MasukHindi ako nakatulog nang gabing iyon. Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang note na natanggap namin. Si Rafael na ang target. Napahawak ako sa kumot. Sino ang taong nagpapadala ng mga litrato? Bakit alam niya ang tungkol sa amin? At higit sa lahat— Bakit parang alam din niya ang tungkol sa akin? May sikreto akong matagal nang itinago kay Rafael. Pero hindi ko inakala na may ibang taong nakakaalam nito. Napapikit ako. Sa unang pagkakataon mula nang pumunta ako sa mansion, hindi ko alam kung ligtas ba talaga ako roon. Kinabukasan, maaga akong bumaba. Tahimik ang dining room. Walang Theo. Walang mga katulong. Tanging si Rafael ang naroon. Nasa harapan niya ang litrato na ipinadala sa amin. Tahimik siyang nakatitig dito habang hawak ang isang tasa ng kape. Halatang hindi siya nakatulog nang maayos. Lumapit ako. “Rafael.” Agad siyang tumingin sa akin. Ibinaba niya ang tasa. “Umupo ka.” Umupo ako sa tapat niya. Ipinatong niya ang litrato sa mesa. Ilang segundo siyang tahimik. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “May kailangan akong malaman.” Bahagya akong napalunok. “Ano?” “Bakit ka talaga pumunta rito?” Nanatili akong tahimik. Alam kong darating ang tanong na iyon. Pero iba pa rin kapag narinig ko na mismo mula sa kanya. Huminga ako nang malalim. “Dahil kilala na kita.” Hindi siya gumalaw. “From where?” “Years ago.” Bahagya siyang napakunot-noo. “Tell me.” Napatingin ako sa bintana. Sa labas, mahina ang sikat ng araw. Pero sa isip ko, bumalik ako sa isang araw na matagal ko nang pilit kinakalimutan. “Labing-walong taon ako noon.” Tahimik siyang nakikinig. “Nasa isang event ang nanay ko. May trabaho siya roon. Hindi ako pinayagang pumasok kaya naghihintay ako sa labas.” Bahagya akong napangiti nang mapait. “Hindi ko siya makita.” Napababa ako ng tingin. “Umuulan noon.” Malakas. Malamig. Mag-isa ako sa isang istasyon. Basang-basa ang sapatos ko at nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong naghihintay. Hanggang sa may isang binatang lumapit. “May lalaking lumapit sa akin.” Napatingin ako kay Rafael. “Hindi ko alam kung sino siya noon.” Tahimik pa rin siya. “Pero tinulungan niya ako.” Biglang nagbago ang expression niya. Parang may kung anong pumasok sa isip niya. “Lena…” “Ikaw ’yon.” Dahan-dahan siyang tumayo. “Wait.” Humawak siya sa gilid ng mesa. “Yung babae sa station?” Tumango ako. “Oo.” Napapikit siya. Matagal. Parang may isang matagal nang nakatagong memorya na pilit bumabalik. “Hindi maaari…” Mahina ang boses niya. Napatingin ako sa kanya. “Ano?” Umiling siya. “Nothing.” Tumayo rin ako. “Hindi ko sinabi sa’yo dahil ayokong isipin mong may dahilan ako para pumunta rito.” Lumapit siya sa akin. Diretso ang tingin niya sa akin. “Pero bakit hindi mo sinabi noong first day?” Napangiti ako nang kaunti. “Dahil first day ko pa lang.” Napataas ang kilay niya. “And?” “Hindi naman magandang first impression na sabihin ko agad na, ‘Sir, kilala kita. Ikaw yung tumulong sa akin labing-walong taon na ang nakalipas.’” Napangiti siya. “May point.” Napatawa ako nang mahina. “Tsaka…” Tumigil ako. “Ano?” pagtataka niya. “Unang araw ko pa lang, naka-towel ka pa.” Napahinto siya. Tinitigan niya ako nang ilang segundo. At bigla siyang natawa. “Seriously?” Tumango ako. “Seriously.” Umiling siya habang nakangiti. “Hindi ko makakalimutan ’yon.” Pahabol ko. “Good.” Sagot niya. Saglit kaming natahimik. Nawala ang ngiti sa mukha niya. “Lena.” “O?” Lumapit siya nang kaunti. “Hindi kita gusto dahil sa kontrata.” Tumigil ako. “Hindi rin dahil kailangan ko ng asawa. ” Mas lumapit siya. “Gusto kita dahil ikaw ’yan.” Mabilis na tumibok ang puso ko. “Rafael…” “Kung gusto mong umalis, sabihin mo.” Bahagya niyang hinawakan ang kamay ko. “Walang pipigil sa’yo.” Tumingin siya sa mga mata ko. “Pero kung gusto mong manatili…” Huminto siya. “Manatili ka dahil gusto mo.” Nangingilid ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat ng simpleng mga salitang iyon. Siguro dahil sa unang pagkakataon, may taong nagsasabing hindi ko kailangang manatili dahil may utang ako. Hindi dahil sa pera. Hindi dahil sa kontrata. Kundi dahil gusto ko. “Gusto ko.” Bahagya siyang ngumiti. “Sure?” Tumango ako. “Sure.” Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. “Then stay.” Sandali kaming nanatiling ganoon. Walang nagsasalita. Hanggang sa may narinig kaming maliliit na yabag mula sa hallway. “Papa!” Napalingon kami. Si Theo. Tumakbo siya papunta sa amin. Agad siyang binuhat ni Rafael. Napangiti ako. “Mukhang nasanay na siya.” Tiningnan ni Rafael si Theo. “Baka ikaw ang dahilan.” Napailing ako. “Maybe.” Biglang hinawakan ni Theo ang mukha naming dalawa. “Lena.” Tumingin ako sa kanya. “Ano?” Hinawakan niya ang pisngi ko. Pagkatapos ay ang pisngi ni Rafael. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa. Napatawa ako. “Ang kulit mo.” Tumawa rin si Rafael. Sa simpleng moment na iyon, parang nakalimutan namin ang lahat. Ang note. Ang litrato. Ang mga sikreto. Pati ang takot. Pero hindi nagtagal ang katahimikan. Tok. Tok. Tok. Napalingon kami sa direksyon ng gate. Muling may kumatok. Tumingin ako kay Rafael. “Again?” Bahagyang tumigas ang expression niya. “Stay here.” Tumayo siya at naglakad patungo sa gate. Naiwan ako sa sala kasama si Theo. Maya-maya, bumalik si Rafael. May hawak siyang maliit na sobre. “Para sa’yo.” Napakunot- noo ako. “Akin?” Iniabot niya sa akin ang sobre. Dahan-dahan ko iyong kinuha. Walang pangalan. Walang return address. Binuksan ko. May isang litrato. Ako. Si Rafael. At si Theo. Magkakasama kami sa garden. Mukhang kuha iyon nang hindi namin alam. Nanlamig ang kamay ko. “Paano niya nakuha ’yan?” Hindi sumagot si Rafael. Sa halip, kinuha niya ang litrato mula sa kamay ko. May isa pang litrato sa ilalim. Isang babae. Napatigil ako. Halos bumagsak ang hawak kong sobre. “Rafael…” Lumapit siya. Kinuha niya ang litrato. Matagal niya itong tinitigan. “Who is she?” Umiling ako. “Hindi ko alam.” Pero hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha ng babae. May kung anong pamilyar sa kanya. Parang nakita ko na siya. Hindi ngayon. Hindi kamakailan. Matagal na. Sa isang lugar na pilit nang binubura ng isip ko. Biglang may pumasok na alaala. Isang batang babae. Nakatayo sa tabi ko. Magulo ang buhok. May hawak na maliit na laruan. Magkahawak ang mga kamay namin. At isang boses na matagal ko nang hindi naririnig. Hahanapin kita kapag malaki na tayo. Napasinghap ako. Napaatras ako ng isang hakbang. “Lena?” Tumingin sa akin si Rafael. “Okay ka lang?” Hindi ako agad nakasagot. Tinitigan ko ulit ang litrato. “Parang…” Huminto ako. “Ano?” “Parang kilala ko siya.” Bahagya siyang lumapit. “Lena.” Tinitigan niya ako nang diretso. “May kapatid ka ba?” Nanigas ako. Hindi ko alam kung bakit parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May kapatid ba ako? Matagal ko nang hindi iniisip ang tanong na iyon. Hindi dahil wala akong sagot. Kundi dahil may mga bagay sa nakaraan ko na hindi ko kayang alalahanin nang buo. “Hindi ko…” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. May nahulog mula sa sobre. Isang maliit na papel. Dahan-dahan ko itong pinulot. Isang linya lang ang nakasulat. Hindi pa tapos ang kuwento ni Lena Santos. Nanlamig ang mga daliri ko. Napatingin ako kay Rafael. “Rafael…” Kinuha niya ang papel mula sa kamay ko. Binasa niya. