LOGINSi Dahlia Villaruz ay isang babaeng pinagkaitan ng pagmamahal. Bilang anak sa labas, tinuring siyang basura sa sariling tahanan, habang ang kanyang half-sister na si Camille ay tinatamasa ang lahat ng luho. Pinagkasundo siya sa isang lalaking hindi naman siya minahal. At nang mamatay siya sa kamay ng kanyang sariling kapatid, akala niya'y katapusan na. Pero nagising siya—limang taon sa nakaraan, sa araw ng kanyang engagement. At hindi lang pala siya ang binigyan ng pangalawang pagkakataon. Ngayon, may plano na si Dahlia. Hindi na niya papayagang magamit siya muli. Upang makatakas sa pamilyang gumamit sa kanya, lalapitan niya ang lalaking pinakakinatatakutan ng lahat—si Caspian Alcantara, ang bilyonaryong ama ng kaniyang ex-fiancé. At sa lalaking ito, matatagpuan niya ang isang bagay na hindi niya inaasahan—ang proteksyon at pagmamahal na matagal niyang hinahanap.
View MoreDahlia’s POV
Malamig ang tubig, pero mas malamig ang kamay na nakasabunot sa anit ko. Pilit kong inaangat ang ulo ko mula sa ilalim ng eight-foot pool, pero ibinabaon ako ni Camille nang buong lakas. Sumisigaw ang baga ko sa hapdi. Sa tuwing ibubuka ko ang bibig ko para suminghap ng hangin, puro chlorinated water ang pumapasok sa lalamunan ko, nanunuot hanggang sa ilong ko. Kinakalmot ko ang braso niya, pilit na kumakawala, pero nasa ibabaw siya ng tubig at may buwelo. Bawat sipa ko ay parang bumabangga sa pader. Unti-unti nang bumibigat ang mga braso ko, namamanhid sa lamig at pagod. Ang paningin ko sa ilalim ng asul na tubig ay nagsisimula nang lumabo, napapalitan ng maliliit na itim na tuldok sa gilid ng mata ko. Bigla niyang hinila pataas ang buhok ko hanggang sa lumitaw ang mukha ko sa ibabaw ng tubig. Napasinghap ako, umuubo nang malakas at halos masuka sa tubig na nalunok ko. "Camille..." garalgal kong sambit, nanginginig ang labi sa lamig at sakit. "Bakit... sabi mo mag-uusap lang tayo..." Ngumiti siya nang matamis—'yung parehong inosenteng ngiti na ginagamit niya kapag kaharap si Papa at ang mga bisita. "Mag-uusap nga tayo, Ate. Gusto ko lang sabihin sa'yo na tapos na ang pagpapanggap mo. Sa loob ng limang taon, inangkin mo ang pangalan, ang yaman, at ang lalaking dapat ay sa akin." "Anak ako ni Papa—" "Anak ka sa labas!" singhal niya, biglang naglaho ang matamis niyang ngiti. "Anak ka lang ng dating katulong sa bahay na 'to! At ngayon na gusto mong makipaghiwalay kay Dorian para sirain ang reputasyon namin, sa tingin mo ba hahayaan kita? Mas mabuti pang mawala ka na lang nang tuluyan." Bago pa ako makasigaw, ibinaon niya ulit ang ulo ko sa ilalim ng tubig. Lumaban ako. Pinilit kong isipa ang mga paa ko, pinilit kong abutin ang gilid ng pool, pero unti-unti nang nauubos ang hangin sa dibdib ko. Sa ilalim ng tubig, kitang-kita ko si Camille na nakatayo lang sa gilid ng pool, pinapanood ang paghihirap ko nang walang kahit katiting na awa sa mukha. Hindi siya tumawag ng tulong. Hindi niya inilahad ang kamay niya. Hinintay niya lang na maubusan ako ng buhay. Sa edad na dalawampu't pito, namatay akong mag-isa sa malamig na tubig na iyon—pinagtaksilan ng asawang minahal ko at pinatay ng sarili kong kapatid. Napaigtad ako at malakas na napaubo. