Share

CHAPTER 9

"Parang gusto ko pang matulog." Naghikab at nag-inat ng kamay niya si Yolly.

"Wow, ikaw na ang bida. Sinabayan mo na ngang matulog si Andy sa klase tapos sasabihin mo pang gusto mo pang matulog? Tindi mo, ah. Kakahiya ka na talaga." Kulang na lang ay batukan na naman siya ni Cristine.

"Hindi ko naman sinasadya na makatulog ako. Pero bakit kasi hindi niyo ako ginising? Lalo na ikaw?" Sumimangot siya at napangalumbaba ng dalawang kamay.

Naroon sila sa canteen ng pinsan para kumain ng tanghalian at kanina ay nagulat na lang siya nang gisingin siya nito dahil tapos na ang subject nila.

"Nakakahiya naman kasi sa inyo ni Andy, ano? Baka puyat kayo," pasarkastikong sabi ni Cristine.

Napalabi lang siya sa pinsan.

"Pero bakit ba kasi parang antok na antok kayong dalawa, ah? Umamin ka nga sa 'kin. Anong ginawa niyo?"

Umaliwalas ang mukha niya. Naalala niya ang masaya nilang inuman ni Andy kagabi. Ngunit gustuhin man niyang ikuwento kay Cristine iyon, ay huwag na lang. Wala siyang tiwala sa pin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status