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. “Who knows your full name?” Umiling ako. “Marami.” “Who knows about your past?” Hindi ako nakasagot. Tumahimik siya. At sa katahimikang iyon, pareho naming naramdaman ang bigat ng mensahe. Hindi aksidente ang mga litrato. Hindi aksidente ang mga note. At marahil— hindi rin aksidente kung bakit ako napunta sa mansion na ito. Napatingin ako kay Theo. Tahimik siyang nakatingin sa amin. Pagkatapos ay sa litrato ng babae. Biglang pumasok sa isip ko ang isa pang alaala. Isang maliit na kamay. Ang kamay ng batang babae. Mahigpit na nakahawak sa kamay ko. At ang pangakong sinabi niya noon. Hahanapin kita kapag malaki na tayo. Napahawak ako sa noo ko. “Hindi…” “Lena?” Tumingin ako kay Rafael. “May naaalala ako.” Agad siyang lumapit. “Ano?” Tumingin ako sa litrato. “Hindi ko alam kung sino siya.” Huminga ako nang malalim. “Pero sigurado akong may koneksyon siya sa nakaraan ko.” Hindi nagsalita si Rafael. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit. Parang sinasabi niyang hindi niya ako hahayaang harapin iyon nang mag-isa. Pero sa loob-loob ko, alam ko na. May isang bagay sa nakaraan ko na matagal nang naghihintay na bumalik. At baka ang babaeng nasa litrato ang susi para malaman ko kung ano iyon. Dahil baka hindi aksidente kung bakit ako napunta sa mansion ni Rafael Monteverde. Baka matagal na akong hinahanap ng pamilyang ito. At baka ang fake marriage na akala kong temporary lang— ay simula pa lang pala ng isang bagay na mas malaki kaysa sa aming dalawa. Mas malaki kaysa sa kontrata. Mas malaki kaysa sa pera. At mas malaki kaysa sa pag-ibig na unti-unti naming nararamdaman. Dahil ngayon, kailangan kong malaman kung sino talaga si Lena Santos. At kung bakit may mga taong ayaw akong maalala ang nakaraan ko.Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.Isang babae.Isang batang babae na halos kamukha ko.At higit sa lahat—isang taong maaaring kapatid ko.“Isa pang babae?” Halos pabulong ang tanong ko.Tumango si Rafael habang hawak pa rin ang lumang litrato. “May kapatid ka ba?”Umiling ako. “Wala.”“Sigurado?”“Oo.”Hindi ko alam kung bakit parang nakakainis ang tanong niya.Lumapit ako sa kanya at kinuha ang litrato. “Lumaki akong alam kong nag-iisa ako.”Tahimik siya.Nakatitig lang siya sa litrato habang ako naman ay pilit hinahanap sa mukha ng batang babae ang kahit anong pamilyar.Ang mata. Ang ilong. Ang hugis ng labi. Lahat halos pareho.Para bang tinitingnan ko ang sarili ko sa ibang panahon. Pero hindi ko siya kilala.“Then bakit may dalawang batang babae sa litrato?”Wala akong maisagot. Dahan-dahan kong hinaplos ang gilid ng litrato. May kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.Hindi takot lang. Hindi rin simpleng curiosity.Parang may bahagi ng sarili kong pilit gumigising.Isang alaala
Hindi ako nakapagsalita.Parang naubusan ako ng hangin matapos makita ang sulat sa likod ng litrato.Huwag mong sabihin kay Rafael ang tungkol sa sanggol.Pero huli na.Nasa harap ko si Rafael.At alam niyang may tinatago ako.Tahimik siyang nakatingin sa akin habang hawak ko pa rin ang lumang litrato. Unti-unting lumalalim ang kanyang tingin, na para bang sinusubukan niyang basahin ang sagot sa mukha ko.“Lena.”Hindi ako sumagot. Lumapit siya ng isang hakbang.“May baby?”Napalunok ako. Ilang segundo akong nakatitig lang sa kanya. Wala na akong dahilan para magsinungaling. Wala na ring saysay ang pagtatago.“Oo.”Isang salita lang.Pero parang bumagsak ang buong mundo.Hindi gumalaw si Rafael. Hindi rin siya nagsalita.Tanging mabilis kong paghinga ang naririnig ko sa loob ng kuwarto.Akala ko magagalit siya. Akala ko tatanungin niya kung bakit ko itinago. Akala ko sisisihin niya ako.Pero wala sa mga iyon ang nangyari.Dahan-dahan siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko. “Sigurado
