LOGINJake POV
Nagising ako sa sobrang lakas nang pagkakakatok sa labas ng aking kwarto dito sa aking sariling bahay. Oo, meron na akong sariling bahay since I was 21 nagsimula na akong magkaroon ng sariling bahay pero kung minsan umuuwi din naman ako kina sa bahay ng mga magulang ko kung hindi ako puyat at pagod sa trabaho, most especially pagnamimis ko ang aking ina. Pero ngayon sobrang sakit ng ulo ko dagdagan pa ng kung sinong ponshopilato na kung makahampas ng pintuan parang magigiba ito. "Jake! Buksan mo ang pintuan bilisan mo!" Dinig kong boses ni daddy, ano kayang problema ang aga aga naninira ng mood. "Ano ba gusto mo bang gibain ko 'to?!" sigaw nito. Alam ko kong paano magalit ang daddy kaya dali-dali na akong tumayo at binuksan ang pinto pero ang sumalubong sa akin ay ang malakas na kamao ni daddy. "Walang hiya ka! Nakabuntis ka ng babae!" Sigaw nito sabay hawak sa kwelyo ng damit ko. "Alfredo, huminahon ka at pag-usapan natin ang problema!" Pagmamakaawang sigaw ni Mommy. Wala akong idea kung sinong binuntis ko dahil mahigit 3 months na akong busy sa kompanya. Sa kabusyhan ko, hindi ko na magagawa ang mambabae. "Dad, ano ba! Sinong buntis?" tanong ko. "Tumigil ka, Jake. Alam mo kong sino? At ang pinaka nakakaputang ina ay talagang ang anak pa ni Ronaldo!" Sigaw nito. Sa sobrang lakas ng sigaw ni Daddy, parang hindi na sink in sa utak ko! Ano daw? Anak nino? Ni tito Ronaldo? Hahahaha putcha ngayon ko lang naalala ang lahat, oo! Tama nga pala, 3 months ago nagkita kami ni Christine sa bar. Hindi ko akalain na nagbunga pala ang lahat ng nangyari sa gabing iyon. Pareho kaming lasing ng gabing iyon pero hindi ko expect na magbunga? Isang beses lang naman namin ginawa. "Ako may anak na?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko. "Anak, ano ba ang nangyari?" tanong ni Mommy. Tulala pa rin ako kaya hindi ako nakasagot. "Anak naman, magsalita ka!" Nagmamakaawang sabi ni Mommy. "Bukas na bukas mamanhikan tayo sa mga Salazar para pag-usapan ang kasal!" Sabi ni Daddy na ikinabigla ko. "Dad naman! Anong kasal? I know, alam kong mali ang nangyari ng gabing 'yon, pero ang bata lang ang pananagutan ko, at alam mo kung bakit?" Sigaw ko dahil sa frustration. "Wala akong pakialam bukas na bukas mamahikan tayo at alam mo rin kung bakit! Kilala ko si Ronaldo totohanin niya ang sinabi niya," sabi ni Daddy. "Dad! I can't. Mahal ko si Celine at hindi pwede ang gusto mo!" Sigaw ko. Hindi pwede. Bakit ako magpapakasal kung isang one-night stand lang naman 'yon? Hindi ko pinangarap ikasal sa babaeng hindi ko mahal. Si Celine ang mahal ko, siya lang! "Nasisiraan kana ba? Uunahin mo pa 'yan kaysa sa kahihiyan na matatanggap ng ating pamilya?" Sigaw ni Daddy na ikinailing ko. Hindi pwede sa susunod na taon, balak ko ng mag-propose Kay Celine pagkatapos ng kontrata niya sa modeling agency niya sa Paris. "Daddy naman, wala akong pananagutan sa ina ng bata pero sa bata oo! Susuportahan ko lahat ng kailangan ng bata, 'yon lang, Dad! Wala nang iba!" "Bubuksan uli ni Ronaldo ang kaso kung hindi mo papakasalan si Christine!" May hinanakit na sabi ni Daddy. "Alam mo dati pa ang kasong sinasabi ko Jake kaya pakiusap pakasalan mo ang anak niya at wala ng iba!" "Anak, kahit ito nalang ibigay mo na sa daddy mo, please." Nasusumamong sabi ni Mom. Dahil sa narinig ko, bigla akong nawalan ng pag-asang takasan ang problemang ito. Alam ko ang sinasabi ni daddy, pero parang hindi ko pa rin magawang isipin na magsasama kami sa iisang bubong ng babaeng iyon na masaya. "Magbihis ka, pupunta tayong hospital, bibisitahin natin ang magiging asawa