"A-ano? Hindi, ha! Masama lang talaga ang pakiramdam ko kanina pang umaga." Pagdadahilan ko. Of course hindi ko ugaling manira ng relasyon, okay? Malay ko bang may fiance ang bugok na 'yon!
"Are you sure? You know what I'm not going to -" "Ms. Mariano, hindi ako buntis. Masama ang pakiramdam ko at isa pa, walang dahilan para ipaliwanag ko sa 'yo ang buhay ko. We're not even friend." Napakurap siya. Halatang hindi inaasahan ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi iyon. "I-i'm sorry." Nahihiya niyang sabi. Nag-iwas ako ng tingin bago siya lagpasan. I don't really want to offend her but, it already happened. Nasabi ko na, e. Agad akong dumeretso palabas ng kompanya. Wala akong alam na malapit na kainan dito, ito namang si Kuya bigla akong iniwan nang walang pasabi. Para tuloy akong nawawalang bata! Parang mga ewan pa 'tong kaibigan niya. Natigilan ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon pero unknown naman ang caller. Kunot noo ko itong sinagot. "Where are you?" Kusang tumaas ang isa kong kilay. Kahit hindi siya magpakilala ay alam ko kung sino siya. Ang dakilang Brent Suarez lang naman. Napaka-bossy ba naman ng boses niya. Akala mo ay binabayaran ako, well. . . Okay, nagtatrabaho na pala ako sa kaniya. Tsk! "Nasa labasa kakain tss! Miss muna agad ako? Ikaw, ha! Nandiyan pa ang fiancee mo." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang malakas na tawanan sa kabilang linya. "Naka loudspeaker ba iyan?!" Taranta kong tanong sa kaniya. "Yes, Ms. Lopez." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Napaka-walanghiya talaga nito kahit kailan! "Umakyat kana dito sa taas, alam kong hindi ka pa nakakahanap ng kakainan." Rinig kong sabat ni Marvin. Isa pa 'tong kaibigan ni Kuya, ang weird lang talaga nilang kasama e. "Nasa restaurant ako!" "Are you sure? We can see you, Ms. Lopez." Napatingin ako sa taas at tama nga ako! Pinapanood lang naman ako ni Mr. Suarez sa mismong bintana ng opisina niya. "Stalker kana pala ngayon, ha? Kalahating araw lang tayong magkasama pero hindi muna agad ako matiis." Natatawa kong biro sa kaniya. Kahit nasa malayo ay kita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya. "Your brother asked me to ta-" "Ah! Dahilan mo na naman si Kuya, ha? Huwag na at may makakainan naman ako dito." Sagot ko bago binaba ang tawag. Kumaway ako rito bago tumalikod at magsimulang maglakad paalis. Ang weird talaga nun, hindi mo mahulaan ang ugali e. Minsan parang caring pero madalas masungit talaga. Pero, okay lang din naman iyon sa akin, I mean. . . Makakaipon ako para sa amin ng anak ko. "Good for two po, ha?" Mabuti nalang at may malapit na kainan dito. Hindi naman ako mapili talaga sa pagkain pero simula kasi ng magbuntis ako, parang naging masilan ang ilong ko. Kapag ayaw ko sa amoy ng pagkain, parang bumabaliktad ang sikmura ko bigla. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina sa comfort room, paano kaya kung magchismis doon si Daniella? Well, mahirap kasi lalo at mabilis kumalat pagchismis. Ayaw ko lang din naman na madamay pa si Brent. What happened between us that night is just a one night stand. Hanggang doon lang, sadyang magaling lang siya at biglang sure ball ang dating sa akin. It's not that I'm regretting this but, we are talking about the innocent child. Ano nalang ang future niya kung physically and mentally unstable ako? Ano nalang ang sasabihin sa akin nina mommy at Daddy . Pakiramdam ko tuloy ay kahit ang dami kong kinain, parang wala lang. Paano e ang daming pumapasok sa utak ko. "Ano iyan?" Tanong