The sunlight hitting my face woke me up from a deep sleep. Napabalikwas ako nang pagbangon ng hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa aking paningin.
I closed my eyes when my shoulder hurts because of my sudden action. Doon muling pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Pasimple kong tiningnan ang aking sarili sa pag-iisip na may kalokohan siyang ginawa sa 'kin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil 'to pa rin ang suot kong damit.
"Fvck!" pagmamaktol ko kasabay nang paghawak sa aking ulo dahil sa hangover.
"Napakaaga naman nang pagmumura mo," a baritone voice echoed in the room.
Agad kong iniangat ang aking paningin sa direksyon ng pintuan. Walang emosyon siyang nakatayo habang may hawak na tray sa kanyang kamay.
Hindi ko man lang narinig o naramdaman ang pagpasok at pagbubukas niya ng pinto.
"Who are you?" malamig kong tanong habang nakatitig sa mga ma
Minahal ko ang isang babae na hindi ko aakalaing mamahalin ko. It all started when she seduced me by her game. Para akong isang nilalang na nagayuma sa kanyang mga haplos at paninitig. Pilit kong nilabahan ang atraksyon na nararamdaman ko dahil alam kong laro lang para sa kanya ang lahat, bukod doon ay may babae na akong balak ligawan. Ngunit siguro nga ay talagang mapaglaro ang tadhana, bumigay ako sa kanya nang nakulong kami sa isang elevator. Sa isang madilim at makitid na lugar ay nakuha ko ang pagkababae niya na lubos kong ikinagulat. Is she still playing with me?Alam ko kung gaano kahalaga para sa mga babae ang kanilang puri kaya sobra ang pagkalito ko no'ng panahon na 'yon. Imposible na ibigay niya ang kanyang sarili sa akin para lang sa larong gusto niya. Is she attracted to me somehow?Hindi ko alam kung bakit natuwa ako sa isiping 'yon na dapat ay iniignora ko dahil inilaan ko na ang aking sarili sa isang babae.- - -I am seriously driving my car with Ashley on the passe
Farro laughed and clapped his hands joyfully as he watched me begged. "Hindi ko inaasahan na kusa kang luluhod sa harapan ko. Napakadali mo naman 'atang sumuko, bomber?" pangungutya niya.Hindi ako nagsalita pa. Hinayaan ko siyang umimik nang umimik. "What are you doing, Rose?" asar na tanong ni Aycxe sa linya."Please... ako na lang. Huwag niyo siyang idamay rito," muli kong pakiusap.Nilaro ni Farro ang kanyang panga gamit ang kanyang daliri at sinenyasan ang kanyang tauhan na ilapit si Jairon sa puwesto niya.Nanatili akong nakaluhod at bagsak balikat na nanunuod sa nangyayari. Nagkatinginan kami ni Jairon, kita ko sa kanyang mukha ang pagtutol sa ginagawa ko."Alam mo ba na pinagawa ko pa sa eksperto ang bomba na ito?" pagtukoy ni Farro sa nakakabit na bomba kay Jairon.Naglakad siya patungo sa 'kin at yumukod para hawakan nang mahigpit ang panga ko. "Para lang sa 'yo," dagdag niya at padaskol na pinakawalan ang mukha ko."Itali niyo 'yan!" gigil na utos niya sa kanyang tauhan.
