THREE YEARS AFTER
Tatlong taon na ang nakalipas simula nang manganak si Tiffany at sa nakalipas na mga taon ay hindi niya akalain na kinakaya niya ang pagpapalaki ng dalawang sanggol. Syempre, sa tulong ni Jess ay nagawa niyang mapalaki ang mga ito. Kung wala ang matalik na kaibigan malamang na pinanghinaan na siya ng loob nung panahon palang na mawala ang kaniyang ina. Palagi ‘ring dumadalaw si Tiffany sa puntod ng kaniyang ina. Palaging kinukwentuhan tungkol sa kaniyang mga apo. Tuluyan ng nawala sa isipan ni Tiffany na hindi niya anak ang dalawang anghel na dumating sa buhay niya. Sa tuwing titignan niya ang mga ito ay ang ina ang kaniyang naaalala, iniisip niya na sila ang pinadala nito para mayroong siyang bagong mahalin. Ipinagpapasalamat niya sa taas ang malaking pagkakamali na iyon. Siguro kung hindi sa kaniya iniwan ni Ms.Aurelia ang sanggol sa kaniyang tiyan hanggang ngayon ay naliligaw pa ‘rin siya. Nasa tatlong taon na ang mga anak at mag aapat na. Si Thalia ay natural na bungisngis habang si Timothy naman ay tahimik lang. Kung minsan nga ay tinititigan ni Tiffany ang kambal at nakikita niya na nakamasid lang si Timothy sa kaniyang kambal yung tipong tila binabantayan niya ito. Masasabi niya na sa batang edad ni Timothy ay ang matured na nito. Ang dali niya ‘ring sabihan sa tuwing magkakaroon ng pagtatalo ang dalawa dahil sa laruan ay nakikinig ang lalaki at hihingi ng tawad sa kambal. Hindi ito papayag na hindi niya yayakapin si Thalia kapag hihingi ng tawad. Katulad nalang ngayon, nakatingin silang dalawa ni Jess sa kambal na inaamo ni Timothy ang kambal dahil hindi niya ito napansin kanina. “Alam mo minsan naiisip ko na nakuha ni Thalia ang ugali mo,” Napatingin si Tiffany sa kaibigan at tinaasan niya ito ng kilay. “So anong pinaparating mo?” Natawa si Jess dahil doon . “Just like that, hahahaha magkaugaling magkaugali talaga kayo ni Thalia!” Napasimangot si Tiffany dahil doon hanggang maya maya ay natawa nalang ‘din ng marealize ang sinabi ng kaibigan. Ang ugali kasi ni Thalia ay mabilis magtampo, may katarayan ngunit mabait. Basta ‘wag mo lang susubukang ‘wag pansinin ito dahil siguradong hindi ka na ‘din niya papansinin. Kaya nga todo ang suyo ngayon ni Timothy dahil nagtatampo ang kaniyang kambal. Hindi naman nagtatagal ang tampo nito dahil maya maya lang ay okay na sila at maglalaro nang muli. “Kamusta nga pala ang pag aapply mo?” Napangiti ng palihim si Tiffany sa tanong nito. Kanina pa niya inaantay na itanong iyon sa kaniya ng kaibigan kung kaya tumahimik siya. Dahil hindi nakakuha ng sagot si Jess sa kaibigan ay tumingin ito dito at nakita niya ang lungkot sa muka nito. “Huy! Kung wala pang tumatawag sa’yo walang problema ano ka ba!” Hindi nagpatinag si Tiffany sa sinabi ng kaibigan at nagpanggap na naiiyak na. “G-gusto kong tumulong sa’yo sa gastusin Jess… Tatlong taon mo na kaming tunutulungan ng mga anak ko.” “Sus walng problema sakin ‘yun! Wala namn akong ibang pamilya hindi ba kundi kayo lang. Kaya gagawin ko lahat para sa inyo.” Napatingin si Tiffany sa kaibigan dahil sa sinabi nito at hindi na napigilan ang mapangiti hanggang sa niyakap niya ito. “Grabe ka talaga Jess! Hindi manlang