Share

Chapter 2

Author: Sammaezy
last update Last Updated: 2025-07-21 21:29:49

Christine POV

"Ilang ulit ko bang sabihin na anak mo si Christine Ronaldo? Matagal na kaming wala bago tayo ikinasal." Umiuyak na sigaw ni Mommy. Nakikinig lang ako habang nagtatalo ang mga magulang ko, pero kasing bigat ng bato ang bawat salitang nilalabas nila sa isa't isa.

"Hindi ito ang panahon para ungkatin ang nakaraan, Ronaldo. Ang unahin natin si Christine, buntis siya at kailangan niya ng atensyon sa kanyang kalusugan at ng bata," mahinahon na sabi ni Mommy.

"Aalis ako pupuntahan ko ang mga Downson para panagutan ng walang hiya niyang anak si Christina! Isa itong napakalaking kahihiyan pagnalaman na ng media!" Bigla akong natakot sa sinabi ni Daddy kaya kahit ayaw ko pero idinilat ko ang aking mga mata.

"Dad, Mom, wala pong kasalanan si Jake sa nangyari. Pareho po kaming lasing nang gabing 'yon. Nakikiusap ako, kaya ko naman pong buhayin ang bata," umiiyak na sabi ko.

"Nababaliw kana ba ilalagay mo kami sa matinding kahihiyan? Anong sasabihin ng mga taong nakakakila sa akin sa industriya?! Hindi pwede! Kailangan kang panagutan ng walang hiyang anak ni Alfredo! "Sigaw ni Daddy at pumunta sa pintuan sabay pasalampak na sinira ito.

Umiyak nalang ako nang umiyak dahil sa lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa sitwasyon na ito. Mali ang lahat ng nangyari pero hindi ko pinangsisihan ang naging bunga nito. Hinahaplos ko ang tiyan ko habang umiiyak dahil sa pagkakataong ito wala akong magawa kundi ang umiyak. "Anak, tama na yan, nasasaktan akong makita kang ganyan, makakasama 'yan sa bata kaya pakiusap tumigil ka na sa pag-iyak." Umiiyak na sabi ni Mommy sa pagkakataong ito. Ang mommy lang ang nandito sa tabi ko,nang dalawa kong kapatid naman ay hindi man lang tiningnan ang kalagayan ko.

"Mommy, I'm sorry... Sorry po talaga dahil sa nangyari. Tama po si Daddy, wala akong kwentang anak. Kahihiyan lang ang ibibigay ko sa inyo." Umiiyak talaga ako habang nanghihingi ng kapatawaran sa Mommy ko.

"Anak, wala kang kasalanan, okay? Ako ang dapat na may kasalanan dito dahil sa akin naghirap ka." Inaalo na ako ni mommy habang yakap-yakap.

"Sorry po talaga. Kong hindi lang sana ako naging tanga, e'di wala po kayo sa sitwasyon na 'to..."

"Tama na 'yan anak, magpahinga ka na. Kanina ka pa iyak nang iyak, hindi ka na maganda niyan," sabi ni Mommy. Alam kong inaalo niya ako ngayon.

"Anong gustong kainin ng baby ko, ha?" Sabi ni Mommy.

"Wala po akong gana, Mommy," sabi ko habang naka takip ang kamay sa mukha.

"Anong gusto mong kainin? Kaninang umaga ka pa hindi kumkain. Hapon na, anak. Kumain ka kahit konti. Kailangan mo ng lakas, anak, para sa magiging baby mo. Please naman...." sabi nito.

"Meron ditong paborito mong adobong manok at may sabaw rin ng sinigang na bangus, anak. Sandali at ihahanda ko." Kahit ayaw ko mang kumain, pero dahil ang sakit makitang nahihirapan din si Mommy dahil sa sitwasyon ko, minabuti ko nalang kumain kahit konti.

Pagkatapos kong kumain, kahit papano gumaan ang pakiramdam ko, pero hindi ko paring maiiwasang isipin kung ano ng nangyari sa pagpunta ni Daddy sa mga Downson. Gustohin ko mang puntahan at pigilan si Daddy ngayon, pero wala akong magawa.

