Chapter: His Sin"Darling..." Bumuntong-hininga si Nix habang hawak ang mga kamay ko. Halata sa kanyang mukha ang bigat ng loob, parang ang bawat salita niya ay may dalang sakit na pilit niyang pinipigilan.Nasa kwarto kaming dalawa, at ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Sinabi niyang may ipagtatapat siya, at sa wakas, ito na ang tamang oras para malaman ko ang katotohanan. Ngunit habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang kabahan. Ano nga ba ang kasalanan niya? At anong kinalaman ni Virgo sa gabing iyon?Ang dami kong tanong na umiikot sa isipan ko, pero sa tingin ko, si Nix lang ang may sagot sa lahat ng ito."Darling, I don't know how to begin. But I want you to know that none of this has been easy for me." nagsimula siya, habang pilit na iniiwas ang tingin niya sa akin. Halatang hirap siya sa sasabihin niya, pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataong umatras."Sabihin mo na, Nix," bulong ko. "Kaya ko 'to. Kailangan kong marinig ang totoo."Tumango siya, parang hinihintay niya ang lak
Terakhir Diperbarui: 2024-11-20
Chapter: Special Chapter 121Ang seryoso at tila galit na si Dr. Montero at isang masayahing lalaki. Pogi, lalaking-lalaki, brown yung mga mata, matangkad, at magulo ang kulay itim nitong mga buhok. May silver earring siya sa kaliwang tenga. Nakatayo lamang kami ni Frozina. Ang mga sanggol ay nasa kanilang duyan mahimbing na natutulog. Napansin ko kung paano hinanap ng mga mata ni Dr. Montero si Frozina. Ang nag-aapoy nitong mga mata ay naging kalmado ngunit saglit lang yun at mabilis sinuntok si Virgo na kinatili naming dalawa. "F*ck! Stop it, motherf*cker. You're damn in my house." Malamig na utos ni Nix sa kanila kung saan ay pilit hinila paalis si Dr. Montero sa ibabaw ni Virgo na tawa lang ng tawa kahit pinag-uulanan na ng suntok. "Grabe ka naman, Doc. Masakit. Ouch! Tama na." Nakangiti nitong turan at umaaktong nasasaktan. "F*ck you, Maranzano. F*ck you!" Malutong na mura ni Doc pero tawa pa rin ng tawa si Virgo habang iniiwasan ang suntok ni Doc na ngayon ay nakatayo na. Nanlaki ang mga mata ko habang
Terakhir Diperbarui: 2024-11-20
Chapter: Special Chapter 120 Napangiti akong makitang mahimbing natutulog si Athena sa kanyang duyan. Buti’t hindi iyakin ang anak ko dahil hindi ko talaga kaya kapag ako lang ang mag-isa. Kahit may karanasan akong mag-alaga ng sanggol, natataranta pa rin ako. Madalas blanko ang utak ko at hindi alam kung ano ang uunahin. Nung una nga, naiiyak din ako kapag nakita kong umiiyak ang anak ko. Buti na lang nandiyan si Nix. Bagamat minsan nalilito rin siya kung sino ang una niyang papatahanin—ako ba o ang anak namin. Speaking of Nix, wala siya ngayon sa bagong bahay namin. May kailangan siyang asikasuhin. Hindi ko na tinanong kung ano, pero alam kong may kinalaman ito sa kaibigan niyang si Dark. Inilibot ko ang mga mata ko sa bahay namin. Hindi ito ganoon kalaki, pero hindi rin masikip—sakto lang, at higit sa lahat, komportable. Half-cement ang bahay namin, at ang disenyo ay simple lang. Ayokong puro semento ang paligid dahil parang masakit sa mata at naiinitan ako. Napanganga ako saglit habang iniisip kung gaano k
Terakhir Diperbarui: 2024-11-20
Chapter: Chapter 119 (Lory)SAGLIT akong napasulyap sa katabi ko na humahagikhik habang may pinapanood sa kanyang cellphone. Gusto ko siyang batukan dahil dumagdag siya sa problema ko sa buhay. Stress na stress na nga ako sa kakahintay ng jeep tapos sobrang init pa, dadagdag pa siya. Di na ako natutuwa sa life ko ngayon. Lintek talaga. Kung di lang ako mahirap di sana ako magtatyagang maghintay ng jeep para mag-apply ng trabaho. Gusto ko na lang maging kamote. Napatingala ako. Lord! Bigyan mo naman ako ng sign. Aahon na ba ako sa kahirapan? Di na ba lubog buhay ko? Palaging binabagyo buhay ko kaya baha araw-araw. Lubog na lubog. Huminga ako ng malalim at pinagtitinginan ang mga tao. Busy buhay nila kagaya ko pero nakatutok naman sa phone. Kahit saang sulok ng kalye may hawak silang phone. Ako lang ata ang wala. Di bale very soon magkakaroon din ako niyan. "Naku! Ang dami na naman nakidnap. Halos mga babae." "Oo nga! Kaya di ko pinayagan ang anak ko lumabas ng bahay dis oras ng gabi. Delikado na talag
