NAGHIHINTAY si Tiffany sa labas ng operating room at kanina pa pabalik balik dahil sa pag aalala. Hindi rin siya mapakali, uupo, tatayo, lalakad pagkatapos ay mapapasandal sa pader. Wala siyang kaalam alam sa nangyayari bakit nasa sahig ang ina at walang malay.
Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon at lumabas ang doctor. “D-doc! Anong nanyari sa mama ko?!” Inalis nito ang kaniyang surgical mask at nagsalita. “I’m sorry to say this pero bumalik ang sakit niya.” Hindi makagalaw si Tiffany sa kaniyang kinatatayuan dahil sa narinig. “P-paano po, kakagaling lang niya kaka opera lang sa puso niya!” “Madaming pwedeng maging causes. Mayroon bang nangyari na ikinabigla niya? Hindi ba nag bilin ako na iwasan muna ang stress sa mama mo dahil mag reresult ito ng hindi maganda.” Doon na tuluyang nanghina si Tiffany at hindi nakasagot dito. “Hindi pwedeng operahan ang mama mo dahil kaka opera niya. Wala tayong ibang pwedeng gawin kundi ang iwasan na lumala ang kaniyang sakit.” Pagkasabi ng doctor niyon ay iniwan na siya nito. Ibig sabihin bumalik ang sakiy ng ina nng dahil sa nalaman niyang isa siyang surrogate mother? Kung ganon siya din ang dahilan? Hindi niya kinakaya ng katotohanan. Nailigtas nga niya ang ina ngunit bumalik naman ang sakit nito. “Tiffany!” Hindi na niya nagawang linguni pa si Jess dahil sa panghihina niya. “Anong nangyari?! Kamusta na si tita?” Napatingin si Tiffany sa kaibigan at sunod sunod na tumulo ang kaniyang mga luha. “A-ako ang may kasalanan Jess… k-kasalanan ko kung bakit bumalik ang sakit ni mama. Ako Jess…” “What?! Bumalik ang sakit ni tita?! Paano nangyari yun?!” Ngunit hindi na nagawang sumagot pa ni Tiffany at iyak nalamang ito ng iyak. Wala namang nagawa si Jess kundi ang yakapin ang kaibigan at damayan ito. ____ LUMIPAS ang ilang buwan at walang nagawa si Tiffany kundi ang pagalingin nalamang ang ina gamit ang mga gamot. Hindi na rin sila naalis sa hospital dahil lumala ang sakit nito. Lahat ng therapy na magagawa ay pinagawa ni Tiffany para lang gumaling ang ina ngunit sa paglipas ng panahon ay tuluyan ng hindi ito gumaling. Isama mo pa na nalaman niya na kambal pala ang dinadala niya. Ang pera na naitatabi niya ay para nalang sa dalawang bata na nasa sinapupunan niya. Lahat ay wala na dahil sa kanilang hospital bills. “Diko na alam gagawin ko Jess. Gusto kong mag trabaho pero walang tumatanggap sa buntis na katulad ko.” “Pasensya na Tiff, hindi kita matulungan.” “No ka ba,” iling na sabi ni Tiffany. “Sapat na ang naitulong mo saamin lalo na yung palagi kang naririto. Hindi ko kaya to ng mag isa lang.” “A-anak…” Napatingin sila pareho ng magsalita si Dalia. Sobrang payat na nito at halos hindi na niya ito makilala. “P-patawarin mo ako anak… nang dahil saakin—” “Ma, wag kang magsalita ng ganiyan! Gagawin ko lahat para sayo, para iligtas ka!” Pinigilan ni Tiffany ang sasabihin ng ina at hindi n niya napigilan ang sunod sunod na pagtulo ng luha niya. Hinawakan niya ang kamay ng ina at hinalikan iyon. “Please ma lumaban ka, hindi ko kaya ng wala ka.” Marahang umiling ang ginang sa sinabi niya. “H-hindi ko na kaya anak. Hindi na kaya ng katawan ko,” “Tita wag ka magsabi ng ganiyan! Tatawag ano ng nurse!” Agad na umalis si Jess para tumawag ng nurse lalo na at tila namamaalam na ito. “M-ma hindi ko kaya please…” humahagulgol na si Tiffany nang mga oras na iyon. “A-anak makinig ka saakin. I-ikas ang pinakang magandang nangyari sa buhay ko at patawarin mo ako…” tumulo na rin ang luha ng ginang habang si Tiffany ay umiiling. “P-patawarin