Gabi na, pero hindi ko paring magawang makatulog kahit saglit sa kakaisip kong anong problema nanaman bukas ang haharapin ko dahil alam kong sa pagkakataong 'to alam na ni Jake na nabuntis niya ako.

"Oh anak, magpahinga ka na muna, ha? Tatawag lang ako saglit kay Aling Nita sa bahay para tanungin kung umuwi na ang kapatid mong si Christian." Paalam ni Mommy. Tumango ako para sumang-ayon kasi wala talaga akong ganang magsalita. Okupado ang isip ko kung anong nangyari kanina sa bahay ng mga Downson. Kilala ko si Daddy, pag sinabi niya, talagang tutuparin niya ang pagpunta.

Kinaumagahan nagising ako, pero wala si mommy, ako lang mag-isa dito sa kwarto. Pero nabigla akong bumukas ang pinto at iniluwa nito si Daddy kasunod si Mommy, at mas ikinagulat ko ang pagpasok ni Jake at ng mga magulang nito. Hindi ko mawari kung anong mararamdaman ko ngayon na nandito sila sa harapan ko. Wala akong makitang emosyon sa mukha ni Jake at sa mga magulang nito, kaya ibinaling ko kay Mommy ang tingin at siyang paglapit niya sa akin. "Anak, okay ka ba?" Tanong ni Mommy na ikinatango ko.

"Sabi ng doctor magaling ka na kaya lalabas na tayo ngayon," sabi pa ni Mommy pero nagsalita si Daddy.

"Pagkatapos mong lumabas dito, bukas na bukas din mamanhikan ang mga Downson sa bahay," sabi ni Daddy na ikinabigla ko, pero para akong napipi ng tingnan ko si Mommy, pero tumatango lang siya na parang sumang-ayon.

"Kamusta kana, iha?" Ang ginang na Downson ang nag salita, ayaw ko nmang maging maldita kaya "Maayos na po ako," sabi ko habang naka yuko. Nahihiya akong tumingin sa gawi nila kasi naka titig si Jake sa akin.

"Mabuti, pasensya kana, wala man lang kaming dala kahit prutas para sa iyo, magpagaling ka ha.." bakas na bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Okay lang po," sabi ko. Gustohin ko mang ngitian ang ginang pero 'di ko magawa. Alam kong mabait ang ginang dahil ramdam ko ang sinseridad niya sa pag-aalala sa akin, pero naiilang ako sa titig ni Jake sa akin.

"Oh siya, hindi na kami magtatagal, Ronaldo. Bukas na bukas makakaasa kang darating kami sa pamamanhikan sa bahay niyo," sabi ng ama ni Jake, pero nakikita kong parang may lungkot ang mga mata ni Jake. Naguguilty ako dahil gaya ko nabibigla rin siya sa mga nangyayari. Hindi ko magawang isipin kung ano ang ginawa ni Daddy para mapasunod ang mga Downson. Kilala ang pamilyang ito na maimpluwensya. Kung gugustohin, kayang-kaya ng mga Downson ipabagsak ang mga negosyo ni Daddy. Natigil ako sa pag-iisip nang may kamay na humawak sa balikat ko. Tiningala ko ito at nagulat ako nang makita ko ang ginang na Downson na nakangiting nakahawak sa balikat ko, tila ba nagpapahiwatig na sana magpakatatag ako. "Aalis na kami iha, magpagaling ka ha, ingatan mo ang magiging apo ko," sabi nito na nakangiti. "Opo, salamat po," sabi ko na nakangiti rin.

Pagkatapos ng nangyari sa hospital kanina, hindi ko maiwasang isipin kung anong mangyayari bukas. Seryoso ang mga Downson na babalik sila bukas. Anong gagawin ko sa nakikita ko sa mukha ni Jake? Alam kong hindi niya rin gusto.

"Ano bang dapat kong gawin?" Tanong ko sa sarili ko kahit alam kong hindi ko alam ang sagot, sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung anong tama kong gawin pero wala akong maisip. Hindi pwedeng takasan ko ito. Alam ko ang kakayahan ni Daddy, siguro tatanggapin ko nalang lahat ng mangyayari bukas. Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag-text, pero ikinabigla ko na tatlong message ang dumating. Wala naman akong naiisip na mag-text sa akin, hindi rin naman alam ni Kzy ang sitwasyon ko ngayon kaya hindi yon mag-text. Tumatawag lagi 'yon, indi kasi siya fan ng text, kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone ko.