Terakhir Diperbarui: 2024-11-15
Chapter: Chapter 118 (Phoenix)The air in the black market was thick with the scent of desperation and greed, a mingling of sweat, smoke, and the sharp tang of illicit transactions. Phoenix Eadmaer Koznetsov, ex-military captain and now the formidable head of La Nera Bratva, navigated the labyrinthine alleys with the ease of a man who had long ago made his peace with the shadows. The market, hidden in the bowels of the city, was a cacophony of haggling voices and the constant buzz of clandestine activity. Stalls and makeshift shops lined the narrow paths, each offering a variety of contraband: we*pons, stolen goods, counterfeit money, and dr*gs. Phoenix was here for the latter, ensuring a major deal went smoothly. Flanked by his trusted underboss and consigliere, Demetri and Grey, Phoenix moved with a purposeful stride. His presence commanded respect and fear in equal measure. Conversations halted and eyes averted as they passed, the crowd parting like the Red Sea. They approached a small, nondescript tent at
Terakhir Diperbarui: 2024-11-15
Chapter: Chapter 117 (End)As I arrived home from a long day at work, the warmth of my family’s laughter drifted through the door, and I couldn’t help but smile. The second I stepped inside, our son, Poseidon, dashed over, his little face lighting up as he wrapped his arms around my legs. “Daddy!” he cheered, his voice full of excitement and love. His ate Athena quickly followed, the two of them surrounding me, competing for hugs and my attention. Each one of them reminded me why I fought so hard, why I worked tirelessly, and why I pushed through the shadows of my past every single day. I gazed across the room, and there, in the kitchen, was Athenrose, my darling, bustling with dinner preparations. She caught my eye and gave me that gentle smile she always did—one that carried understanding, love, and acceptance, despite knowing the darkness I came from. As I watched her, memories began to flood back. The life I left behind… It was never something I could entirely forget. I was once a man of honor, a soldier
Terakhir Diperbarui: 2024-11-15
Chapter: EndPaulit-ulit kong binasa ang papeles na nasa harap ko. Ang marriage certificate na nagpapakita ng katotohanan na kasal nga ako kay Rome Benjamin Azcárraga. Walang kurap-kurap ang mga mata ko habang nilalapit ito sa mukha ko, na parang sa bawat pagtingin ay may magbabago. "Is this true, Aria?" tanong ko habang walang emosyon na isinubo ang isang kutsara ng macaroni. Hindi ko siya nilingon, pero ramdam ko ang bigat ng buntong-hininga niya bago niya ako sinagot. "For the 50th time, your grace," madiin niyang sabi, halatang inip na, "your marriage certificate is true. You are legally married to Rome Benjamin Azcárraga. And if you want proof, you can check your CENOMAR ten times a day, just as you always do. Maybe even twenty if it helps you sleep better." Lumingon ako sa kanya, binigyan siya ng masamang tingin bago inikutan ng mga mata. "Don’t be so snappy, Aria. Pregnancy hormones, remember?" sabi ko, sabay muling isinubo ang macaroni. Tinitigan ko ulit ang CENOMAR, na para bang
Terakhir Diperbarui: 2024-12-27
