Share

Chapter 6

last update Last Updated: 2025-07-10 10:46:12

HINDI na napigilan ni Tiffany ang mapaiyak sa kaniyang narinig. All this time sinisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkawala ng kaniyang ina tapos ngayon malalaman niya na hindi naman pala siya ang may kasalanan. Aang sariling doctor ng kaniyang ina ang may kagagawan ng lahat!

“J-jess hindi ko matanggap…” tinging sabi niya sa kaibigan. “Hindi ko matatanggap kung totoo nga na niloko nila ako sa pagkamatay ng mama ko…”

“Hush…” sabay yakap ni Jess sa kaibigan. “Gagawa ako ng paraan para malaman ang totoo,”

Tumangop paunti unti si Tiffany sa kaniyang kaibigan.

“P-please Jess, para na ‘rin sa kapayapaan ni mama. Jess hindi makatarungan ang ginawa nila!”

“Naiintindihan kita Tiff, kahit ako hindi ko matatanggap na niloko nila tayo sa katotohanang iyon.”

Natapos ang gabi ng dalawa ng umiiyak sila pareho. Parehong hindi matanggap ang katotohanang isinisi sa kanila ng doctor ang pagkawala ng ina at tita nila. Pagkagising ni Tiffany ay kaunti maga ang kaniyang mata kaya ang ginawa niya ay binabaran niya sandali ng yelo at maya maya lang ay wala na iyon.

Maaga siyang nagising para mag ayos ng sarili at para na ‘rin magluto ng umagahan nila. Gusto niya na bago siya umalis ay nakakasama niya asa pagkain ang mga anak pati na ‘rin si Jess. Then magluluto na ‘rin siya ng pagkain ng mga nito pang tanghalian para iinitin nalang nila.

Isang simpleng blazer na itim, sa ilalim niyon ay long sleeve na puti at pencil cut skirt na abot sa kaniyang tuhod ang suot. Tinernohan niya ‘din ito ng high heels na mayroong tatlong inch.

Nagising si Thalia dahil sa amoy ng niluluto ng kaniyang ina. Tulog pa ang kaniyang kuya sa tabi nito kaya hindi niya ito ginising at dumeretsyo siya sa kusina.

“Mommy,”

Napalingon si Tiffany sa tumawag sa kaniya at napalaki ang ngiti s akaniyang labi ng makita ang anak na si Thalia.

“Good morning baby girl, how’s your sleep?”

Nilapitan niya ang anak at binuhat ito.

“Good morning too mommy, it was good. We’re waiting for you last night but we fell asleep.”

“Aww I’m sorry baby but tita and I have a good conversation kaya hindi na namin namalayan ang oras.”

“It’s okay mommy, today is your first day right? Good luck po!”

Hindi napigilan ni Tiffany na kurutin ang mamula mula na pisnge nito at nagpasalamat dito. Pinaupo niya ang anak sa kaniyang upuan habang siya ay tinuloy niya ang kaniyang niluluto. Binigyan niya ‘rin ang anak ng gatas na mainit init pa.

Maya maya ay nagising na ‘rin si Timothy dahil wala ang kambal sa kaniyang tabi. Sakto naman na gising na ‘rin si Jess at magkahawak kamay silang nagpunta sa kusina.

“Good morning!” Masayang bati ni Jess sa dalawa.

Tumakbo si Timothy sa kaniyang ina at niyakap ito pagkatapos ay binati ito ng good morning.

“Sakto ang gising niyo kakain na tayo,”

Nag agahan na ang mga ito at habang kumakain ay nakipag kwentuhan pa si Tiffany sa kanila at ng matapos ay doon na nagbilin kay Jess sa kaniyang pag alis.

“Bye mommy, good luck po!” Sabi ni Timothy at hinalikan sa pisnge ang ina.

“Thank you, kuya. Take care of your twin for me okay?”

“Don’t worry mommy, ako na pong bahala!”

Ginulo ni Tiffany ang buhok ng kaniyang panganay sa sinabi nito. Sunod naman an lumapit sa kaniya ay ang bunso at niyakap siya nito n mahigpit.

