Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2025-07-04 15:15:41

“MA,”

Nagising ang ina ni Tiffany na si Dalia ng tawagin niya ito.

“A-anak,”

Sumubok maupo ang ginang kung kaya agad na tinulungan ni Tiffany ang kaniyang ina. Inalalayan niya ito at dahang dahang pinasandal sa kaniyang head rest.

“Kamusta ka na ma?” ngiting tanong nito sa ina.

“Maayos ang pakiramdam ko anak, ikaw kamusta?” sumilay ang ngiti sa namumutla nitong labi ng sumagot ito sa sinabi ng anak.

“May maganda akong balita ma, schedule na ang operation mo.”

Nagulat ang ginang sa sinabing iyon ni Tiffany. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya ngunit mas lamang para sa kaniya ang isipin tungkol sa gastusin. Kung minsan ay naiisip niya na isang malaki siyang pabigat sa bata dahil sa sskit niya. Kung alam niya lang sana hindi naging matigas ang ulo niya at nagpagamot na hababg maaga pa kaso hindi na maibabalik pa ang dati.

“P-pero paano? Saan ka kukuha ng malaking halaga?”

Hinawakan ni Tiffany ang kamay ng ina at umiling dito. Ayaw niyang ipaalam dito ang totoo dahil sigurado na mag aalala lang si Dalia. Kapag natapos ang operation ay doon nalang niya sasabihin ang totoo.

“Tyaka ko na sasabihin ma kapag tapos na operation mo. Baka ano nanamang magyari sayo e,”

“Anak hindi mawawala sa isip ko ang tanong kung paano ako makakapag pa opera,”

“Wala ka bang tiwala sa kaisa isa mong anak?” natatawang tanong ni Tiffany. “Magtatampo ako sayo niyan ma, sige ka.”

Napabuntong hininga ang ginang dahil sa sinabing iyon ni Tiffany. Wala talaga siyang laban sa anak, mahal na mahal niya ito kung kaya magtitiwala siya dito.

“Kung ganon thank you anak. Salamat dahil ginawa mo ang lahat para makapag pa opera ako.”

“Anything for my mother. Hindi ko hahayaan na magkahiwalay pa tayo kaya magpagaling ka okay?”

Tumango ng sunod sunod si Dalia at hindi na naiwasang mapangiti ng malaki lalo na ng maisip niya na makakasama niya ng mas matagal ang anak. Ayaw pa rin niyang mawala sa mundo pero kung ano man ang ibigay sa kaniya ng may kapal ay tatanggapin niya. Sana lang ay maging maayos na siya para hindi niya maiwan si Tiffany ng nag iisa.

“Ano daw ang sabi Jess?” tanong ni Tiffany sa kaibigan na siyang kumausap sa doctor ng kaniyang ina dahil pinagpahinga siya nito.

Nasa labas sila ngayon ng silid ng mama niya.

“Ma-ooperahan na si tita Tiff! Kyahhh!” tuwang sabi nito at tahimik na tumili.

Si Tiffany naman ay hindi napigilan ang sarili at napaiyak. Tumigil si Jess sa pag celebrate dahil nakita niyang umiiyak nanaman ang kaibigan.

“Tiff namn bat naiyak ka? Dapat matuwa ka nga e, next next week daw operation ni tita.”

“Tears of joy to sira! Natutuwa ako syempre gagaling na mama ko,” sabay palo sa braso ng kaibigan ng sabihin iyon.

“Lahat yun dahil sayo syempre. Sinabi mo ba kay tita ang totoo?”

Umiling si Tiffany dito.

“Tinatanong niya pero sabi ko tyaka nalang kapag tapos na operation niya kasi alsm mo naman.”

“Tama ka jan. So dapat tayo mag celebrate! Halika at bumili na rin tayo ng maintenance ni tita sabay bili ng makakain, libre moko ha! HAHAHAHA!”

Napailing nalang si Tiffany sa kaibigan. Malaki ang utang na loob niya dito dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi siya makakahanap ng paraan para maipagamot ang ina. Gagaan na ang loob niya kung kaya dinadalangin niya na bukod sa successful sana ang operation ay magdalang tao na siya.

____

“SUCCESSFUL ang operation, Tiffany.”

Hindi mapagsidlan ang tuwang nararamdaman ni Tiffany ng mabalitaan iyon sa doctor ng ina matapos ang halos isang araw na paghihintay. Lahat ng santo ay nakapanalangin na siya para lang iligtas ang ina mula sa operation. Labis labis ang pasasalamat niya sa mga ito at hindi pa nga napigilan ang sarili na yakapin ito.

Agad niyang tinext si Jess para sa magandang balita. Naka duty kasi ito sa trabaho kung kaya hindi niya ito kasama ngayon. Nakokonsensya pa nga si Jess pero sabi ni Tiffany ay wala iyong problema.

