Share

2: Caught

Tahimik ang paligid at tanging putok ng baril ko lang ang maririnig. Nagpa-practice ako ng gun shooting sa likod ng bahay namin. At sa tingin ko mahigit isang oras na rin akong nandito.

Wala namang makakarinig o makakakita sa'kin dito dahil wala kaming kapitbahay. Malayo kami mula sa mga kabahayan dahil kami rin ang may pinakamalaking bahay sa subdivision na 'to.

Gamit ang 9mm Nickel Magnum Black Firing Revolver gun ko, inaasinta ko isa-isa ang mga shooting target na ilang metro ang mga layo mula sa'kin. Sa limang shooting target, lahat tinamaan ko ng bull's eye.

"Mademoiselle"

Napalingon ako sa tumawag sa'kin, "Oh, Cedrick."

Si Cedrick ay isa sa mga butler ng pamilya namin. Matagal na siya sa'min at mas matanda lang siya ng isang taon kay Ate Artemis.

"Pinatatawag na po kayo ng mga kapatid niyo, Ms. Athena. Handa na ang almusal," sambit niya.

"Sige. Susunod na ako," sagot ko.

Ala siyete pa lang ng umaga at ito ang pinaka-exercise na ginagawa ko bago pumasok sa school.

Niligpit ko muna ang baril ko at ang mga kasamang bullet nito. Pagkatapos ay pumasok na ako sa loob.

Pagpasok ko naman ay nakita ko ngang nasa dining table na sina Ate Aphrodite at Ate Artemis. At napansin kong nakaayos na si Ate Artemis. Naka-corporate attire siya. Samantalang si Ate Aphrodite naman ay nakapambahay pa. At syempre, wala na naman si Dad.

"Athena!"

Nilingon ko si Ate Aphrodite nang tawagin niya ako.

"Bilisan mong mag-ayos. Kumain ka na," sambit niya.

"Okay," sagot ko naman.

Tuluyan na akong umakyat papunta sa kuwarto ko. Pagpasok ko ay tinabi ko na agad ang baril ko sa glass container nito. Pagkatapos ay hinubad ko na ang suot kong pambahay at pumasok na ako agad sa banyo. May sarili kasi akong banyo rito sa kuwarto ko.

Lumusong na kaagad ako sa bathtub pagkabukas ko ng shower. Dahan-dahan kong isinandal ang likod ko sa tub at naramdaman ko ang lamig nito dahil gawa ang tub sa cast iron pero presko naman sa pakiramdam dahil nainitan at pinagpawisan din naman ako kanina.

Ipinikit ko sandali ang mga mata ko habang naagos sa katawan ko ang maligamgam na tubig na nagmumula sa shower ko.

Pakiramdam ko nagku-cool down ang katawan ko kaya nakaka-relax. Mayamaya ay kinuha ko na ang shower gel ko at nag-pump ako sa palad ko para ipahid sa katawan ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagpunas na ako ng towel bago lumabas ng banyo. Binalot ko muna ang sarili ko ng bathrobe at humarap sa vanity table ko. Kinuha ko ang hair blower at tinuyo ko ang buhok ko gamit 'yon habang nagsusuklay din.

Nang makuntento na ako ay nagbihis na ako ng school uniform ko. White button-down long sleeve, dark grey button-down vest, at red necktie na may yellow stripes. Tapos pleated skirt na itim na hanggang hita.

Sinuot ko na rin ang over-the-knee socks ko na kulay itim, pagkatapos ang clog slippers ko. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na sa sala para kumain.

Pagbaba ko ng hagdan ay nilapag ko muna ang bag ko sa sofa sa sala. Nagtaka naman ako nang makita ko ang mga ate ko na nakaupo sa sofa habang mga nagse-cellphone.

"Oh, why are you here? Tapos na kayong kumain?" tanong ko sa kanila.

Tumingin sa'kin si Ate Artemis, "Ang tagal mo naman mag-ayos. We're waiting for you."

Napataas naman ang kilay ko sa narinig ko kay Ate.

"Yeah. You're so bagal talaga. Ano pa bang rituals ang ginagawa mo?" pang-aasar naman ni Ate Aphrodite sabay ngisi.

