Share

1: Her Student Life

"So may suggestions pa ba kayo para sa darating na campus festival?"

Iyon ang tanong ng student council president namin. Nandito ako ngayon sa SSG Office para sa meeting ng Supreme Student Government ng school namin para sa nalalapit na campus festival.

Um-attend ako sa meeting na 'to bilang Grade 12 representative. Kanina pa ako nababagot dito sa upuan ko habang nakikinig sa kanila kung ano bang gagawin namin.

Nakapalumbaba lang ako sa desk ko habang pinaiikot-ikot ang ballpen sa mga daliri ko. Hindi ako nakikisali sa meeting, nakikinig lang ako. Hindi naman kasi ako interesado sa mga ganitong klaseng event. Hindi ako mahilig sa matatao at maiingay na lugar.

Ako 'yong tipo ng tao na mas pipiliin pang magkulong sa kuwarto habang nanonood ng movies sa laptop at kumain kaysa gumala at mag-party.

"I have a suggestion."

Natuon ang atensyon namin sa babaeng nagsalita habang nakataas ang kamay.

"Yes, Ms. Lapiz."

Tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan, "Bakit hindi tayo magkaroon ng concert sa last day ng festival?"

Tatlong araw kasi ang tinatagal ng campus festival sa'min.

"Hmm, puwede. Matagal na rin since nang magpa-concert ang campus natin," tugon naman ni President.

Three years ago na nang huling may nag-concert dito. Nagkaroon kasi ng stampede incident dahil isang sikat na banda ang inimbitahan nila. Wala namang namatay. Pero nagdulot pa rin ng gulo at nasugatan ang iba at ang iba naman ay naospital dahil nahirapang huminga o kaya ay grabe ang sugat na tinamo dahil sa stampede.

Hindi ko rin naman maintindihan sa mga tao, bakit sobra naman sila humanga sa iba na kung tutuusin ay mga tao lang din naman na gaya namin? Pinagkaiba nga lang, sikat sila at kami ay hindi. Pero kung iisipin, pare-pareho lang tayong tao rito.

"Sino-sino naman ang puwede nating imbitahan kung sakali?" tanong ng isa.

"Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Si Zach!" tugon naman no'ng babae na parang kinikilig pa.

"Si Zach? 'Yong sikat na pop idol?" hindi naman makapaniwalang tanong ng isang babae.

"Siya nga! Kung afford naman siya ng school natin, bakit hindi?" sambit no'ng babae. At sa hitsura niya, mukhang siya 'yong klase ng fan na ipaglalaban talaga ang idol niya.

Isa pa 'yan. Mga delusional fans. Masyadong kina-career ang pagpapantasya sa mga idol nila at nakakalimutan nang in reality, hindi naman sila kilala ng mga 'yon at mas may chance ka pang manalo sa lotto kaysa makatuluyan mo sila.

Napaismid na lang ako sabay iling.

"Sige. Isasama natin sa line up si Zach. Kailangan pa natin ng apat na artists na iimbitahan. Para maipasa na namin sa higher ups ang request for this," sambit ng president.

May budget talaga ang school namin para sa malakihang events. Exclusive school kami, at sa mahal ng tuition fee ay need mo ng full scholarship para makapag-aral nang libre.

My grades are competitive, but my dad can afford my tuition fee and school expenses.

Naghiyawan naman sa tuwa ang mga babaeng nandito na akala mo mga nanalo ng grand prize sa lotto. Nakakatulilig ng tenga ang mga irit nila. Napabuga na lang ako sabay ikot ng mata sa kawalan.

Isa sa mga bagay na hindi ko talaga maunawaan ay ang pagiging fan—mapa celebrity man 'yan, artist, lalo na ng pulitiko. Hindi ko sila maiintindihan kahit kailan.

But on the other hand, alam ko ang pagkakaiba ng supporter sa pagiging fan. Pag supporter ka, you just support what's right and criticize the wrong.

Pero pag fan ka, nabubulag ka na ng delusions mo at para sa'yo, palaging tama at perfect ang idol mo. Kahit mali na, sige ka pa rin. Ipagtatanggol mo pa kahit hindi na maganda at nagmumukha ka nang tanga.

But what do we expect ba? Most people are gullible, so wala ka nang magagawa. Gano'n talaga.

---

"Athena!"

Bungad sa'kin ni Sadie nang makabalik ako sa classroom after ng meeting na nagtagal ng kulang-kulang three hours.

"Sadie," bati ko sa kanya pabalik nang may ngiti tapos ay bumalik na ako sa upuan ko na katabi ng bintana.

Si Sadie ang katabi ko rito sa ikaapat na row. Ang upuan namin ay gaya ng mga nasa high school sa Japan at Korea na chair and desk.

"Anong napag-usapan niyo about sa festival?" usisa niya sa'kin.

"Wala naman. Mga usual lang gaya ng kung ano-anong mga stalls ang ia-allow nila itayo, at kung ano-anong rides ang ilalagay nila sa open field, at kung sino-sinong artists ang invited para sa concert sa huling araw ng festival."

"Talaga? May concert night na ulit sa festival?" tanong ni Sadie na mukhang hindi makapaniwala.

