"Hello Thursday na ngayon nu, ikaw talaga oh makakalimutan kana, eh ang bata mo pa naman," sabi pa niya sabay buntong hininga.
"Ay oo nga pala nakalimutan ko," wika ko pa habang napatawa ng kunti.
"So, what's the plan? Game?" Sambit pa ni Jean habang may mga ngiti sa kaniyang labi na tila nagagalak pumunta ng bar.
"Oh sure total day off ko naman pala bukas," mabilis na sagot ko.
"Oh right nice one," pangiting sabi ni Ann.
"So, saan muna tayo pupunta?" Tanong pa ni Annabelle sabay kamot sa kaniyang ulo.
"Mag-iikot muna tayo," wika pa ni Jean.
"Maganda iyan Jean. By the way boys sasama na sa atin sina Annabelle at Kristina," palakas na sabi ni Ann sa iba pa niyang kasamahan na lalaki.
"Well, that's good matagal na rin akong hindi nakapag-disco nu. For sure maraming papa doon," sambit pa ni Adrian na halatang nagagalak din mag-disco.
"Ito talagang si Adrian walang pinagbago," ani pa ni Marko sabay napalingo ang ulo.
"Hoy tumahimik ka nga diyan," sabay hampas ng towel sa kanya.
"So, ngayon na ba tayo aalis?" Palakas na tanong ni Troy sa amin habang inaayos ang suot niyang sapatos.
"Ngayon na ba? Sandali lang at magbihis lang muna ako," sambit ko pa sabay tiningnan ang aking kasuotan.
"'Wag na Kristina, ayos lang naman iyang suot mo." wika pa ni Annabelle habang umiinom ng tubig.
"Ah ganoon ba."
"Ayos na naman iyang suot mo ah," sambit pa ni Troy sabay tiningnan ang aking suot.
"Oh sege hindi na ako magpapalit," maikling sabi ko sabay ngumiti ng kunti.
"So, tayo na at aalis na tayo," palakas na sabi ni Annabelle sabay ayos ng kaniyang buhok.
Pagkatapos nu'n ay agad kaming umalis ng bahay. Naglibot-libot muna kami para humanap ng magagandang tambayan.
Pagkatapos naming maglibot-libot ay agad na dumiritso kami sa bar na siyang aming punterya na puntahan.
Pagpasok namin sa loob ng bar ay tumambad agad sa amin ang maraming tao. Ang iba at nagsasayawan, ang iba naman ay nag-iinuman.
"Ayon may nakita akong bakanting table doon tayo pumwesto," palakas na boses na pagsabi ni Troy sabay turo sa bakanting table.
Nagsimula na rin kaming um-order ng aming inumin at gayon nga ay nag-inuman kami. Hindi ko man ipagkakaila ay sanay na talaga ako sa inuman.
Nag-inuman nga kami ng inuman nasayawan at nagkatuwaan.
Habang nagsasayawan sina Annabelle at mga kasama niya ay naiwan kaming dalawa ni Troy sa pwesto namin na walang ibang kasama kun'di tanging kami lang talaga dalawa.
Abala lang sa pag-iinom si Troy samantalang ako ay tila hindi mapakali sa aking upuan dahilan sa mabilis na pagtibok ng aking puso sa tuwing titigan ko siya.
Mayamaya pa ay inilapag ni Troy ang bote ng beer sa mesa. "Ang lakas mo pa lang uminom, hindi ko en-expect iyon," sabi pa ni Troy na tila mayroong pagkagulat sa kaniyang pagkasabi sabay tinitigan ako.
Agad naman na binalin ko sa iba ang aking tingin ng sa ganoon ay hindi niya mahalata na siya lang itong tinitingnan ko kanina pa.
"Hindi naman, medyo lang. Sabihin na lang nating hindi na nga bago sa akin ang pag-iinum," sabi ko pa sabay tiningnan siya at ngumiti ng kunti
"Wala nga sa ganda mo ang lakas ng pag-inom mo. Parang hindi yata bagay sa ganda mong iyan," ani pa niya sabay uminom ng alak habang tumatawa ng kunti.
"Gosh sinabi niyang maganda ako. Nakakabuhay naman talaga ng loob," bulong ko pa sa aking sarili habang palihim na kinikilig ng kunti.
"Nako 'wag mo na nga akong bolahin diyan," sabay tumawa ng malakas.
"Totoo naman at nurse ka pa naman alam mo na siguro na masama ang alak sa katawan ng tao hindi ba?" Tanong pa niya sabay tumingin sa aking mga mata.
"Well, alam ko naman iyon pero kailangan din naman ng katawan natin ang alak basta 'wag lang 'yung sobra, dapat 'yung tama lang," wika ko pa sabay ngumiti sa kanya habang abala sa pagtingin sa mga taong sumasayaw sa gitna.