ko kay Brent nang maglapag siya nang sobrang daming folder sa table ko. "Try to summarize that and encode it. I need that one tomorrow morning." Muli akong napatingin sa mga folder. "Anong akala mo sa akin machine? Kahit ata dalawang araw ay hindi ko 'to matatapos e!" Reklamo ko. B'wesit na 'to, hindi ako puweding magpuyat at bawal iyon sa akin. "Stop complaining and do your job, Ms. Lopez, hindi kita pinapasahod para magreklamo lang dito." Inirapan ko siya at padabog na binuksan ang lapton. "Akala ko pa naman ay wala akong gagawin sa first day ko!" Mahina kong sabi. "Ano? Bunalik kana po sa lanesa mo at hindi ako makapagsimula dito." Mas lalo akong nairita nang makita ang ngisi sa labi niya. Parang baliw, e. Nagsimula na akong magtimpa ng keyboard at alam kong ramdam niya ang gigil ko dahil kulang nalang ay masira ang lapton na 'to sa lakas ng pag pindot ko. It's already 2 in the afternoon pero apat na folder palang ang natapos ko. Nagsisimula na rin akong makaramdam ng antok. Pag ganitong oras kasi ay nakakatulog talaga ako, siguro dahil nga sa pagbubuntis ko. Pero sabi sa akin ay huwag kong sanayin ang sarili kong gano'n, it's not healthy for us ng dinadala ko. Hindi ko alam kung ilang folder ang natapos ko dahil panay dagdag naman 'tong si Brent! "Paano ako matatapos kung panay dala ka naman dito ng panibagong folder?! Nananadiya ka ba?" Irita kong tanong sa kaniya. Nagkibit balikat lamang siya at tinalikuran ako. Nakakainis talaga 'to! "Bakit puro contract 'to?" Tanong ko sa kaniya dahil nahilo na ako kaka-encode ng mga articles and section no. Bobo pa naman ako sa ganito. "Ah! Oo nga pala ikaw ang legal counsel! Oo na hindi muna kailangan pang sumagot, Mr. Suarez." Masungit lang akong pinagmasdan nito pero hindi pa rin nakatakas sa paningin ko ang pag-iling niya habang nakangiti. Good thing kasi hindi naman talaga siya palangiti. Akala mo nga ay buong pilipinas pa ang problema niya e. Buti pa siya kung pino-problema niya ang pilipinas pero ang mga ibang nanunungkulan, walang alam kung hindi gamitin ang mamamayan para sa sarili nilang kapakanan! "Just do your job, Ms. Lopez," Inirapan ko lang siya bago magpatuloy sa ginagawa ko. "Puro ka nalang do your job, nakatunganga ka naman diyan." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Muntik ko ng makalimutan na siya ang boss ko. Well, kahit na 'no! Unang araw ko palang ang dami na niyang pinapagawa sa akin. "Sa wakas malapit na akong matapos!" Pagod akong sumandal sa likod ng upuan ko. Pinikit ang mata ko dahil pakiramdam ko ay hilong-hilo na ako. Rinig ko ang pagbuklat ni Brent ng mga papel na binabasa niya bago tuluyang makatulog. ___ "Atasha Marie Lopez, gising na at madaling araw na." Mabagal kong dinilat ang mata ko nang marinig ang boses ni kuya. "Kuya? What are you doing here?" Nagtataka kong tanong. Napatingin ako sa labas dahil puro glass window naman ang opisina ni Mr. Suarez, makikita mo agad kung madilim na sa labas. "It's already 2 am, tinawagan ko si Brent at sinabi nga niyang natutulog ka rito." Bigla akong nakaramdam ng inis. Padabog akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. Sumunod naman si Kuya, na parang tuwang-tuwa pa sa ginagawa ng kaibigan niya. "Wala talagang kuwenta iyang kaibigan mo! Mapuputulan ba siya ng kamay kung gigisingin niya ako?" Irita kong tanong kay Kuya. Mabuti nalang talaga at pinuntahan ako ni Kuya, at baka abutin pa ako ng umaga rito sa opisina. "I think he's too busy with Daniella." Tinaasan ko siya ng kilay. Sa bagay kasama na naman niya siguro iyon kaya