From unknown number:

Sinabi ko sayong ipaalam mo sa akin after 1 month

From unknown number:

Hindi ba malinaw ang sinabi ko? Kung sinabi mo muna sa akin bago sa mga magulang mo, nagawan sana natin ng paraan?!

From unknown number:

Ako ang ama ng dinadala mo, ako dapat ang unang nakaalam.

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang mabasa ko ang lahat ng message niya. Feeling ko hindi ako makahingasa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung saan niya galing ang phone number ko, wala naman akong naalala na nagbigay ako sa kanya ng cellphone number. Kasunod ng text ay biglang nagring ang cellphone ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Wala akong lakas marinig lahat ng sasabihin niya kaya nagpasya akong patayin at i-off ang cellphone ko. Bahala na si God kung anong mangyayari bukas.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Fe Balais Hslili
grabe naman bakit di ipa DNA test ni Mr Salazar si Christina para malaman nya Ang totoo
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   Finale/Wakas

    WARNING SPG ALERT ⚠️ 🔞 🔞 🔞 Krzy's POV5 MONTHS LATER "Hon, gutom na ako" Nakasimangot na sabi ko sa asawa ko. Kasalukuyang kaharap nito ang laptop niya. Tumingala ito sa akin at ngumiti. "Okay, what do you want to eat honey ko??" Malambing na tanong nito tapos tumayo saka nilapitan ako. "I want tuna pasta honey,"Masayang sagot ko Na ikinangiti naman nito. Yumuko ito saka lumuhod sa harap ko. "Gutom na ba ang baby ko??" Mahinang bulong nito sa limang buwan na tiyan ko. Hinaplos haplos niya ito at hinalikan. "Okay just wait for me here okay?, magluluto lang ako" Sabi nito at inalalayan ako para paupuin sa couch. Nakangiting nakatingin ako sa papalayong likod nito hanggang sa pumasok na ito sa kusina. Yumuko ako at para tingnan ang tiyan ko dahil naramdaman kong gumalaw ang baby ko. "Shhh, bakit? Gutom kana anak??" Tanong ko sa anak ko na para bang sasagot ito. Dahan dahan hinahaplos ko ito. Sobrang saya ng puso kaya naramdaman siguro ito ng anak ko. "Wait lang

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   KABANATA 245

    Krzy's POV Pagkatapos kung makuha ang bouquet na binigay ni tita. Agad na babalik na sana ako sa table namin ng biglang tumigil sandali ang mundo ko. Nakaluhod si Lester sa harap ko at nakalahad sa kamay nito ang box na may lamang singsing. Hindi ko alam kung anong gagawin or mararamdaman ko. "Hon, I know napaiyak kita kanina. And I'm so sorry about that. Kaya hindi mo ko nakita kanina dahil pakana ito ni Jake lahat. Naiwala niya ang singsing na binili ko sayo kaya bumalik ako sa binilhan ko para magpagawa ulit. I'm sorry ha??" Basag ang boses na sabi nito. Narinig Kong nagtawanan ang lahat. "Para makaganti sa loko lokong Jake na iyun. Dapat bukas pa ito at hindi ngayon pero ginalit niya ako. Dito na ako sa wedding nila magpropropose sayo! Aagawin ko muna ang spotlight sa kanila" Sunod naman na saad nito na ikinatawa ng lahat. Basang basa na ang mukha ko ng luha ko. Umiiyak akong pinapakinggan ito habang nagtatawanan naman ang mga tao. "Now, Doctora Krzy Hernandez will you m