Matapos lang mailipat ng ina sa room nito ay pinuntahan niya ito agad. Tila wala na siya g nakikitang paghihirap sa muka ng ina. Mahimbing na ang tulog nito hindi tulad dati na malala ang sakit niya, hindi ito nakakatulog dahil sa sumpong.

Lumapit siya sa higaan kung nasaan ito at lumuhod sa gilid upang mag dasal habang hawak ang kamay ng mama niya.

“Salamat Ama, Jesus at mama Mary sa pag gabay sa aking ina. Pangako ko po na gagawin ko ang lahat para hindi masayang ang pangalawang buhay na ibinigay niyo kay mama. Aalagaan ko po siya at mas lalong poprotekhahan. Nawa’y gabayan niyo po kami lalo na ako sa paparating pa na mga pagsubok lalo na kung magkaka anak na ako. Amen.”

Kasabay niyon ay ang pagtulo ng luha niya at napangiti sa sarili’t tumayo na.

“Hindi ka na mahihirapan ma,” sabay himas sa buhok nito. “hindi na rin ako mahihirapang makita kang nahihirapan.”

____

AFTER ONE MONTH

“Congratulations Tiffany! Successful ang ginawa natin, madadala mo na ang anak nila Mr.Josh at Ms.Aurelia!”

Isang buwan ang lumipas matapos ang operation ng ina ay nagbunga na rin ang paghihintay nila. Ilang beses din nilang inulit na iturok sa kaniyang matres ang enough sperm na siyang lalangoy patungo sa bahay bata niya at eto na nga, may naka lusot na sa milyong milyong sperm.

“Salamat doc, hindi tayo magiging successful ng hindi dahil sayo po.”

Nang makalabas siya ay nakaabang doon si Jess at tuwang tuwa silang tumalon pareho.

“Oops! Hindi pwede baka malaglag pala si baby!” sabay silang nagulat ng marealize na nagdadalang tao si Tiffany.

Natawa sila pareho at lumabas na para bumili ng vitamins na kinakailangan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 33

    Noong mga panahon na nagpapagaling si Seth, isa iyon sa malaking pagsubok na inovercome niya. Ang pakawalan ang kaniyang anak. Bukod sa siya ang mahihirapan ay malamang nahihirapan din ang bata na mag let go sa kaniya dahil palagi siyang iniisip ng ama. Ayon kila Yvan ay palaging umiiyak si Seth kapag si Samantha na ang pinag uusapan sa therapy and it’s okay dahil part iyon ng pagpapagaling niya. Ngayon na tuluyan na itong magaling hindi na mabigat kapag tungkol kay Samantha ang pinag uusapan. “Kumain ka na ba?” tanong ni Seth at humiwalay sa yakap nito kay Thalia. “Yes po! Tita Jess cooked for us. Nagmamadali po sila ni kiya kaya umalis na sila,”Tumango si Seth sa sinabi ni Thalia at pinisil ang pisnge bago tumayo. “Behave lang ikaw sa tabi ni mommy mo okay?” “Yes po tito! Pwede po ba ako jan maglaro?”Sabay turo nito sa may mini sala’s “Of course. Mabuti ng andito ka at nakikita ko while si mommy mo umaalis siya mindan,” “Yey! Thank you po!” tuwang sabi ni Thalia at tuming

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 32

    SA kabilang banda naman ay pumasok si Tiffany sa silid ng lalaki at kumatok. “Boss, baka pwedeng magtanong sandali,” Napatingin sandali si Seth kay Tiffany at tumango dito bago bumalik ulit sa kaniyang trabaho. “Boss, ano kasi diba babalik na si Jess sa pagiging nurse sa isang buwan?”Tumango si Seth sa sinabi nito. Simula kasi ng maipakulong nila si Doctor Robles ay naibalik din ang lisensya ni Jess at syempre nabigyan pa siya ng leave na isang buwan. “Baka pwedeng dito muna ang anak kong si Thalia, sa tabi ko lang naman siya habang mag wowork ako! Isasama kasi ni Jess si Timothy magbakasyon sa Boracay, dapat kasama kambal niya kaso ayaw ni Thalia at iwan lang daw siya.” Napahinto sa pagpirma si Seth sa kaniyang mga papeles at napatingin kay Tiffany. Nakangiti ito ng alanganin dahil alam naman nito na bawal ang bata sa negosyo, pero dahil iba si Tiffany sa lalaki at gusto rin niya makilala ang anak nito ay pumasok siya. “Okay, fine basta ipapakilala mo siya sakin.” Lumaki ang