“Mamimiss kita mommy! Take care okay?”

“Yes po!” Agad na sagot niya at hinalikan sa noo ang anak.

Maya maya ay tumayo na siya at ngumiti kay Jess na nakangiti ‘din sa kaniya.

“Bye guys, see you later!”

Pagkalabas ni Tiffany ay nag online book lang siya ng masasakyan para makapunta sa kaniyang work. Malayo layo ‘din iyon sa kanila kung kaya as mabuti na ang mag sasakyan siya sa kaniyang first day.

Mahaba pa naman ang oras niya kaya walang problema. Ngunit ang akala niya’y mapapaaga ay ma lelate na siya ng traffic sa daan. Nang makarating siya sa trabaho ay nagmamadali na siya at tumatakbo.

“Excuse me!”

Nakipag siksikan na siya sa elevator para lang makatungtong sa top floor. Kung alam niya lang na ganon ka rush hour sa umaga edi sana motor booking nalang ang ginawa niya hindi kotse! Or ‘di kaya umalis ng maaga sa bahay.

Tingin siya ng tingin sa kaniyang relo lalo na kada floor ay mayroong bumababa na ka trabaho niya. Nang sawakas ay mapag isa na siya mabilis siyang nakarating sa top floor.

Nakita niya ang secretary ng kaniyang amo na papalitan niya. Pansamantala muna kasi itong mawawala sa trabaho dahil mayroon ‘daw itong importanteng gagawin kaya tatlong buwan itong mawawala. Nakausap na ‘rin niya ito nung araw ng interview at laking tuwa nga niya ng directly hired siya.

“Bakit ngayon ka lang Tiff?!” Tarantang sabi nito sa kaniya.

“Traffic Pao, sorry na. Galit na ba si boss?” Hingal na sabi niya dito.

“Galit na galit! Halika na at inaantay na niya tayo sa helicopter.”

At hinawakan ng lalaki ang pulsuhan niya at hinila papunta sa elevator para mas makarating sila sa roof top.

“T-teka anong helicopter?!” Gulat na sabi ni Tiffany habang nasa loob sila ng elevator.

“Merong out of town business meeting si boss. Syempre kailangan nandoon ka. Makinig kang mabuti saakin at ito ang kailangan mong gawin kasama siya.”

Nagsimula ng magsalita si Paolo na siyang secretary ng kanilang boss. Ngunit tila hindi pumapasok sa isip niya ang pinagsasabi nito dahil na stock siya sa katotohanan na sasakay sila sa helicopter!

Takot siya sa heights!

“Gets ba Tiff?!”

Wala sa sariling napatango si Tiffany sa tanong sa kaniya ng lalaki at sakto na bumukas na ang elevator at lumabas sila doon.

Nakita niya ang malaking helicopter sa gitna na ikinatigil niya.

“Huy Tiff!”

Lapit sa kaniya ni Paolo at hinila siya nitong muli pero nagpumiglas siya.

“P-pao takot ako sa heights!”

Natigilan ang lalaki sa kaniyang narinig.

“Ano?! Kailangan mong lampasan ‘yan Tiff! Lalong magagalit ang boss natin kasi late ka!”

Pagkasabing pagkasabi ni Paolo niyon ay nagsimula ng umikot ang malaking elesi ng helicopter. Lumakas ang hangin sa paligid kung kaya kinokontrol na nila ngayon ang kanilang sarili para hindi matangay ng hangin.

“Tiff halika na!”

Walang nagawa si Tiffany ng hilahin na siya nito dahil kung magpupumiglas pa siya bukod sa baka mawalan siya ng trabaho ay malaglag pa siya ng mataas na building na iyon pag tinangay siya ng malakas na hangin.

“Pao!” Tawag niya sa lalaking hila siya.

“Bakit?!” Sigaw nito pabalik dahil masyadong maingay kinakailangan nilang sumigaw.

“Babalik din naman kami agad diba?!”

“Hindi!”

