasok. Pero hindi pa siya bumangon. Mas niyakap pa nga niya ang kanyang bolster pillow. Mas pinili niyang munang namnamin ang ganda ng umaga.

Ngingiti-ngiti siyang kukurap-kurap. Sana ang buhay ay laging ganito. Napaka-peaceful. Walang iniisip na problema, mapabahay man o mapa-school.

"'Nak, bumangon ka na r’yan. Mag-almusal ka na nang ako'y maglilinis na rito sa kuwarto mo."

Tapos ay may nanay pa siyang sobrang bait at sipag. Saan pa siya?

"Mamaya na, 'Nay. Wala namang pasok, eh," nakangiti pero nakapikit niyang sagot.

"Ay, bahala ka nga r'yan kung maalikabukan ka."

Hindi na siya nagkomento. Dumapa siya nang higa. This is her life on Saturdays. Thank God it's Saturday.

"Ano ba 'tong mga papel dito? Itatapon na ba ang mga ito?"

Hindi na niya talaga pinansin ang nanay niya. Ganito naman talaga ang nana
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status