Share

Chapter 1

Penulis: Sammaezy
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-21 21:29:28

Christine's POV

"Nasisiraan ka na ba, Cheery?"

"Sige, itakwil mo ang anak natin, hindi ako magdadalawang isip na hiwalayan ka!" Mommy said while crying, pero wala man lang reaksiyon si daddy sa lahat ng sinabi ni mommy.

"Mommy, you can't do that, nandito pa po kami, oh! Anak mo rin kami! Iiwan mo ba kami dahil Lang kay Tina?!" Sigaw ng maldita kong kapatid na si Christy.

Umiling si Mommy at lumapit sa akin.

"Anak, tumayo ka na d'yan, please, halika na..." sabi ni Mommy at sinusubukan akong tumayo. Para akong wala nang lakas pang tumayo dahil sa lahat ng nangyari.

"Mom, hindi mo 'to kailangan gawin para sa akin. Tama si Christy, nandiyan pa sila. Paano ang mga kapatid ko? I know you love me very much, but Mommy, 'wag mong gawin to..." nanginginig sa sabi ko kasabay no'n ang pagbagsak ng ang mga luha ko. Hindi ko yata matatanggap. Masisira ang pamilya ko kaya nagdesisyon akong harapin si Daddy.

"Jake Downson... siya ang ama ng dinadala ko, Daddy," sabi ko kasabay nang buhos ng mga luha ko na kanina pang walang sawa sa pag-agos. Kita ko kung paano nanlilisik ang mga mata ni Daddy dahil sa sobrang galit. Expected ko naman na ganito ang reaksiyon niya pero natatakot pa rin ako. Isang malakas na sampal muli ang natanggap ko mula sa ama ko. Dapat sanay na ako eh dati pa sa aming tatlong magkakapatid ako ang madalas mapagbuhatan ni Daddy ng kamay mula pagkabata, kaya dapat sanay na ako eh, pero bakit parang ang sakit pa rin dahil alam kong anak niya rin naman ako pero bakit ako lagi?

Kahit ngayon na nasa tamang edad na ako, kapag may nagawa akong mali, madali lang kay Daddy ang pagbuhatan ako ng kamay, pero si Christy at Christian hindi niya man lang masigaw-sigawan. Ako lahat mula noon hanggang ngayon, lahat ng pasakit, kunting kamalian ko lang, ako na ang masama. Lahat naman ginawa ko, lahat ng gusto niya sinunod ko, kahit ang maging doctor ginawa ko kahit gustong gusto ko kumuha ng culinary arts, pero dahil sa pagiging masunurin ko, ginawa ko lahat ng gusto nila, iniingatan ko ang mga galaw ko, pero bakit ganito?

"Isa kang napakalaking stupida!" Itataas na sana ni daddy ang kamay niya upang sampalin ako ng mag salita si mommy, "Sige Ronaldo, isang sampal pa, hindi ako magdadalang isip na mag-file ng divorce bukas na bukas din! "Nabitawan ni Daddy sa ire ang kamay nito at tumingin kay Mommy na parang kumalma.

"Alam kong malaki ang nagawang kasalanan ni Tina, pero Ronaldo anak natin 'yan, wala na tayong magagawa. Makinig ka naman sa akin kahit ngayon lang!"

Ibinaling ni Daddy ang tingin niya sa akin at sinabing, "Tumayo ka d'yan, pupunta tayo sa mga Downson!" Sa narinig ko bigla akong kinabahan.

Ano ang plano ni Daddy?

Baka mag-eskandalo siya sa mga Downson. Anong gagawin ko? Maaaring kumalma si Daddy ngayon, pero alam kong pagdating sa lugar ng mga Downson, hindi ko alam ang magagawa niya. Pero bago pa ako makahuma, hinila na ako ni Daddy papasok sa kotse. Dali-dali namang sumunod si Mommy at tinabihan ako.

"Don't worry, anak, Mommy is here, okay?" Inaalo ako ni Mommy dahil para ko nang ilalabas lahat ng mga luha ko, iyak lang ako ng iyak. "Anak, tumigil kana, makakasama 'yan sa bata, please! "

Narating namin ang mansion ng mga Downson habang si Daddy dali-daling bumaba ng kotse, at sumunod kami ni Mommy.

"Alfredo, ilabas mo ang magaling mong anak!" Sigaw ni Daddy sa labas ng gate ng mga Downson.

"Alfredo! Ilabas mo ang anak mo!"

Kinakalampang na ni Daddy ang gate nang lumabas ang mga guards at sumunod ang matandang Downson pati ang maybahay nito.

"Anong problema, Ronaldo? Bakit kayo nandito?" sabi nito.

"Ilabas mo ang magaling mong anak! Dapat niyang panagutan ang anak ko!"

"Anong sabi mo?" ang ginang na Downson ang nagsalita.