Chapter: Chapter 74Napalunok ako habang sinasabi ni Antonio ang mga salitang iyon. Sa kabila ng galit at determinasyon kong labanan siya, hindi ko maalis ang kirot na unti-unting bumabalot sa puso ko. Paano kung tama siya? Paano kung magbago ang lahat kapag nalaman ni Rome ang totoo? Ipinikit ko ang aking mga mata, pilit na tinatanggal ang mga pagdududang sinisimulan niyang itanim sa akin. Mahal ako ni Rome, alam ko iyon. Pero sapat na ba ang pagmamahal na iyon para harapin ang katotohanan na matagal ko nang itinago? "You're lying," mahina kong sabi, ngunit nanginginig ang boses ko. "Rome is not like you. He loves me, and he loves our child. Kahit ano pang sabihin mo, Antonio, hindi mo kami kayang sirain." Lumapit si Antonio, mabagal ngunit puno ng awtoridad, hanggang maramdaman ko ang malamig niyang hininga sa gilid ng aking tainga. "Oh, Esmeralda," bulong niya. "Do you really believe that? Love has limits, hija. And when those limits are tested by betrayal, it crumbles. Tandaan mo 'yan." Bigla
Terakhir Diperbarui: 2024-12-22
Chapter: Chapter 73"Hindi ako papayag, Antonio. I will not do that. I'm not your puppet anymore! Bakit hindi ang anak mong si Agnes ang gumawa niyan?" Tumingin ako kay Ate Agnes. "Hindi ba, ate Agnes?" Diniin ko ang pangalan niya. Nakita ko kung paano namutla at napatras siya habang nagtaka naman ang buong pamilya. Nakita ko kung paano nilingon ng papá si ate na naiiling na lumingon sa kanya. "I..I don't know what she means, dad. Kung anuman ang sasabihin ng gag*ng niyan, don't believe her! She's making me her target." Nagulat ang lahat sa naging reaksyon ni Agnes. Hindi ko napigilan ang mapangisi, kahit pa nanginginig pa rin ako sa galit at takot. “Target? Ate Agnes, bakit ka naman kakabahan kung wala kang itinatago?” Seryoso kong tanong, tinitingnan siya diretso sa mga mata. "Stop it, Margaret!" Singhal ni Agnes, ngunit halata sa boses niya ang kaba. "You don’t know what you’re talking about!" “Really? Wala akong alam?” Hinawakan ko ang mga tali sa kamay ko, pilit na nilalabanan ang pangh
Terakhir Diperbarui: 2024-12-22
Chapter: Chapter 72Lumayo ito at humalakhak na parang demonyo. Sumabay ang mga anak niya't asawa tila natutuwa sa nangyari. Natutuwa silang makita akong wasak at durog. Para bang nanonood sila ng isang palabas na sila mismo ang nagsulat at dinidirek, at ako ang bida sa kanilang trahedya. Napakapit ako nang mahigpit sa mga tali sa kamay ko, pilit pinipigilan ang pangangatog ng aking katawan. Ayokong ipakita sa kanila na nadadala ako sa kanilang mga laro. Napatingin sa akin si Lilian at binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Don't cry, Ate Margaret? You're strong, right? Why so mad? Why are you crying? Don't tell me, you love him? Aw! So sad. Kawawa ka naman." Hindi ko siya pinansin. Ngunit biglang bumaba ang tingin nito sa aking tiyan. Bumalot muli ang takot sa buo kong katawan sa posibilidad na mangyari. Ngumisi si Lilian, puno ng panunukso at kasamaan. "Oh, what's this?" aniya, tinutukoy ang tiyan ko. "Don't tell me... you're carrying his child?" Napatitig ako sa kanya, pilit iniipit ang takot
Terakhir Diperbarui: 2024-12-22
Chapter: Chapter 71Lumapit siya nang bahagya at tumigil sa harapan ko, yumuko para tumitig nang diretso sa mga mata ko. "Guess what, hija?" bulong niya, ang boses niya’y malambing ngunit puno ng pananakot. "You’re not married to Azcárraga, Margaret." Parang may bumagsak na bomba sa paligid ko. Ang utak ko’y nagsimulang maglikot, pilit inaalala ang lahat ng nangyari. Hindi maaari. Ang kasal namin ni Rome... ang lahat ng iyon... "You’re lying," madiin kong sabi, pilit pinapakalma ang sarili. "Lahat ng sinasabi mo ay kasinungalingan!" Ngunit tumawa lang siya, malamig at malutong. "Lying? Ako? Hija, ang totoo lang ang sinasabi ko." Tumuwid siya ng tayo at naglakad muli paikot sa akin. "I fake your marriage, Margaret, and never submit your marriage certificate. Wag kang magalit. Tinulungan na nga kita eh. Hindi ba't ayaw mong maikasal din sa kanya? And I think, ganun din siya." Nakangiti ito. "Naalala ko tuloy kung paano sumama ang mukha niya. Kung gaano siya kagalit malaman niyang ikakasal siya sa