"Oo, meron na ulit."

"Wow! Sino-sinong dadalo?" usisa ni Sadie.

Napaisip ako sandali para alalahanin kung sino-sino bang artists 'yong nabanggit kanina sa meeting.

Binanggit ko kay Sadie 'yong dalawang rock band, isang boy band, isang girl group, at 'yong solo artist na Zach.

Napasinghap si Sadie nang banggitin ko 'yong Zach.

"Really? Invited si Zach? Oh my god!" kinikilig na sambit nito.

Pinungayan ko siya ng mata sabay buntonghininga. Fan girl din pala ng Zach na 'yon itong si Sadie.

Nag-cross legs ako sabay cross arms din sa dibdib ko. Kilala ko sa pangalan 'yong Zach na 'yon at laman nga ng mainstream media ang mga kanta niya, pati na rin mga movies niya. Laman din siya ng ilang commercials.

Pero never kong pinakinggan ang music niya at pinanood ang movies niya. Hindi kasi ako mahilig sa mainstream. Mas prefer ko ang underrated. Kalimitan sa mga underrated ay mas maganda pa sa mainstream, 'yon nga lang ay hindi nama-market nang maayos at hindi sikat ang artists.

---

Nang uwian na ay nakita ko na agad ang sundo kong sasakyan na naghihintay sa labas ng campus at dumeretso ng uwi.

Twenty minutes ang biyahe mula school hanggang bahay namin. Sa isang exclusive subdivision kami nakatira.

Ang gate ng bahay namin ay matayog na gawa sa bakal na kulay maroon. Pagpasok sa loob ay bubungad ang isang pathway at sa gitna nito ang isang fountain na may estatwa ng anghel sa gitna. Tapos ay may garden kaming naka-landscape sa magkabilang ground ng bahay namin.

Pag park ng driver namin ng sasakyan ay bumaba na ako agad at dumeretso nang pasok. Two-storey mansion ang style ng bahay namin na ang motif ay brown at beige.

Pagdating ko sa sala ay nakita ko ro'n si Ate Aphrodite. Ang sala namin ay beige at baby pink ang motif. Prente lang siyang nakaupo sa sofa at nakikinig ng music sa phone niya through earphones. Pero kinakanta niya rin 'yong kantang pinapakinggan niya.

"Aga mong umuwi ah," sambit ko kay Ate nang makita niya ako. Tapos ay tinanggal niya ang isang earpiece niya.

"Wala nang gagawin sa school eh," sagot niya.

Pumapasok ngayon si Ate Aphrodite sa isang sikat at mataas na university sa course na Political Science. 'Yon ang pinakuha sa kanya ni Dad bilang pre-law subject. Gusto niyang mag-abogada si Ate para maging legal adviser ng pamilya namin.

"Himala. Hindi ka yata gumala?" asar ko sa kanya.

"Athena, nagbago na ako, 'no."

"Weh, o baka naman natakot ka lang kay Dad," natatawa kong sagot.

Noong high school kasi si Ate, madalas siyang pagalitan ni Dad dahil palaging tumatakas para lang magbulakbol kasama ang mga kaibigan niya. Mahilig siya sa party at barkada—kabaligtaran ko.

Mabuti na lang kamo may ibubuga pa rin si Ate sa school kaya hindi gaanong matindi ang galit sa kanya ni Dad.

Bumuntonghininga siya sabay bagsak ng balikat, "Well, you're right."

"Let me guess. Pinagbantaan ka ni Dad na ipapahamak niya ang friends mo kapag naging suwail ka pa ngayon."

Bumuntonghininga siya muli, "You're right. And I don't want it to happen naman. Ayaw kong mapahamak ang friends ko just because of me."

"Kawawa ka naman," pang-aasar ko sa kanya.

Inirapan niya ako, "Nye nye."

"Si Ate Artemis pala? Nandito na rin ba siya?" tanong ko naman.

"Wala pa. Kasama siya ni Dad sa meetings. You know. Heiress duties," sagot ni Ate Aphy.

Si Ate Artemis ang pinakamatanda sa'ming magkakapatid. Graduate na siya ng college two years ago at may kinalaman naman sa business management ang kurso niya. Iyon ang pinakuha sa kanya ni Dad dahil siya nga ang magmamana ng halos fifty percent ng business shares and company namin bilang siya ang heiress ng family.

"Nga pala, Athena."

"Hmm?"

"Gusto mo ng bagong kanta?" tanong sa'kin ni Ate.

"Hmm, sige ano ba 'yon? Siguraduhin mong maganda 'yan ha?"

"'Yong kantang Selenophilia ni Zach."

Napakunot naman ang noo ko, "Zach? 'Yong idol?"

Tumango naman si Ate nang may ngiti.

Pinaikot ko sa kawalan ang mga mata ko, "No, thanks."

"Maganda kaya!"

Tapos ay naglakad na ako papuntang hagdan, "Hindi ako mahilig sa mga ganyan!"

"Baduy ka kasi!" pang-aasar pa niya sa'kin habang paakyat ako ng hagdan.

"I don't give a fuck!"

