Share

Chapter 153. 💙

(Karla pov)

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang iwan ko si Timothy. Walang araw na hindi ako tahimik na umiiyak at alam ni nanay ang lahat... Pinagtapat ko sa kanya ang lahat. Wala akong narinig na masakit na salita sa kanya, ito pa ang humingi ng tawad sa akin dahil kasalanan daw niya kung bakit ako nagkaro'n nang masamang ama.

Tumawag sa akin si Sheya, binalita niya ang lahat sa'kin. Tahimik daw na inasikaso ang kaso. Nahuli na rin si Richard at nakakulong na. Ang magulang ni Richard na nagpalabas na patay na si Richard ay haharap din sa kaso. Malungkot at nasasaktan man ako ay masaya parin ako sa balitang nalaman ko. Kampante na ako dahil hindi na sila mapapahamak sa kamay ng ama at kapatid ko.

Natigilan ako nang makita ang isang babae na naghihintay sa akin sa labas ng bago naming tinutuluyan ni nanay. Teka, ito 'yong atty. na nakita kong kasama ni Timothy sa elevator.

Ano kaya ang kailangan ng babaeng 'to sa'kin?

Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin. Nag
SEENMORE

💙

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Norielle
ganda na!!!!!! thanks author seenmore babawe ko sa gems promise next plssss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status