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko na parang sasabog. Habol-habol ko ang hininga ko na parang ilang oras akong nakakulong sa ilalim ng dagat. Napahawak ako sa ulo ko, ramdam ko pa rin ang hapdi ng sabunot ni Camille sa anit ko. Teka... Tuyo ang buhok ko. Tuyo ang simpleng cotton dress na suot ko. Walang tubig na tumutulo sa balat ko, at hindi naninikip ang baga ko. Inilibot ko ang paningin ko. Nakahiga ako sa mainit na semento sa gilid ng kaparehong swimming pool sa mansion ni Papa. Kulay kahel na ang langit—palubog na ang araw. Tahimik ang buong paligid. Walang Camille. Walang bumubulang tubig. Biglang nag-ring ang cellphone ko sa tabi ko. Nanginginig ang kamay ko nang damputin ko iyon. Lumiwanag ang screen, at bumungad sa akin ang petsa. March 8, 2022 | 5:30 PM Napatulala ako. Limang taon sa nakaraan. Dalawampu't dalawang taong gulang pa lang ako—ang mismong araw kung kailan unang ia-announce ni Papa na ako ang ipapalit kay Camille bilang bride sa arranged marriage sa pamilya Alcantara. Hindi ako nananaginip. Naaalala ko ang lahat. Ang limang taon ng impiyerno sa kasal namin ni Dorian. Ang lihim nilang relasyon ni Camille na matagal nang nagsimula bago pa kami ikasal. Ang pangmamaliit nila nang mahuli ko sila—tinawanan lang nila ako at tinawag na pathetic na asawang hindi kayang panatilihing interesado ang sariling mister. At higit sa lahat, naaalala ko kung paano nila ako pinatay. Biglang nag-ring ulit ang cellphone ko, pinutol ang pag-iisip ko. Pangalan ni Papa ang nasa screen. Huminga ako nang malalim, tinanggal ang nginig sa kamay ko, at sinagot ito. "Nasaan ka na?" bungad ni Ferdinand Villaruz, malamig at walang pakialam. "Pumunta ka na rito sa loob ng mansion. Naghahanda na ang lahat para sa isang importanteng dinner mamaya. Huwag kang magpahuli at nakakahiya." "Opo, Papa. Papunta na ako," sagot ko nang kalmado. Ibinaba niya agad ang tawag. Tumayo ako at tiningnan ang tahimik na tubig ng pool sa huling pagkakataon. Sa unang buhay ko, pumayag akong magpakasal kay Dorian dahil totoong gusto ko siya, at umasa akong sa pagiging asawa niya ay magkakaroon na ako ng sariling pamilyang tatanggap sa akin. Ngayon? Alam ko na kung anong klaseng mga demonyo ang kaharap ko. At sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang lahat. Pagpasok ko sa loob ng mansion, abala na ang mga katulong sa pag-aayos ng dining hall. Tahimik akong umakyat sa hagdan papunta sa kwarto ko, pero pagdaan ko sa tapat ng kwarto ni Camille, narinig ko ang mataas niyang boses mula sa bahagyang nakabukas na p***o. "Ayoko nga, Mama! Bakit ako ipapakasal nang ganito kaaga? Nineteen pa lang ako!" reklamo ni Camille. "Gusto ko pang mag-enjoy! Bakit hindi na lang si Ate Dahlia ang ibigay ninyo sa pamilya Alcantara?" "Huminahon ka, Camille. Hindi kita ipapakasal nang maaga," sagot ni Rosario, ang stepmother ko. "Nakausap ko na ang Papa mo. Hindi pwedeng makansela ang kasunduan dahil kailangan natin ang koneksyon ng mga Alcantara. Kaya ang anak sa labas ng Papa mo ang ipapalit natin. Total, matanda na rin naman si Dahlia at wala namang ibang pakinabang sa bahay na 'to." "Pero Mama, paano kung—" "Huwag kang mag-alala. Kahit siya ang ikasal, alam naman natin kung sino talaga ang gusto