Share

ATHENA: Angel With A Shotgun
ATHENA: Angel With A Shotgun
Author: Ellanne Jaeger

ATHENA: Prologue

Nakikipagtutukan ako ngayon ng baril sa lalaking kaharap ko ngayon. Naka-hoodie jacket siya na asul, maong jeans, at puting rubber shoes.

Nakatutok sa kanya ang hawak kong Smith & Wesson M&P Bodyguard revolver gun na lagi kong dala-dala sa hita ko na nakatago sa ilalim ng paldang suot ko. Habang siya naman ay tinututukan ako ng hawak niyang pocket pistol.

"Sino ka ba at bakit ka nakikialam?" galit niyang tanong sa'kin.

Sa totoo lang, gusto ko sanang baliwalain na lang ang nakita ko pero binabagabag ako ng konsensya ko.

Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa lupa habang titig na titig sa aming dalawa ng lalaking ito na katutukan ko ng baril. Tapos ay binalik ko ulit ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko.

"Hindi na mahalaga kung sino ako," sagot ko.

Papunta kasi ako sa bookstore ngayon pero nakita kong ginugulpi ng lalaking ito ang lalaking 'yan na nakaupo sa lupa na nanonood lang sa'min ngayon na para bang naghihintay kung anong susunod na mangyayari. Kaya narito ako ngayon sa isang eskinita at nakikipagtutukan ng baril sa lalaking hindi ko naman kilala.

Hindi na sana ako makikialam. Kaso, hindi kaya ng konsensya ko. Isa pa, kaklase ko ang isang 'yan.

"Ibababa mo 'yang baril mo o ipuputok ko 'to sa ulo mo?" pananakot niya sa'kin.

Napangisi ako sa isip ko. As if naman na kaya niya ako.

"I'm waiting," pang-aasar ko.

"What the fuck are you saying, Athena?" pag-aalala naman ng kaklase kong may kasalanan ng lahat ng ito.

Ngumisi naman ang lalaki. Inoobserbahan ko ang galaw ng daliri niya sa bandang trigger ng baril. 

Three. Two. One.

At bigla kong ipinutok ang baril sa kanya. Tinamaan siya sa kaliwang balikat kaya't nabitiwan niya ang hawak niyang baril. Napadaing siya sa sakit habang hawak-hawak ang sugat sa balikat niya.

I pulled the trigger right before he pulls his. 

Napaluhod siya sa lupa, tapos ay humakbang ako para lapitan siya. Tinapakan ko ang baril na nabitiwan niya at sinipa ito papalayo.

Nakatutok pa rin ang baril ko sa lalaki. Tinutok ko pa ito malapit sa sentido niya.

"Eh ikaw? Sino ka? Bakit mo binubugbog ang lalaking 'yan?" usisa ko.

Napapangiwi ang lalaki habang umuungol ng impit dahil sa sakit na kanyang nararamdaman dulot ng tama ng bala ng baril sa kanyang balikat.

Idiniin ko pa ang dulo ng baril ko sa sentido niya upang takutin siya para magsalita. Dahan-dahan naman niyang inangat ang mga kamay niya at tinaas ito pantay sa kanyang mga balikat senyales na sumusuko na siya.

"N-napag-utusan lang ako. K-kailangan ko raw patayin si Zach Morrison," sagot niya.

"Sinong nag-utos sa'yo?" tanong ng lampang lalaki na nakaupo pa rin sa lupa.

"H-hindi ko alam," sagot nito.

Diniin ko pa ang baril sa sentido niya.

"Nagsasabi ako ng totoo! Napag-utusan lang din ako ng isa sa mga tauhan niya," sagot pa niya.

Ramdam ko at nakikita ko ring nagsasabi siya ng totoo. Kaya naman binaba ko na ang baril at tinago itong muli sa sleeve nito na nakakabit sa hita ko na natatakluban ng palda.

Tumalikod na ako at humakbang paalis. Naramdaman ko namang may kasunod ako nang nasa sidewalk na ako.

"You really believed that rascal?" tanong nito na tila hindi makapaniwala.

"Of course. I know someone very well if they're lying or not," buong kumpiyansa kong sagot.

"Huh. Really? Paano kung balikan ako ng taong 'yon ha?" tanong niya.

Huminto ako sa paglalakad  at hinarap ang lampa kong kaklase.

"It's your problem anymore. Not mine," walang gana kong sagot.

Hahakbang na sana ako nang hawakan niya ako sa braso para pigilan tapos ay hinila niya ako papalapit sa kanya.

"My problem, you say? Ikaw mismo ang nagpatakas sa assassin na 'yon dahil naniwala ka sa kanya then you will say that it's my problem?" inis niyang sambit habang nakatitig sa mga mata ko.

Marahas kong binawi sa kanya ang braso ko.

"So, anong gusto mong gawin ko? Maging bodyguard mo?" sarkastikong tanong ko.

"Great idea, Ms. Veilleux," nakangisi niyang sagot.

I gave him a sarcastic smile, "Bodyguard, your ass."

"I'm serious, Athena," sambit niya.

"You are freaking Zach Morrison the superstar, right? So, you can pay to hire a bodyguard for you. Besides, ayaw kong madikit sa pangalan mo," sambit ko.

Inikutan ko siya ng mata sabay lakad papalayo. 

"I know your secret, Athena."

Napahinto ako sa sinabi niya. Napakunot-noo ako at dahan-dahang lumingon sa kanya.

"What do you mean?" I asked.

Nilapitan niya ako sabay ngisi, "I know that you, Athena dela Croix Veilleux is a Mafia princess of Veilleux Mafia clan from France."

Nandilat ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. How the hell did he knew about it?

"Be my bodyguard or I will publicize your dirty little secret. You choose," nakangisi niyang sambit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status