All she wanted was a child. Not a husband. Not a relationship. Just one last thing to cross off her bucket list. Single since birth and proud of it, she's the youngest of five, a professor, a homeowner, and completely content with her quiet, independent life—until a drunken night out flips her world upside down. What was supposed to be one reckless, out-of-character mistake turns into something far more complicated when she discovers she’s pregnant… and the father is none other than Poseidon Atticus Koznetzov—elusive billionaire, CEO of Koznetzov Industries, and a man she never expected to see again. Now he’s back—and he wants answers. Caught between her carefully planned life and a powerful man who doesn’t take no for an answer, she must decide. Will she keep him at arm’s length and raise her child on her own… or let herself fall into the kind of love she never wanted in the first place?
View MoreAll I ever wanted was to have a child—not a husband, not a relationship. Just a child. That’s it. Nothing more, nothing less.
But how do I make that happen? How do I tick off the last item on my bucket list? I’ve never even had a boyfriend. I’m what they call an NBSB—No Boyfriend Since Birth. I’ve spent all these years focusing solely on my dreams. I’ve become a successful degree holder, passed the LPT, worked as a professor, traveled solo, bought my own house and lot, and even got a car and an e-bike. I'm the youngest child of 5 children. Lahat ng mga nakakatanda kong kapatid ay may pamilya na at successful na rin sa buhay. We don't have parents because they are in heaven sa tanda na rin. So, as a single since birth at walang kasama sa buhay ay nag-alala silang lahat sa akin. They even rito me sa mga kilala nilang single, of course, may stable job. Ayos lang naman sa akin na– to be alone forever. I have retirement plans –from SSS to where should I settle with my little farm and chickens. Kaso, itong mga kaibigan ko ang makukulit sobra. "Naman, Ging! Gagraduate ka na sa kalendaryo. Anong plano mo? No talaga?" Nag-alalang tanong sakin ni Jea. I sip my milktea before answering her. "Anak lang ang gusto ko, Jea. I can adopt naman." Kibit-balikat kong sagot. Well, pumasok na rin sa isipan ko ang mag-adopt. Kaso, I still want my own blood talaga. Di ko lang alam kung paano ko yan gagawin. Maybe with the help of a doctor? Kaso, gastos ulit. "Mas gusto namin makita lahi mo, Ging. Sayang! Ganda mo. Matalino pa tapos matangkad. Tulungan ka kaya namin maghanap ng lalaki?" It's Cristel. Napaisip ako sa sinabi niya. Yes! Maganda, matalino at may katangkaran ako kaya gusto ko rin makita ang lahi ko pero paano nga? I don't trust men nowadays. They normalize everything from cheating to dropped women like a garbage. Nakakatakot maniwala sa kanila. Nakakatakot bumigay. Ang daming what if sa isipan ko. And, di ko nakita ang sarili ko na may kasamang lalaki pagtumanda. "Kapag narinig yan ni Gael, ewan ko na lang sayo, Cris." Pairap na banta ni Jea. Napatawa ako lalo na't nakita ko kung paano sumimangot si Cristel. Her husband is possessive. Hindi naman yung nakakainis na possessive tapos medyo seloso din. Well, Cristel is an afam magnet while Jea is police magnet, and me–mga torpeng lalaki. Ginusto pero hindi pinursue. Nasanay na ako. Kaya siguro dinadaan ko na sa tawa kapag may umamin sa akin na gusto nila ako dahil alam kong hanggang doon lang sila. Mababalitaan ko na lang after one week, may nililigawan na sila. Feeling ko nga pang-practice lang ako kung paano sila aamin. "Basta... don't pressure me." Aniko. "Di ka namin pinepressure." Sabay nila. Napakamot ako sa ulo at napatingin sa mga tao. Naisipan naming magkita-kita sa Angel's Burger at pumayag naman sila. Minsan lang naman daw lalo na't di ako busy sa trabaho ko. Naiwan ang mga anak at