(Ava pov) Habang nag-eempake ako ay nilapitan ako ng kaibigan at roommate kong si Lorena, halatang nagtataka ito, pagkauwi ko kasi kagabi ay nag empake ako ng mga gamit ko."Mukhang matagal-tagal ang bakasyon mo ah, mukhang wala ka na yatang balak bumalik." Birong puna ni Lorena, nakita kasi nito na nilagay ko sa maleta ko ang kahuli-hulihang damit ko. Hindi na ito nakatiis at tinanong na ako. Kilala kasi nito ang ugali ko, kaysa magbakasyon, itatabi ko nalang ang pera ko para magbayad ng utang ng mama ko . "May problema ba, Ava? Umamin ka nga sa'kin, kaibigan mo ako kaya makikinig ako."Bumuntonghininga ako. May tiwala ako sa kanya kaya sinabi ko ang tungkol sa kontrata namin ng boss ko. "Ano, pumayag ka sa offer ng boss mo? Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Saka paano kayo ni Vale, wala ka na bang balak makipagbalikan sa kanya?" Umiling ako at nakasimangot na sumagot. "Wala na, noh. Bakit ako makikipagbalikan eh niloko nga niya ako. At saka malaki ang offer ni sir, hindi na ako lu
Last Updated : 2025-08-06 Read more