mo.."Sa Sa narinig ko, bigla akong kinabahan, hindi sa gusto ko kundi dahil sa isiping anak ko ang dinadala ng babaeng 'yon. Pero bakit nasa hospital siya? "Anong nangyari?!" "Pumunta kaninang umaga ang mga Salazar sa mansion, hinahanap ka. Nagwawala si Ronaldo habang sumusunod ang asawa at anak nito sa bahay. Siguro dahil sa takot nahimatay at dinugo si Christine kanina kaya dinala siya sa hospital," sabi ni Mommy. Bigla akong nakaramdam ng takot at awa. Kung sana nandon siguro ako, baka sakaling hindi na masyadong nagwala si Tito Ronaldo. Kasalukuyang nasa hospital kami ngayon dahil bibisitahin namin si Christine. Sinalubong kami ni Tito Ronaldo at Tita Cheery sa labas. Ganun parin ang taglay na kagandahan ni tita. Matagal ko na siyang hindi nakita, pero walang pinagbago. Bumati lang ako kay Tita Cheery, at ngumiti ito. "Pasok kayo, nagpapahinga si Christine sa loob," sabi ni tita. Hindi ko alam bakit masaya akong makita siya na maayos ang lagay na nakaupo sa kama habang nakayuko. Wala akong lakas para magsalita kaya tahimik lang ako sa tabi habang nakikinig sa pag-uusap nila daddy. Sinusulyapan ko siya ng tingin, medyo pumayat siya ngayon kaysa noong nakita ko siya 3 months ago sa club. Pareho kaming lasing noon, pero siya ang unang lumapit sa akin dahil hindi din naman lingid sa kaalaman ng lahat na kababata ko si Christine bago mangyari ang lahat. Kung hindi siguro nangyari yon, siguro naging matalik pa kaming magkaibigan ni Christine dahil sa sobrang lapit ng mga pamilya namin noon. Nakayuko pa rin siya nang tiningnan ko. Lumapit si Mommy sa kanya. "Kamusta ka na, iha?" Tanong ni Mommy. "Maayos na po ako," sabi nito. "Mabuti naman pasensya kana wala man lang kaming dala kahit prutas para sa sayo, magpagaling ka ha." Pag-alalang sabi ni i Mommy. "Okay lang po," walang emosyong sabi nito, kita sa mga mata niya ang takot at lungkot. "Oh siya, hindi na kami magtatagal, Ronaldo. Bukas na bukas makakaasa kang darating kami sa pamamanhikan sa bahay niyo," sabi ng daddy, at biglang lumapit ang mommy kay Christine habang nakahawak ang kamay sa balikat nito. "Aalis na kami, iha. Magpagaling ka ha, ingatan mo ang magiging apo ko." Sabi ni Mommy na nakangiti. "Opo, Salamat po," sabi nito na nga nakangiti rin, pero bigla akong naramdaman ng galit dahil hindi ko alam kong kanino ako magagalit, sa sarili ko o dahil sa ngiting 'yon, at mas lalong nagngitngit ang aking kalooban ng isipin ko si Celine. Hindi pwedeng malaman niya ito! "Ano ba kasing nakain ng babaeng yon?" Malinaw ang sinabi ko sa kanya na kapag nagbunga ipaalam niya. Bullshit! E'di sana nagawan ko ng paraan! Alas, 11 na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Kaya tinawagan ko si Sev para kumuha ng impormasyon. Gusto kong tawagan ang babaeng 'yon pero wala akong number kaya si Sev ang tinawagan ko. Tatlong ring lang sinagot na agad nito. Sakim talaga sa pera ang gonggong na 'to. Alam niya kasi na pagtumawag ako, pera agad ang makukuha niya. "Yes? Bakit napatawag ang isang Jake Downson?" Bungad na agad na tanong nito sa akin. "May kailangan akong makausap pero hindi ko makausap." "Hahahaha, hindi ka ba sinipot ng call girl na binayaran mo? Maniningil ka siguro!" sabi nito na nakakabwesit. "Tsk! Hindi! Kailangan ko ng number ni Christine Salazar kasi gusto ko siyang makausap pero wala akong number." "Owssss! Hahahaha. Tol naman, bakit? Anong kailangan mo do'n sa cute kong officemate at crush? Hahahaha." "Wala kana don, bigyan mo ako ng number niya!" sabi ko. "No! Wala akong number ni Christine," pagmamatigas na sabi nito. "500k, give me the number." "It's a