ni Dorian," malutong na tawa ni Rosario. "Mag-ayos ka na para sa dinner mamaya." Napakapit ako sa malamig na pader ng pasilyo. Eksakto. Walang pinagbago. Gaya ng dati, ako na naman ang ihahain nila bilang kapalit. Hindi ako nakipagtalo. Pumasok lang ako sa kwarto ko at isinara ang p***o. Habang nakatingin ako sa salamin, biglang pumasok sa isip ko ang isang lihim na aksidente kong natuklasan sa nakaraang buhay ko—ilang buwan pagkatapos ng kasal namin ni Dorian. Naalala ko noon sa mansion ng mga Alcantara. Naglalakad ako sa hallway nang marinig ko ang galit na pagtatalo ni Dorian at ng nanay niyang si Doña Valeria sa loob ng study room. Inamin doon ni Valeria na hindi tunay na anak ni Caspian Alcantara si Dorian. Itinago niya ang katotohanan sa loob ng mahabang panahon, at walang kaalam-alam ang ama ni Caspian na si Don Gregorio na hindi niya tunay na apo si Dorian. Noon, itinikom ko ang bibig ko dahil inisip kong walang kinalaman iyon sa pagsasama namin ni Dorian. Pero ngayon? Ang sikretong iyon ang magiging daan ko palabas sa impyernong ito. Bago pa matapos ang paghahanda para sa dinner, nagpalit ako ng itim na cocktail dress, naglagay ng pulang lipstick, at tahimik na lumabas ng mansion. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Eclipse Club—ang eksklusibong private club sa Makati kung saan madalas magpalipas ng gabi si Caspian Alcantara. Hindi kami kailanman naging malapit noon, pero tandang-tanda ko ang mukha niya at ang bigat ng presensya niya—isang makapangyarihang bilyonaryo na walang sinuman sa pamilya nila ang naglalakas-loob na suwayin. Madilim at puno ng mamahaling tugtog ang loob ng VIP lounge ng Eclipse Club. Nakita ko agad siya sa dulo ng bar, nakaupo nang mag-isa, hawak ang isang baso ng whiskey. Suot niya ang tailored black suit na lalong nagpalabas sa matikas niyang pangangatawan at matalim na panga. Huminga ako nang malalim, nagsuot ng mapang-akit na ngiti, at lumakad palapit sa kanya. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi niya—sapat ang lapit para maamoy ko ang pinaghalong cedarwood at mamahaling pabango niya. "Good evening," malambing kong bati, sabay dampi ng mga daliri ko sa braso niya. Ramdam ko ang tigas ng kalamnan niya sa ilalim ng tela ng suit. Lumapit ako nang kaunti para maging malinaw ang intensyon ko—nagpapanggap bilang isang babaeng interesado sa isang gwapo at mas matandang bilyonaryo. Hindi siya umimik. Hinayaan niya lang akong maglaro sandali habang nakatingin siya sa baso niya. Pero nang akmang babawiin ko na ang kamay ko, mabilis niyang nahablot ang pulso ko. "Kilala kita, Dahlia Villaruz," malamig niyang bulong, nakatitig nang diretso sa mga mata ko. "At alam ko rin kung anong laro ang ginagawa mo rito." Natigilan ako. Paano? Ang akala ko ay halos hindi niya ako kilala, lalo na't isang linggo pa lang ang nakalipas nang gawing opisyal ang pagkakasundo sa amin ng anak niya. Pero hindi na ako pwedeng umatras ngayon. Itinaas ko ang baba ko at sinalubong ang matalim niyang tingin. "Hindi ko pwedeng pakasalan ang anak mo," seryoso kong sabi. "Dahil alam kong mamamatay ako sa mga kamay niya." Nagtaas ng kilay si Caspian, biglang nagkaroon ng aliw sa malamig niyang mga mata. "Interesting. Paano