asawa nila sa bahay. "Feelng ko pinepressure niyo ako. Gusto ko lang talaga magkaroon ng anak minus asawa. Pwede naman pero di kami magpapakasal. Dahil what if, magkakagusto siya sa ibang babae? Mahirap pakawalan lalo na't kasado kami." Nakasimangot kong sabi. Sabay silang umirap. "Yan kase! Kung ano-ano ang naiisip. Sabi ng don't base marriage and relationship sa social media. Most of them are not true! Kaya halos toxic mind na lahat dahil sa ganyang post." Naasar na sabi ni Jea. "Kaya nga! May pa bare minimum pa. Grabe huh!" Segunda naman ni Cristel. Napatawa ako. I don't base on social media naman. Nalulungkot nga ako dahil social media change romance. What is true love? What is relationship? They even invented situationship, talking stage, no labels pero nagbembang and marami pa. That was my colleague said. Buti na lang talaga natapos na ang kontrata ko sa kompanya na yun. Ang toxic ng environment! Di ko malunok ang kabit-kabit. Damn! They normalize sleeping each other kahit alam nila sa isa't-isa na they are both married and in-relationship with someone. Tapos tudo support ang team because normal na raw yun sa mga company. Grabe yung mindset! "Hindi naman. I still believe pa rin naman na may monogamous men." "Masyadong malayo sa topic natin but you're right. Bahala ka na, Ging. Malaki ka na." Pagsuko ni Jea dahil alam niyang di magbabago ang isip ko. "Maiba tayo....." Simula ni Cristel. "May balita ba kayo sa reunion ng batch natin?" Napatingin ako kay Jea. Tumingin din ito sa akin habang nakakunot ang noo. Nagkibit-balikat ako. Wala akong idea lalo na't naka deactivate account ko sa F******k matagal na—yung main account ko. May isa pa akong F******k account pero private and may 10 friends lang. Four—my siblings, two friends–Jea and Cristel, and four cousins. Walang pamangkin because I don't accept their friend requests pero may convo naman kami. And I don't think it's needed lalo na't my group chat naman. "No idea." Simpleng sagot ko, at inubos ang natirang milktea. "Wala rin ako pero balita ko yung other school sa municipality natin sa province, may reunion." "So, natalo school natin? Ganun? Weak naman." "Ikaw kaya magsponsor, Cris? kaw ang atat na atat dyan eh." Natawa kami ni Cristel. We know Cristel, gusto lang niya malaman kung anong life style na sa mga babaeng may quote na, "Di ako mag-aasawa ng maaga. Tutulungan ko pa parents ko." Ewan ko sa kanya, maybe because sa naririnig namin. May chismis kase na after our Senior High Graduation, ang daming nagsipag-asawa na. Most of them are silent type persons and "di ako ganyang babae." "Weh? Parang di curious." Nagtawanan kaming tatlo. Di sa dinadown namin sila, it just, sinasabi kase nila sa amin. They open up pero baliktad ang nangyari kaya ang resulta kami pa tuloy ang nalungkot. Di kami parents pero kami nasasaktan lalo na't may pangarap pala silang tulungan ang parents nila pero iba ang nangyari. Naging palamunin tapos kung ano-ano pa pinopost sa F******k. Keso ganyan, ganito kahirap ang buhay may pamilya. Di mo na mabibili gusto mo dahil mapupunta sa bata. Tapos may, 'at least di nagpalaglag, at least ganyan.' Well, let's not talk about it. Naging toxic na rin ako. "Kailan ka babalik sa probinsiya?" Napatingin ako kay Jea sa tanong niya. "One week ako dito sa city." Nakangiti kong anunsyo. Napapalakpak naman silang dalawa. "Punta ka sa bahay, huh? You should bring foods, grocery, and cash." Natatawa ako sa sinabi ni Jea. Alam kong nagbibiro lang siya. Ba't ko kailangan magdala ng grocery baka nga magpapaampon ako sa kanya. She’s a math professor at a well-known university and married to a SPO1. So, excuse me? "Ampunin mo na lang ako, J. Ayos pa tayong dalawa." Biro ko sa kanya. Napahalakhak siya habang si Cristel ay natatawa na rin. Isa pa to'. "Mag-asawa ka na