mo ako at tinago ko ang katotohanan. H-hindi ako ang tunay mong ina anak. Ibinigay ka saakin ng daddy mo. Ang mama ay kapatid ng tunay mong ina, tita mo talaga ako hindi mama. P-patawad anak…” Napatigil sa pag iyak si Tiffany dahil doon. Bumalik sa kaniya ang mga panahon na inaalagaan siya nito, paanong hindi iyon ang kaniyang tunay na ina gayong ramdam na ramdam niya ang pagmamahl ng isang tunay na ina? “K-kahit sino pa ang totoo kong ina, ikaw pa rin ang nag iisa kong mama, ma. Hindi magbabago yun kaya please wag mo akong iwan!” Sumilay ang ngiti sa labi ni Dalia ng marinig iyon. “’Yan lang ang gusto kong marinig at siguradong kaya mo na ang sarili mo anak. A-alagaan mo ang mga apo ko…” Napaayos ng upo si Tiffany ng unti unti ay pumikit ang kaniyang ina. “M-ma! Ma! Wag! Mama! Mama!” Hanggang sa makarinig na siya ng flat line sa monitor kung kaya nagwala na si Tiffany kakasigaw ng nurse. “N-nurse! Nurse tulungan niyo mama ko!” Sakto na dumating na si Jess kasama ang mga nurse. Agad na inilayo ni Jess ang kaibigan at pareho na silang umiiyak ngayon habang norerevive ang ina ngunit huli na ang lahat. “Time of death 3:06PM” *** *MONTHS LATER* “WAG mo akong iiwan Jess. Sunbukan mo lang talaga,” Natawa ang mga nurse dahil sa sinabi ni Tiffany. Nasa loob sila ngayon ng operation room kung saan siya nanganganak. Caesarian ang panganganak ni Tiffany dahil na rin sa kagustuhan niya. Inilaan niya talaga ang pera para sa mga bata. Ilang buwan na ang nakalipas magmula ng mawala ang mama niya. Hindi pa rin niy tanggap ngunit wala naman siyang choice. Mabuti at nanjan si Jess, siyang tumutulong sa dalaga at hindi siya iniwanan. Tinulungan niya din si Tiffany sa pagbubuntis nito. Alam ni Jess kahit na di sabihin ni Tiffany ay sinisisi niya ang bata sa tiyan niya dahil kung hindi siya buntis ay nakapag trabaho pa siya at mayroong pambili ng gamot para sa ina. “Di ako aalis, as if naman may iba akong pupuntahan ano.” Natatawang sagot ni Jess sa kaibigan. Maya maya lang ay nakarinig na sila ng isang iyak. “Lalaki ang una, Tiffany!” Nagkatinginan si Tiffany at Jess dahil sa narinig at maya maya lang ay inaabot na nila ang baby boy kay Tiffany. Hindi siya makapaniwala na isa na siyang ina. Ang kanknang umiiyak na sanggol ay natahimik ng ilagay sa dibdib ni Tiffany. Ang mas ikinagulat ng lahat ay ng halikan siya nito sa pisnge. “Wow ang sweet naman ni baby, parang nararamdaman niya na may pag aalinlangan mommy niya.” Pag paparinig ni Jess kay Tiffany ngunit tila wala ng naririnig ang dalaga at naka focus na sa sanggol na nasa harapan niya. Hindi nagtagal ay lumabas na rin ang panghuli, ang baby girl. “It’s a girl!” Pinunasan lang nila ang sanggol at inilagay na rin ito sa dibdib ng ina. Doon hindi na napigilan ni Tiffany ang mapaluwa. Ito ba ang sinisisi niya sa pagkawala ng ina? Walang kamuwang muwang ang mga ito. Isama mo pa ang mala anghel na muka ng mga ito kaya paano nga ba niya naisip na sisihin ang mga anak. “P-patawarin niyo ako mga anak, hindi ko na kayo sinisisi. Mamahalin kayo ni mommy hangga’t makakaya ko. Poprotekhahan ko kayo hangga’t nabubuhay ako. Katulad ng ginawa saakin noon ni mama.” Napangiti si Jess sa narinig at agad ding pinunasan ang luha niya dahil sa wakas ay napakawalan na ni Tiffany ang ina. “J-jess tignan mo sila,” tila proud na sabi ni Tiffany sa kaibigan. NANG matapos ang operation ay kinuha muna sandali ang kambal at ng nasa room na sila ay ibinalik din ang mga ito. “Mommy, kukunin ko na po ang names nila.” Sabi ng nurse habang iniaabot ang dalawang sanggol