Home / Romance / ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN / Chapter 2.๐Ÿ’œ

Share

Chapter 2.๐Ÿ’œ

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2023-11-02 21:40:51

(Maya pov)

ABALA ang lahat sa loob ng mansion dahil ngayong araw ang dating ni Hannah galing ng america. Sampong taon na magmula ng umalis ito sa mansion. Naalala ko noong nawala si nanay ay agad na umalis din si Hannah patungo ng ibang bansa pagkalipas lamang ng dalawang araw.

"Maya! Dalian mo ri'yan at tulungan mo akong maghiwa ng mga ito! Naku naman, kung kailan sandamakmak ang aking gagawin ay ngayon pa nabasag ang aking salamin!" Tawag ni Aling Berta sa akin habang inirereklamo ang nangyari sa salamin nito.

Pagkatapos kong magdilig ng mga bulaklak at alisin ang mga sobrang damo ay nagtungo agad ako sa kusina para tulungan si Aling Berta. Ang daming lulutuin ngayon. Parang may piyesta.

Lahat kami ay may kanya-kanyang ginagawa ngayon. Ang iba ay nasa kwarto sa itaas upang linisin ang kwarto ni Hannah, dahil ang gusto ni Senyora ay malinis ang lahat sa pag-uwi ng nag-iisa nitong apo, ang iba ay nasa sala para alisin maski katuldok na alikabok, ang iba ay nasa garahe, basta lahat ay nagkalat sa malaking mansion at abala sa kani-kaniyang ginagawa.

"Ano na kaya ang hitsura ni Senyorita Hannah? Mas lalo kaya siyang gumanda ngayon?" Mahina ang boses na tanong ni Ate Mae na kadarating lang galing ng dining area.

"Syempre naman, Ate Mae. Tiyak na mas gumanda siya ngayon lalo na at iba ang klima sa ibang bansa kumpara sa ating bansa." Ani ko.

"Eh bakit ikaw? Wala ka naman sa ibang bansa pero bakit ang ganda-ganda mo?"

Dinaan ko nalang sa ngiti ang papuri sa akin ni Aling Berta. Sanay na ako na palaging pinupuri niya bata pa lamang ako.

"Aling Berta naman, kanino pa ba magmamana si Maya kundi sa kanyang magandang ina." Tumatawang sabi pa ni Ate Mae.

"Sabagay tama ka, Mae. Kamukhang-kamukha niya si Maria. Mag-ina nga silang dalawa."

Natigilan silang dalawa ng makita na natahimik ako bigla. Hindi ko na magawang ngumiti ng mabanggit ng mga ito si nanay. Hanggang ngayon ay nasasaktan ako kapag naaalala ko siya.

"Ahm, kasalanan mo ito, Mae, masyado kang madaldal!" Mahinang hinampas ni Aling Berta si Ate Mae sa balikat.

"Aray naman, Aling Berta. Heto na nga at tatahimik na ako!" Pinagdikit pa ni Ate Mae ang mga labi.

Hanggang sa matapos kami sa paghihiwa ay wala ng nagsalita pa. Nang matapos magluto si Aling Berta ay tinulungan ko si Ate Mae na dalhin ang mga pagkain sa malawak na dining area ng mansion. Madali ang bawat kilos ko dahil baka maabutan ako nina Senyor Paolo at ng mag-asawang sina Ma'am Lorna at Sir Bryan.

"Maya, kumuha ka ng anim na wine sa Wine Storage Room at dalhin dito. Kunin mo 'yong nasa ibabaw na ng counter dahil 'yon ang gusto ni Senyora Lina." Utos ni Aling Berta.

Agad akong tumalima sa utos at nagtungo sa Wine Storage Room kung nasaan ang iba't ibang klase ng alak. Lahat ng naroon ay alam kong mamahalin kaya ingat na ingat ang aking galaw na hindi makabasag. Sigurado ako na malilintikan ako sa oras na makabasag ako ng kahit isa lamang sa mga ito. Nilagay ko sa dala kong anim na Wine sa isang Rose Gold Metal Drinks Trolley Push Cart at saka lumabas na.