Terakhir Diperbarui: 2024-12-16
Chapter: Chapter 70Nagising ako sa dilim, malamig ang paligid at naramdaman ko ang bigat sa buong katawan ko. Unti-unti akong nagkamalay, pilit inaaninag ang paligid kahit na parang umiikot pa rin ang paningin ko. Amoy kong may kahalong amag at metal sa hangin—isang lugar na malayo sa anumang pamilyar sa akin. Naramdaman ko ang mahigpit na gapos sa aking mga kamay at paa. Nakaupo ako sa isang malamig na upuan, at ang mga tali sa akin ay tila hindi matitinag kahit anong pilit kong igalaw. Ang tiyan ko ang unang pumasok sa isip ko, at napakabilis kong ibinaba ang tingin sa sarili ko. Salamat sa Diyos, ligtas ang baby ko. Pero hindi ko maikakaila ang kaba sa dibdib ko. "Hello? May tao ba rito?" tanong ko, kahit alam kong malabo akong sagutin ng kahit sino. Tahimik. Sobrang tahimik, maliban sa tunog ng mga patak ng tubig sa di kalayuan. Napahinga ako nang malalim, pilit iniipon ang lakas ng loob. Kailangan kong tumakas. Hindi pwedeng magtagal ako rito. Pagkatapos ng ilang minuto, narinig ko ang mahi
Terakhir Diperbarui: 2024-12-16
Chapter: Chapter 110 NarniaToday is our Aslan's Big Day! Isang taon na ang anak namin at mabibinyagan na rin. Parang kailan lang, nanginginig pa ako sa delivery bed habang si Eros ay mahimatay. Ngayon? Heto kami—kompleto, masaya, at sabik sa bagong yugto ng buhay pamilya. Maagang nagising si Eros. Siya pa ang unang nagbitbit ng mga giveaways at nag-ayos ng photobooth. Ako naman, busy sa pag-aasikaso ng mga damit, gatas, at extra diapers ni Aslan. Maaga ang mesa sa bayan lalo na’t Linggo ngayon—ang misa para sa binyag ay nakatakda ng alas-diyes ng umaga. Everything was fine simula kagabi. Mula sa catering, handa, at clown party para sa mga anak ng bisita namin. May nag-aayos na rin ng dessert table at mini-play area sa garden. Ang saya, ang colorful, pero hindi overwhelming. Gusto naming intimate pa rin kahit may kasamang kislap. About sa ninangs and ninongs, hati ang gusto namin ni Eros. Gusto ko sana kaunti lang para mas personal, pero gusto rin ni Eros ng madami lalo na’t marami siyang kaibigan—business p
Terakhir Diperbarui: 2025-05-04
Chapter: Chapter 109 Narnia"Ahm, Melpomene?" Mabilis akong napalingon kay Eros. Seryoso ang boses, at nakakunot ang noo. Tinawag din niya akong Melpomene. Seryoso nga siya. Mabilis malaman kapag nagseseryoso si Eros. Kukunot ang noo, tapos kakamot sa batok—parang ngayon. Napansin kong medyo hindi siya mapakali. Nakatayo lang siya sa gilid ng kama, habang ako’y nakaupo, inaayos ang mga gamit ni Aslan para sa photoshoot mamaya. Tahimik si baby, nakahiga sa crib at nakanganga habang mahimbing ang tulog. “Bakit?” Taka kong tanong, pinipigilang kabahan. Nagkibit-balikat siya saglit, tapos—yun nga, nagkamot sa batok. “Hmmm… My family wants to attend Aslan’s birthday and baptism.” Biglang kumislot ang dibdib ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matataranta. The Smiths? Yung buong Smith clan? Hindi ko agad nakasagot. Nanuyo ang lalamunan ko habang tinitigan ko si Eros. Alam kong hindi rin siya kampante sa balitang ‘to. Pero malinaw ang intensyon niya—ayaw niya akong gulatin, kaya sinasabi niya ngayon
Terakhir Diperbarui: 2025-05-03