kase. You really can't relate sa amin ni Cristel kapag nagtotopic kami ng alams na." Umirap ako. Ito na naman tayo. "Thank you, next." We just casually talking about everything. Kung anong namiss namin, buhay nila, and their plans for the next years. "I accidentally read our Slam book." I burst out, naalala ko kase bigla ang Slam book ko. I'm fixing my things dahil ililipat ko sa pinapatayo kong bahay sa sarili kong lupa. It's my own dahil nasa akin na nakapangalan ng titulo ng lupa namin. Ayaw ng mga kapatid ko dahil ang buhay nila ay nasa syudad na. Mahihirapang mag-adjust ang mga pamangkin ko lalo na't laking syudad. Buti na lang naisipan ng mga kapatid ng mama namin na hahatiin na ang lupa. Medyo naging complicated na rin kase years ago. May umuwing hari at inangkin ang lupa. Buti't nadala sa masinsinan ang lahat. "Really? Buhay pa Slam book mo? Ito talaga gusto ko sayo eh. You always cherish our moments. Nasa dugo mo na talaga ang pagiging writer." Natutuwa ani ni Cristel, nakangiti naman sa akin si Jea. I know right! And di ko gusto ang iba dun. Nasusuka ako sa kagagahan ko especially if I have a crush on someone. Pwe! "Oo and dalawa yun. May updated version pala yung after LPT natin." Napatili sila sa narinig nila mula sa akin because alam nilang may babasahin sila before the new update one again. It's time to make a new Slam book because malapit na akong gagraduate sa calendar. Di naman big deal dahil month of February lang naman. "Basta, if you change your mind, tutulungan talaga ka namin." "Shut up ka na lang." Asar kong sabi."We can't contact your husband. Kahit si Athena ay hindi rin. Pinilit naming alamin ang kalagayan niya, pero hanggang nga........" Nabaling sa akin ang kanyang mga mata, puno ng lungkot at bigat ng responsibilidad. Subalit sa mismong sandaling iyon, tila nag-iba ang mundo ko. Parang may malamig na tubig na bumuhos sa buo kong katawan. Tila nagiging malabo ang paligid. Unti-unting humina ang pandinig ko, at ang boses ni Mayor ay para na lamang alingawngaw sa loob ng isang hungkag na silid. Hindi ko na marinig nang malinaw ang mga susunod niyang salita, para bang lahat ng tunog ay naghalo-halo at naging ugong na nagpapabigat sa aking ulo. Parang lumiliit ang sala, lumalabo ang liwanag ng mga ilaw, at bawat segundo ay parang nagtatagal. Pumikit ako ng mariin, subalit imbes na mawala ang lahat, lalo lamang akong binalot ng pagkahilo. Ang mga kamay kong nakapatong sa hita ay nagsimulang manginig. Ramdam ko ang malamig na pawis na unti-unting dumadaloy sa aking batok pababa sa likod.
Sumakit ang ulo ko sa lahat ng nalaman ko, para bang unti-unting bumibigat ang paligid at mas lalo akong nahihirapan huminga. Ang dami kong iniisip, ang dami kong tinatangkang iproseso, at sa bawat piraso ng impormasyong natuklasan ko, mas lalo akong nababahala. Hindi na naging kalmado ang isipan ko. Parang sunod-sunod na alon ng kaba at takot ang humahampas sa akin, at kahit anong gawin ko, hindi ko mapigilan. Ngayon, mas malinaw na sa akin ang lahat. Pinagtagpi-tagpi ko ang mga natutunan ko mula pa noon. Ang tungkol kay Athena, na ikinasal kay Zeus Smith, at sa pamilya nitong hindi lamang makapangyarihan kundi may kontrol sa halos lahat ng aspeto ng lipunan. Idagdag pa si Atticus, na galing sa Koznetsov Clan, isang pangalan na nanginginig sa parehong mundo ng negosyo at ng Mafia. Dalawang clan na parehong kinatatakutan, parehong nasa tuktok ng kapangyarihan. Napakabigat isipin. Hindi basta-basta ang dalawang clan na ito, at ngayon ay naiipit kami sa gitna. Paano naisip ni Atticu