Malapit na ako sa dining area ng harangin ako ni Ate Mae. "Ako na ang magdadala n'yan, Maya. Bumalik ka na sa kusina." Tarantang sambit nito at saka kinuha ang dala ko.

"I'm glad you came back, apo!"

Natigilan ako sa pag-alis ng marinig ang masayang boses ni Senyora Lina. Kung gano'n ay dumating na si Hannah? Dala ng kuryusidad ko ay dahan-dahan akong naglakad para sumilip sa pamilya nila, subalit hindi pa man ako nakakasilip sa mga ito ay nahila na ako ni Ate Mae palayo roon.

"Ano ba ang ginagawa mo, Maya?" Mariin nitong tanong. "Alam mo naman na bawal ka nilang makita 'hindi ba?"

"Maya, ilang beses ba namin na sasabihin sa'yo na sumunod ka na lamang sa mga sinasabi namin? Para sa'yo 'yon at hindi sa amin." Maging si Aling Berta ay pinagalitan na rin ako ng magsumbong dito si Ate Mae kaya nagyuko na lamang ako ng ulo.

Gusto kong makita si Hannah. Iyon lang naman ang gusto ko at wala ng iba.

Tumingin ako kay Aling Berta ng guluhin niya ang buhok ko. "Mahal ka namin kaya sana ay hindi mo masamain ang sinasabi namin sa'yo."

Nanikip ang dibdib ko at nagsimulang mamula ang aking mata. Tuluyan na akong naiyak ng yumakap silang dalawa sa akin. Ganito sila sa akin simula ng mawala si nanay. Sila ang tumayong magulang ko at nagpo-protekta sa akin mula sa mga Gustin.

"Ang tangkad mo na, Maya. Aba'y para kang isang kang modelo. Hindi ka naman mana sa nanay mo--- aray ko!" D***g ni Aling Berta at ibinaba na ang mga paa na nakatingkayad pala, nangawit ang mga binti nito.

Tumawa si Ate Mae. "Malaki na si Maya, Aling Berta. Tigilan niyo na ang paggulo sa kanyang buhok para hindi ka na tumingkayad pa. Pinapahirapan mo lamang ang 'yong sarili, e."

Dito sa mansion ay ako ang pinaka-matangkad sa mga babae- hindi lamang sa mga kasambahay kundi maging sa buong mansion. Nasa 5'7 ang height ko at balingkinitan din ang katawan ko. 34-23-36 ang sukat ng aking katawan, na ayon pa kina Ate Mae at Aling Berta ay pasok na pasok para maging isang modelo. Hindi matangkad si nanay kaya alam ko na sa namayapang tatay ko ako nagmana. Hindi ko na nasilayan ang tatay ko dahil namayapa na ito sanggol pa lamang ako. Tangkad lang ang nakuha ko sa tatay ko, pero ang buong mukha ko ay kay nanay na lahat. Mula sa maliit na mukha, matangos na ilong, bilugang mata na may malantik na pilikmata, maliit at mapulang labi, tuwid at itim na buhok, at ang aking kulay gatas na balat.

Kaming tatlo ay natigilan ng makarinig ng malakas na sigaw. Sa lakas no'n ay umabot 'yon hanggang sa amin sa kusina. Agad na lumabas ng kusina sina Aling Berta at Ate Mae para makiusisa. Dala ng kuryusidad ay dahan-dahan akong sumunod sa mga ito.

Umawang ang aking labi ng makita si Hannah. Napakaganda nito sa kabila ng pagiging morena. Mahaba ang buhok nito na natural ang pagkakulot sa dulo, may pagkasingkit ang mata, matangos ang ilong, mapula ang manipis na labi, at katulad ko ay matangkad din ito.

"Pinauwi niyo lang ba ako dahil kailangan niyo ng magsasalba sa mga negosyo niyo?!" Galit si Hannah na nakatingin kay Senyora Lina.

Sa mahabang panahon na paninilbihan sa mansion ng mga Gustin ay ngayon ko lamang nakita na tumingin si Hannah ng puno ng galit kay Senyora Lina. Sa pagkakatanda ko noon ay malambing, magalang, at palangiti si Hannah pagdating sa kanyang Lola. Pero ngayon ay wala siyang makitang saya sa mata ni Hannah.

"Walang galang!" Galit na tumayo ang Senyor at binagsak ang kamao sa ibabaw ng malaki at habang mesa.

Sabay pa kaming tatlo nina Ate Mae at Aling Berta na napapitlag sa gulat. Bihira lamang magsalita ang Senyor, subalit nakakatakot ito. Kaya sa loob ng mansion ay iniiwasan ko na huwag itong magkasalubong dahil sa takot na baka mas malupit pa ang gawin nito sa akin kaysa sa asawa nitong si Senyora Lina.

"Hindi ako papayag na ipakasal niyo sa lalaking hindi ko mahal! Wala kayong karapatan na pilitin ako sa bagay na hindi ko gustoโ€”"

Kaming tatlo ay napasinghap ng lumapit kay Hannah ang Senyor at sampalin ito. Maging si Hannah ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kanyang Lolo habang may luha sa mata, hindi nito akalain na pagbubuhatan ito ng kamay ng Senyor na mahal na mahal ito.

"Huwag na huwag mong sigawan ang iyong Lola! Ganyan ba ang natutunan mo sa ibang bansa?" Galit na bulyaw ng Senyor kay Hannah na ngayon ay humihikbi na.

"Tama na, Paolo!" Lumapit ang Senyora kay Hannah upang yakapin ito subalit umiiyak na tumakbo si Hannah at iniwan ang mga ito.

"Nakita mo na kung paano mo pinalaki ang batang 'yan? Walang galang! Suwail!" Nagtaas-baba ang dibdib sa galit na wika ng Senyor habang nakaturo sa tumatakbong si Hannah.

"Pasensyahan na natin siya. Pagod siya galing sa biyahe kaya ganyan ang reaksyon niya. Maiintindihan din tayo ni Hannah, sa ngayon ay hintayin natin siya na makapagpahinga." Ani ni Senyora Lina habang hinihimas ang likuran ng asawa para pakalmahin ito.

"Mommy, sana ay hinintay ninyo muna kasi na makapagpahinga si Hannah bago sinabi sa kanya ang tungkol sa arranged marriage na 'yan. Kahit sino ay iinit ang ulo dahil sa ginawa mo, palagi nalang kasi kayong nangingialam sa buhay ng lahat ng tao dito sa bahay." Sabat ni Ma'am Lorna, ang anak ni Senyora Lina at Senyor Paolo. Ma'am ang tawag namin sa kanya dahil 'yon ang gusto n'yang itawag namin sa kanya, at Sir Bryan naman sa asawa nito.

Hinawakan ni Sir Bryan ang kamay ni Ma'am Lorna, para iparating dito na huwag ng gumatong sa init ng ulo ng magulang nito.

Galit na bumaling ang Senyor sa anak. "Isa ka pa, masyadong matulis nag tabas ng dila mo! Baka nakakalimutan mo na kami ang magulang mo! Hindi ba dapat ay pagtuunan mo ng pansin ang pagkakaroon ng sariling anak? Ang tanda mo na subalit hindi mo kami mabigyan ng lalaking apo!"

Namumula ang mukha sa galit na tumayo si Ma'am Lorna at nagtaas-baba na din ang dibdib sa galit. "Para ano? Para madagdagan ang gagamitin niyo sa pamamahay na ito?"

"Hon..." Hinawakan ni Sir Bryan sa balikat si Ma'am Lorna. "Tama na---"

Hindi pinakinggan ni Ma'am Lorna ang asawa. Nakatingin ito ngayon sa ina at ama na puno ng puot. "Hindi ako kailanman papayag na magaya sa nangyari kay Kuya! Kayo ang dahilan kung bakit siya namatay at hindi naging masaya! Kayo ang pumatay sa kanya at nagawa niyo pang isisi sa iba---"

Slap!

