Kasalukuyang nagbabasa si Joleen ng tenth chapter ng El Filibusterismo sa isa sa mga nagkalat na benches sa walkway patungo sa Home Economics building nang mahulog mula sa pagitan ng mga pahina ng libro ang bookmark na ibinigay nito sa kanya noong isang araw lang.
Dahil alam naman daw nitong hindi niya tatanggapin kahit bayaran niya ito para sa pagtu-tutor niya dito, in kind na lang nito idinadaan ang pagbabayad nito sa kanya para sa tutorial lessons nila. Sa tuwing magkikita sila nito tuwing Tuesdays and Thursdays after school hours sa library, hindi maaring wala itong ibinibigay sa kanya. Pagkain man, makukulay na stationeries, pens o maliliit at cute na stuffed toys iyon.
Hindi niya maiwasang ma
Hindi na nagsalita pa si Jake. Subalit kinabig siya sa balikat upang mapasandig ang ulo niya sa balikat nito. And for a time, they sat there quietly like that. Sharing each other’s pain.Madalas pagkatapos noon, kahit hindi schedule ng tutorial lessons nila para sa Trigo nito ay magkasama sila sa loob man ng campus o sa labas. Unti-unti ay natutunan din siyang kaibiganin ng mga kabarkada nito. F1 and F2 she could only claim as her acquaintances. Pero sina Yale at Nielson, nakasundo niya.They’re not too bad once you get to know them.Ngayong hindi na mortal enemies ang turingan nila ni Jake sa isa’t isa, natuklasan niyang mas masarap palang maging malapit na kaibigan nito kaysa mortal na kaaway. Hindi dahil tila siya naging instant popular girl sa loob ng campus nang madikit dito ang pangalan niya. Hindi din dahil bigla siyang kinainggitan ng mga popular girls na dati ay ordina
Hindi pa man tapos magsalita ang last subject teacher nila ukol sa assignment na ibinibigay nito para sa Lunes ay nakasukbit na sa balikat ni Joleen ang bag niya at kipkip na niya ang mga libro niya.Kaya naman halos kasunod na siya ng guro nila paglabas nito ng classroom nila.“Joleen! Sandali!” natatarantang tawag sa kanya ni Rowan.Lately ay madalas ang pagdikit-dikit nito sa kanya. Hindi naman niya masabing nagpapalipad-hangin na ito sa kanya o ano. Pero malakas ang kutob niyang doon na patutungo ang kakaibang iniaakto nito sa kanya nitong mga nagdaang araw.Ang mga pasimpleng pakikisabay nito sa kanya sa paglabas ng classroom n
Natatawang inagaw na ni Joleen ang menu mula kay Jake nang mapansin niyang nanlalaki na sa hindi pagkapaniwala ang mga mata ng waiter nila. Halos orderin na kasi nito ang lahat ng ino-offer na dessert ng napili niyang restaurant na kakainan nila sa loob ng Fire Mall.Minsan na silang nakakain dito sa Hergrace ng mga magulang niya kaya dito niya pinili nang siya ang tanungin ni Jake kung saan niya gustong mag-lunch sila. Sadyang nakakatakam talaga ang mga desserts dito. At dahil alam niyang mahilig sa desserts si Jake, sigurado siyangmagugustuhan nito dito.“Balak mo bang ubusin ang isang taong allowance mo?” naiiling na komento niya dito nang m
Tapos na ang highschool graduation rites nila ni Jake. Matapos makapagpa-picture kasama ng Lolo Nemo at Lola Salome niya na siyang um-attend para sa mga magulang niyang as usual ay may ibang mas mahalaga kaysa sa kanya na inaasikaso, nagpaalam siya sa mga itong hahanapin lang ang ilang kaklase para makapagpa-picture din kasama ng mga iyon.Subalit ang talagang pakay niya ay si Jake. Sa nakalipas na isang buwan matapos niyang marinig ang naging pag-uusap nito at ni Yale ay ilang beses na niyang binalak makipag-break dito. Ngunit sa tuwina ay hindi siya makahanap ng tamang tiyempo. O siguro mas tamang sabihing hindi talaga niya nais makipaghiwalay dito.Kaya naman kung anu-anong da
AFTER ELEVEN YEARS…“Ugh!” napangiwing sambit ni Joleen nang matikman ang itinimplang kape ng bagong sister-in-law niyang si Aishell.Naroon siya sa bahay nito at ng Kuya Bastian niya dahil ihinatid niya ang mga pamnangkin niyang sina Steev at Brina. Sa bahay kasi niya tumuloy ang mga bata nitong nakaraang weekend.“Aishell, galit ka pa rin ba sa akin? Kape ba ito o asido? Ang tapang!” angal niya kay Aishell.“Oops! Sorry! Nalimutan kong hindi ka nga pala mahilig samatapang na kape. Teka, ito, lagyan na lang natin ng cream,”wika naman ni Aishell na iniabot ang bote ng creamer at nilagyanng dalawang scoop ang mug niya.“Thanks! So, sigurado na ba talaga kayo ni Kuya Bastian?”
Fifty years ago, maaring imposible ang binabalak ni Joleen. Ngunit ngayon, sa panahon ng makabagong siyensa, posible na ang pagkakaroon niya ng anak kahit wala siyang karelasyong lalaki. Two words, artificial insemnation. Iyon ang sagot sa hangarin niyang magkaroon ng anak ngunit hindi ng asawa.Ang problema niya na lang ngayon ay kung paano maisasaggawa iyon nang hindi siya isinusumpa ng kuya at lolo niya. At nang hindi siya napapatay ng ina niya. Maliliksi ang mga galaw. Mabilis ang takbo. At kung tumalon ay halos abot na ang ring. Ilan lang iyon sa mga katangiang makikita mula kay Jake ‘The Rake&rsqu
Joleen has never been a reckless driver. Ang totoo, napakaingat nga niya sa harap ng manibela na kadalasan kapag pasahero niya ang kaskaserang pinsan niyang si Danieca ay lagi itong natutuksong agawin ang pagmamaneho mula sa kanya. Subalit sa pagkakataong iyon ay halos paliparin niya ang sasakyan niya marating lang niya agad ang pakay niya.Paghinto niya sa tapat ng resthouse ng kapatid ay mariing tinapakan niya ang preno. Saka bumaba ng sasakyan at patakbong tinungo ang white wooden fence na hanggang dibdib lang niya ang taas. Mariing pinindot niya ang doorbellsa gilid niyon.“Where’s Kuya Bastian?!” natatarantang untag niya sa katulong na nagbukas ng pinto para sa kanya.
CASTILLO ASERON, ISLA FUEGO. Puno ng pagkainip ang anyong sinulyapang muli ni Joleen ang wristwatch niya. Alas-tres y medya na ng hapon. Ngunit wala pa rin sina Lolo Nemo at ang mga bisita nito. Ayon kasi kay Mrs. Dale, ang mayordoma ng castillo, inilibot ni Lolo Nemo sa buong Aseron Farms ang mga bagong dating na bisita nito.Subalit malabong malibot ng mga ito ang buong farm sa loob ng isang araw lang. Sa laki niyon kahit nakasakay pa ang mga ito ng sasakyan, aabutin marahil ng dalawa at kalahating araw ang paglilibot doon. Kaya duda siya kung pagtitiyagaang gawin iyon ng lolo niyang nuno ng lahat ng mainiping tao. Sa palaga