Share

CHAP 31

Ngayon ko lubos na naiintindihan ang padalos-dalos na kilos ni Sophia noon. Sino'ng hindi agad susugod kung mahal mo sa buhay ang nakataya?

Pilit kong ikinalma ang sarili ko habang inihahanda ang mga kagamitan ko. Natawagan ko na rin ang mga kasamahan ko para maging maayos ang pagbuo namin ng plano.

Traydor ang kalaban ko, magdala man ako o hindi ng kasama ay alam kong pahihirapan pa rin nila ako. Kinakain man ng kaba at takot ang sistema ko ay pilit kong iwinaksi 'yon. Alam kong hindi agad nila gagalawin si Jairon dahil s'ya ang gagamitin nilang pain sa 'kin. Gano'n sila maghiganti, gano'n sila kumilos, ipinapadama ang kabrutalan nila.

Naagaw nang pagtunog ng door bell ang atensyon ko. Sinuri ko muna ang aking tablet na nagkokonekta sa camera para masigurado na mga kasama ko 'yon at hindi kalaban. Agad naman akong lumabas nang nakita ang mga imahe nila sa screen.

Seryosong paninitig ang sinalubong namin sa isa't isa sandaling pumasok sila sa bahay ko. Hindi na ako nagtataka na kasam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status