Para kaming nanonood ng telenovela sa mga nakikita namin ngayon. Sinampal ni Senyor Paolo si Ma'am Lorna. Agad na hinila ni Sir Bryan si Ma'am Lorna at itinago nito sa likod nito para protektahan sa biyenan na lalaki. Si Senyora Lina naman ay humahagulhol ng iyak.

"Huwag na huwag mong mababanggit ang walang kwenta mong kapatid! Pareho kayong dalawa na suwail! Wala kayong mga utang na loob!" Wika ng Senyor sa galit na tinig.

Dinuro ng Senyor si Sir Bryan. "Kung hindi mo pinakasalan ang lalaking iyan ay hindi sasaluhin ng Kuya mo ang dapat na para sa'yo!"

"Tama na, Paolo!" Awat ni Senyora Lina. "Huwag na natin pag usapan ang bagay na 'yan---"

Galit na sumabat si Ma'am Lorna habang hawak ang pisngi. "Bakit hindi, mommy? Ayaw ninyong maalala na hindi lang buhay ni Kuya ang sinira niyo? Gusto niyo ako ipakasal sa matandang mayaman para lamang mapanatili ang yaman ninyo, tapos ng hindi ako pumayag ay ginawa ninyo ang lahat para guluhin ang tahimik ng buhay ni Kuya---"

"Tama na!" Malakas na bulyaw ng Senyora sa anak na si Ma'am Lorna.

Napatiim-bagang si Sir Bryan habang yakap na ngayon si Ma'am Lorna na umiiyak. "Hon, tama na... umakyat na lamang tayo sa kwarto ng humupa ang galit nina Mommy at Daddy."

Inakay ni Sir Bryan si Ma'am Lorna na umiiyak pa din sa nangyaring sagutan laban sa magulang.

Nabigla ako ng hilahin ako sa magkabilang braso ni Aling Berta at Ate Mae hanggang sa kusina.

"Ang kulit mo talaga, Maya. Paano kung nakita ka ni Senyor at Senyora? Baka nabaling sa'yo ang init ng ulo ng mga iyon!" Mahina pa akong hinampas ni Aling Berta sa braso dahil sa inis sa akin.

"Mabuti na lang at hindi nila tayo nakita. Ang tagal na rin noong huling nakita ko silang nag away ng ganyan." Dagdag pa ni Aling Berta.

"Nais pala nilang ipakasal si Hannah." Ani ko ng maalala ang pinagsimulan ng lahat kanina.

Tumango-tango si Aling berta at mahinang bumulong sa amin ni Ate Mae. "Ganyan din ang ginawa nila kay Senyorito Patrick. Nakipagtanan 'yan si Ma'am Lorna noon dahil ayaw n'yang maikasal sa matandang mayaman na gusto nila Senyora para sa kanya dahil lamang gusto nila na maisalba ang kumpanya."

Tahimik lang kaming nakikinig ni Ate Mae kay Aling Berta. Matagal na ito sa mansion kaya marami itong alam. "Nang hindi nila mahanap si Ma'am Lorna, hinanap nila si Senyorito Patrick para ito ang ipakasal sa babaeng hindi nito mahal."

"Teka, ibig bang sabihin wala dito si Senyorito Patrick sa mansion?" Tanong ni Ate Mae.

Luminga muna sa paligid si Aling Berta para tiyakin na walang tao. "Nauna ng lumayas dito noon si Senyorito Patrick dahil nakipagtanan sa babaeng mahal niya. Hindi niya rin gusto na hawakan sa leeg ng kanyang magulang."

Pagku-kwento pa ni Aling Berta sa mas mahinang boses. Bumalatay bigla ang lungkot sa mukha nito at muling nagsalita. "Ang kaso lang ay namatay si Senyorito Patrick ng maaga, bata palang si Hannah noong dalhin siya rito ng mag asawang sina Senyora Lina at Senyor Paulo, wala na rin ina si Senyorita Hannah dahil maaga din raw itong namataรฝ."

"Kawawa naman pala si Senyorita Hannah, hindi man lang niya nakita ang nanay niya." Sambit ko ng makaramdam ng awa rito. Mabuti pa ako dahil nakita at nakasama ko si nanay. Ang kaso lamang ay biglaan itong nawala.