hindi na ako nakuhang gisingin. "Mabait naman si Brent, kaya nga gustong-gusto na siyang makasama ni Daniella." Pinagbuksan ako ni Kuya ng pinto. Nauna akong sumakay sa kotse niya. Pinanood ko siyang umikot patungo sa driver seat, wala naman akong balak magtanong sa kaniya. Naiirita pa rin talaga ako sa lalaking 'yon! Napaka-walang puso niya para ewanan akong mag-isa do'n! Paano nalang kung may mangyari sa baby ko? Sa bagay hindi naman niya alam na buntis ako, pero kung alam niya. . . May magbabago kaya? "Hayaan mo at kapag kasal na sila ni Daniella, baka puwede kanang mag resign, Tasha." Kusa akong napatingin kay Kuya na ngayon ay nagmamaneho na. "W-what do you mean? Ikakasal na sila?" Tanong ko rito. "Yeap! Magpapakasal sila pagkatapos ng kasong hinahawakan ni Daniella. 5 months from now, I guess?" Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko roon. Palihim kong hinamplos ang tiyan ko. Wala naman akong karapatan na maging malungkot pero, para sa anak ko. Baka kapag ilalabas ko na 'to e, saktong kasal din niya? To be continued. . . .Ilang araw na ang nakalipas mag mula nang malaman ko ang tungkol sa pagkatao ko. I can't remember anything about my past, but Levi kept on telling me that it's my decision to run away from my family. Ang sabi niya ay hiniling ko iyon sa kaniya."I'm leaving. Are you sure you don't want to come with me?" muling tanong ni Levi nang lalabas na siya ng kuwarto. Hindi na rin kami masyadong nag-uusap, hindi ko kasi alam kung dapat ko ba talaga siyang pagkatiwalaan lalo na at wala akong maalala sa nakaraan ko."Y-eah. . . mag-iingat ka," paalala ko rito. Marahan siyang tumango bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Hinintay ko munang marinig ang pag-alis ng kotse niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto."Mommy, bakit ngayon lang ka po lumabas? Daddy is waiting for you po kanina pa, but he left already," inosenteng sabi ng anak kong si Gavin. Marahan kong hinaplos ang buhok niya habang nakangiti rito."Napahaba ang tulog ni Mommy, e, pero hayaan mo at nag-usap naman kami ng daddy mo," I lied. I don'
"Mommy! Mommy! Hindi po ba uuwe si daddy ngayon?" tanong ng anak kong si Gavin. Umupo ako para mapantayan ang tangkad niya."Uuwe ang daddy mo dahil birthday muna sa isang araw," nakangiti kong hinaplos ang pisngi ng anak ko. Ngumiti naman siya at hinawakan ang kamay ko."Mommy, pupunta po ba ang mga kaibigan ni Daddy?" natigilan ako sa naging tanong niya. Pilit akong ngumiti at umiling. Hindi ko alam ang dahilan ni Levi, pero may tiwala naman ako sa kaniya.Ilang araw na rin akong ginugulo ng mga ala-alang hindi ko alam kung saan nanggagaling o parte ba ng nakaraan ko. Simula nang makita ko ang kaibigan ni Levi, ay madalas ko na siyang mapanaginipan. "Hayaan mo at pupunta naman sina ate Emilia at ang mga anak niya," matamis na ngumiti ang anak ko at inosenteng tunango sa akin."Sige po, Mommy! Magbabasa nalang po ako para po matuwa si Daddy," mahina akong natawa sa sinabi niya. Tumango na na lamang ako at hinayaan siyang umakyat sa kuwarto namin. Hindi ko alam pero nakokonsensya ak