Nakalimutan ko. Fan din nga pala si Ate ng Zach na 'yon.

Hanggang nakarating na ako sa kuwarto ko. Nilapag ko ang bag ko sa ilalim ng study table ko pagkatapos ay nagbihis na ako ng pambahay.

Pumunta ako sa kabilang panig ng kuwarto ko kung nasaan ang firearms collection ko. May mga nakasabit na rifles at machine guns sa dingding. Tapos sa isang glass container ay iba't ibang klase ng mga hand gun.

Five years old pa lang ako nang una akong humawak ng baril. Si Dad mismo ang nagturo sa'kin kung paano i-assemble ang mga 'yon. 'Yon lang ang pinapagawa niya sa'kin hanggang mag ten years old ako. Saka niya ako tinuruan kung paano bumaril.

Natuto akong i-manage ang pag-aaral at training ko bilang hitman. Kumabaga, estudyante sa umaga at gunman sa hapon.

Bukod din sa training ko sa gun shooting, nagte-training din ako ng Martial arts para lumakas ang katawan ko. Hindi lang dapat ako asintado bumaril. Dapat maliksi at malakas din ang katawan ko.

Five years old din ako nang ipasok niya ako sa Martial arts school at taekwondo ang una kong natutunan.

Pero mula nang mag-senior high ako, once a week na lang palagi ang training ko. Gun shooting sa Sabado at Martial arts training naman sa Linggo.

Pabor na rin sa'kin 'yon dahil nakakapagpahinga pa ako sa hapon pag-uwi ko galing school.

Si Dad talaga ang nagdidikta sa'min ng aming kinabukasan. Si Ate Artemis ay isang businesswoman dahil kailangan niya 'yon bilang heiress na siyang magpapatakbo ng mga negosyo namin balang-araw.

Si Ate Aphrodite naman ay gusto ni Dad na maging lawyer. Para siya ang maging family lawyer namin o 'conseiller'.

At ako naman, gusto ni Dad na maging parte ako ng military. Gusto niya akong maging officer sa armed forces. Kaya naman pag-graduate ko ng senior high, sa military academy ako papasok.

Matapos kong bisitahin ang firearms collection ko ay bumalik na ako sa study table ko. Pag-upo ko ay kinuha ko ang bag ko sa ilalim at inilabas ang books, handouts, at notebook ko.

---

Nagba-browse lang ako sa I*******m sa phone ko habang nakikinig ng music through earphones. Pinapakinggan ko 'yong Hybrid Theory album ng Linkin Park habang wala pa kaming teacher.

Hina-hum ko nang mahina ang kanta nilang In The End na isa sa mga sikat nilang kanta at isa rin sa mga kanta sa album na 'to.

Nang mapansin ko naman na biglang nagsibalikan sa mga upuan nila ang mga kaklase ko ay agad kong tinanggal ang earphones ko at tinago ang phone sa bag ko.

Pagkatapos ay pumasok na nga ang adviser namin.

"Good morning, class."

"Good morning, Sir Jacinto."

"Okay. So, before we start our lessons for this morning, I just want you to meet our newly transfer student."

Nagtinginan ang mga kaklase ko at nagbulungan dahil sa binalita ni Sir.

"Kalma lang kayo sa upuan niyo ha. I'll just call him."

Matapos 'yong sabihin ni Sir ay sumenyas siya sa bandang pintuan at napalaglag-panga ang lahat ng mga kaklase ko rito ngayon, lalo na ang mga babae.

"He's your new classmate, Zachariel Morrison."

Napangiwi naman ako nang biglang magkagulo ang buong klase namin nang pumasok ang lalaking 'yan.

"Oh em gee! Zach!!"

"Is this true? Oh my god!!"

"Si Zach!!"

Halos mabingi na ako dahil sa pagkakagulo at hiyawan ng mga kaklase ko dahil ang bagong transfer student ay 'yong sikat na idol na si Zach.

"Class, keep quiet," saway ng teacher namin. At mabuti naman at natahimik din sila.

"Hi, I'm Zach. Nice to meet you."

Matapos magsalita no'ng Zach na 'yon ay bumalik na naman sa pagiging magulo ang mga kaklase kong babae. Kanya-kanyang irit at 'yong iba naman ang OA na akala mo hihimatayin na.

"Class, quiet!" saway muli ni Sir. Natahimik din naman sila ulit.

"Okay, Mr. Morrison, you may take your seat at the back. That vacant seat there," sambit naman si Sir tapos ay tumuro siya sa bandang likod ko. Napalingon tuloy ako nang kaunti sa likod ko at nakita ko ngang may vacant seat dito.

Habang papunta rito si Zach ay habol-tingin sa kanya ang mga kaklase kong babae. Hanggang makaupo siya sa likod ko ay nakatingin pa rin sila.

"Oh, siya nga pala, Mr. Morrison. In your front was our class president, Ms. Athena Veilleux. You can ask her about everything in this campus. Okay?"

Dahan-dahan ko siyang nilingon at nang magtagpo ang mga tingin namin ay ningitian niya ako. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya ngumiti na lang ako nang tipid at dahan-dahan kong binalik sa unahan ang tingin ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status