"Binuntis lang nman ng anak n'yo ang anak ko!" Bumaling si Daddy sa akin. "'Yan! 'Yang magaling kong anak binuntis ng anak niyong magaling!" Hindi ko alam pero nanghihina na ako sa lahat ng nangyayaring ito, biglang akong may naramdamang likidong lumabas sa mga hita ko na kinakatakot ko. Alam ko ang mangyayari dahil ang lakas na nangpatulo ng dugo sa hita ko saka ko dahan-dahang na naramdaman ang pagkawa ko sa ulirat.

"Anak! Anak! Ronaldo, ang anak natin! Dinudugo siya!" Rinig kong takot na sigaw ni mommy. Bigla ko nalang naramdaman ang aking pag-angat sa ere at kasabay no'n tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.

"The patient and the baby are okay now, Mr. and Mrs. Salazar," the doctor said. Nakikinig lang ako habang nakapikit.

"Thank you, Doctor Mendez," si Mommy.

"Pag may nangyari sa anak natin, Ronaldo, hindi ko alam kung mapapatawad kita! Kahit kailan hindi mo tinatrato ng tama ang anak natin! Dati pa, laging si Christine ang pinagbubuntungan mo ng galit sa lahat ng nagawa ko! Kulang pa ba na kabayaran na hanggang ngayon nanatili ako sa tabi mo?" Naririnig kong sigaw ni mommy, wala akong lakas na dumilat kahit pa gising na ang aking ulirat ay para bang pinagdikit ang aking mga talukap sa mata.

"Hindi mo ako masisi, Cheery, sapagkat siya ang naging bunga ng kataksilan niyo ni Amando. Sa tuwing nakikita ko si Christina, hindi ko mapigilan ang galit ko!" Sigaw ni Daddy, alam kong dati pa hindi na anak ang turing ni Daddy sa akin. Hindi naniniwala si Daddy hanggang ngayon, para sa kanya ako ay bunga lang ng kamalian ni Mommy, at oo alam ko kung anong istorya ng pag-iibigan nila Daddy at Mommy noon.

Ipinagkasundo ang sina Mommy at Daddy ng mga Lolo ko, at si Mommy ay may nobyo noon pero lingid ito sa kaalaman ng mga magulang ni Mommy at ni Daddy, pero nagtakda ang kasal nila. Hiniwalayan na ni Mommy si Tito Amando at nagpakasal siya kay dad. Tatlong buwan lang daw noon ako sa tiyan ni Mommy nang malaman ni Daddy ang tungkol kay Tito Amando kaya pinanghihinalaan na ni Daddy mula noon si Mommy na ako ay hindi niya anak. Masakit isipin na ako ang naiipit sa sakit ng nakaraan ng aking mga magulang pero wala akong magawa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Sammaezy
Kumpleto na po ito ma'am. maari niyo na po itong mabasa. From book 1 to book 2
goodnovel comment avatar
Parhana Kandog
Kailan po sunod story man
goodnovel comment avatar
Parhana Kandog
Ang Ganda story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   Finale/Wakas

    WARNING SPG ALERT ⚠️ 🔞 🔞 🔞 Krzy's POV5 MONTHS LATER "Hon, gutom na ako" Nakasimangot na sabi ko sa asawa ko. Kasalukuyang kaharap nito ang laptop niya. Tumingala ito sa akin at ngumiti. "Okay, what do you want to eat honey ko??" Malambing na tanong nito tapos tumayo saka nilapitan ako. "I want tuna pasta honey,"Masayang sagot ko Na ikinangiti naman nito. Yumuko ito saka lumuhod sa harap ko. "Gutom na ba ang baby ko??" Mahinang bulong nito sa limang buwan na tiyan ko. Hinaplos haplos niya ito at hinalikan. "Okay just wait for me here okay?, magluluto lang ako" Sabi nito at inalalayan ako para paupuin sa couch. Nakangiting nakatingin ako sa papalayong likod nito hanggang sa pumasok na ito sa kusina. Yumuko ako at para tingnan ang tiyan ko dahil naramdaman kong gumalaw ang baby ko. "Shhh, bakit? Gutom kana anak??" Tanong ko sa anak ko na para bang sasagot ito. Dahan dahan hinahaplos ko ito. Sobrang saya ng puso kaya naramdaman siguro ito ng anak ko. "Wait lang

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   KABANATA 245

    Krzy's POV Pagkatapos kung makuha ang bouquet na binigay ni tita. Agad na babalik na sana ako sa table namin ng biglang tumigil sandali ang mundo ko. Nakaluhod si Lester sa harap ko at nakalahad sa kamay nito ang box na may lamang singsing. Hindi ko alam kung anong gagawin or mararamdaman ko. "Hon, I know napaiyak kita kanina. And I'm so sorry about that. Kaya hindi mo ko nakita kanina dahil pakana ito ni Jake lahat. Naiwala niya ang singsing na binili ko sayo kaya bumalik ako sa binilhan ko para magpagawa ulit. I'm sorry ha??" Basag ang boses na sabi nito. Narinig Kong nagtawanan ang lahat. "Para makaganti sa loko lokong Jake na iyun. Dapat bukas pa ito at hindi ngayon pero ginalit niya ako. Dito na ako sa wedding nila magpropropose sayo! Aagawin ko muna ang spotlight sa kanila" Sunod naman na saad nito na ikinatawa ng lahat. Basang basa na ang mukha ko ng luha ko. Umiiyak akong pinapakinggan ito habang nagtatawanan naman ang mga tao. "Now, Doctora Krzy Hernandez will you m

