MasukMaingat na binuhat ni Din si Ate Demi sa loob kasama ko. Inalalayan ko itong dalhin ang mga machine na kailangan ni Ate Demi sa loob. Gusto kong hintayin siya sa labas pero ayokong sirain ang pangako ko. Pinagkatiwala niya sa akin ang ate niya kaya hindi ako aalis kagaya ng gusto niya. Mayamaya ay bumalik si Din. Nagmamadali niyang binuhat si Ate Demi. Pagkalabas namin ay namutla ako sa takot at nanigas ako. Ang ilan sa mga bodyguard na inupahan ni Kuya Eliot ay duguan at wala ng malay. Nagkalat din ang pulang likido sa sahig, sariwa at malapot. Sino sila? Nakita ko may iba ring lalaki doon na duguan. Hindi sila mga tauhan ng kuya ko. "D-Din..." "Shit!" Rinig kong mura niya. "Annaliza, sa akin ka lang tumingin, lalo kang kakabahan kung titingin ka sa iba!" Hindi ako takot sa karera, o madisgrasya sa kalsada. Pero iba pala kapag galing na ang gulo sa mga halang ang kaluluwa at
"Annaliza, sa sunod mo na lang bantayan si Ate Demi mo, nandito naman kami." Tumingin ako kay Cally. Alam kong sinabi lang yun ni Mommy para itaboy ako kasama si Cally. Ayokong iwan si Din pero mukhang mahalaga ang sadya ni Cally sa akin. Palabas na sana kami ng humahangos na dumating si Anya. Nanlaki ang mata namin nila Mommy ng makita itong nakasuot ng hospital gown. "What is the meaning of this, Anya? What happened?!" Nag aalalang tanong ni Mommy rito. Nag alala din ako kaya nilapitan ko ito. Namumutla ito at pinagpapawisan ng malapot. Mukhang nahihilo pa ito dahil humawak ito sa ulo nito. Namumula na niyakap niya si Mommy at ako. Nagulat kami ng malaman na na-aksidente siya kanina. Wala siyang galos pero nakaramdam siya hilo kaya nagpadala siya sa hospital. Inalalayan namin siya ni Mommy na ibalik sa kwarto niya. Pero hindi na daw kailangan dahil pal
Yung tungkol kay Cally. Nakipag chat lang naman ako noon para ibaling ang atensyon ko sa iba. Pero kahit ano ang gawin ko si Din pa rin ang hinahanap ng puso ko. Kaya tumatakas ako at umuuwi ng Pinas para sa kanya ng hindi alam nila Mommy. Ang puso muna ni Din ang susungkitin ko kaysa ang kasikatan na pangarap namin ni Anya sa States. Ang plano ko aamin ako kay Dad na hindi ko talaga mahal si Cally kapag malapit na ang araw ng kasal namin. Ang plano ko sana ay hanapan ng butas ang 'relasyon' namin ni Cally para maging madali ang pag atras ko sa kasal. Pero matinik ito kaya wala akong masabi sa daddy ko bukod sa baon sa utang ang pamilya nito. Hindi kasi sapat na dahilan yun. Alam kong magagalit si Dad kapag nalaman niya na nagsinungaling ako. Ayoko magmukha na masamang lalaki o mang aagaw si Din kung sakali na maging kami. Alam ko na hindi niya yun magugustuhan. Pinanood ko na kumain si Din hanggang sa m
(Annaliza pov) Nagngingitngit ang loob na ngumiti ako kay Din habang kumakain kami kahit ang totoo ay naiinis ako. I saw the way he looked at Katty, at aaminin kong nagseselos ako. Pero pinipigilan kong ipakita ito kay Din dahil baka mainis siya sa akin at hindi ako samahan na kumain. Gutom na talaga ako, hindi ako nagpapanggap lang. Hinintay ko talaga ito na dumating sa hospital dahil narinig ko na sa usapan nila ni Kuya Eliot kanina na darating siya. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko mapigilan na lalong hangaan siya. Gwapo si Din, matangkad at may pagka-tsinito. Matangos ang ilong at moreno. Hindi ko alam kung hindi nito na malakas ang karisma niyang taglay at napaka gwapo niya, o wala lang talaga itong pakialam sa mga babaeng naghahabol sa kanya. Napansin ko kasi na hindi ito pala-kaibigan. Naalala ko noong una ko siyang nakilala, tumatak agad sa isip ko ang gwapo niyang mukha. Akala ko madali lang akong makakalapit sa kanya dahil friendly naman siya sa amin ni Anya. Pero formal
Pagkatapos ng klase sa hospital ako nagpunta. Nagulat ako dahil naabutan ko na naman doon si Annaliza. Nang makita ako nito ay binati niya ako. "Ikaw pala, Din. Mabuti dumating ka na. Kakaalis lang ni kuya kaya kami muna ni Mommy ang nagbabantay sa kay Ate Demi. Kumain ka na ba?" "Oo—" "Hindi pa?" Putop niya agad sa akin. "Tamang-tama gutom na rin ako. Hindi pa kasi ako kumakain eh, tara sabay na tayo. Mommy, okay lang ba na sumabay na ako kay Din." Tumango ang mommy nito. "Sige kumain na kayo, nari'yan lang naman ang Daddy mo sa labas kaya may kasama ako." sagot nito. Bukod sa pamilya, maraming bantay kay Ate Demi na mga bodyguard, mas pinahigpit ang seguridad sa paligid nito dahil sa nangyari. Nag iingat na si Kuya Eliot na hindi mapahamak ang pamilya nito. Nginitian ako ni Annaliza, napalunok ako ng kindatan niya ako. Mabuti na lang abala ang mommy nito sa pagpunas sa mukha ni Ate. Alam kong gagawa ng iba pang dahilan at paraan si Annaliza kapag tumanggi ako sa harapan
(Din pov)Pagkatapos kong ihiga si Lola ay lumabas na ako ng silid . Nakasalubong ko si Danilo. Sumenyas ako rito na mag usap kami sa labas. "Totoo ba na nakita mo kanina si Ate Dixie?" Tanong ko rito. Si Manilyn ang nagsabi sa akin. Nagsumbong ito agad pero hindi na ito inabutan ng mga pulis. "Bakit hindi mo sinabi agad? Alam mo naman na wanted siya di'ba?" Malungkot na yumuko ito bago ako sinagot. "Sorry, kuya. Pero nabigla din ako ng makita siya." Nag iwas ito ng tingin sa akin. Kahit hindi nito sabihin alam kong umaasa din ito na magbabago si Ate. Ako din naman noong una pero iba na ang sitwasyon ngayon. Simula ng malaman ko ang ginawa ni ate kay lola ay nanaig na sa akin ang hustisya kaysa ang timbang ng dugo. Kung alam lang ni Danilo ang ginawa ni Ate Dixie kay lola. Baka kamuhian nito si ate. Pero sa ngayon ililihim ko muna iyon. Gusto ko na si lola mismo ang magsabi sa kanya ng ginawa nito. Bumuntonghininga ako ng maalala ang kalagayan ni lola. Wala itong pahinga sa pagbab