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 31

    UMIIYAK si Seth at pilit na sinisisi ang sarili sa nangyari. Ang muntik ng pagkapahamak ni Tiffany at ang pagkamatay ng anak. “Seth, tumingin ka saakin.” Tawag ni Yvan ng pumantay siya sa kaibigan. Umiiyak ang mata nito na tinignan siya. “Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan. Ang lahat ay nasa utak mo lang, kaya sumama ka saakin para magpagamot at hindi na maulit ang nangyari.” Unti unti ay umiling si Seth sa sinabi ni Yvan. “N-natatakot ako… paano kung hindi ako gumaling?” “Gagaling ka!” sigaw ni Yvan na ikinagulat nito. Nawalan siya ng kontrol sa sarili. “Gagaling ka okay? Kaya nga sasamahan kita magpagamot. Alam mong alam ko ginagawa ko, matutulungan kita Seth. Wala ka bang tiwala saakin?” “M-meron.” “Goods. Edi sumama ka sakin. Gusto mo ba na mapahamak ulit si Tiffany? Paano kung pati siya mawala sayo?” Nabuhayan si Seth sa sinabing iyon ni Yvan at uling dito. Ayaw niyang mapahamak muli ang babae lalo na at kagagawan niya. Hindi niya maalala ang buong pangyayari per

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 30

    NANG panahong iyon naman ay wala na sa sarili si Seth at nakakarinig siya ng sigaw ng anak na tulungan siya. Tila nagkaroon na ng kusa ang kaniyang katawan ns pumunta sa rooftop at sinasabi na andoon si Samantha. Humampas ang malamig na simoy ng hangin sa balat niya ngunit patuloy siya sa paglalakad dahil rinig niya ang boses ng anak sa malayo. Si Tiffany naman sakto na paglabas ng elevator ay umakyat sa rooftop at doon nakita niya si Seth na papalapit sa dulo niyon. “Boss!” Abot abot ang kaba niya dahil baka mahulog ito wala pa naman siya sa sarili. Parang may kumokontrol dito na hindi niya maintindihan. Habang tumatakbo ay tinawagan niya si Mang Jose na kausap sila Yvan at Yuan. “M-mang Jose punta po kayo sa rooftop! Mukang tatalon si Boss!” “Ano?! Sige pupunta na kami!” Nang ibaba ni Mang Jose ang cellphone ay agad niyang sinabi sa dalawa ang sinabi ni Tiffany. “Tatalon daw si Seth sa rooftop! Diyos ko panginoon pigilan niyo po ang alaga ko!” naiiyak na sabi ni Mang Jose s

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 29

    “ATE! Nabalitaan mo ba yung nangyari sa hospital? Mama ni Tiffany yung isa sa biktima,” Sigaw na tanong ni Yuan sa kapatid ng pumasok ito sa kwarto ng kapatid. Kakauwi lang muli ni Yuan mula sa ibang bansa dahil pagkatpos nilabg manggaling si Siargao ay lumipad na siya paibang bansa sa negosyo nila. Ngayon lang siya nagkaroon ng libreng oras para na rin makibalita sa kapatid tungkol sa huling sinabi ni Seth sa kaniya. “Oo! Intayin mo ako jan!”Naliligo kasi si Yvan kaya inantay ito ni Yuan sa higaan nito at nahiga pagkatoos ay nag scroll lang sa kaniyang cellphone. “Alam mo para ka talagang kabute na susulpot tapos mawawala,” Napatingin siya sa kapatid na naka bathrobe at nagpupunas ng buhok nito. Ngumiti siya ng alanganin sa babae dahil hindi kasi siya nakapag paalam dito. Paglabas na paglabas niya ng hotel room ni Seth sa Siargao dapat ay kakausapin niya ito ang kaso tumawag sa kaniya ang secretary niya at kailangan na siya dahil nagkaproblema. Kaya kahit nasa bakasyon siya ay

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 28

    NANG dumating si Doc Robles ay nagulat ang lahat sa ginawa nitong pag sigaw dito. Hindi pa iyon doon natatapos dahil nag play ang video ng pag punta ni Tiffany kagabi. Doon na tuluyang napaupo si Doc Robles lalo na ng sa bibig mismo nito manggaling na kasalanan niya ang pagkawala ng ina nito. “With this evidence I can prove everything right?” Tuluyan ng gumuho ang matagal na binuo ni Doc Robles na reputation bilang isang doctor. Maging ang mga kasama niya at ang ilan doon ay kasisimula palang mag doctor hindi na madudugtungan pa. Ilang taon pa naman sila nagpakahirap mag aral pagkatapos ay mababaliwala lahat ng iyon. Well, kasalanan din naman nila. Imbes na aminin ang totoo ay itinago pa nila. “Ms.Castro bilang representative ng inyong grupo na pinagkaitan ng katotohanan, anong prusa ang gusto niyo?” tanong ng director ng hospital na iyon na alam na ang katotohanan bago pa mag simula ang meeting na iyon. Tumingin si Tiffany sa mga kasama niya na kapwa umiiyak at galit na galit s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status