"Wala pa sa aming nakakita kung sino ba ang babaeng minahal ni Senyorito Patrick, pero sigurado kami na mabuti siyang babae, dahil iyon ang gusto ni Senyorito sa isang babae, may busilak na puso, kaya nga ni isa sa mga babaeng nais ni Senyora Lina para sa kanya ay tinanggihan niya lahat." Patuloy na kwento pa ni Aling Berta sa amin.

"Hindi lang gwapo si Senyorito Patrick, mabuti siyang tao... naalala ko ang bait ng batang 'yon, at kamukhang- kamukha niya ang anak n'yang si Senyorita Hannah." Nakangiti na si Aling Berta habang nagki-kwento sa amin. "Pero... alam niyo ba ang tsismis?"

Nagkatinginan kami ni Ate Mae at saka lalo pang pinag-igihan ang pakikinig.

"Hindi daw matanggap ng mag-asawa na ang minahal ng kanilang anak ay mahirap lang na kagaya natin. Kaya nga ginawa nila ang lahat para mapaghiwalay si Senyorito at ang babae."

Nakakalungkot isipin na sa mga taong mayayaman na katulad ng mga Gustin, ay isa lamang dumi ang katulad namin na mahirap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nan
Ganda Ang kwentong ito
goodnovel comment avatar
Gloria Gina Diaz Calanog
si Maya siguro Ay anak ni Patrick...kaya galit na galit ang senyora ke Maya at sa nanay nya,kaya din ikinukulong Ay PR walang makaalam ..
goodnovel comment avatar
Sasaki Yuzuki
bkit kaya siya kinukulong
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 154.๐Ÿ’™

    (Karla pov) Kitang-kita ko kung paano bugbugin ni Timothy at nang kakambal nitong si Marshall si Bane. Dumating din si Jelay, umiiyak itong nakayakap sa'kin. "Karla, thanks god you're safe. Sobra kaming nag alala sayo ni nanay." Nag aalalang sabi ni Jelay sa'kin. Maraming dumating na mga pulis, hinuli si Bane at ang mga tauhan nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil naligtas din si Atty. bago pa ito tuluyang mapatay ng mga tauhan ni Bane. Naramdaman ko nalang ang pag angat nang katawan ko sa ere, si Timothy buhat niya ako. Sa bisig niya ay umiyak ako ng umiyak... halo-halo ang nararamdaman ko... Pasasalamat at pangungulila sa kanya. Hindi malubha ang lagay ko pero ang daming bumisita sa'kin. Hiyang-hiya ako sa magulang ni Timothy at hindi ko magawang tumingin sa kanila dahil sa labis na hiya sa nagawa ko sa anak nila. "Karla, iha... hindi mo kailangan na sisihin ang sarili mo. Biktima ka lang ng sarili mong ama." Wika nang mommy ni Timothy. "Sa katunayan ay natutuwa kami sa

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 153. ๐Ÿ’™

    (Karla pov) Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama. Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko. Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator. Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin? Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 152. ๐Ÿ’™

    (Karla pov)Wala akong ginawa kundi ang umiyak. Gustuhin ko man isuplong at sabihin sa mga Montemayor ang tungkol kay Richard ay pinangunahan ako ng takot. Oo, naduduwag ako. Binantaan kasi ako ng ama ko na isiswalat din niya kasabwat ako, sisiguraduhin daw nito na malalaman ni Timothy na kasama ako sa mga planong ginawa nito. Hindi ko na kayaโ€ฆ kinakain na ako ng konsensya ko. Narinig ko ang usapan ni Timothy at Sheya, natatakot ako dahil mukhang may balak na naman na masama si Richard kay Sheya. Nakakatakot si Richard, imbis na magbago ito at magpasalamat sa ikalawang buhay na binigay ng diyos ay nagagawa pa rin nito na gumawa ng masama.Tumingala ako sa harapan ng mansion nang mag asawang Trevor at Sheya.Hindi na kasi kaya ng konsensya ko. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos. Bahala naโ€ฆโ€œKarla!โ€ Nakangiting yumakap sa akin si Sheya ng makita ako. Niyaya niya akong umupo, pinaghandaan pa ako nito ng pagkain. Napansin ko na nanlalalim ang mata ni Sheya, mukhang hindi ito nak