Ngayon ko lubos na naiintindihan ang padalos-dalos na kilos ni Sophia noon. Sino'ng hindi agad susugod kung mahal mo sa buhay ang nakataya? Pilit kong ikinalma ang sarili ko habang inihahanda ang mga kagamitan ko. Natawagan ko na rin ang mga kasamahan ko para maging maayos ang pagbuo namin ng plano.Traydor ang kalaban ko, magdala man ako o hindi ng kasama ay alam kong pahihirapan pa rin nila ako. Kinakain man ng kaba at takot ang sistema ko ay pilit kong iwinaksi 'yon. Alam kong hindi agad nila gagalawin si Jairon dahil s'ya ang gagamitin nilang pain sa 'kin. Gano'n sila maghiganti, gano'n sila kumilos, ipinapadama ang kabrutalan nila.Naagaw nang pagtunog ng door bell ang atensyon ko. Sinuri ko muna ang aking tablet na nagkokonekta sa camera para masigurado na mga kasama ko 'yon at hindi kalaban. Agad naman akong lumabas nang nakita ang mga imahe nila sa screen.Seryosong paninitig ang sinalubong namin sa isa't isa sandaling pumasok sila sa bahay ko. Hindi na ako nagtataka na kasam
I am ready to end my life. Isang hakbang lang ay tuluyan na akong mahuhulog sa malalim na ilog, gano'n nalang ang gulat ko nang may malakas na p'wersang humila sa 'kin pabalik at ikinulong ako sa isang matipunong katawan."Fvck! Damn it!" a familiar voice exclaimed."J-Jairon?" utal na pagtawag ko.Kumalas s'ya sa 'kin saka nag-aalalang sinuri ang kabuuan ko. "Are you okay?" he asked worriedly.Lalo akong naiyak. Mahina ko s'yang hinampas sa dibdib at itinulak. "Why are you here? Why did you stop me?" Muli niya akong kinabig at mahigpit na niyakap. "Bae, this is not the solution to all your problems," he murmured as he kept kissing my head.Pilit akong nagpumiglas ngunit mahigpit akong nakakulong sa braso niya. "Let me die, Jairon. I don't deserve to live," pumipiyok kong sambit sa gitna nang paghagulhol ko."Ssshhh. I get it, you're emotionally stressed. Please, rest, Quennie. Stop thinking this shit."Nanghihina akong tumigil sa pagkalas ko sa kanya at umiyak nalang nang umiyak. "
Nagising ako sa isang puting silid. Ilang sandali ko munang prinoseso ang lahat at marahang inilibot ang paningin ko sa k'warto. I saw my friends standing on the corner, tanging si Sophia lamang ang nakaupo sa isang bakanteng upuan. Siguro ay kararating niya lang ngayong umaga rito sapagkat wala s'ya kagabi. Bagay na naiintindihan ko dahil sa sitwasyon niya. Pare-pareho silang nakatungo na tila may mga malalalim na iniisip.Hindi rin nakaligtas sa 'kin ang nanay ko na naka-ub-ob sa gilid ng higaan ko. Nanghihina kong ipinatong ang aking kamay sa tiyan ko at mariing napapikit.Are you still there?"Anak," bulong na tawag ng aking ina. Marahil ay nagising siya sa ginawa kong pagkilos.Mabagal kong ibinaling ang atensyon sa kanya, sa kanila. Lahat sila ay nakamasid sa 'kin habang bakas ang kalungkutan sa kanilang mga mata."L-Ligtas s'ya hindi ba?" garalgal kong usisa.Walang sumagot sa 'king tanong, awtomatiko akong napapikit at tahimik na napaluha."Isa na namang nilalang ang hindi ko
"How did this happen?" nanghihina kong tanong sa mga kasama ko."Planado na nila ang lahat buhat palang no'ng umalis ang tatay mo papuntang Singapore," panimula ni Aycxe sabay abot sa 'kin ng kanyang cellphone.Nagngitngit ang ngipin ko nang nakita ang litrato. May nakalagay na malaking K, senyales ng kanilang grupo, sa kalsada kung sa'n sumabog ang sinasakyan ni Daddy. May kasama rin na mensahe ang litrato na s'yang nakapagpamuhi sa 'kin ng todo.You messed up with my business, now it's time to repay you. -Farro"Bakit hindi mo ipinaalam sa 'kin ang pagkilos mo mag-isa?" malamig na usisa ni Aycxe.Kinain ako ng pagsisisi dahil sa paglilihim ko noon. Hindi ako nakasagot sa tanong ni Aycxe bagkus ay nanghihina akong napaupo sa sahig. Mabilis na umalalay sa 'kin sina Noella, Shiela at Sophia—kung nasaan ang asawa niya ay iyon ang hindi ko alam.Tahimik akong napaluha. "Kasalanan ko... kasalanan ko ang lahat.""Walang may gumusto nito, Rose. Stop blaming yourself," Sophia said while tapp