sa kaniya. Pinabuhat ni Tiffany ang lalaki kay Jess habang nasa kaniya naman ang babae. “Si baby boy ay si Timothy, while si baby girl ay si Thalia.” Nakangiting malaki na sabi ni Tiffany habang nakatingin sa mga anak. “Tiff, nagustuhan ata nila pangalan nila, tuwang tuwa sila oh!” hindi makapaniwalang sabi ni Jess sa kaibigan. “Nararamdaman kasi nila baby ang pagmamahal mula sa inyo. Babalik po kami mamaya para sa ibang papers kaya maiwan na muna namin kayo,” Tumango ang dalaw sa sinabi ng nurse at lumapit si Jess s kaibigan upang ibigay si Timothy dito. Buhat buhat na ni Tiffany ang dalawang sanggol at nakita nila na hinawakan ni Timothy ang kamay ni Thalia kaya napanganga ang dalawa sa gulat. “Nakita mo?!” Tumango si Jess sa tanong ni Tiffany. “Parang sinasabi ni Timothy na andoon lang siya. Ang sweet naman nilang kambal, sure ako na hindi sila mapapaghiwalay paglaki nila.” Nakangiting tumango si Tiffany at hinalikan sa noo ang dalawa. ‘Ma, nakikita niyo po ba kami? Andito na ang mga apo mo. Pangako hindi ko sila pababayaan katulad ng bilin mo saakin. Wag ka ng mag alala at magpahinga ka lang jan.’“YOU may now kiss the bride!” Nang marinig iyon ni Seth ay itinaas na niya ang vail na suot ni Tiffany. Nasa harapan sila ngayon ng simbahan at ginaganap ang kasal na matagal na hinintay ng maraming tao. Mayroon pa ngang mga reporters na naroroon para ipalabas ang kanilang kasal sa social media. Marami ang nanonood sa kani kanilang bahay at ibang bansa. Tinawag nga nila itong wedding of the century dahil sa dami nilang supporters na nakaabang. Na featured na ‘rin sila sa mga magazine at kinuwento nila ang kanilang buhay kung kaya alam na alam ng lahat ang love story nila ni Seth Fleur. Nagkatinginan naman si Tiffany at Seth. Kapwa nakangiti sa isa’t-isa ng hawakan ng lalaki ang kaniyang pisnge. “Finally, my Mrs.Fleur.” Iyon ang huling sinabi ni Seth bago niya tuluyang hagkan ang asawa na siyang ikinatayo ng lahat habang pumapalakpak. “Congratulations Mr. And Mrs. Fleur!” Naroroon ang kanilang mga kaibigan para saksihan ang kanilang pag iisang dibdib. Syempre nangunguna ang ka
MATAPOS ang dalawang oras na pag paplano sawakas nakaisip na ‘rin sila ng strategy. Magkasama na si Seth at Tiffany ngayon sa sasakyan papunta sa lugar kung nasaan sila Josh. Iyon ang sinabing address ni Josh kung kaya ito ang pinuntahan nila. Kapwa kinakabahan ang dalawa lalo na si Tiffany dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa loob. Mayroon silang suot na bullet proof para kung sakaling tamaan man sila ng bala ay hindi ito tatagos sa kanila. Kailangan lang nilang maging maingat dahil maaari pa ‘rin silang tamaan sa mga parte na hindi natatakpan ng bullet proof. Pag pasok nila sa loob hindi nga sila nagkamali at mayroong ibang kasama si Josh na armadong lalaki. Napahigpit ang kapit ni Tiffany sa kamay ni Seth at mas inilapit naman siya nito sa kaniya dahil alam ni Seth na natatakot ito. “Congratulations! Nakarating kayo!” Napatingin sila kay Josh na lumabas sa isang silid at tumawa. Nasa gitna silang dalawa habang napapalibutan sila ng tauhan nito,. “Nasaan