kita mabiro mas na touch lang ako sa sinabi mo e!” “Sira! Totoo naman kasi, hindi kita minamadali na magkatrabaho isa pa kaya ko naman hindi ba?” Humiwalay siya sa pagkakayakap sa kaibigan at tinignan ito sa kaniyang mga mata. “Tanggap ako Jess!” Nanlaki ang mata ni Jess ng marinig ang sinabi ng kaibigan at sabay na silang nagtitili na dalawa. “Kyahhh! I’m so happy for you Tiff!” “Same here! Thank you so much talaga sa paghihintay na makabalik ako sa sarili kong paa Jess! Utang na loob ko sa’yo lahat ng meron kami ngayon!” Napatingin ang kambal sa kanilang dalawang ina ng tumili ang mga ito. Akala nila kung ano na ang nangyayari ngunit nakita nila na tila tuwang tuwa ang mga ito. Nagkatinginan silang dalawa at napangiti nalamang. “Kuya help me here ha,” Sabi ni Thalia habang hawak ang isang lego. “Sure Thalia, let me see?” Sa tatlong taon ng mga ito ay kaya na nilang makipag usap na tila isang matanda. Sa katunayan ay isang taon pa ngalang ay marunong na silang mag bigkas ng mga salita at kataga. Kaya madali silang natutong magsalita lalo na ang salitang english. Syempre hindi hinahayaan nila Tiffany na hindi magtagalog ang mga ito kung kaya tagalog ang salita nila kung kausapin ito. Kinagabihan ay umiinom silang dalawa ni Jess para sa munting celebration at para na ‘rin pampatulog na ‘rin dahil bukas na ang first day of work niya. Mabuti nalang at gabi pa ang work ni Jess bukas kaya merong magbabantay sa kambal. Nakausap na ‘rin naman niya ang mga ito. Wala naman silang problema kahit maiwan silang dalawa sa bahay dahil kaya naman ‘daw nila pero syempre hindi pa ‘rin makakaya ni Tiffany na iwanan ang mga ito kaya uuwi siya ng maaga para makapagpahinga si Jess bago pumasok. “Tiff, may tanong ako sa’yo.” Napatingin si Tiffany sa kaibigan at inaantay ang sasabihin nito. Bumuntong hininga muna si Jess bago tuluyang nagsalita. “Naiisip mo pa ba si tita?” “Oo naman syempre, palagi ko siyang kinakausap dahil alam kong naririnig niya ako.” Ngiting sabi ni Tiffany dito. Napatitig lang si Jess sa kaibigan at agad na umiling ng makita ang malaking ngiti nito sa labi. Ayaw na niyang ibalik pa ang sakit na naramdaman ng kaniyang kaibigan. Ngunit ayaw naman niya na sisihin nito ang kaniyang sarili. “Do you still blame yourself?” Nawala ang ngiti sa labi ni Tiffany ng marinig ang sinabing iyon ng kaibigan. “Yes.” Deretsyong sagot niya. “Siguro kung maayos kong sinabi sa kaniya ang totoo hindi sana bumalik ang sakit niya.” Kahit ilang taon na ang nakalipas ay hindi pa niya nakakalimutan ang dahilan kung bakit wala na ang mama niya. Kaya nga palagi niya itong dinadalaw para na ‘rin humingi ng tawad dito araw araw. Naiisip niya minsan kung nagsabi lang siya ng maayos keysa inilihim niya buhay pa ‘rin sana ang ina. “Paano kung sabihin ko sa’yo na hindi talaga bumalik ang sakit niya?” Natigilan sa pag iisip si Tiffany nang marinig ang sinabi ng kaibigan. “W-what?” Humarap si Jess sa kaniya at seryoso siya nitong hinawakan sa kaniyang mga kamay. “Tiff isa akong nurse. Pinag aralan ko lahat tungkol sa sakit ng mga tao, parts ng katawan ng tao lahat ‘yun. At naniniwala ako na ang isang tao pagkatapos maoperahan ay impossible ng bumalik ang