LOGINSYNOPSIS: Limang taong minahal ni Bella Ramos ang lalaking pinaniniwalaan niyang makakasama niya habang-buhay. Pero isang araw, natuklasan ni Bella na ang lalaking pinagkatiwalaan niya ng kanyang puso ay siya ring sisira sa kanyang tiwala sa pag-ibig. Matapos ang pasakit na idinulot ni Ivan Montereal sa kanya, ipinangako ni Bella ay hindi na siya muling magpapakatanga para sa isang lalaki. Handa na siyang magsimulang muli at kalimutan ang nakaraan. Hanggang sa makilala niya si Ethan Montereal. Isang makapangyarihan, misteryoso at matagumpay na negosyante. Isa rin siyang taong hindi madaling basahin ang isip at lalong hindi madaling lapitan. Ngunit sa likod ng malamig niyang mukha ay isang taong may sariling mga lihim at sugat na pilit niyang itinatago. Habang unti-unting naglalapit ang kanilang mga landas, nahanap ni Bella kay Ethan ang pang-unawang matagal na niyang hinahanap mula kay Ivan. Ngunit ang atraksyong namamagitan sa kanila ni Ethan ay may kapalit na panganib—mga lihim ng pamilya, mga matang mapanghusga, at isang dating kasintahang hindi matanggap na tuluyan na niyang pinalitan. Ngunit paano kung ang pagmamahalang pilit nilang ipinaglalaban ay maging dahilan ng mas matinding hidwaan sa pagitan ng mag-uncle? At kung ang lalaking minsang dumurog sa puso ni Bella ay siya ring taong hahadlang sa bago niyang pag-ibig, sino ang pipiliin niya—ang nakaraan na ayaw siyang pakawalan o ang kasalukuyan na handa siyang ipaglaban?
View More“Mama, kailan ko po makikita si lola sa personal? Palagi na lang po kasing sa video call kami nag-uusap,” nakasimangot na sabi ni Lory sa ina.Huminga nang malalim si Bella bago hinaplos ang buhok ng anak. Hindi pa niya puwedeng pagbigyan ang hiling nito lalo’t kagagaling lang niya sa hospital. Hindi rin siya puwedeng mapagod dahil sa kondisyon niya ngayon.“Baby, konting panahon na lang at uuwi na tayo sa lola mo, okay?” “Talaga po, mama! Yehey!” masayang sagot ni Lory sabay abot sa kanyang kamay.Napalunok si Bella. Wala siyang pagpipilian ngayon kundi ang bumalik ng manila upang may katuwang siya sa pag-aalaga ng kanyang anak. Matagal na sana silang pinapauwi ng kanyang ina pero siya ang umayaw. Hindi pa siya handang balikan ang lugar na ’yun pero wala siyang pagpipilian. ***“Ma’am, ’yung luggage n’yo po, baka maiwan ninyo,” bungad sa kanya ng binatilyong nakatabi nila sa upuan. Nasa terminal na sila nang mga oras na ’yun. Sa wakas, nagpasya na siyang bumalik na ng Manila matap
Chapter 4“Sino?” “Ayon sa private investigators natin, Camille raw po ang pangalan. Nag-utos siya ng tauhan para tuluyan nang mawala si Miss Bella,” tugon ni Lester.Napalunok si Bella nang marinig ang sinabi ni Lester. Ibig sabihin, hindi lang basta aksidente ang nangyari? Pakana iyon ni Camille para tuluyan na siyang mawala sa landas nila ni Ivan?“Go get her. Hindi puwedeng makawala siya sa ginawa niya, Les. Nagkasala siya kaya dapat siyang managot sa batas,” tugon naman ni Ethan.“Copy po, boss. Inihanda ko na rin ang ebidensya para mapanagot siya sa batas.”Hindi na umimik si Bella. Nasasaktan siya sa isiping, hindi pala posibleng magawa ni Camille sa kanya ang bagay na ’yun. Ang taong itinuring niyang kapatid sa loob ng ilang taon ay naging kalaban na niya dahil lang sa isang lalaki. “Make her pay, Les.”“Copy, boss.” “Ipinaubaya ko na nga sa kanya si Ivan pero nagawa pa rin niya sa akin ang bagay na ’yun? Gano’n ba siya ka disperada?”Tumikhim si Ethan. “Don’t worry, I’ll
“Unang araw ko pa lang dito, gulo na agad ang bumungad sa akin. Pero sorry kayo dahil hindi ako magpapatalo sa inyo,” bulong ni Bella sa sarili. Sa sumunod na araw ay gano’n pa rin ang senaryo. Siya pa rin ang laging nakikita ni Alena—’yun ang pangalan ng babaeng tila may personal na galit sa kanya. “Miss Ramos, come to my office now!” Mabilis nag-angat ng paningin si Bella nang marinig ang baritonong boses ng kanyang amo. Seryoso ito habang nakatingin sa kanya. “Copy po, sir,” agaran niyang sagot. Tahimik siyang sumunod sa binata. Hindi alintana ang naririnig na bulungan sa tabi. Pagdating sa opisina nito, nagulat pa siya nang bigyan siya nito ng tatlong plastic bag. “Ano po ito, sir?” “Pang-office attire lang ’yan. Walang malisya.” Napalunok si Bella. Hindi niya maiwasang mapangiti sa isiping may itinatago naman pa lang kabaitan ang among kinatatakutan ng lahat ng empleyado nito. Napatingin siya sa kanyang amo. Napalunok siya nang maghinang ang kanilang paningin. Ramdam
“I’m here to help you po, Miss Ramos.”Kumunot ang noo ni Bella. Ito ’yung lalaking kasama ng tiyuhin ni Ivan kanina sa condo nito. Tutulungan siya nito? At ano naman kaya ang kapalit? Napalunok si Bella. Hindi niya inaasahan ang bagay na ’yun. At kung totoo man ang tulong na inalok nito sa kanya, wala na siyang pagpipilian ngayon dahil kailangan nang maoperahan ng mama niya.“Ano naman pong klaseng tulong, sir?” “I’ll help you para maoperahan ang nanay mo. And if you need anything, nandito po ang card ni boss. Just call him,” anang lalaki. Kumibot ang labi ni Bella habang unti-unting bumaba ang paningin niya sa calling card na inabot nito sa kanya. “Talaga po? Naku, tatanggapin ko po ang tulong ninyo kahit ano pa po ang kapalit,” masayang sabi ni Bella.Tipid na ngumiti ang lalaki bago ito humakbang. “Anyway, bayad na po ang hospital bills ninyo.” Kumunot ang noo ni Bella dahil sa narinig. Mabilis din ang pagtibok ng kanyang puso. Bayad na ang bills nila? Gano’n lang kadali? Ni
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.