AKALA pa naman niya mamumuhay ito ng masayang buhay lalo na mayaman ang kaniyang magulang ngunit hindi pala. Well, past is past kung kaya tanggap na niya iyon. “Matagal na iyon ma’am, alam kong napatawad ka na ‘rin ni Samantha,” Dahil doon kusang napangiti pabalik si Aurelia sa babae. Doon biglang pumasok sa kaniyang isipan ang tungkol kila Tiffany. Nanlaki ang mata niya at naalala ang mga sinabi ni Josh sa kaniya. “Narinig mo ba ang sinabi ni Josh?! Siya ang tunay na masama hindi ako!” “Ma’am calm down, wag po kayong mag alala dahil rinig ko lahat at na record ko pa.” Hindi makapaniwala si Aurelia sa sinabing iyon ni Rhian at plinay pa nito ang record na nagawa. Agad iyong naisip ni Rhian ng mabanggit ng lalaki ang pangalan ni Tiffany. Hindi naman siya nagkamali ng hinala dahil inamin nito lahat ng kaniyang kasalanan at kuhang kuha niya ito sa record. Malakas na ebidensya iyon para mapakulong ito. “T-thank you Rhian! Isa kang malaking tulong! Pwede mo ba ako pahiramin ng cellp
ISANG oras ang lumipas ng umalis sila Josh at ang kambal dumating si Jess. Ngunit nagtaka si Tiffany kung bakit kasama nito ang magulang ni Seth. “Tito, tita, bakit po kayo naparito? Nakakahiya naman po hinatid niyo pa ang libro sana pinabigay niyo nalang po kay Jess.” Nahihiyang abi ni Tiffany sa mga ito pagkatapos magmano. Nakita niya ‘rin si Leona at nginitian ito. Pero dalawa sila ni Jess at leona na mayroong pagtataka sa muka kung kaya lalong nataka si Tiffany. “Hindi lang tungkol sa libro ang pinunta namin hija, mayroon kaming sasabihin sa inyo.” Dahil doon nag decide si Tiffany na paupuin ang mga ito sa kanilang sofa. Kung kanina sila Jess at Leona lang ang nagtataka ngayon maging si Tiffany na ‘rin. “Ano po iyon?” ngiting sabi ni Tiffany at pilit na pinapagaan ang atmosphere dahil masyadong seryoso ang magulang ni Seth. Hindi niya tuloy mapaisip na baka mayroon siyang nagawa o kung ano pa man. “Nasaan ang kambal?” tanong ni Angel ng mapansin na wala doon ang dalawa. “K
NATAPANGO si Leona sa sinabi ni Jess at muling nagsalita. “Alam na ba ni Tiffany at Seth ‘yan?”“Hindi pa, sasabihin ko pag uwi ko. Kunin ko lang yung pinapakuha saakin ni Tiffany,” Nakatanggap ng palo si Jess sa kaibigang buntis na ikinareklamo nito. “Aray ha!”“Aray mo muka mo! Importanteng information yan hindi mo agad sinabi kila Seth! Kunin mo na nga sa taas ang kailangan mo! Andoon sina mom and dad sa library!” Napatayo si Jess dahil pinapalo siya ng kaibigan. Ang bigat pa naman ng kamay nito. “Grabe ka sakin Leona! Nakalimutan ko lang e! Eto na aakyat na po!” Umakyat na si Jess sa taas at tulad ng sabi ni Leona nasa library ang mga ito. Alam naman niya kung saan iyon kaya walang problema lalo na alam nilang magkakaibigan na library ang paburito ng mag asawa. “Pasok Jess!” narinig niyang sigaw ng ina ni Seth sa loob. Alam na ‘rin kasi ng mag asawa na pupunta si Jess para ibigay nila ang pinapakuha ni Tiffany sa kanila. Naabutan niya sa loob ang daddy ni Seth na busy sa
NAPAKURAP lang si Aurelia sa sinabi ni Josh at nagsimulang mag kwento. “Naalala mo ‘yung panahon na nagkita tayo? Hindi ‘yun tadhana tulad ng sabi ko sa’yo noon nung nililigawan kita. Sadya iyon para mapunta ka saakin. Noong una nahirapan ako at akala ko nga hindi na ako mag tatagumpay pero masyado kang marupok at nakuha kita.Kung tinatanong mo mahal kita kaya ko ginawa ‘yun? Hindi. All those years hindi kita minahal at ginawa ko lang ‘yun dahil kasama iyon sa plano namin. ‘Yung tungkol sa anak niyo sana ni Seth sa surrogate mother? Sino ba ang nagpumilit sayo na pagpalitin ‘yun? Ako diba? Dahil parte iyon ng plano ko. Kaso namatay si Samantha kaya wala na akong pakialam sa kaniya. Ang kaso mas naging exciting pa ng mag apply si Tiffany sa kumpanya ni Seth. Syempre ako ‘din ang dahilan kaya napunta sa list ni Tiffany ang kumpanya ni Seth. Masyado kang bulag sa galit mo kaya hinayaan kitang gawin lahat ng gusto mo. Akala ko nga tatapusin mo na ang mission namin pero hindi pala. May