no! Wala nga akong number," pagmamatigas na sabi parin nito. "Okay, 1 million, give me the number." Sabi ko habang nakangisi kasi alam kong bibigay agad ito, mukhang pera 'to eh. "HAHAHAHA deal! I'll send the number right away." Nang makuha ko anh number niya, mabilis ko siyang inimessage. Me: Sinabi ko sayong ipaalam mo sa akin after 1 month. Me: Hindi ba malinaw ang sinabi ko? Kung sinabi mo muna sa akin bago sa mga magulang mo, nagawan sana natin ng paraan?! Me: Ako ang ama ng dinadala mo, ako dapat ang unang nakaalam. It's been 15 minutes, pero wala talaga akong natanggap na reply. Impossible naman na hindi niya alam na ako teka. "Tama kaya ang ibinigay na number ni Sev? Matawagan nga." Naka tatlong ring na ako pero hindi ako sinasagot pero tinawagan ko pa rin ulit pero sa pang apat na tawag hindi na ito makontak siguro nag-off na siya ng phone. "Walang hiyang babaeng 'yon, talagang gusto nya rin siguro ang nangyayari ngayon kasi kung hindi makikipagcooperate 'yon." "Puntahan ko nalang Kaya?" Dali-dali akong nagbihis at patakbong sumakay sa kotse. Kailangang hindi mangyari ang dapat mangyari bukas. Maghahanap ako ng paraan para pigilan ito.WARNING SPG ALERT ⚠️ 🔞 🔞 🔞 Krzy's POV5 MONTHS LATER "Hon, gutom na ako" Nakasimangot na sabi ko sa asawa ko. Kasalukuyang kaharap nito ang laptop niya. Tumingala ito sa akin at ngumiti. "Okay, what do you want to eat honey ko??" Malambing na tanong nito tapos tumayo saka nilapitan ako. "I want tuna pasta honey,"Masayang sagot ko Na ikinangiti naman nito. Yumuko ito saka lumuhod sa harap ko. "Gutom na ba ang baby ko??" Mahinang bulong nito sa limang buwan na tiyan ko. Hinaplos haplos niya ito at hinalikan. "Okay just wait for me here okay?, magluluto lang ako" Sabi nito at inalalayan ako para paupuin sa couch. Nakangiting nakatingin ako sa papalayong likod nito hanggang sa pumasok na ito sa kusina. Yumuko ako at para tingnan ang tiyan ko dahil naramdaman kong gumalaw ang baby ko. "Shhh, bakit? Gutom kana anak??" Tanong ko sa anak ko na para bang sasagot ito. Dahan dahan hinahaplos ko ito. Sobrang saya ng puso kaya naramdaman siguro ito ng anak ko. "Wait lang
Krzy's POV Pagkatapos kung makuha ang bouquet na binigay ni tita. Agad na babalik na sana ako sa table namin ng biglang tumigil sandali ang mundo ko. Nakaluhod si Lester sa harap ko at nakalahad sa kamay nito ang box na may lamang singsing. Hindi ko alam kung anong gagawin or mararamdaman ko. "Hon, I know napaiyak kita kanina. And I'm so sorry about that. Kaya hindi mo ko nakita kanina dahil pakana ito ni Jake lahat. Naiwala niya ang singsing na binili ko sayo kaya bumalik ako sa binilhan ko para magpagawa ulit. I'm sorry ha??" Basag ang boses na sabi nito. Narinig Kong nagtawanan ang lahat. "Para makaganti sa loko lokong Jake na iyun. Dapat bukas pa ito at hindi ngayon pero ginalit niya ako. Dito na ako sa wedding nila magpropropose sayo! Aagawin ko muna ang spotlight sa kanila" Sunod naman na saad nito na ikinatawa ng lahat. Basang basa na ang mukha ko ng luha ko. Umiiyak akong pinapakinggan ito habang nagtatawanan naman ang mga tao. "Now, Doctora Krzy Hernandez will you m
