Share

ATTICUS FELL TO THE HEIR OF VERLACE FARM
ATTICUS FELL TO THE HEIR OF VERLACE FARM
Author: May Poblete

CHAPTER 1

Naglalakad si Avery sa sakahan lahat ng mga mangagawa binabati siya yuko lang ang tugon niya sa mga ito. Sadyang mahiyain ang dalagita gusto lang niya sa tahimik na lugar. Paboritong niya puntahan ang kubo sa gitna ng sakahan na pinagawa pa ng kanyang lolo. May mga kaibigan naman siya kaso sa ibang bayan na mga nagtatrabaho kaya tuwing umuuwi lang ang mga ito saka lamg ulitin sila nagkikita. Pero simula ng mangibang bansa ang bestfriend niya si Masha hindi na sila palagi nagkikita kita.

Nang makarating siya sa maliit na kubo umupo siya sa ikalawang baitang hagdan, pinagmasdan niya ang mga puno ng cacao. Maganda ang panahon ngayon kaya tila hinihila siya ng mga paa niya sa ilog. Malapit lang sa kubo sampung minutong lakaran lang papunta doon.

Wala pa sampung minuto nakarating na siya sa ilog. Tinanggal niya lang ang suot na tsinelas lumusong siya kaagad sa malinaw na tubig. May nakikita pa siya mga isdang tabang.

Marahan siya umahon sa malaki bato ng humarap siya sa pinagmulan niya nakakita siya ng makisig na binata. Kahit malayo ang pagitan nila kita niya ang mala-kanela kayumanggi kulay na mata nito, ang matangos na ilong nito at panghuli pinagmasdan ng dalaga ang labi nito mamula mula. Napalunok siya ng makita binasa pa ng binata ang makapal nito labi gamit ang dila nito. At kulay kayumangging balat nito bumabagay sa kanya na nakadagdag sa kakisigan nito.

Mapapansin kaya siya ng bintana?

Napatingin ang dalaga sa repleksyon niya sa malinaw na tubig. Meron siya kulay tsokolate buhok na kulot sa dulo nalalagpas hanggang balikat, ang mata niya mahahalintulad sa manika kung titignan ay kulay kastanyas, samahan pa ng matangos na ilong na na mana niya sa tatay niyang kastila at minipis niyang labi kulay rosas.

Nataranta ang dalaga ng pag-angat ng tingin niya sa binata ay nakatingin na ito sa kinaroroonan niya. Yumuko na lang siya ng mapagtanto na nakita na siya ng binata nararamdaman niya ang pag-init ng pisngi niya.

Narinig niya na may bumagsak sa tubig nag-lingunin niya nakalubog na ang lalaki sa tubig kita niya papunta ito sa direksyon niya.

Tatakbo na ito nang hindi niya inaasahan hawakan siya sa mga braso ng lalaki na tuod na lang siya sa kinatatayuan niya. "Hi!" kitang kita niya ang perpektong mga ngipin ng lalaki pilit siya ngumiti dito.

Bumaba ang tingin niya sa malalaking kamay nito na nakahawak sa braso niya. "Bitawan mo ako." binitawan lang siya nito sa isang braso.

"Hmm.. Aalis na ako." maluwag lang ang pagkakahawak nito sa dalaga kaya kaagad ito nakawala sa hawak ng binata lumakad ito palayo ng ilog.

Sa isang banda tumakbo ng mabilis ang dalaga hanggang sa makarating ng kubong hingal na hingal. Nang tumigil siya sa harapan ng kubo naalala niya ang kanyang tsinelas na naiwan sa ilog. Ramdam ng babae ang hapdi sa kanan talampakan niya. Nang tingnan niya may sugat siyang pahaba.

Papasok na sana siya sa kubo. "Miss!" paglingon ng dalaga nakita niya yung binata nakita niya sa ilog winawagayway ang tsinelas niya kulay lila.

Hindi niya mawari kung lalapitan niya ba ito o tatakbo papasok ng kubo. Kaso naisip niya kung masama tao ang binata at may naglalakihan pandesal hindi yata siya ligtas sa maliit na kubo niya.

Bago pa makahakbang ang babae sa isang baitan ng hagdan nilapag na ng binata ang tsinelas ito sa harapan mas lalo natuod ang babae nung lumuhod pa ito. Pars isout sa kanya ang tsinelas ngunit napansin ng binata ang sugat nito sa talampakan. "May sugat ka." nag-angat ang binata ng tingin sa dalaga.

"May gamot ka ba dyan?" tila na kain ng dalaga ang dila dahil tango lang ang na kayanan niyang sagot dito.

Akmang bubuhatin niya ang dalaga ng matauhan na ito. "Kaya ko." nasa likuran lang ng dalaga ang lalaki habang papasok.

"Hmm.. upo ka." nahihiya saad ng dalaga.

Nakatitig lang ang binata sa bawat kilos ng dalaga. Nang makita bitbit na nito ang isang lalagyan na kulay rosas. "Akin na gagamutin ko sugat mo." malambing nito saad.

Marahan nito dinadampian ang sugat ng dalaga wari'y ingat na ingat na hindi masaktan. Nagpalinga linga ang babae ng mag-angat ng tingin ang binata. "Tapos na nalagyan ko na rin ng benda." anunsyo nito.

Kita sa mata ng dalaga ang paghanga sa lalaki. "Mag-ingat ka na sa susunod. Bakit ka kasi tumakbo kanina?" yumukod lang ang dalaga.

"Ah..wa..wala." natataranta sagot ng dalaga pulang pala na ang mukha nito hindi makatingin ng diretso sa binata.

Napapangiti na lang ang binata sa kilos ng dalaga. Marami na siya babae nakasalamuha sa manila. Tanging ang dalaga sa harapan nito ang nahihiya sa presensya ng binata karamihan nagpapansin o kaya agresibo para mapansin niya lang.

"Siya nga pala Atticus pala." tinitigan pa ng dalaga ng tatlongpong segundo ang nakalahad na kamay ni Avery bago marahan tinanggap ito.

Nakaramdam ng kakaiba sa tiyan niya ang dalaga. "Avery Verlace." mahinhin nito bulalas.

Wala sa sarili hinawi ng binata ang mga hibla ng buhok nito tumatabing sa magandang mukha nito. Tila nakakapaso ang hawak ng binata sa dalaga agad umiwas ito.

Narinig ng dalaga ang paghagikhik ng lalaki na ng paangat ng tingin niya. "Namumula ka." hinaplos nito ang kanan pisngi ng dalaga.

Hanggang pag-uwi ni Avery sa mansion iniisip niya pa rin ang binata nakilala sa ilog. Nagpapaantok na lang ang dalag nang maalala nito ang mga mata ng binata sa ilog kulay kanelang kayumanggi at ang nakakakuryenteng balat nito.

Sana magkita ulit kami.

Hindi ko man lang natanong kung saan siya nakatira.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status