“Ha?!” Gulantang na sabi ni Tiffany dito.

“Tatlong araw kayo doon! Hindi ko nasabi sayo kasi nakalimutan ko sorry na! Pero ‘wag kang mag alala dahil nabsabi ko kay boss na wala kang gamit! For sure hahayaan ka nun bumili ng gamit mo!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 33

    Noong mga panahon na nagpapagaling si Seth, isa iyon sa malaking pagsubok na inovercome niya. Ang pakawalan ang kaniyang anak. Bukod sa siya ang mahihirapan ay malamang nahihirapan din ang bata na mag let go sa kaniya dahil palagi siyang iniisip ng ama. Ayon kila Yvan ay palaging umiiyak si Seth kapag si Samantha na ang pinag uusapan sa therapy and it’s okay dahil part iyon ng pagpapagaling niya. Ngayon na tuluyan na itong magaling hindi na mabigat kapag tungkol kay Samantha ang pinag uusapan. “Kumain ka na ba?” tanong ni Seth at humiwalay sa yakap nito kay Thalia. “Yes po! Tita Jess cooked for us. Nagmamadali po sila ni kiya kaya umalis na sila,”Tumango si Seth sa sinabi ni Thalia at pinisil ang pisnge bago tumayo. “Behave lang ikaw sa tabi ni mommy mo okay?” “Yes po tito! Pwede po ba ako jan maglaro?”Sabay turo nito sa may mini sala’s “Of course. Mabuti ng andito ka at nakikita ko while si mommy mo umaalis siya mindan,” “Yey! Thank you po!” tuwang sabi ni Thalia at tuming

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 32

    SA kabilang banda naman ay pumasok si Tiffany sa silid ng lalaki at kumatok. “Boss, baka pwedeng magtanong sandali,” Napatingin sandali si Seth kay Tiffany at tumango dito bago bumalik ulit sa kaniyang trabaho. “Boss, ano kasi diba babalik na si Jess sa pagiging nurse sa isang buwan?”Tumango si Seth sa sinabi nito. Simula kasi ng maipakulong nila si Doctor Robles ay naibalik din ang lisensya ni Jess at syempre nabigyan pa siya ng leave na isang buwan. “Baka pwedeng dito muna ang anak kong si Thalia, sa tabi ko lang naman siya habang mag wowork ako! Isasama kasi ni Jess si Timothy magbakasyon sa Boracay, dapat kasama kambal niya kaso ayaw ni Thalia at iwan lang daw siya.” Napahinto sa pagpirma si Seth sa kaniyang mga papeles at napatingin kay Tiffany. Nakangiti ito ng alanganin dahil alam naman nito na bawal ang bata sa negosyo, pero dahil iba si Tiffany sa lalaki at gusto rin niya makilala ang anak nito ay pumasok siya. “Okay, fine basta ipapakilala mo siya sakin.” Lumaki ang

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 31

    UMIIYAK si Seth at pilit na sinisisi ang sarili sa nangyari. Ang muntik ng pagkapahamak ni Tiffany at ang pagkamatay ng anak. “Seth, tumingin ka saakin.” Tawag ni Yvan ng pumantay siya sa kaibigan. Umiiyak ang mata nito na tinignan siya. “Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan. Ang lahat ay nasa utak mo lang, kaya sumama ka saakin para magpagamot at hindi na maulit ang nangyari.” Unti unti ay umiling si Seth sa sinabi ni Yvan. “N-natatakot ako… paano kung hindi ako gumaling?” “Gagaling ka!” sigaw ni Yvan na ikinagulat nito. Nawalan siya ng kontrol sa sarili. “Gagaling ka okay? Kaya nga sasamahan kita magpagamot. Alam mong alam ko ginagawa ko, matutulungan kita Seth. Wala ka bang tiwala saakin?” “M-meron.” “Goods. Edi sumama ka sakin. Gusto mo ba na mapahamak ulit si Tiffany? Paano kung pati siya mawala sayo?” Nabuhayan si Seth sa sinabing iyon ni Yvan at uling dito. Ayaw niyang mapahamak muli ang babae lalo na at kagagawan niya. Hindi niya maalala ang buong pangyayari per