"Ganoon ba at bakit parang sumobra kana yata sa pag-inom diyan?" Tanong niya naman na tila may pag-aalinlangan.
Napatigil ako at napanganga ng kunti.
"Hindi kaya, alam mo mga once in a month or twice a month lang kaya ako kung uminom. At take note makakainom lamang ako ng alak kapag may nagyaya sa akin sa inuman kagaya nito," sagot ko pa sa kanya sabay tingin sa bote ng alak na hawak ko.
"Ganoon ba , mabuti naman kung ganoon," ani pa niya habang pinagmamasdan ako.
"Oo naman syempre," pangiting sabi ko sa kanya.
Napatagal ang pag-uusap namin ni Troy hanggang sa napunta ang aming pag-uusap patungkol sa mga personal na bagay.
"Maiba nga ako ng usapan. Sino naman ang kasama mo sa bahay niyo?" Tanong niya sabay napapaisip.
"Sa bahay?" Well, ako lang mag-isa sa bahay. Nasa Laguna kasi ang parents ko at 'yung ate ko naman ay nasa Canada pareho kaming nurse ng ate ko. Sa canada siya nakapagtrabaho ay dahil sa isang canadian ang napangasawa niya," sagot ko sa tanong niya sabay napakagat sa aking labi.
"Ikaw lang ba mag-isa sa bahay niyo? Ang lungkot naman yata nu'n. At may asawa na pala ang ate mo," wika pa niya sabay tingin sa kanila ni Adrian na nagsasayawan sa gitna.
"Hindi naman nasanay lang naman ako, oo nga may isang anak na nga rin sila."
"Hindi mo ba kasama sa bahay mo ang boyfriend mo?" Pagtatakang tanong niya sabay tingin sa akin.
"Boyfriend? Wala nga akong boyfriend," palakas na boses na pagsabi ko sabay tumawa.
"Ows hindi nga? Sa ganda mong iyan wala kang boyfriend? Hindi ako naniniwala," wika pa niya na tila may pagtataka sa kaniyang mukha na makikita.
"Wala nga sabi eh, sege bahala ka kung ayaw mong maniwala," sabay pagtirik ng aking mga mata.
"Sege na nga. Pareho pala tayo kasi ako wala din akong girlfriend," seryosong pagkasabi niya.
Nagulat ako at bigla na lamang napatawa sa sinabi niya.
"Sos! Kayo talagang mga lalaki basta may kausap lang kayong ibang babae magiging single agad kayo," sabay huminga ng malalim at tumawa ng malakas.
Ilang oras ang pananatili ko rito dahil sa paghihintay ko sa paglubog nang araw at mayamaya lang din ay tila nagsisimula nang lumubog ang araw.Habang nakatitig ako sa ilog ay may napansin akong isang anino ng lalaki na naka-refelect sa tubig. Nagtaka ako kung kaya't dahan-dahan akong lumingon.At paglingon ko ay hindi ko inaasahan na makikita si Troy na siyang nakatayo sa aking likuran.Nabigla ako at nagulat lalo pa alam kong hindi pa siya nakagising mula sa kaniyang mahabag pagkawala ng malay at iyon nga ay nagpapagaling pa siya. Subalit ngayon ay nandito siya sa Laguna mismo sa aking harapan na siyang labis kong ipinagtaka."Na istorbo ba kita?" Mahinahon na tanong ni Troy habang may ngiti sa kaniyang mga labi.Napatigil naman ako habang tulala lang dahil sa hindi makapaniwala na nandirito siya ngayon."Nandito ako para humingi muli nang patawad at pasensya sa iyo Kristina. It's been a long time na hindi tayo muli nagkausap since the accident happened," wika pa ni Troy sabay hawak
"And I was surprised nang matuklasan kong your ex-girlfriend Savannah ay siya pa lang kinaaabalahan mo. At gusto mo pa bang malaman ang mga further information na natuklasan ko?" Sabay pinukol ko siya ng masamang tingin habang napatawa ako ng kunti kahit alam ko namang napipilitan lamang ako."I saw you and your ex-girlfriend Savannah na naghahalikan at gumagawa ng kababuyan! Gusto mo pa bang malaman ang lugar at panahon? It was Sunday in the afternoon at San Carlos St. Kung saan nagawa niyo pang mag renta ng isang private house para magawa niyo lang ang mga kababuyan niyo ni Savannah! Gusto mo rin ba na malaman kung paano ko iyon nalaman? Obviously sinundan ko si Savannah sakay ng kaniyang sasakyan at hindi ko inaasahan sa aking buhay ang aking makikita at matutuklasan doon! And now tell me, iba ka ba sa lahat ng lalaki Mike? Matino ka ba katulad ng pagkakasabi mo noon sa akin?"Natulala naman si Mike habang hindi alam ang kaniyang sasabihin at ipapaliwanag sa akin. Mayamaya pa ay hu