Krzy's POV "Oh! My God! Zy! Anong nangyayari sayo" Saway na sabi ko sa sarili ko habang sakay ng elevator. Pabalik na ako sa 3rd floor. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa ginawa ko kanina. "Nababaliw na ba ako??" Tanong ng kabilang bahagi ng utak ko. Pumasok ako sa reception at nakita kong nagsasayaw na ang bride at groom sa gitna. Madilim ang paligid at tumutugtug ang musika kaya hindi ako na pansin ng mga tao habang pumapasok. "Anak, saan kaba galing??" Tanong ni mama sa akin ng makita ako. Hinila ako nito papunta sa table nila. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nasa tabi ni papa si lester habang magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin. Pinaupo ako ni mama katabi nito. "A-andito pala siya??" Masayang saad ko sa loob loob ko habang magkatitigan kaming dalawa. Sobrang saya ng puso ko na makita ito. "Sa-saan ka ba galing????"Nanghihinang tanong ko. Pakiramdam ko lumabas lahat ng pagod ko sa katawan at parang gusto kong umiyak sa harap nito. "Huh?? Andito lang
Krzy's POV Hindi pa natapos sa ang paglalakad ni Christine, nagtawanan naman ang lahat dahil malayo palang sinalubong na ito ni Jake. Halatang atat atat na ito at takot na takot na baka mag back out at takbuhan siya ng bride niya. "Pare! masyado kanang In love!!" Boses ng isa sa mga kaibigan ni Jake. Nagawi ang paningin ko doon at nakita ko si Lester. Parang nabunutan ako ng tinik ng makita ito. Nakatingin ito sa akin at nanlaki pa ang mga mata nito ng makita ang namumulang mga mata ko. Bumakas agad ang pag aalala nito sa akin kaya umiiling iling ako at sininyasan itong okay lang ako. Masayang natapos ang wedding ceremony nila Christine at Jake. Kasalukuyang nasa Reception na ang lahat. Sobrang saya ng bride at groom. Matapos ang wedding ceremony kanina hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Lester. Hindi ko alam kung saan ito at lahat naman ng barkada niya ay nandito. Takot at pangamba na naman ang lumukob sa buong pagkatao ko. Masaya nga ang paligid ko pero hindi ko naman ma
krzy's POV Tahimik na lumabas kami ni Lester sa loob ng elevator. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Puno ng katanungan ang isip ko kong bakit andito si Candy? Gustong gusto kong kumprontahin si Lester pero ayokong masira ang araw ko. Ngayon ang kasal ni Christine at ayokong hindi ko ma enjoy ang moment ng kasiyahan sa buhay ng kaibigan ko. "Ma'am dito po kayo banda" Boses ng isang wedding staff organizer. Itinuro nito kung saan dapat pwesto ko. Isang minuto na lang magsisimula na ang ceremony sa kasal. Hindi ko alam bakit hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang nakita ko kanina. "Tumigil kana Zy!. Baka andito lang iyun dahil sa ibang dahilan!" Saway ko sa sarili ko. Sobrang ganda ng paligid kung saan idadaos ang kasal nila Christine at Jake kaya kahit sandali nawala sa isip ko ang nangyari kanina. Super classy and elegant ang pagkakadesign. Iginala ko sa paligid ang mga mata ko at nakita kong marami rami din ang nandito. Mga mayayamang negosyante, at artista at mga p
KRZY'S POV Kasalukuyang lulan kaming dalawa ng asawa ko sa kotse nito papunta sa venue kung saan idadaos ang kasal ni Jake at ni Christine. Isang beach resort ang pagdadaosan nito. Papunta palang kami pero hindi ko na mapigilan ang sayang nararamdaman ko. Ito ang pinakahihintay na araw ni Christine. Ikinasal naman sila noon pero piling tao at kamag anak lang nila ang pumunta. Kasal iyun kung saan napipilitan lang silang dalawa ayun sa gusto ng daddy niya. Pero ngayon, ikakasal sila na nagmamahalan na. "Hon," Untag na tawag ni Lester sa akin na nagpatigil ng iniisip ko. "Hmmm??" Sagot ko at bumaling ng tingin dito. "Are you okay? kanina Kapa tulala dyan?" "Yeah, I'm fine! don't worry about me. Masaya lang ako para Kay Christine. Sa wakas nakamit na rin ng kaibigan ko ang kaligayan niya. Sa lahat na naging hirap niya, sa pagiging martir at tanga Kay Jake nagbuanga rin ang lahat ng iyun." "Ba-bakit ikaw di kaba maligaya sa akin ngayon??" Nagulat ako sa naging sagot na tan