"Let's go. Kumain na tayo. I need to go to office early," aya naman ni Ate Artemis tapos ay tumayo na siya at pumunta sa dining table. Kasunod naman niya si Ate Aphrodite.

At mayamaya lang ay sumunod na rin ako.

Hindi ako makapaniwalang hihintayin nila ako para lang magsabay-sabay kaming kumain. Well, sabay-sabay naman talaga kaming kumain palagi. Ugali na namin 'yong magkakapatid. Pero 'di ko lang ine-expect na hihintayin nila ako para ro'n.

Palaging busy si Dad kaya hindi namin siya nakakasabay sa pagkain. Hindi ko na nga maalala kung kailan namin siya huling nakasabay sa pagkain.

Tapos si Mommy naman...matagal nang wala. Three years old ako nang pumanaw si Mommy dahil sa pancreatic cancer. Kaya 'yong kalinga ng ina na hinahanap ko, mga ate ko ang nagbibigay sa'kin no'n.

----

Hinatid na ako ng driver namin sa school ten minutes bago ang klase. Habang naglalakad ako sa corridor papuntang classroom ay nakikinig ako ng music sa earphones ko. Now playing, If I'm Low on Gas, You Need a Jacket by Pierce the Veil.

Napahinto naman ako nang mapansin kong nagkakagulo sa tapat ng classroom namin. Parang may sinisilip sila sa loob?

Napakunot-noo naman ako at dahan-dahang lumapit para malaman ko kung ano bang pinagkakaguluhan dito at lahat pa ng nandito ay mga babae.

Paglapit ko naman ay naririnig ko ang pangalan ni Zach na pinagbubulungan nila. Napabuntonghininga ako nang malalim sabay iling. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan na may kaklase pala kaming superstar.

Pinilit kong isingit ang sarili ko mula sa mga naggigitgitang mga tao sa pintuan hangga't sa tuluyan akong makapasok ng room.

At dahil nga ang upuan ng Zach na 'yon ay nasa bandang likuran ko lang, hindi ko maiwasang mapatingin sa puwesto niya.

Pinaliligiran siya ng karamihan sa mga kaklase namin. Tinatanong at inuusisa siya nang kung anu-ano na para bang nakasalang siya sa isang interview.

Pag-upo ko ay kinuha ko ang phone sa bulsa ko. Huminto na kasi ang playlist ko dahil tapos na pala ito. Nag-scroll ako nang nag-scroll sa playlist ko para mamili ng susunod na papakinggan.

"May girlfriend ka na ba?"

Aksidente kong narinig ang tanong na 'yon mula sa isa sa mga babae sa likod ko na fan no'ng Zach.

"Well, to be honest. I'm single. Vocal naman ako when it comes to dating. You know it if you're a fan of me for a long time," sagot no'ng Zach. At 'yong paraan niya ng pagsagot ay para talaga siyang nasa isang interview sa isang talk show.

"Wala ka bang dating ban sa contract mo?" usisa naman ng isa.

"Meron. Pero months up to a year lang siya valid. Then of course, nakikipag-date lang ako kapag tapos na ang dating ban period ko."

"May dating ban ka ba ngayon?"

Natawa 'yong Zach, "Wala. It ended just a couple of months ago."

"So, may nililigawan ka ba ngayon?"

"May something nga ba sa inyo no'ng actress na si Chantal?"

Napaikot na lang ang mga mata ko sa kawalan. Isa rin sa mga problema sa fans, kalimitan sa kanila hindi na marunong rumespeto ng boundaries kahit pa sabihing public figure 'yan.

"Wala, wala. Chantal and I were good friends. That's it."

Sa tono ng pananalita no'ng Zach, parang naiilang na siya.

Mayamaya lang ay nilingon ko sila, "Class, go back to your seats."

Natahimik sila at napatingin sa'kin nang utusan ko sila nang gano'n. Nagtinginan pa sila sa isa't isa na parang hindi makapaniwala at nagdadalawang-isip pa kung susunod sa'kin o hindi.

I crossed my arms on my chest, "Now."

Mukha naman silang mga nalugi pero sinunod naman nila ako kaagad. Tahimik silang nagsibalikan sa mga upuan nila.

"And who the hell are you to command us like that?"

Napalingon at tingala naman ako nagsalitang 'yon. Nanlilisik ang mga mata niya sa'kin habang nakangisi pa. Siya 'yong kapag tiningnan mong nakaganyan, kukulo na agad ang dugo mo.