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 151. ๐Ÿ’™

    (Timothy pov) "Oh, Timothy, napadalaw ka." Nakangiting bungad ng ina ni Karla sa akin, agad ako nitong pinapasok sa loob. Mas masigla na ito kumpara no'ng una ko itong makita, siguro dahil na rin sa regular check up nito at patuloy na pag inom ng gamot. "Naku, iho, nag abala ka pa." Tila nahihiyang turan nito ng makita ang marami kong dalang groceries at lutong pagkain. "Hindi ito isang abala, nay." Ako na nagsalansan ng mga pinamili ko dahil ayaw ko itong mapagod. Pagkatapos ay agad kong tinanong ang ina ni Karla. "May problema ka ba, nay? Kayo ni Karla?" Oo, isa ito sa dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong malaman kung ano ang problema nilang mag ina. I know it was wrong because it's a family matter, but for me, when it comes to Karla, it's matter. Mahalaga sa akin ang nobya ko. Kung sakaling malaman ng nobya ko ang ginawa at magalit ito ay maiintindihan ko. I'm really worried. Hindi na ako mapakali dahil pakiramdam ko ay naglalagay ng pader sa pagitan naming dalawa si

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 150. ๐Ÿ’™

    (Timothy pov) Hindi ko mapigilan ang mag alala dahil hindi sinasagot ni Karla ang mga tawag ko. I called may secretary to cancel all my appointments at nagmamadaling umuwi sa condo. Then I saw her, crying while holding her cellphone, mukhang hindi maganda ang pinag uusapan ng mga ito dahil mas lalong humaguhol ng iyak ang nobya ko. Rumehistro ang gulat sa mukha niya ng makita ako. "T-Timothy..." "What's wrong? May nangyari ba kay nanay?" Nag aalala akong yumakap sa kanya. Kilala ko si Karla hindi ito basta iiyak lang kaya alam kong may mabigat siyang dinadala. Pero imbis sagutin ako ay tumalikod ito sa akin at umiling. Bumuntong hininga ako. Kahit nanaig sa akin na alamin ang problema ay iginagalang ko kung ayaw man niyang sabihin sa akin ang problema niya. "N-Nagluto ako, hon. S-Sandali lang at maghahain ako ng pagkain." Nagpaalam si Karla na maghahain, tumango ako bago pumasok sa kwarto para magbihis. Ilang beses pa akong bumuntong hininga. Hindi ko talaga gustong makita na umii

  • ARAW-ARAW KANG MAMAHALINย ย ย Chapter 149. ๐Ÿ’™

    (Karla pov)Masaya kaming nagkukwentuhan ni Jelay habang kumakain sa isang fast food chain. Nagkita kaming dalawa at syempre nagkamustahan. Sinabi ko sa kanya na uuwi na ako sa bahay namin sa susunod na buwan. โ€œTeka, saan ka ba nagtatrabaho?โ€ Tanong sa akin ni Jelay. โ€œPara madalaw ka namin ni nanay. Boss mo ba si Timothy?โ€ Muntik na akong masamid sa tanong niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kasi sinasabi sa kanila ang totoo. Alam ko kasi na magagalit si nanay kapag nalaman niya na nakatira ako sa isang bahay kasama ang isang lalaki. Sino bang ina ang matutuwa na ang anak niyang dalaga ay mayroโ€™ng kasamang lalaki sa bahay. Hindi ko na nasagot ang tanong niya ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag ang ama ko. "Hindi mo ba sasagutin? Baka importante 'yan." Umiling ako kay Jelay. "Wrong number lang." Nang maghiwalay kaming dalawa ay saka ko binasa ang text messages na pinadala ng ama ko. Gusto nitong malaman kung may improvement na ba sa plano ko. Bumuga ako ng hangin. Mahal ko

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status