"Kaya ba, ganoon na lamang ang uncle ni Atticus?" mahina kong tanong, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Para bang ang bawat salita ay may dalang sagot na ayaw kong marinig ngunit kailangan kong malaman. Muling bumuntong-hininga si Mayor, mabigat at puno ng alalahanin. Umayos siya ng upo, inilapag ang magkabila niyang siko sa mesa, at tinitigan ako nang diretso. Hindi niya tinatanggal ang tingin niya, para bang sinusukat niya ang tapang ko bago niya ilatag ang lahat ng katotohanan. “Precisely,” sagot niya sa mababang tinig, malinaw at walang pag-aalinlangan. “The moment Poseidon steps down from his throne, ang unang tatayo para angkinin ito ay walang iba kundi ang sariling tiyuhin niya. At kung mangyayari iyon, Mrs. Koznetsov, hindi lang siya ang malalagay sa panganib, pati na rin kayo ng anak ninyo. That man has been waiting for years. Palagi siyang nasa likod, nagmamasid, naghihintay ng kahinaan. At ngayong nararamdaman niyang bumibitaw na ang pamangkin niya, he will no
“Did you trust your husband, Mrs. Koznetsov?” malamig at mabigat ang tanong ni Mayor, halos umalingawngaw sa buong silid na para bang iyon lamang ang mahalagang bagay sa sandaling iyon. Napakurap ako, hindi agad nakapagsalita. Saglit kong naramdaman ang panunuyo ng lalamunan ko. Pinisil ko ang palad kong nakapatong sa hita ko bago ko siya tiningnan nang diretso. Tumango ako bilang sagot, bagaman ramdam kong nanginginig ang katawan ko. “Yes,” mahina ngunit malinaw kong sagot, na para bang iyon ang tanging katotohanang kaya kong panghawakan. Nanatiling matalim ang titig ni Mayor, para bang sinusuri niya ang mismong kaluluwa ko. Hindi siya agad nagsalita, kundi umupo muna sa upuan sa tapat namin, pinagdikit ang kanyang mga daliri na nakapatong sa mesa. Ang bawat galaw niya ay puno ng awtoridad, parang sanay siyang lahat ng tao sa paligid ay sumunod sa kanya nang walang pag-aalinlangan. “Good,” aniya sa wakas, may bahid ng pagsang-ayon sa tinig ngunit hindi iyon nagbigay ng ginhaw
Lumabas kami sa kubo na nilalakad nang patagong pag-akyat sa bakuran. Mabagal ang pag-ikot ng mundo ko sa bawat hakbang, ngunit lahat ng kilos ay parang naka-slow motion. Ang pag-iling ng damo sa ilalim ng lampara, ang liwanag ng buwan na humahati sa mga dahon, ang amoy ng lupa pagkatapos ng putok. Habang tumatawid kami sa maling taniman at pumapasok sa masikip na korte, pinuna kong parang may nagmamasid na mata mula sa dilim. Nagpapabilis ako ng bahagya ng lakad, at ramdam kong tumitibok nang malakas ang puso ko. Sa paglipas ng mga minuto, unti-unti namin naiiwan ang lugar ng kubo at pumapasok sa makitid na daan na pilit hinahawakan ng mga poste ng ilaw, ang shortcut. Ang puso ko ay abala sa pagbabasa ng mukha ng sinumang dadaan sa amin. Nagtiyaga ako, nagmamasid, nagtatala kahit na hindi nakasulat. Nais kong magkaroon ng ebidensya, kahit sa larangan ng aking sariling damdamin. Nang makarating kami sa kanto malapit sa bahay ni Mayor, nakita ko ang munting liwanag ng bahay. May mg
Sa bawat hakbang na ginagawa namin sa dilim, ramdam ko ang bigat ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ni Leo, ngunit wala akong ibang pagpipilian kundi ang magtiwala sa kanya. Pinipigilan ko ang bawat hikbi na gustong kumawala mula sa lalamunan ko. Si Lillyna ay nakadikit sa dibdib ko, mahigpit kong niyayakap at pinapatahan, kahit ang totoo ay ako mismo ang nangangailangan ng pagpapatahan. Makalipas ang ilang minuto ng nakakapagod at nakakatakot na paglalakad sa madilim na likod ng bahay, huminto si Leo sa isang makitid na daan na tila hindi naman karaniwang dinaraanan. May mga talahib na halos hanggang balikat at may bakod na gawa sa kahoy at kawayan. Saglit niyang sinilip ang paligid bago inabot ang maliit na susi mula sa kanyang bulsa. “Dito tayo,” mahina niyang sabi, sabay pinihit ang isang nakatagong maliit na pinto sa bakod. Napahigpit ang hawak ko kay Lillyna habang sinundan ko siya papasok. Sa loob, may isang lumang bahay-kubo na nasa ilalim ng lil
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments