Share

Chapter 3

last update Huling Na-update: 2025-07-04 17:44:25

“MA, andito na po ako. Kasama ko si Jess,”  

 

Naabutan nila ang ina na si Dalia na nasa kusina at nakaupo habang nainom ng tubig. Isang buwan na ang nakalipas kung kaya tuluyan ng naka recover ang ina mula sa surgery. 2 weeks ago ng payagan na siyang umuwi kung kaya magkasama na silang muli ni Tiffany.

 

“Anong ibig sabihin nito?”

 

Natigilan ang dalawa ng makita ang inilapag nitong PT sa lamesa. Positive ito at naalala ni Tiffany ang ginamit niyang PT pagkatapos tinapon sa basurahan niya sa kwarto niya.

 

“M-ma magpapaliwanag po kami,” kinakabahang sabi ni Tiffany at napatingin pa sa kaniyang kaibigan na sunod sunod ding tumango.

 

Dahil nga kakaopera lang ng kaniyang ina suggestions ng doctor na wag munang bigyan ng nakakagulat na balita ang ginang kaya hindi niya sinabi ang totoo dito. Balak niya sanang sabihin sa mga susunod na buwan pa para tuluyan ng magaling ito pero nakita pala nito ang kaniyang pt.

 

Gusto nga niyang kotongan ang sarili dahil hindi siya nag iingat. Ngayon wala silang choice kundi ang sabihin ang lahat kay Dalia.

 

“Kung ganon isa kang surrogate mother?”

 

Tumango ng alanganin si Tiffany na siyang ikinahawak sa dibdib ng ina.

 

“Ma! Ma!”

 

“Tita uminom po kayo tubig!”

 

Nag alala ang dalawa dahil sa nangyari at pagkahirap na huminga noto. Kaagad nilang minonotor ang blood pressure nito gamit ang digital na pang monitor ng blood pressure. Tumaas ang dugo nito kaya ganon ang naging reaction ni Dalia, mabuti at andoon si Jess na siyang marunong sa ganoong bagay dahil nurse siya.

 

“Tita, hindi ka po dapat magpaka stress.”

 

“Sinong hindi ma stress kung malalaman kong surrogate mother ang anak ko?” agad na reklamo nito sa dalaga.

 

“Ma naman ayan ka nanaman. Gusto mo bang bumalik sakit mo?”

 

Natahimik si Dalia dahil sa sinabi ng anak at uminom nalang muli ng tubig.

 

Naupo si Tiffany sa harapan ng ina at hinawakan ang  kanay nito.

 

“Ma, ginawa ko yun para mailigtas ka. Isa pa, hindi naman akin tong sanggol kaya wala akong anak. Manganganak lang ako pero hindi pako ina,”

 

“Anak ayun na nga ang problema e, nagawa mo yan ng dahil sakin. Nang dahil sakin nasira ang future mo.” Hindi napigilan ni Dalia ang mapaiyak na agad ikinapigil ng dalawa.

 

“Ma ano bang sinasabi mo. Ngayon na magaling ka na ayos na ayos na future ko. Hindi ko maimagine ang bukas kung wala ka sa tabi ko nagegets mo ba ma? Kaya lahat ng ginawa kong to ay dahil mahal na mahal kita.”

 

Natahimik si Dalia at walang nagawa kundi ang yakapin ang ina at humingi ng tawad dito. Maging si Jess ay naiiyak na rin dahil sa nakikita. Saksi siya sa hirap ng mag ina sa malaking dagok ng buhay nila kaya hindi niya mapigilan na mapaiyak kasama ng mga ito.

 

Sa huli, natanggap din ni Dalia ang katotohanang iyon at nangako siya na tutulungan ang anak sa pagdadalang tao niyang iyon at hindi siya iiwan.

 

Ngunit dumating ang araw na hindi inaasahan ni Tiffany.

 

“Doc ano na pong balita kila ma’am?” Malaking ngiti sa labi na tanong ni Tiffany ng ipatawag siya ng kaniyang doctor.

 

“Tiff, wag ka sanang mabibigla.”

 

Nagtaka siya sa sinabi ng doctor at inantay ang sasabihin nito.

 

“Kakatawag lang sakin nila Ms.Aurelia at Mr.Josh, hindi na daw nila kukunin ang bata. Iniwan nila ang perang ito para sa inyo.”

 

Mayroong inaabot na cheque ang doktora niya at nanginginig na kinuha iyon. Hindi sa panaginip na maisip niya ang ganong bagay. Hindi siya makapaniwalang iniwan siya sa ere ng dalawa habang pinagbubuntis niya ang anak ng mga ito.

