LOGINUMUWI si Miri sa bahay ni Adam gamit ang bagong bili niyang sasakyan. Bago nito ibaba ang tawag kanina ay sinabihan siya nitong umuwi na ngunit mukhang hanggang ngayon ay wala pa rin ito doon dahil wala pa rin ang kotse nito.Pagbaba niya ng sasakyan ay kaagad na lumabas si Lira sa loob ng bahay para salubungin siya. Tumaas ang kilay nito nang makita ang kotseng minaneho niya. “Saan mo naman nakuha ang kotseng yan? Para sabihin ko sayo, ayaw ni Kuya Adam na ipinaparada ang kotse ng ibang tao sa garahe niya.” sabi nito kaagad ng wala na halos paggalang sa kaniya. Wala siya sa mood para sagutin ito at wala siyang balak na kausapin ito kaya iiwas na lang sana siya nang magpatuloy pa ito sa pagsasalita. “Siguro ay may sugar Daddy ka na ginagastusan ka no?” tanong pa nitong muli sa kaniya na para bang kung makapag-tanong sa kaniya ay close sila.Tumaas ang sulok ng labi niya at pagkatapos ay hinarap ito. “Binili ko yan at ginamit ko ang pera ng boss mo para mabili ko.” mayabang na sabi ni
NAGLABAS-masok sila ni Vanessa sa magkakaibang store ng kilalang mga brands. Bumili sila ng bumili hanggang sa halos hindi na nila pa mabitbit pareho ang mga nasa kamay nila. “Miri, ngawit na ngawit na ako sa dami ng pinamili nating dalawa. Hindi ba mas mainam kung umuwi na tayo? Hindi ka ba nahihirapan diyan sa mga dala mo?” tanong nito sa kaniya. Nang lingunin niya ito ay mukhang ngawit na ngawit na nga ito dahil hindi na maipinta ang mukha.Ngumiti lang siya rito. “Well, hindi pa ako ganun kasaya.” sagot niya rito.Hindi naman ito makapaniwala sa narinig. “Hindi ka pa rin masaya? Halos ubusin mo na ang pitong milyon para bilhin ang lahat ng dala natin ngayon.” sabi nito sa kaniya.Mas lumawak pa ang ngiti sa labi niya. Hindi pa iyon sapat para lang makaganti siya kay Adam. she wants more. “Well, kulang pa iyon. Gusto kong bumili ng sasakyan.” “Miri…” nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. “Huwag kang magbiro ng ganyan. Paano kung pagalitan ka niya at parusahan ka niya
PAGKATAPOS magbihis ni Miri ay nagulat siya nang bigla na lang may ilapag si Adam doon. Sinundan niya ito ng tingin. “Dahil napaka-masunurin mo ngayon ay kailangan kitang bigyan ng reward.” mangiti-ngiti nitong sabi sa kaniya.Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya at naguluhan. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang kulay itim na card sa mesa. Hindi na siya nagulat na mayroon itong black card, ibig sabihin lang ay napakayaman talaga nito. “Sa akin?” nakakunot ang noo niyang tanong dito.Tumango ito. “Well, napasaya at napaligaya mo ako ngayon kaya ayan.” turo nito sa black card. “Gamitin mo, mag-shopping ka kasama ang kaibigan mo.” sabi nito sa kaniya at nang marinig niya iyon ay hindi niya maiwasang hindi maging masaya pero kasabay nun ay napataas lang ang kilay niya habang nakatingin kay Adam.“Kapag ba, napapaligaya ka ng mga babae ay normal na lang sayo na bigyan mo sila ng card para pasayahin din sila?” tanong niya rito. Wala naman sa intensyon niya na itanong iyon ngunit curi
BAGO pa man magbago ang isip nito sa pagsabi sa kaniya ng bagay na iyon ay mabilis na tumayo si Miri mula sa pagkakaluhod niya sa harap nito. Umupo siya sa kandungan nito at kaagad na ipinulupot ang kamay sa leeg ni Adam at pagkatapos ay binigyan niya ito ng mapang-akit na ngiti.Sandali itong natigilan at pagkatapos ay naging malamig ang mga mata habang nakatingin sa kaniya. “Huwag na huwag kang ngingiti sa ibang lalaki okay?” walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa kaniya at base pa lang sa ekspresyon nito ay isang banta iyon. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya. Bumaba rin ang kanyang mga mata sa labi nito. “Oo naman, sayong-sayo lang ang ngiti ko maging ang buong katawan ko.” bulong niya bago yumuko at hinalikan ang labi nito. Dahan-dahan niyang iginalaw ang kanyang labi at hindi nagtagal ay naramdaman na niya ang pagsagot nito sa labi niya. Ang kamay nito ay unti-unti nang umakyat patungo sa ulo niya kung saan ay mas pinalalim pa nito ang paraang ng paghalik sa kaniy
ILANG araw ang lumipas at hindi siya ginulo ni Adam, mukhang naging busy na naman ito sa trabaho dahil ni maging anino nito ay hindi niya nakita ng ilang araw. Habang abala siya sa kanyang ginagawa ay bigla na lang may isang kasambahay ang lumapit sa kaniya.“Miss, ipinapatawag ka po sir Adam.” sabi nito sa kaniya at hindi niya naiwasang hindi natigilan. Ilang araw na niya itong hindi nakita at masasabi niya sa mga araw na iyon ay medyo naging tahimik ang buhay niya pero ngayon… agad na napasimangot siya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.“Ganun ba, nasaan siya?” mahina niyang tanong dito.“Nasa opisina niya Miss.” sagot nito at napapikit na lang siya ng kanyang mga mata bago nag pakawla ng isa pang buntong hininga. “Sige susunod na ako.” sabi niya rito. Kaagad naman itong umalis pagkatapos niyang sabihin iyon. Halos ayaw na nga niya sana itong makita sa totoo lang pero alam niya na napaka-imposible nun. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at naglakad papasok
KINABUKASAN, pagkagising ni Miri ay medyo okay naman ang pakiramdam niya sa kabila ng paggamit sa kaniya ni Adam kagabi ng pauulit-ulit. Mabuti na lang at hindi siya nilagnat hindi katulad noong mga nakaraang pagkakataon na may nangyari sa kanila. Kahit naman siguro magmakaawa siya rito na tumigil na ay hindi pa rin ito titigil dahil para rito ay iyon naman talaga ang purpose niya sa buhay nito— ang maging parausan niya.Nang mga oras na iyon ay nagbibihis na ito at mukhang aalis na naman. Nasa harap ito ng salamin. “Well, dahil hindi mo ako pinahirapan kagabi at pinag-enjoy mo ako ay bibigyan kita ng reward. Kahit anong hilingin mo sa akin ay ibibigay ko. So what do you want?” tanong nito sa kaniya.Sa totoo lang ay hindi niya inaasahan iyon pero napag-isipan niya na hindi naman siguro tama na palampasin niya ang pagkakataong katulad nito lalo na at ito mkimso ang nag-offer sa kanya. Sayang din iyon. Huminga siya ng malalim at nilingon ito. “Bakit hindi mo na lang ibalik ang shares