nakakasiguro ang isang babaeng halos hindi ko kilala kung ano ang gagawin ng anak ko sa hinaharap?" Hindi ko pinansin ang pang-uuyam sa boses niya. Lumapit ako nang bahagya at ibinaba ang boses ko. "Alam kong hindi mo tunay na anak si Dorian," bulong ko. "At alam ko ring matagal ka nang naghihinala, pero wala kang hawak na ebidensya. Habang nananatili siyang nag-iisang apo na kinikilala ng tatay mo, wala kang magagawa." Biglang naglaho ang aliw sa mukha ni Caspian. Nagdilim ang mga mata niya at umigting ang panga niya. "Saan mo nakuha ang impormasyong 'yan?" malamig niyang tanong, puno ng pagbabanta ang boses. "Narinig ko mismo ang pribadong pag-uusap ng ex-wife mo at ng anak mo," pag-amin ko nang diretso. "Wala akong ebidensya para patunayan ang narinig ko. Pero kaya kitang tulungan." Tinitigan niya ako nang matagal, sinusuri ang bawat galaw ko. "And what do you want in exchange?" "Isang deal," sagot ko. "Tutulungan kitang makuha ang patunay tungkol sa tunay na pagkatao ni Dorian. Kapalit no'n, ibibigay mo sa akin ang kailangan ko." Natawa siya nang mahina, puno ng pagdududa. "Paano naman makakatulong ang isang babaeng walang koneksyon para ibunyag ang isang sikretong hindi kayang patunayan ng sarili kong mga imbestigador?" Tumayo ako nang bahagya at tumingkayad para maabot ang tenga niya. Ramdam ko ang init ng balat niya nang bumulong ako. "Alam ko kung paano lumapit sa mga taong minamaliit ako," bulong ko nang may kumpiyansa. "At magaling akong magsalita para kusang lumabas sa bibig nila ang mga bagay na hindi nila dapat sinasabi." Bago pa ako makahakbang palayo, mabilis niyang nahuli ang bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. Nakapako ang mga mata niya sa mga mata ko, sobrang lapit ng mukha namin. "You're either very brave or very foolish to approach me with a deal like this," mababa niyang sabi, ramdam ang init ng hininga niya sa pisngi ko. Ngumiti ako nang matamis, hindi nagpapatalo sa nakakatakot niyang aura. "Siguro, kailangan mo ng babaeng kayang maging pareho." Natahimik siya sandali, halatang na-intriga sa tapang ko. Dahan-dahan niyang binitawan ang bewang ko at sumandal sa upuan. "Alright. Tell me your proposal. Ano ba ang gusto mo?" Tiningnan ko siya nang diretso sa mata, walang bahid ng pag-aalinlangan. "Gusto kong ikaw ang pakasalan ko. Hindi ang anak mo."Nakatayo pa rin kami sa dining area matapos umalis si Camille. Ang puting sobre at ang papel na may markang “You're next” ay nanatiling nakapatong sa mesa. Ang bango ng kape ay natabunan na ng mabigat at malansang amoy ng dugo."Security," utos ni Caspian habang nakadikit ang cellphone sa tenga niya. Kalmado pero bakas ang malamig na galit sa boses niya. "I want the CCTV footage from the main gate for the last thirty minutes. Alamin niyo kung paano nakalapit si Camille at kung may kasama siyang nag-abot niyan. Ipatawag mo rin ang private investigator ko. Ngayon na."Ibinaba niya ang tawag at muling lumingon sa akin. Ramdam ko ang mariing pag-aalala sa mga mata niya."Hindi na nag-iisa si Camille," sabi niya, habang pinagpapatuloy ang pagtitig sa papel. "Alam kong galing sa kanya ang banta, pero paano siya nakakuha ng ganitong klaseng ebidensya ng pananakot? May tumutulong sa kanila mula sa loob."Tumango ako. "Si Doña Valeria. O kaya naman ay si Dorian. Pwedeng may kinausap silang tao