 

Naglalaman ng halagang isang milyon ang cheque. Mayroon pang natitira na 500K doon sa kontrata nila at dinagdagan pa nila ng another 500K.

 

“A-ano ito dra? Ito ang halaga ng anak nila? 500K? Iiwanan nila sakin habang buhay ang anak nila kapalit ng 500K? Dapat hindi nalang sila naghanap ng surrogate mother!”

 

Hindi naiwasan ni Tiffany ang magalit dahil doon. Bilang isang babae na pinangarap na magkaroon ng sariling anak ay hindi niya ito matanggap. Binigyan na sila ng pagkakataon magkaanak tapos ngayon aabandunahin nila ito. Hindi iyon makatarungan para sa kaniya!

 

“Tiffany kumalma ka, baka makasama yan sa baby.”

 

Napakurap si Tiffany sa sinabi nito at tumango pagkatapos ay uminom ng tubig na dala niya.

 

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero wala tayong karapatang mang judge Tiff, lalo na at tinulungan ka nila mapagamot ang mama mo.”

 

Tila sinuntok ng katotohanan si Tiffany dahil sa sinabing iyon ng kaniyang doctor. Hindi na rin niya napigilan ang mapaiyak kung kaya agad siyang pinakalma ng babae.

 

“P-paano ko ito palalakihin doc, pangarap ko mag ka anak oo pero hindi ko naman ito anak.”

 

“Tiffany, baka ito ang binigay sayong tadhana ng nasa taas. Hindi ba perfect timing ang pagkakakilala mo sa kanilang dalawa para tulungan ka pagkatapos gusto mo magka anak at ayan iniwan sayo ang sanggol.”

 

Napaisip si Tiffany sa sinabing iyon ng kaniyang doctora. Wala naman na din siyang magagawa dahil andoon na. Hindi na fetus sng nasa tiyan niya kundi palaki na ng palaki, isa pa never niyang maiisip na ipalaglag ito. Ang hindi niya lang matanggap ay iniwan nito ang sarili nilang anak sa kaniya.

 

Nasa labas siya ngayon at nakaupo sa upuan doon habang nag iisip kung ano ang gagawin niya sa bata. Mayroon siyang sapat na pera para palakihin ito ngunit handa ba siyang magpalaki ng bata na hindi naman niya sariling dugo at anak?

 

Isa lang siyang surrogate mother.

 

Hindi napansin ni Tiffany na mayroong nakatingin sa kaniyang babae at nakita niyang nakahawak ito sa kaniyang tiyan kung kaya lumapit ito sa kaniya.

 

“Katulad din kita hindi ba?”

 

Naputol ang pag iisip ni Tiffany ng mayroong magsalita mula sa kaniyang tabi. Nakita niya ang isang babae na nakasuot ng bistida na color blue at mayroong ngiti sa mga labi. Tumingin ito sa kaniya at mayroon itong maamong muka.

 

“Isa ka ring surrogate mother katulad ko,”

 

Nagulat si Tiffany sa sinabi ng babae at napatingin sa tiyan nito.

 

“P-paano mo nalaman?”

 

“Nakahawak ka kasi sa tyan mo, at sa pag kaka-alam ko surrogate area ito.”

 

Narealize ni Tiffany ang sinabi ng babae at napatango dito.

 

“May problema ba? Natatakot ka?”

 

Napasandal si Tiffany sa kaniyang kinauupuan at napabuntong hininga.

 

“Ako nga pala si Rhian, baka isipin mo kasi nag jojoke time ako. Gusto lang kita kamustahin,”

 

“No it’s  okay. Ako naman si Tiffany,”

 

Nag shake hands ang dalawa at ngumiti sa isat-isa.

 

“Iniwan kasi sakin ng tunay na magulang ang bata.”

 

“Oh!” nagulat ang babae s narinig at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya.

 

“Tapos hindi ka iniwanan ng pera?”

 

“Iniwanan naman, kaso paano ito hindi ko naman ito anak. Ano nalang sasabihin sakin ng bata pag lumaki siya? Na magagalit siya sakin dahil pinalaki ko siya at di niya ako tunay na magulang.”

 

Napatango si Rhian sa sinabi niya at hinawakan ang kaniyang balikat.

 

“As long as hindi ka nila pinabayaan sayo na yan. Kita ko sayo na gusto mong maging ina dahil nag aalala ka hindi para sayo kundi para sa bata.”

 

“Ha?” gulat na sabi ni Tiffany dito.

 

“Hindi ka concern sa mangyayari, concern ka sa dinadala mo dahil napamahal na siya sayo. Swerte ang batang dala dala mo ngayon, bibihira ang ganitong sitwasyon sa mundo ng surrogating kaya tanggapin mo ng buong puso at mahalin ang bata.”

 

Tumayo ang babae at ngumiti sa kaniya.

 

“Mauuna na ako Tiffany, hanggang sa muling pagkikita. Sana nakatulong ako kahit papaano,”

 

At kumaway na ito palayo sa kaniya kaya napakaway siya pabalik. Sandali pa siyang nanatili doon at naalala na halos pareho lang ang sinabi ng doctora niya at si Rhian.

 

Baka nga tunay na iyon ang pagsubok na binigay sa kaniya ng nasa taas. Isa pa kagustuhan niya iyon para tulungan ang ina kung kaya hindi dapat siya magreklamo kung magkaroon man ng hindi tama sa plano.

 

Ang mahalaga ay magiging ina na siya at mayroon pa siyang pera para palakihin ng maayos ang anak at alagaan ito.

 

Tumayo na sita mula sa kaniyang kinauupuan at malaki ang ngiti sa labi na umalis doon. Ang hindi niya alam, pag uwi niya sa kanila ay maaabutan niya ang hindi inaasahang tagpo.

 

“Ma, nandito na po ako!” agad na bati nito ng siya ay makauwi.

 

Ngunit hindi sumagot ang ina kung kaya hinanap niya ito.

 

Natigilan siya ng makita ito sa sahig ng lababo nasa sahig at walang malay.

 

“M-ma! Ma! Anong nangyari?! Gumising ka ma!”

 

Ngunit kahit anong gising niya ay hindi magising gising ang ina kung kaya dali dali siyang tumawag ng ambulansya.

 

“T-tulong! Tulungan niyo po ang mama ko!”

 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    [ENDING]

    “YOU may now kiss the bride!” Nang marinig iyon ni Seth ay itinaas na niya ang vail na suot ni Tiffany. Nasa harapan sila ngayon ng simbahan at ginaganap ang kasal na matagal na hinintay ng maraming tao. Mayroon pa ngang mga reporters na naroroon para ipalabas ang kanilang kasal sa social media. Marami ang nanonood sa kani kanilang bahay at ibang bansa. Tinawag nga nila itong wedding of the century dahil sa dami nilang supporters na nakaabang. Na featured na ‘rin sila sa mga magazine at kinuwento nila ang kanilang buhay kung kaya alam na alam ng lahat ang love story nila ni Seth Fleur. Nagkatinginan naman si Tiffany at Seth. Kapwa nakangiti sa isa’t-isa ng hawakan ng lalaki ang kaniyang pisnge. “Finally, my Mrs.Fleur.” Iyon ang huling sinabi ni Seth bago niya tuluyang hagkan ang asawa na siyang ikinatayo ng lahat habang pumapalakpak. “Congratulations Mr. And Mrs. Fleur!” Naroroon ang kanilang mga kaibigan para saksihan ang kanilang pag iisang dibdib. Syempre nangunguna ang ka

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 190

    MATAPOS ang dalawang oras na pag paplano sawakas nakaisip na ‘rin sila ng strategy. Magkasama na si Seth at Tiffany ngayon sa sasakyan papunta sa lugar kung nasaan sila Josh. Iyon ang sinabing address ni Josh kung kaya ito ang pinuntahan nila. Kapwa kinakabahan ang dalawa lalo na si Tiffany dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa loob. Mayroon silang suot na bullet proof para kung sakaling tamaan man sila ng bala ay hindi ito tatagos sa kanila. Kailangan lang nilang maging maingat dahil maaari pa ‘rin silang tamaan sa mga parte na hindi natatakpan ng bullet proof. Pag pasok nila sa loob hindi nga sila nagkamali at mayroong ibang kasama si Josh na armadong lalaki. Napahigpit ang kapit ni Tiffany sa kamay ni Seth at mas inilapit naman siya nito sa kaniya dahil alam ni Seth na natatakot ito. “Congratulations! Nakarating kayo!” Napatingin sila kay Josh na lumabas sa isang silid at tumawa. Nasa gitna silang dalawa habang napapalibutan sila ng tauhan nito,. “Nasaan

