Share

CHAPTER TWENTY TWO : BRUISES

ITINAGO ko sa aking likuran ang mga nanlalamig kong kamay habang pumapasok sa gate namin. Naririnig ko na ang boses nila mama dahil tinawagan ako ni Ate Lhayzel na nakauwi na raw sila. Huminga muna ako nang malalim bago naglakad patungo sa loob ng bahay. Kaagad na sumalubong sa akin ang mga masasayang mukha nila papa.

"Oh, Tajiana. Alam mo palang uuwi kami ngayong araw?"

Masiglang salubong ni papa sa akin sabay tayo nito at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Yumakap naman ako pabalik dito dahil na-miss ko rin ito.

"Itinawag po sa akin ni Ate Lhayzel na nakauwi na po kayo ngayong araw."

"Kumusta ka naman?"

Pangangamusta ni mama ngunit naka-pokus ang mga mata nito sa mga bagahe nila. Seryoso ang mukha nito habang ginagawa ‘yon.

"Maayos naman po ako. Kayo po? Kumusta naman po ang naging bakasyon ninyo?"

"Hay nako, little sis. Sobrang boring lang at puro mga matatanda na ang mga nandoon."

Pabirong sabi ni ate Lhayzel kaya natawa kaming lahat sa tinuran nito.

"Mabuti na lang at naghand
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status