"Wait lang. Umupo ka rito. Uubusin ko muna 'tong pagkain ko, tapos usap tayo," aniko habang tinuturo ang bakanteng silya sa tabi ko.Buti na lang may isa pang upuan. Di siya kumilos, parang estatwa. Deadma na lang ako. Kung ayaw niya, ‘di wag. Niyaya ko na, diba? Choice na niya ‘yon."Kumain ka na ba? Kain tayo," alok ko, sinubukang gawing magaan ang hangin kahit medyo mabigat na.Bumuntong-hininga siya nang malalim, tapos tumingala sa langit na parang doon niya hahanapin ang sagot. Di ko talaga siya mabasa. Laging misteryoso, laging may dalang drama.Umiling na lang ako at tinapos ang pagkain ko. Tahimik. Tanging kaluskos ng dahon at paglagok ko ng tubig ang naririnig.Maya-maya, napansin kong dahan-dahan siyang umupo rin sa silya. Medyo hirap siya dahil malaki siyang tao, parang hindi sanay sa masisikip na espasyo. Pero at least, umupo siya.Mukhang handa na rin siyang makinig, or sumagot.Tahimik pa rin. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin. Wala pa siyang sinasabi, pero
Alas-sais ng umaga, nasa hardin na ako.Simpleng umaga. Diniligan ko muna ang mga tanim kong pechay, sili, at mga munting rosas sa gilid ng pader. Sabado ngayon, thank God, at kahit papaano, mas luwag ang oras ko. Kaunti na lang ang ginawa ko for school purposes kagabi. Four months pa naman tiyan ko, ayos lang naman.But knowing our university…they’re unpredictable.Kahit maternity leave ko ay next month pa, may tendency silang biglaang i-email ka about emergency faculty meetings or last-minute reports. Kaya kahit weekend, alert mode pa rin ako.Pero ngayon, self-care muna.Pagkatapos sa hardin, pumasok ako sa loob ng bahay.It's time for breakfast. Simple lang. Scrambled eggs, sinangag, at tinapa. Sinamahan ko na rin ng gatas kaysa kape, syempre bawal na ‘yon sa buntis.Naalala ko tuloy, nung dati, isang buong araw ako walang kain. Ngayon, kapag di ako nakakain sa tamang oras, parang magugunaw ang mundo. I’m living for two now.Napagdesisyunan kong sa veranda ako kumain.Masarap ang
"Buntis ka?!" Napadilat ako at mabilis nilingon sa nagmamay-ari ng boses. There, I saw Aling Gabina, the Marites of the Year. Siya pala ang reyna ng mga chismosa. Nanlaki ang mga mata nitong makita ang umbok kong tiyan. Nakapamewang habang may pamaypay. "Opo." Sagot ko habang hinihimas ang aking tiyan. It's visible dahil fitted dress ang suot ko. "Tama nga ang sabi nila. Umuwi ka galing syudad na buntis! Bueno, bagay sayo. Nasaan asawa mo?" Sumilip-silip ito sa bahay ko. Hinanap ang asawa ko raw. Ang sperm donor ko, she mean. Napakamot ako sa tagiliran dahil magsisinungaling na naman ako. Asus! Alam mo naman na alam na niya ang pinagkakalat ko sa kapit bahay. Inunahan ko na sila no'. Ako ang magsimula ng kwento at ako ang mag-wawakas. Paiba-iba kase ng story nila and I don't like it. As a writer also, ang papanget ng kwento nila. Parang ako pa ang kawawa dahil nabuntis daw ako na walang ama ang anak ko. So what? Di ko ba kayang buhayin ang anak ko? "Yun nga eh. Wala siya dito..
Napapikit ako when I saw two lines. No. Mali. Naduduling ata ako. Wait, ano naman kung buntis ako? This is what I want. What I wanted… right? Napadilat ako. Muling tinitigan ang hawak kong pregnancy test. Ba’t ang bilis naman? One night lang ‘yun eh. One reckless, stupid night na dapat sana ay nakalimutan ko na. Pero hindi. Nag-iwan pala ‘yun ng bakas, buhay na bakas. Napasuklay ako sa buhok, kasabay ng pilit na paghinga. Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Hawak-hawak ko pa rin ang test kit na para bang baka magbago pa ang sagot. It’s two lines nga talaga. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at dumaan talaga ako sa convenience store kanina. Wala sa plano ‘yun. Lutang ako pagkatapos ng biro ng co-teacher ko kanina. Umiikot pa nga ang mundo ko habang bumibili ako, parang may gumagabay sa bawat hakbang ko. At ngayon… heto na ako. Tulala. Walang alam kung dapat ba akong matawa o maiyak. Buntis ako. Dalawang salita, pero parang buhos ng malamig na tubig sa katawan ko.
Napahinga ako ng maluwag dahil may tumawag sa kanya, dahilan para umalis agad siya sa hotel room ko. Di ko kaya kapag kasama ko siya ng ilang minuto pa. Parang sasabog ang dibdib ko, hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa kaba. Sa guilt. Sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Tahimik ang buong silid. Pero ang isip ko, magulo. Maingay. Parang may nagbabangayang dalawang tinig sa loob ng utak ko—isa nagsasabing okay lang ‘to, at isa nagsasabing maling-mali ang lahat. Di ko gusto ang sinasabi niya. Ba’t parang big deal sa kanya ang nangyari sa amin? Kung tutuusin, ako ang dapat mag-alala. Ako dapat ang magtanong kung anong mangyayari ngayon. Ako sana ang maghabol dahil... virginity ko ang nawala. Pero bakit ganito? Bakit ako ang nakaramdam ng parang ako pa ang may kasalanan? Parang ako pa ang dapat umiwas sa kanya, habang siya, parang... may tinatago? Huminga ako ng malalim at tinapik ang sarili ko. “Tama na. Ceila, tama na.” I accepted my fate. Dahil lasing na lasing ako. Dahil gu
Tahimik. Ramdam ko ang tensyon sa hangin. Tahimik siyang pumasok at naupo sa single couch sa gilid ng sala area habang ako naman ay naiwan sa may pintuan, hindi alam kung dapat bang isarado o itaboy siya palabas.Pero ayun siya—nakaupo, relaxed, parang kaswal lang ang lahat.Ako? Parang gusto ko nang magpanic."Okay," panimula ko habang isinasara ang pinto. "Anong gusto mong pag-usapan?"Tumingin siya sa akin. Diretso. Walang takas. "You. Me. That night."Napaupo ako sa kabilang dulo ng maliit na sofa. Kailangan ko ng distansya. Kailangan ko ng hangin."Atticus, I don't even remember half of what happened.""Then let me remind you," aniya, leaning slightly forward."Don't."Napalingon siya sa akin, bahagyang kumunot ang noo."Hindi ko kailangan ng reminder. Ang kailangan ko... explanation. Closure. Kasi kahit isang gabi lang ‘yon, it messed with my head. You messed with my head."He sat back, arms crossed. “You think you're the only one confused? I’ve been looking for you the whole da