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 30

    NANG panahong iyon naman ay wala na sa sarili si Seth at nakakarinig siya ng sigaw ng anak na tulungan siya. Tila nagkaroon na ng kusa ang kaniyang katawan ns pumunta sa rooftop at sinasabi na andoon si Samantha. Humampas ang malamig na simoy ng hangin sa balat niya ngunit patuloy siya sa paglalakad dahil rinig niya ang boses ng anak sa malayo. Si Tiffany naman sakto na paglabas ng elevator ay umakyat sa rooftop at doon nakita niya si Seth na papalapit sa dulo niyon. “Boss!” Abot abot ang kaba niya dahil baka mahulog ito wala pa naman siya sa sarili. Parang may kumokontrol dito na hindi niya maintindihan. Habang tumatakbo ay tinawagan niya si Mang Jose na kausap sila Yvan at Yuan. “M-mang Jose punta po kayo sa rooftop! Mukang tatalon si Boss!” “Ano?! Sige pupunta na kami!” Nang ibaba ni Mang Jose ang cellphone ay agad niyang sinabi sa dalawa ang sinabi ni Tiffany. “Tatalon daw si Seth sa rooftop! Diyos ko panginoon pigilan niyo po ang alaga ko!” naiiyak na sabi ni Mang Jose s

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 29

    “ATE! Nabalitaan mo ba yung nangyari sa hospital? Mama ni Tiffany yung isa sa biktima,” Sigaw na tanong ni Yuan sa kapatid ng pumasok ito sa kwarto ng kapatid. Kakauwi lang muli ni Yuan mula sa ibang bansa dahil pagkatpos nilabg manggaling si Siargao ay lumipad na siya paibang bansa sa negosyo nila. Ngayon lang siya nagkaroon ng libreng oras para na rin makibalita sa kapatid tungkol sa huling sinabi ni Seth sa kaniya. “Oo! Intayin mo ako jan!”Naliligo kasi si Yvan kaya inantay ito ni Yuan sa higaan nito at nahiga pagkatoos ay nag scroll lang sa kaniyang cellphone. “Alam mo para ka talagang kabute na susulpot tapos mawawala,” Napatingin siya sa kapatid na naka bathrobe at nagpupunas ng buhok nito. Ngumiti siya ng alanganin sa babae dahil hindi kasi siya nakapag paalam dito. Paglabas na paglabas niya ng hotel room ni Seth sa Siargao dapat ay kakausapin niya ito ang kaso tumawag sa kaniya ang secretary niya at kailangan na siya dahil nagkaproblema. Kaya kahit nasa bakasyon siya ay

  • Accidentally carrying the billionaire's TWINS    Chapter 28

    NANG dumating si Doc Robles ay nagulat ang lahat sa ginawa nitong pag sigaw dito. Hindi pa iyon doon natatapos dahil nag play ang video ng pag punta ni Tiffany kagabi. Doon na tuluyang napaupo si Doc Robles lalo na ng sa bibig mismo nito manggaling na kasalanan niya ang pagkawala ng ina nito. “With this evidence I can prove everything right?” Tuluyan ng gumuho ang matagal na binuo ni Doc Robles na reputation bilang isang doctor. Maging ang mga kasama niya at ang ilan doon ay kasisimula palang mag doctor hindi na madudugtungan pa. Ilang taon pa naman sila nagpakahirap mag aral pagkatapos ay mababaliwala lahat ng iyon. Well, kasalanan din naman nila. Imbes na aminin ang totoo ay itinago pa nila. “Ms.Castro bilang representative ng inyong grupo na pinagkaitan ng katotohanan, anong prusa ang gusto niyo?” tanong ng director ng hospital na iyon na alam na ang katotohanan bago pa mag simula ang meeting na iyon. Tumingin si Tiffany sa mga kasama niya na kapwa umiiyak at galit na galit s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status