Hindi ako natulog buong gabi.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang ginawa ni Theo.Baby.At ang maliit niyang kamay na dumampi sa tiyan ko.Nakahiga ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Katabi ko si Rafael, mahimbing na natutulog na parang walang nagbago sa mundo niya.Pero sa akin, parang may malaking pader na biglang bumagsak.Hindi ako handa.Hindi ko alam kung posible ba talaga.At ayokong umasa sa isang hinala lang.Kaya bago pa man sumikat nang tuluyan ang araw, nakapagdesisyon na ako.Kailangan kong malaman ang totoo.Mag-isa akong lumabas ng mansion kinabukasan.Hindi ko sinabi kay Rafael kung saan ako pupunta.Hindi ko rin sinabi kung ano ang bibilhin ko.Ilang minuto lang ang lumipas bago ako nakabalik.Nasa loob ng bag ko ang maliit na kahon na ilang beses kong tinitigan habang naglalakad pabalik sa kwarto.Parang ang bigat-bigat nito kahit napakaliit.Pagkapasok ko sa banyo, isinara ko agad ang pinto.Huminga ako nang malalim.Isa. Dalawa. Tatlo.Pero hindi pa rin ku
Simula nang mabasa namin ang sulat, hindi na ako mapakali.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang isang linya.Hindi aksidente.Ibig sabihin, may taong matagal nang naghihintay na dumating ako sa buhay ni Rafael.Pero bakit?At higit sa lahat—Sino ang nakakaalam?Nakatayo ako sa harap ng malaking bintana ng kwarto habang nakatitig sa labas. Tahimik ang buong mansion, pero sa loob ng isip ko, parang may nagkakagulong mga tanong.Huminga ako nang malalim. Hindi ko pa man nasasagot ang isang tanong, may panibagong problema na naman.“Lena.”Napalingon ako. Nasa may pintuan si Rafael.Nakaayos siya sa isang dark suit, bahagyang nakaluwag ang kurbata. Tahimik ang mukha niya, pero alam kong may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan.“Hmm?”Lumapit siya. “May dinner tayo mamaya.”Napakunot ang noo ko. &ldq
Hindi ko agad sinabi kay Rafael ang nakita ko sa gate.Hindi dahil may tinatago ako.Kundi dahil ayokong sirain ang gabing dapat sana’y masaya.Buong gabi, pilit kong itinago sa likod ng ngiti ang kaba.Pero sa bawat pagkakataong napapatingin ako sa gate, bumabalik sa isip ko ang babae.Hindi ko siya kilala.Hindi ko rin alam kung bakit niya ako tinitigan na parang matagal na niya akong hinihintay.At higit sa lahat, hindi ko maintindihan kung bakit niya iniwan sa akin ang litrato.Kinabukasan, wala na siya roon.Ang natira lang ay ang litrato.At ang sulat sa likod.“Hindi pa tapos ang utang ng pamilya Monteverde.”Paulit-ulit kong binasa ang mga salitang iyon hanggang sa halos kabisado ko na ang bawat letra.Buong umaga, hindi ko maalis sa isip ko ang mga iyon.“Lena.”Nap
Dumating ang resulta makalipas ang ilang araw.Ilang araw na parang hindi natatapos.Hindi ko kayang buksan.Sa totoo lang, hindi ko alam kung alin ang mas kinatatakutan ko—ang malaman na si Theo ay tunay na anak ni Rafael, o ang malaman na may ibang sagot ang papel na iyon.Nasa mesa kami sa living room. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tunog ng mga laruan ni Theo sa sala. Para bang walang malaking desisyong naghihintay sa amin sa ibabaw ng mesa.Si Rafael ang may hawak ng sobre. Ilang segundo niya itong tinitigan bago siya tumingin sa akin.“Ready?”Umiling ako. “Not really.”Bahagya siyang napangiti. “Me neither.”Napatawa ako nang mahina, kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. “Bilyonaryo ka pero takot sa isang sobre.”“Mas nakakatakot ito kaysa sa negosyo.”“Bakit?”Tinitigan niya ang sobre. “Dahil hindi puwedeng bilhin kapag nawala ito.”Napatingin ako sa kanya. May kung anong kumirot sa dibdib ko. “Hindi mo rin naman ako binili.”Tumingin siya sa akin. “Alam ko.”Sim







