Share

BOOK2: Chapter 68

Penulis: Luffytaro
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-04 18:32:16

MATIIM ang mga mata ni Adam na nakatingin sa kaniya naging dahilan para magsunod-sunod ang paglunok niya. “Ka-kailan ka pa nandiyan?” tanong niya rito habang mahigpit na nakahawak sa kanyang cellphone at umaasa na sana ay hindi nito narinig ang naging usapan nila ni Vanessa.

Malamig ang mukha nito nang lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ng mahigpit ang magkabila niyang mga braso. “Sino yung kausap mo?” tanong nito sa kaniya.

“Ka-kaibigan ko.” nauutal na sagot niya rito.

Para siya nitong kakainin habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Anong pinag-usapan niyo?” mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso dahilan para mapakagat labi siya. Nasasaktan na siya sa totoo lang dahil napakahigpit ng hawak nito sa kaniya.

Habang nakatingin ito sa kaniya ay parang may kung anong kumislap sa mga mata nito. Puno ito ng pag-aakusa, ibig bang sabihin ay alam nito kung ano ang pinag-usapan nila pero gusto pa rin nitong marinig na sabihin niya?

“Tinatanong kita Mirabella.” nagtatagis ang mga
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 72

    “HINDI ba at binalaan na kita? Bakit hindi ka nakinig sa akin?” malamig na tanong nito sa kaniya.“Pwede ba River. Stop ordering me around okay? Ngayon at nakuha niyo na ang gusto niyo, we can now cut ties completely. Ayoko ng bumalik pa sa pamilyang nagtulak sa akin sa impyerno dahilan para magkandaleche-leche ang buhay ko.” walang prenong sabi niya rito. Punong-puno na siya sa totoo lang.“How can you say that Miri? Kapatid kita so how can I cut ties with you?” “Why not? Katulad nga ng sabi ko ay tapos na ang obligasyon ko. Naibalik na sa inyo ang dapat na ibalik sa inyo. Isa pa, buo na ang desisyon kong huwag ng bumalik pa sa bahay at kahit na wala na akong matirhan pa ay hinding-hindi na ako magmamakaawa pa sa inyo na tulungan ako.” “Miri, ano bang kalokohan yang sinasabi mo?” “Ipapadala ko na lang sayo ang mga dokumento kaya huwag mo na akong tawagan pa. Ayoko ng makipag-usap sayo at ikaw na lang din ang magsabi kay Dad ng sinabi ko sayo.” sabi niya at mabilis na ibinaba ang n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 71

    MAKALIPAS ang ilang minuto ay muling biglang nagsalita si Adam. “magbabakasyon ako sa Boracay at kailangan mong sumama sa akin.” Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang sinabi nito. “At bakit ko naman kailangang sumama sayo?” puno ng pagtatakang tanong niya.Sinulyapan siya nito at puno ng pagdududa ang mga mata. “Malamang na kapag iniwan kita ay susubukan mong tumakas kaya wala akong pagpipilian kundi ang isama ka kahit na ayoko sana.” Naging malamig ang kanyang mga mata at halos hindi na niya malunok pa ang kanyang kinakain. “Kung labag din naman pala sa kalooban mo na isama ako e di iwan mo na lang ako dito. Magiging istorbo lang ako sayo doon tyaka kung natatakot ka na baka takasan kita e di pabantayan mo na lang ako sa mga tauhan mo. anong ginagawa nila e napakadami nila hindi ba?” medyo naiinis ng tanong ko sa kaniya.Isang buntong hininga lang ang pinakawalan niya. “Masyado silang busy kaya wala silang oras na bantayan ka.” hindi talaga ito nauubusan n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 70