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   KABANATA 244

    Krzy's POV "Oh! My God! Zy! Anong nangyayari sayo" Saway na sabi ko sa sarili ko habang sakay ng elevator. Pabalik na ako sa 3rd floor. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa ginawa ko kanina. "Nababaliw na ba ako??" Tanong ng kabilang bahagi ng utak ko. Pumasok ako sa reception at nakita kong nagsasayaw na ang bride at groom sa gitna. Madilim ang paligid at tumutugtug ang musika kaya hindi ako na pansin ng mga tao habang pumapasok. "Anak, saan kaba galing??" Tanong ni mama sa akin ng makita ako. Hinila ako nito papunta sa table nila. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasa tabi ni papa si lester habang magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin. Pinaupo ako ni mama katabi nito. "A-andito pala siya??" Masayang saad ko sa loob loob ko habang magkatitigan kaming dalawa. Sobrang saya ng puso ko na makita ito. "Sa-saan ka ba galing????"Nanghihinang tanong ko. Pakiramdam ko lumabas lahat ng pagod ko sa katawan at parang gusto kong umiyak sa harap nito. "Huh?? Andito lang

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   KABANATA 243

    Krzy's POV Hindi pa natapos sa ang paglalakad ni Christine, nagtawanan naman ang lahat dahil malayo palang sinalubong na ito ni Jake. Halatang atat atat na ito at takot na takot na baka mag back out at takbuhan siya ng bride niya. "Pare! masyado kanang In love!!" Boses ng isa sa mga kaibigan ni Jake. Nagawi ang paningin ko doon at nakita ko si Lester. Parang nabunutan ako ng tinik ng makita ito. Nakatingin ito sa akin at nanlaki pa ang mga mata nito ng makita ang namumulang mga mata ko. Bumakas agad ang pag aalala nito sa akin kaya umiiling iling ako at sininyasan itong okay lang ako. Masayang natapos ang wedding ceremony nila Christine at Jake. Kasalukuyang nasa Reception na ang lahat. Sobrang saya ng bride at groom. Matapos ang wedding ceremony kanina hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Lester. Hindi ko alam kung saan ito at lahat naman ng barkada niya ay nandito. Takot at pangamba na naman ang lumukob sa buong pagkatao ko. Masaya nga ang paligid ko pero hindi ko naman ma

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   KABANATA 242

    krzy's POV Tahimik na lumabas kami ni Lester sa loob ng elevator. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Puno ng katanungan ang isip ko kong bakit andito si Candy? Gustong gusto kong kumprontahin si Lester pero ayokong masira ang araw ko. Ngayon ang kasal ni Christine at ayokong hindi ko ma enjoy ang moment ng kasiyahan sa buhay ng kaibigan ko. "Ma'am dito po kayo banda" Boses ng isang wedding staff organizer. Itinuro nito kung saan dapat pwesto ko. Isang minuto na lang magsisimula na ang ceremony sa kasal. Hindi ko alam bakit hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang nakita ko kanina. "Tumigil kana Zy!. Baka andito lang iyun dahil sa ibang dahilan!" Saway ko sa sarili ko. Sobrang ganda ng paligid kung saan idadaos ang kasal nila Christine at Jake kaya kahit sandali nawala sa isip ko ang nangyari kanina. Super classy and elegant ang pagkakadesign. Iginala ko sa paligid ang mga mata ko at nakita kong marami rami din ang nandito. Mga mayayamang negosyante, at artista at mga p

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   KABANATA 241

    KRZY'S POV Kasalukuyang lulan kaming dalawa ng asawa ko sa kotse nito papunta sa venue kung saan idadaos ang kasal ni Jake at ni Christine. Isang beach resort ang pagdadaosan nito. Papunta palang kami pero hindi ko na mapigilan ang sayang nararamdaman ko. Ito ang pinakahihintay na araw ni Christine. Ikinasal naman sila noon pero piling tao at kamag anak lang nila ang pumunta. Kasal iyun kung saan napipilitan lang silang dalawa ayun sa gusto ng daddy niya. Pero ngayon, ikakasal sila na nagmamahalan na. "Hon," Untag na tawag ni Lester sa akin na nagpatigil ng iniisip ko. "Hmmm??" Sagot ko at bumaling ng tingin dito. "Are you okay? kanina Kapa tulala dyan?" "Yeah, I'm fine! don't worry about me. Masaya lang ako para Kay Christine. Sa wakas nakamit na rin ng kaibigan ko ang kaligayan niya. Sa lahat na naging hirap niya, sa pagiging martir at tanga Kay Jake nagbuanga rin ang lahat ng iyun." "Ba-bakit ikaw di kaba maligaya sa akin ngayon??" Nagulat ako sa naging sagot na tan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status