"Your class president," I answered casually.

Suminghal siya, "Class president ka lang. Hindi ka teacher. Kaya wala kang karapatang utus-utusan kami."

Napangisi ako dahil sa sinabi niya. Nanginig ang kalamnan ko nang kaunti dahil do'n.

"And what the fuck you're laughing at?" tanong niya gamit ang high-pitched niyang boses na nakakairita sa tenga.

"Melody, tama na," pakiusap sa kanya ng isa naming kaklase.

"No! Hindi niyo ba napapansin? Namimihasa na 'tong babaeng 'to. She's abusing her powers as the class president!" panggagalaiti niya.

Tahimik lang siyang pinagtinginan ng buong klase. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. I never do power tripping. Pagkatapos ay tumayo ako at hinarap siya nang maayos.

"May problema ka ba sa'kin?" seryoso kong tanong kay Melody.

Nakatitig lang sa'kin ang mga mata niyang may bahid ng galit.

"Melody, tama na sabi! Hindi ka uubra sa kanya," saway pa ng isa.

"I'm waiting for your answer, Ms. Class Muse."

Lalo siyang nagngitngit sa galit nang tawagin ko siyang class muse. Nagtaka naman ako nang kaunti dahil totoo naman ang sinabi ko. Siya ang muse ng klase namin.

Napaatras ako nang kaunti nang bigla niya akong itulak.

"Miss Class Muse, you say? Minamaliit mo ba ang pagiging muse ko dahil president ka?"

"Ikaw ang nagsabi niyan."

Hinablot niya ako bigla sa braso pero na-counter ko 'yon. Hinawakan ko ang braso niya at pinilipit nang bahagya sabay tutok sa leeg niya ng dulo ng ballpen na nahablot ko sa katabing desk.

Halos napanganga naman ang buong klase dahil sa nasaksihan nila ngayon.

"Don't test my patience, Melody Ruiz."

Nandidilat naman ang mga mata niya habang pinagsasalin ang tingin sa akin at sa ballpen na nakatutok sa leeg niya. Ang galit kanina sa mga mata niya ay napalitan ng takot.

Pagkatapos ay ibinaba ko na ang ballpen at marahas siyang binitiwan kaya't napaatras siya nang bahagya.

Bumalik na rin ako sa upuan ko at nag-scroll ulit sa phone ko. Nakatayo pa rin siya ro'n na mukhang tulala hangga't pumasok na ang class adviser namin.

"Oh, Ms. Ruiz? Why are you still standing there?"

Parang saka lang natauhan si Melody, "S-Sorry, Sir."

Pagkatapos ay agad din siyang bumalik sa upuan niya. At nagsimula na ang klase namin.

---

"Hoy, Athena!"

Naglalakad ako palabas ng cafeteria nang marinig kong tawagin ako ni Sadie. Hinabol niya ako at sinabayan sa paglalakad.

"I think napasobra ka kay Melody kanina," sambit niya na mukhang nag-aalala.

"Talaga? Tingin mo?" sambit ko naman tapos ay binalatan ko 'yong custard-filled donut na binili ko at kinagatan ko ito.

"Oo kaya! Like, if you'll look at her kanina, she looks so traumatized!"

"Uh-huh," tanging tugon ko habang kumakain.

"Anong uh-huh? Athena, if you can see yourself kanina, 'yong mga tingin mo mukhang ready to kill!"

"Oh, gano'n ba?"

Pagkatapos ay tuluyan ko nang tinapos ang pagkain ko habang naglalakad kami ni Sadie sa campus. At nang may nadaanan kaming trash bin ay tinapon ko ro'n 'yong balat ng pinagkainan ko.

Huminto muna kami ni Sadie habang umiinom siya ng juice at ako naman ay kinuha ang tissue sa bulsa ko at pinunas sa labi ko. Pagkatapos ay tinapon ko na rin ito sa basurahan.

Naramdaman ko naman bigla na parang may papalapit sa'king kung ano. At nang makita kong may papalapit sa'king bote ng mineral water na mukhang may nagbato sa'kin ay agad ko itong nasalo.

Nagtaka kami ni Sadie kung saan 'to nanggaling. Mukhang bago pa ito at hindi pa bukas.