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 189

    AKALA pa naman niya mamumuhay ito ng masayang buhay lalo na mayaman ang kaniyang magulang ngunit hindi pala. Well, past is past kung kaya tanggap na niya iyon. “Matagal na iyon ma’am, alam kong napatawad ka na ‘rin ni Samantha,” Dahil doon kusang napangiti pabalik si Aurelia sa babae. Doon biglang pumasok sa kaniyang isipan ang tungkol kila Tiffany. Nanlaki ang mata niya at naalala ang mga sinabi ni Josh sa kaniya. “Narinig mo ba ang sinabi ni Josh?! Siya ang tunay na masama hindi ako!” “Ma’am calm down, wag po kayong mag alala dahil rinig ko lahat at na record ko pa.” Hindi makapaniwala si Aurelia sa sinabing iyon ni Rhian at plinay pa nito ang record na nagawa. Agad iyong naisip ni Rhian ng mabanggit ng lalaki ang pangalan ni Tiffany. Hindi naman siya nagkamali ng hinala dahil inamin nito lahat ng kaniyang kasalanan at kuhang kuha niya ito sa record. Malakas na ebidensya iyon para mapakulong ito. “T-thank you Rhian! Isa kang malaking tulong! Pwede mo ba ako pahiramin ng cellp

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 188

    ISANG oras ang lumipas ng umalis sila Josh at ang kambal dumating si Jess. Ngunit nagtaka si Tiffany kung bakit kasama nito ang magulang ni Seth. “Tito, tita, bakit po kayo naparito? Nakakahiya naman po hinatid niyo pa ang libro sana pinabigay niyo nalang po kay Jess.” Nahihiyang abi ni Tiffany sa mga ito pagkatapos magmano. Nakita niya ‘rin si Leona at nginitian ito. Pero dalawa sila ni Jess at leona na mayroong pagtataka sa muka kung kaya lalong nataka si Tiffany. “Hindi lang tungkol sa libro ang pinunta namin hija, mayroon kaming sasabihin sa inyo.” Dahil doon nag decide si Tiffany na paupuin ang mga ito sa kanilang sofa. Kung kanina sila Jess at Leona lang ang nagtataka ngayon maging si Tiffany na ‘rin. “Ano po iyon?” ngiting sabi ni Tiffany at pilit na pinapagaan ang atmosphere dahil masyadong seryoso ang magulang ni Seth. Hindi niya tuloy mapaisip na baka mayroon siyang nagawa o kung ano pa man. “Nasaan ang kambal?” tanong ni Angel ng mapansin na wala doon ang dalawa. “K

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 187

    NATAPANGO si Leona sa sinabi ni Jess at muling nagsalita. “Alam na ba ni Tiffany at Seth ‘yan?”“Hindi pa, sasabihin ko pag uwi ko. Kunin ko lang yung pinapakuha saakin ni Tiffany,” Nakatanggap ng palo si Jess sa kaibigang buntis na ikinareklamo nito. “Aray ha!”“Aray mo muka mo! Importanteng information yan hindi mo agad sinabi kila Seth! Kunin mo na nga sa taas ang kailangan mo! Andoon sina mom and dad sa library!” Napatayo si Jess dahil pinapalo siya ng kaibigan. Ang bigat pa naman ng kamay nito. “Grabe ka sakin Leona! Nakalimutan ko lang e! Eto na aakyat na po!” Umakyat na si Jess sa taas at tulad ng sabi ni Leona nasa library ang mga ito. Alam naman niya kung saan iyon kaya walang problema lalo na alam nilang magkakaibigan na library ang paburito ng mag asawa. “Pasok Jess!” narinig niyang sigaw ng ina ni Seth sa loob. Alam na ‘rin kasi ng mag asawa na pupunta si Jess para ibigay nila ang pinapakuha ni Tiffany sa kanila. Naabutan niya sa loob ang daddy ni Seth na busy sa

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 186

    NAPAKURAP lang si Aurelia sa sinabi ni Josh at nagsimulang mag kwento. “Naalala mo ‘yung panahon na nagkita tayo? Hindi ‘yun tadhana tulad ng sabi ko sa’yo noon nung nililigawan kita. Sadya iyon para mapunta ka saakin. Noong una nahirapan ako at akala ko nga hindi na ako mag tatagumpay pero masyado kang marupok at nakuha kita.Kung tinatanong mo mahal kita kaya ko ginawa ‘yun? Hindi. All those years hindi kita minahal at ginawa ko lang ‘yun dahil kasama iyon sa plano namin. ‘Yung tungkol sa anak niyo sana ni Seth sa surrogate mother? Sino ba ang nagpumilit sayo na pagpalitin ‘yun? Ako diba? Dahil parte iyon ng plano ko. Kaso namatay si Samantha kaya wala na akong pakialam sa kaniya. Ang kaso mas naging exciting pa ng mag apply si Tiffany sa kumpanya ni Seth. Syempre ako ‘din ang dahilan kaya napunta sa list ni Tiffany ang kumpanya ni Seth. Masyado kang bulag sa galit mo kaya hinayaan kitang gawin lahat ng gusto mo. Akala ko nga tatapusin mo na ang mission namin pero hindi pala. May

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status