"Diyos ko 'wag naman sana magkatotoo itong iniisip ko ngayon. Sana ay mali lang ako ng iniisip 'wag naman sana umabot pa sa puntong magkakaroon ulit ako ng trauma. Ikaw na lamang ang bahala," bulong ko pa sa aking sarili sabay huminga ng malalim habang balisang balisa na.Ilang saglit pa ay nakita kong pumasok sa isang private house si Savannah kung kaya't pinahinto ko na lamang ang aking sasakyan lalo pa at makikita nila ang aking pagpasok doon.Humanap muna ako ng magandang pagtaguan ng aking sasakyan upang hindi nila ito makita. At nang makahanap na ako ng magandang lugar na pagtaguan ng aking sasakyan at agad akong tumungo sa entrance ng private house na pinasukan ni Savannah.Wala namang ka tao-tao ang lugar na ito pero bakit naririto ngayon si Savannah. Ano naman ang gagawin niya rito, imposibli naman na pupunta siya rito ng mag-isa. Siguro ay may taong nag-aantay sa kanya sa loob ng private house na ito.Mayamaya pa ay napaisip ako sa aking gagawin upang makapasok sa loob ng h
Mayamaya pa ay um-order na sila Savannah kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na hindi ko kilala.Pinagmamasdan ko lang sila habang sila'y abala sa pakikipag-kwentuhan sa isat-isa.Ilang saglit pa ay dumating na ang kanilang order. Um-order sila ng aming specialty na main dish which is Spicy buttered chicken."Wow it looks like delicious!" Sabi pa ng isa sa mga kasamahan ni Savannah.Nang magsimula na silang kumain ay biglang tumayo si Savannah sa kaniyang kina-uupuan at sabay nagpatawag ng isang waiter.Sa paraan pa lang ng kaniyang pagkilos at reaksyon sa kaniyang mukha na makikita ay halatang may hindi ka nais-nais diri.Agad naman na pumunta ang isa sa mga waiter ko at hinarap si Savannah."Yes ma'am what can I do for you?" Mahinahon na pakikipag-usap ng waiter sa kanya."Yet the food is so delicious but what the f*ck ! It's very spicy which I hate it and I don't like to eat!" Reklamo pa ni Savannah sabay napataas ang tono ng kaniyang boses."Nako I'm sorry for that ma'am but your
Kahit na may problema akong kinakaharap ngayon sa relasyon namin ni Mike ngunit bigla ko na lamang itong nakalimutan dahil sa aking excitement na naramdaman nang marinig ko ang pangalan ni Troy.Bago ako tumungo nang ospital ay dumaan muna ako sa mga bilihin ng mga prutas upang dalhin kong pasalubong para kay Troy doon sa ospital.Pagkatapos nu'n ay agad na dumiritso ako sa ospital. Pagpasok ko sa loob ng kaniyang kwarto ay tila nagtaka ako kung bakit wala rito ang Mommy ni Troy o mga kamag-anak niyang pweding bumantay sa kanya subalit kailangan talaga na may taong babantay sa kanya rito.Hindi ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin at baka lumabas lang ng kwarto at may inasikaso pa.Dahan-dahan akong lumapit sa higaan ni Troy at dahan-dahan na inilapag sa mesa ang aking dalang prutas para sa kanya.Habang nakatayo ako sa kaniyang tabi ay dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang maamong mukha. Pinagmamasdan ko siya ng mabuti habang mayroong tuwa sa aking mukha na makikita."Hindi na ako
Sa hindi ko inaasahan na mangyari ay makikita ko si Mike sa daan na sakay din ng kaniyang sasakyan na siyang patungko sa San Carlos St. Which is labis kong ipinagtaka.Hindi kasi nagpaalam sa akin si Troy na may lalakarin siya ngayon ngunit nakasanayan niya naman ang magpaalam sa akin bago siya tumungo sa ibang lugar. Maliban na lang sa araw na ito ay wala talaga siyang pasabi sa akin na pupunta pala siya ng San Carlos St. Sa hindi ko alam na dahilan."Wait? San Carlos St.? Ano naman ang gagawin ni Mike doon at bakit hindi siya nagsabi sa akin patungkol sa kaniyang pagpunta sa lugar na iyon?" Pagatatakang tanong ko sa aking sarili habang napapaisip ng husto.Balak ko sanang sundan si Mike subalit naipit ako sa traffic lalo pa at rush hour na kung kaya't hindi ko na lang nagawa ang aking balak na sundan siya roon.Tinawagan ko siya sa kaniyang cellphone subalit hindi niya naman sinasagot. Ang labis na ipinagtataka ko lamang ay kung bakit alas singko na nang hapon ay pupunta pa siya sa