Ramdam ko ang malamig na tubig na bumabalot sa buong katawan ko, ang mahigpit at masakit na sabunot ni Camille sa ulo ko, at ang kawalan ng hangin sa aking baga habang pilit akong ibinabaon sa ilalim ng pool.Hindi!Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga, habol-habol ang hininga at nanginginig ang buong katawan. Napahawak ako sa dibdib ko, dinadama ang mabilis na pag-alon ng tibok ng puso ko.Panaginip lang. Isang masamang panaginip tungkol sa nakaraan.Unti-unting lumabas ang liwanag ng araw mula sa siwang ng makakapal na kurtina sa tabi ng kama. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto. Cream ang kulay ng mga dingding, malambot ang duvet na bumabalot sa akin, at may banayad na amoy ng lavender at sariwang bulaklak sa buong silid. Sobrang payapa. Mas malayo at mas ligtas ito kumpara sa malamig na kwarto ko sa bahay nina Papa.Napadako ang tingin ko sa eleganteng bedside table. May nakapatong na bagong set ng damit—isang simpleng white silk blouse at beige trousers—at isang maliit na
Tahimik sa loob ng luxury car ni Caspian. Tanging ang mahinang patak ng ulan sa bubong ng sasakyan at ang mababang dagundong ng makina ang maririnig sa pagitan naming dalawa.Nakaupo ako sa kabilang dulo ng maluwag na backseat, nakasandal sa malamig na leather seat, habang si Caspian ay tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Mula nang makalabas kami sa malaking gate ng Villaruz mansion at isara ng driver ang pinto ng kotse, wala ni isa sa amin ang nagsalita.Ramdam ko ang bigat ng hangin sa loob ng sasakyan—'yung tipong pareho kaming nagpapakiramdaman kung sino ang unang babasag sa katahimikan. Pinagmasdan ko ang repleksyon niya sa madilim na salamin ng bintana. Seryoso ang mukha niya, nakakunot nang bahagya ang noo, at ang isang kamay ay nakapatong sa kanyang tuhod. Nakakapanibago ang presensya niya—hindi katulad ni Dorian na laging mayabang at maingay kapag may kausap, ang katahimikan ni Caspian ay may bigat at awtoridad na kusang nagpapatahimik sa paligid niya."That was quite
Kinabukasan ng gabi, bumalik ako sa mansion ni Papa.Pagpasok ko pa lang sa dining hall, nadatnan ko na ang buong pamilya na naghahapunan kasama si Dorian. At gaya ng inaasahan, sobrang sigla ni Camille. Halos nakadikit na ang upuan niya kay Dorian, at sa bawat pagkakataon ay humahanap siya ng dahilan para hawakan ang braso nito habang tumatawa nang mahina.Kilalang-kilala ko na ang galawang iyan. Sa nakaraang buhay ko, inakala kong simpleng pagiging palakaibigan lang ang pagiging malapit nila. Hindi ko man lang naisip na sa likod ng mga ngiting iyon, matagal na pala silang nagtatalik nang patago."Mabuti at dumating ka na, Dahlia," bungad ni Rosario habang hinihiwa ang steak sa plato niya. "Halos tapos na ang mga paghahanda para sa kasal. Umayos ka at huwag kang gagawa ng ikahihiya namin. Malaking oportunidad ito para sa pamilya natin.""Oo nga, Ate," dagdag ni Camille, nakangiti nang matamis pero puno ng pasaring ang tono. "Ang swerte mo talaga. Kahit ganyan ang pinanggalingan mo, m


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.