Chapter: Chapter 108 Narnia"Isasabay na lang natin sa birthday ang binyag niya. Para isang gastos lang," sabi ko habang maingat kong isinusuot ang bagong diaper kay Aslan.Tahimik lang si Eros sa tabi ko, nakaupo sa gilid ng kama, pinapanood ang bawat kilos ko na para bang bumibilib siya sa simpleng ginagawa ko. Alam kong gusto niya itong gawin pero nakakabanas dahil parang nakalimutan niya atang ina pa rin ako ni Aslan. Pambihira!"Hoy, nakikinig ka ba, Smith?" medyo inis kong tanong, dahil wala man lang akong narinig na sagot mula sa kanya.Nagkatinginan kami. Nataranta pa siya ng kaunti bago sumagot."Huh? Ah, oo naman. Ayos lang kahit hindi natin isabay. May pera naman ako, Narns. Pero kung 'yan ang gusto mo, edi okay. Para isang big celebration na lang kay Aslan," sabi niya, ngumiti pa ng nakakaloko habang pinisil ang dulo ng ilong ko.Natawa ako ng mahina, pero agad kong binalingan ulit si Aslan.Napatingin ako sa maliit naming anak—ang buhay na patunay ng pagmamahalan namin.Namin.Hanggang ngayon, may m
Terakhir Diperbarui: 2025-05-02
Chapter: Chapter 107 NarniaPagkatapos naming makalabas ng ospital, dumiretso kami sa mansyon ni Eros — sa wakas, sa bahay na para sa amin. At doon nagsimula ang bagong kabanata ng buhay ko: bed rest, breastfeeding, sleepless nights, at pagdilat sa madaling araw dahil umiiyak si Aslan, naghahanap ng gatas o yakap. Pagod ako, bugbog ang katawan, pero punô ng pagmamahal ang puso ko. At si Eros... Wala akong ibang maihiling pa. Hands-on siya sa lahat — sa pag-asikaso kay Aslan, sa pag-alalay sa akin, sa bawat maliit na bagay na akala ko ay kakayanin ko mag-isa. Bawat pag-iyak ni Aslan sa dis-oras ng gabi, si Eros ang unang bumabangon. Siya ang nagpapalit ng diaper, nagpapakalma, nagpapasyal sa hallway habang ako naman ay pinipilit ipikit ang mga mata kahit ilang minuto lang. Hinahanda niya ang hot compress ko kapag sumasakit ang likod ko, minamasahe ang binti ko kapag namamanhid na. Siya ang gumagawa ng mga bagay na hindi ko kailanman inakalang hihilingin ko sa isang lalaki. Ayaw niyang mabinat ako. Tila ba
Terakhir Diperbarui: 2025-05-01
Chapter: Chapter 106 NarniaMagulo ang buhok, para siyang sinapian ng tatlong kaluluwa dahil sa panic. Yung polo niya, hindi pantay ang pagkakabutones. Yung sapatos niya, isa nakatali, isa hindi. Parang nakalimutan niyang tao siya. Halos mapigtas ang leeg niya kakalinga ng tingin, desperado niyang hinahanap ako sa gitna ng puting kwarto. Nang magtagpo ang mga mata namin, parang may humila sa kanya — agad siyang lumapit sa akin, halos hindi na niya pinansin ang mga nurse na nagpipilit siyang suotan ng protective gown. "Baby..." bulong niya, nanginginig ang boses. Nanginginig ang kamay. Napakapit siya sa kamay ko, pinaghalo ang kaba at pagmamahal sa mga mata niya. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Putlang-putla ang gago at halatang blanko ang isip. Parang anytime pwede na siyang mawalan ng malay. Tangina, sino ba talaga ang nanganganak dito? Hindi nakakapag-isip ng tama ang lalaking 'to sa kapag ganito ang kalagayan ko. "Ayos lang ako," bulong ko, pilit na pinapakalma siya kahit ako halos mabaliw na sa s
Terakhir Diperbarui: 2025-05-01
Chapter: Chapter 105 NarniaPaglabas namin ng pinto, agad kong nakita ang nakahandang sasakyan — may driver, oo, pero hindi ko siya kilala. At hindi lang 'yon ang ikinagulat ko. May isang batang lalaki na nakatayo sa tabi ng kotse, mga pito o walong taon siguro ang edad. Maputi, kulay asul ang mga mata, seryoso ang mukha — at sa isang iglap, para akong nakakita ng batang Eros. Sino 'to? Nagkaanak ulit si Tita Cassy?! May hindi ba sila sinasabi sa akin?! "The bag is ready in the car, Mom," anito, seryosong-seryoso ang tono, para bang sanay na sanay sa emergency. Mom?? Napanganga ako. Nagkakamali ba ako ng dinig? Bago pa ako makapag-react, isang mas matinding contraction ang umatake sa akin, halos mawalan ako ng ulirat sa sakit. Napasinghap ako nang malalim at napakapit kay Athena. "Focus, Narnia. Dahan-dahan lang," bulong niya habang mahinahong inalalayan akong sumakay sa backseat ng sasakyan. Siya naman, parang isang sundalong sanay na sa gera, agad na tumabi sa akin at sinigurong nakaupo ako nang maayos.
Terakhir Diperbarui: 2025-04-30