"Wow, you really have a fast reflex."

Napatingin kami pareho sa nagsalita habang naglalakad ito papalapit sa'min.

"Oh em gee, si Zach!" kinikilig na sambit ni Sadie nang makita niya ito.

Huminto siya sa harap ko at nagpamulsa. Tapos ay tumingin siya deretso sa mukha ko.

"Athena, right?" tanong nito.

"Bakit? May kailangan ka ba?" seryoso kong tanong.

Nakatingin lang siya sa'kin nang walang emosyon. Nakakailang 'yong tingin niya dahil mukhang kinikilatis ka niya hanggang kaluluwa. Mayamaya'y hinilig niya nang kaunti ang ulo niya.

"You're pretty."

Nandilat ang mga mata ko, "Ha?"

Ningitian lang ako ng mokong. Habang ako naman ay gulong-gulo ang utak. Ano raw 'yon? Joke ba 'yon? Pakiramdam ko parang nag-loading 'yong utak ko nang ilang segundo.

---

Uwian na at nasa bahay na ako. Pagpasok ko pa lang ng bahay ay agad akong sinalubong ni Ate Aphrodite kaya't nabigla ako.

"Athena!" tawag niya sa'kin na parang excited.

"Ano na naman?"

"Halika, dito tayo. Dali!" excited niyang sabi sabay hila niya sa'kin papuntang sofa. Tapos ay sabay kaming umupo.

"Ano na namang kalokohan mo?" tanong ko.

"Relax lang, Athena. Balita ko classmate mo raw si Zach ah," sambit niya na parang kinikilig pa.

Napapikit ako sandali sabay buntonghininga, "Oo. Ano naman?"

Pagkatapos ay may kinuha siyang magazine sa center table namin at pinakita ito sa'kin.

Napataas naman ang kilay ko nang makita kong ang nasa cover ng magazine ay 'yong Zach na 'yon.

"Athena, favor naman. Ipa-sign mo nga 'to ng autograph sa kanya. Please," pakiusap sa'kin ni Ate habang nakadaop ang mga palad niya at nagpapa-cute ng mga mata niya.

Pinandilatan ko naman siya ng mata, "Ha? Ayaw ko nga. No fucking way."

"Dali na! Alam mo namang fan niya ako, right? Please. For the sake of your beloved pretty sister," pakiusap pa niya sa'kin.

Napangiwi na lang ako sabay iling. Minsan iniisip ko kung siya ba talaga ang mas matanda sa'ming dalawa. Though, one year lang naman ang difference namin.

"No way," pagtanggi ko pa.

"Ah! Hindi ka ba naaawa sa'kin?"

Umiling ako, "No. Kung gusto mo, ikaw na lang. Puntahan mo siya sa school namin."

"Athena!" Tapos ay inakbayan niya ako at iniharap pang mabuti sa'kin ang magazine cover kung nasaan si Zach.

"Can't you see that god-like masculine beauty, huh? That prominent jawline, kissable pinkish lips, pointed nose, and his small yet mesmerizing brown eyes? See? See? If Leonardo D'Caprio and BTS V has a love child, it was him!" pagfa-fangirl niya habang pinaglalandakan sa'kin ang magazine na hawak niya.

Marahas kong tinanggal ang braso ni Ate Aphrodite na nakaakbay sa'kin dahil naiirita na ako.

"Ewan ko sa'yo. Baliw ka na," sambit ko.

Tapos ay binuklat niya ang magazine sa may part ng interview kay Zach.

"Tingnan mo, nakalagay dito. When Zach was interested in a girl, the first thing he's telling her is 'you're pretty.' Oh, 'di ba? Ang sweet!"

Nandilat naman ang mga mata ko at pakiramdam ko kinilabutan ako. Bigla kong naalala 'yong ginawa niya kanina.

"Aakyat na ako sa taas."

"Huh? Teka lang, Athena."

"I still have a lot to do. Maya na lang ulit."

"Oh, okay."

Pagkatapos ay tumayo na ako at nagmadaling umakyat sa kuwarto ko. Nang makarating ako sa kuwarto ko ay pabalabag kong sinara ang pinto at hinagis na lang ang bag ko sa sulok.

"Kalokohan," usal ko sa kawalan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status