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   KABANATA 244

    Krzy's POV "Oh! My God! Zy! Anong nangyayari sayo" Saway na sabi ko sa sarili ko habang sakay ng elevator. Pabalik na ako sa 3rd floor. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa ginawa ko kanina. "Nababaliw na ba ako??" Tanong ng kabilang bahagi ng utak ko. Pumasok ako sa reception at nakita kong nagsasayaw na ang bride at groom sa gitna. Madilim ang paligid at tumutugtug ang musika kaya hindi ako na pansin ng mga tao habang pumapasok. "Anak, saan kaba galing??" Tanong ni mama sa akin ng makita ako. Hinila ako nito papunta sa table nila. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasa tabi ni papa si lester habang magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin. Pinaupo ako ni mama katabi nito. "A-andito pala siya??" Masayang saad ko sa loob loob ko habang magkatitigan kaming dalawa. Sobrang saya ng puso ko na makita ito. "Sa-saan ka ba galing????"Nanghihinang tanong ko. Pakiramdam ko lumabas lahat ng pagod ko sa katawan at parang gusto kong umiyak sa harap nito. "Huh?? Andito lang

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   KABANATA 243

    Krzy's POV Hindi pa natapos sa ang paglalakad ni Christine, nagtawanan naman ang lahat dahil malayo palang sinalubong na ito ni Jake. Halatang atat atat na ito at takot na takot na baka mag back out at takbuhan siya ng bride niya. "Pare! masyado kanang In love!!" Boses ng isa sa mga kaibigan ni Jake. Nagawi ang paningin ko doon at nakita ko si Lester. Parang nabunutan ako ng tinik ng makita ito. Nakatingin ito sa akin at nanlaki pa ang mga mata nito ng makita ang namumulang mga mata ko. Bumakas agad ang pag aalala nito sa akin kaya umiiling iling ako at sininyasan itong okay lang ako. Masayang natapos ang wedding ceremony nila Christine at Jake. Kasalukuyang nasa Reception na ang lahat. Sobrang saya ng bride at groom. Matapos ang wedding ceremony kanina hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Lester. Hindi ko alam kung saan ito at lahat naman ng barkada niya ay nandito. Takot at pangamba na naman ang lumukob sa buong pagkatao ko. Masaya nga ang paligid ko pero hindi ko naman ma

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   KABANATA 242

    krzy's POV Tahimik na lumabas kami ni Lester sa loob ng elevator. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Puno ng katanungan ang isip ko kong bakit andito si Candy? Gustong gusto kong kumprontahin si Lester pero ayokong masira ang araw ko. Ngayon ang kasal ni Christine at ayokong hindi ko ma enjoy ang moment ng kasiyahan sa buhay ng kaibigan ko. "Ma'am dito po kayo banda" Boses ng isang wedding staff organizer. Itinuro nito kung saan dapat pwesto ko. Isang minuto na lang magsisimula na ang ceremony sa kasal. Hindi ko alam bakit hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang nakita ko kanina. "Tumigil kana Zy!. Baka andito lang iyun dahil sa ibang dahilan!" Saway ko sa sarili ko. Sobrang ganda ng paligid kung saan idadaos ang kasal nila Christine at Jake kaya kahit sandali nawala sa isip ko ang nangyari kanina. Super classy and elegant ang pagkakadesign. Iginala ko sa paligid ang mga mata ko at nakita kong marami rami din ang nandito. Mga mayayamang negosyante, at artista at mga p

  • Accidentally Pregnant in One Night Stand   KABANATA 241

    KRZY'S POV Kasalukuyang lulan kaming dalawa ng asawa ko sa kotse nito papunta sa venue kung saan idadaos ang kasal ni Jake at ni Christine. Isang beach resort ang pagdadaosan nito. Papunta palang kami pero hindi ko na mapigilan ang sayang nararamdaman ko. Ito ang pinakahihintay na araw ni Christine. Ikinasal naman sila noon pero piling tao at kamag anak lang nila ang pumunta. Kasal iyun kung saan napipilitan lang silang dalawa ayun sa gusto ng daddy niya. Pero ngayon, ikakasal sila na nagmamahalan na. "Hon," Untag na tawag ni Lester sa akin na nagpatigil ng iniisip ko. "Hmmm??" Sagot ko at bumaling ng tingin dito. "Are you okay? kanina Kapa tulala dyan?" "Yeah, I'm fine! don't worry about me. Masaya lang ako para Kay Christine. Sa wakas nakamit na rin ng kaibigan ko ang kaligayan niya. Sa lahat na naging hirap niya, sa pagiging martir at tanga Kay Jake nagbuanga rin ang lahat ng iyun." "Ba-bakit ikaw di kaba maligaya sa akin ngayon??" Nagulat ako sa naging sagot na tan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status