"Serenity, ano ang ginagawa mo rito sa bayan? Hindi mo ba kasama ang asawa mong si Levi?" nakangiti akong umiling kay Ate Emilia, at tahimik na tumingin sa mga bagong paninda niyang libro, "masyado talagang abala iyang si Levi, ngayon nga lang iyan namalagi rito, madalas kasi ay nasa Manila iyon," sabi nito. Muli akong ngumiti at tumingin sa kaniya, "sabi niya ay namalagi siya rito simula ng ikasal kaming dalawa, kaya lang nagkaroon ng aksidente kaya wala akong maalala," tumango si Ate Emelia at binigay sa akin ang mga librong napili ko."Mag-ingat ka, Hija sa pag-uwe mo, ha? Sa susunod ay isama niyo na rito si Gavin, may mga bagong laruan akong binili," nakangiting sabi nito. Muli akong tumango bilang pagsang-ayon."Sa susunod na linggo na po ang birthday ni Gavin, sabi ni Levi ay anim na taon na siya nun," mas lumawak ang ngiti ni ate Emilia sa akin. Madami pa siyang sinabi bago ako tuluyang makapag-paalam sa kaniya.Habang papauwe ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ilang taon
"I think I've seen her before. I just can't remember where and when," I said to Ethan as we headed home."She looks familiar, right?" Tumango ako bilang pagsang-ayon. She's adorable I mean, the shocked on her face when she saw us a while ago. Galing kami sa bahay nina Shan."Sino ba iyang pinag-uusapan niyo? Iyong kapatid ba ni Shan? Maganda iyon, balita ko nga ay galing iyon sa break-up," Marvin said. Halos sabay kaming napalingon ni Ethan sa kaniya."How did you know that?" ngumisi lang siya sa amin ni Ethan. Well, what do we expect from him. He's always that as*hole in our group.And just then, days had gone by like it's nothing. Medyo mabilis ang oras kapag nasa bahay ka pero, mas mabagal ang oras pag nasa trabaho."Hindi ba at nagtapos ang kapatid mo, Shan?" Kasalukuyan kaming nasa opisina nang biglang magsalita si Mavin. I don't what he's thinking."Yes. Why?" He answered,"Well, our head legal counsel is still searching for secretary," I frowned at what he said. Ako na naman an
"Ayen, puwede bang pakibantayan muna si Jacob?" utos ko sa nag-aalalaga sa anak ko. Buong akala ko no'n ay magiging maayos na ang relasyon namin ni Brent pero, mas lalomg naging malabong mangyari iyon.Napabuntong-hininga ako habang nililigpit ang mga handa ng anak ko. He's one year old now, pero hindi niya man lang naramdaman ang pagmamahal ng kaniyang ama.Hindi ko rin alam kung paano ako tumagal sa relasyon namin ni Brent, mas madalas ang wala siya, kahit umuuwe naman siya ay hindi rin nagtatagal. I wonder what's on his mind. Pakiramdam ko tuloy ay umuwe lang siya sa tuwing gusto niyang may mangyar sa amin. Parang iyon nalang ang silbi ko bilang asawa niya."Ma'am, nandito na po si Sir," ani ni Ayen ilapag sa crib si Jacob. Tumango ako nagtungo sa labas ng kuwarto namin ni Brent. Iritado niyang inalis ang necktie niya at nilapag iyon sofa. Kasalukuyan kaming nasa may sala."Did you cheat on me?" nagsimulang mamuo ang luha sa mata ko. Ilang beses ko rin naririnig ang tungkol sa kan
"Tama na 'yan," saway sa akin ni Ethan, at muling kinuha ang isang basong alak na hawak ko. Kanina pa ako nandito sa bar, at hindi ko alam kung bakit nandito ang isang 'to, "Atasha," muli niyang tawag sa pangalan ko."Hayaan mo muna ako, puwede ba?" nagsimula na namang bumuhos ang luha sa mata ko. Simula nang mag-usap kami ni Brent ay hindi na maalis sa isip ko ang mga sinabi niya, "ang sama ko ba? Bakit hindi ko man lang alam ang mga pinagdadaanan niyan?" tanong ko na nagpatigil kay Ethan."What's wrong? Nag-away na naman ba kayo?""Hiindi ba dapat ay maging pahinga namin ang isa't isa? Gano'n naman pag mag-asawa, hindi ba? But, why do I feel like we're making ourselves even more miserable?" humagulgol ako nang kunin ni Ethan ang iniinom kong alak, "dahil sa akin ay unti-unting nawawala sa kaniya ang lahat. . . hindi ko alam bakit napapayag siya ni Daddy, bakit? Bakit kailangan naming pahirapan ang isa't isa para lang protektahan ang kasal namin?" natawa ako habang nagpapahid ng luha