    NANG mawala sa paningin ni Miri si Yvonne ay nilingon niya ang lalaking nasa tabi niya. “Hindi ka ba natatakot na magsumbong siya sa iyong ama?” nagtatakang tanong niya rito.Nagbuga lang ito ng hangin. “Bakit naman sana ako matatakot? Nagsasabi lang naman ako ng totoo.” sagot nito sa kaniya. Napabuntong hininga na lang siya. “Mukhang napakalaki talaga ng galit mo sa kaniya ah.” muli niyang sabi at pasimpleng nagtatanong dahil gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit ba tila galit na galt ito rito. Tumaas ang kilay nito sa kaniya. “At bakit naman sana hindi? Nakakairita siya. Wala na siyang ginawa kundi ang akitin ako at pati si Luke.” medyo iritadong sabi nito.Bago pa man niya maibukang muli ang kanyang bibig upang magtanong ay bigla na lang may tumunog at nanlaki ang kanyang mga mata nang marinig ang pamilyar na ringtone ng kanyang cellphone. Hindi siya pwedeng magkamali, cellphone niya yon at nang hanapin niya kung saan nagmumula ang tunog ay tila ba galing ito sa bulsa ng la

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 69

    KINAUMAGAHAN ay sinubukan ni Miri na hanapin ang kanyang cellphone ngunit kahit na anong hanap ang gawin niya ay hindi niya ito makita. Kahapon ay wala naman siyang ibang pinaglagyan kundi tanging sa bedside table lang naman pero wala ito doon. Halos maikot na niya ng ilang beses ang kanyang silid ngunit hindi niya talaga ito makita.“Nasan na kaya? Dito ko lang naman inilagay kahapon ah.” sabi niya at napakakunot ang noo. Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng ilang katok sa pinto. Napaayos siya ng kanyang sarili at tahimik na umupo sa kama. Bakas kasi mamaya ay si Adam na naman iyon. “Ah miss Mirabella, bumaba na raw kayo para mag-umagahan.” narinig niya ang tinig ng kasambahay sa labas ng pinto. Napabuntong hininga siya.Wala siyang balak na harapin ang lalaking iyon pagkatapos ng ginawa nito sa kaniya kahapon. “Paki sabi na lang po kay Adam na hindi ako nagugutom.” mabilis niyang sagot dito.“Pero miss, kung hindi daw kayo bababa ngayon ay baka si sir Adam mismo ang bumuhat sa

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 68

    MATIIM ang mga mata ni Adam na nakatingin sa kaniya naging dahilan para magsunod-sunod ang paglunok niya. “Ka-kailan ka pa nandiyan?” tanong niya rito habang mahigpit na nakahawak sa kanyang cellphone at umaasa na sana ay hindi nito narinig ang naging usapan nila ni Vanessa. Malamig ang mukha nito nang lumapit sa kaniya. Hinawakan nito ng mahigpit ang magkabila niyang mga braso. “Sino yung kausap mo?” tanong nito sa kaniya.“Ka-kaibigan ko.” nauutal na sagot niya rito.Para siya nitong kakainin habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Anong pinag-usapan niyo?” mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso dahilan para mapakagat labi siya. Nasasaktan na siya sa totoo lang dahil napakahigpit ng hawak nito sa kaniya. Habang nakatingin ito sa kaniya ay parang may kung anong kumislap sa mga mata nito. Puno ito ng pag-aakusa, ibig bang sabihin ay alam nito kung ano ang pinag-usapan nila pero gusto pa rin nitong marinig na sabihin niya? “Tinatanong kita Mirabella.” nagtatagis ang mga

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 67

    HALOS lumubog ang puso ni Miri nang marinig niya ang mga salitang iyon mula sa bibig ng lalaking mahal niya. “Sa totoo lang ay hindi ako interesado sa kung ano man ang gusto ng kapatid mo, pumayag lang ako dahil interesado ako sayo.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig. Nakatingin lang siya sa mukha nito habang unti-unting nadudurog ang puso niya. “Ako, nakuha ko na ang gusto ko dahil nasa akin ka na. Pero ikaw? Anong mapapala mo pagkatapos nito? Wala ka namang ginagawa kundi ang magbuka ng mga hita mo sa akin, hindi ba?” puno ng panunuya na tanong nito sa kaniya.“Ha!” sabi niya at pagkatapos ay natawa ng pagak. Ang sulok ng kanyang mga mata ay nag-umpisa ng mag-init dahil sa harap-harapan nitong pang-iinsulto sa kaniya ngunit pinigilan pa rin niya ang kanyang sarili na huwag umiyak sa harap nito. “Masaya ka na ba sa mga sinasabi mo sa akin ngayon?” puno ng hinanakit na tanong niya.“Kasalanan mo yan.” paninisi pa nito sa kaniya.“Baka kulang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status