sakit unless hindi successful ang operation.” Hindi makapaniwala si Tiffany sa kaniyang naririnig. Pakiramdam niya ay nagkaroon ng panibagong tinik sa kaniyang puso ng marinig iyon at hindi napigilan ang pagtulo ng kaniyang luha. “S-sinasabi mo na hindi ako ang tunay na may kasalanan at kagagawan nila?” Tumango si Jess sa kaniyang sinabi at nagsalita muli. “Ilang taon kong pinag isipan kung uungkatin ko pa ba ang nangyari kay tita hanggang isang araw mapasama ako sa operating room kung saan mayroon ‘ding inoperahan sa puso. Nagtanong ‘yung family nung inoperahan pagkatapos kung babalik ba ang sakit niya at sabi ng doctor ay hindi na unless hindi successful ang ginawa nila.”“YOU may now kiss the bride!” Nang marinig iyon ni Seth ay itinaas na niya ang vail na suot ni Tiffany. Nasa harapan sila ngayon ng simbahan at ginaganap ang kasal na matagal na hinintay ng maraming tao. Mayroon pa ngang mga reporters na naroroon para ipalabas ang kanilang kasal sa social media. Marami ang nanonood sa kani kanilang bahay at ibang bansa. Tinawag nga nila itong wedding of the century dahil sa dami nilang supporters na nakaabang. Na featured na ‘rin sila sa mga magazine at kinuwento nila ang kanilang buhay kung kaya alam na alam ng lahat ang love story nila ni Seth Fleur. Nagkatinginan naman si Tiffany at Seth. Kapwa nakangiti sa isa’t-isa ng hawakan ng lalaki ang kaniyang pisnge. “Finally, my Mrs.Fleur.” Iyon ang huling sinabi ni Seth bago niya tuluyang hagkan ang asawa na siyang ikinatayo ng lahat habang pumapalakpak. “Congratulations Mr. And Mrs. Fleur!” Naroroon ang kanilang mga kaibigan para saksihan ang kanilang pag iisang dibdib. Syempre nangunguna ang ka
MATAPOS ang dalawang oras na pag paplano sawakas nakaisip na ‘rin sila ng strategy. Magkasama na si Seth at Tiffany ngayon sa sasakyan papunta sa lugar kung nasaan sila Josh. Iyon ang sinabing address ni Josh kung kaya ito ang pinuntahan nila. Kapwa kinakabahan ang dalawa lalo na si Tiffany dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa loob. Mayroon silang suot na bullet proof para kung sakaling tamaan man sila ng bala ay hindi ito tatagos sa kanila. Kailangan lang nilang maging maingat dahil maaari pa ‘rin silang tamaan sa mga parte na hindi natatakpan ng bullet proof. Pag pasok nila sa loob hindi nga sila nagkamali at mayroong ibang kasama si Josh na armadong lalaki. Napahigpit ang kapit ni Tiffany sa kamay ni Seth at mas inilapit naman siya nito sa kaniya dahil alam ni Seth na natatakot ito. “Congratulations! Nakarating kayo!” Napatingin sila kay Josh na lumabas sa isang silid at tumawa. Nasa gitna silang dalawa habang napapalibutan sila ng tauhan nito,. “Nasaan
AKALA pa naman niya mamumuhay ito ng masayang buhay lalo na mayaman ang kaniyang magulang ngunit hindi pala. Well, past is past kung kaya tanggap na niya iyon. “Matagal na iyon ma’am, alam kong napatawad ka na ‘rin ni Samantha,” Dahil doon kusang napangiti pabalik si Aurelia sa babae. Doon biglang pumasok sa kaniyang isipan ang tungkol kila Tiffany. Nanlaki ang mata niya at naalala ang mga sinabi ni Josh sa kaniya. “Narinig mo ba ang sinabi ni Josh?! Siya ang tunay na masama hindi ako!” “Ma’am calm down, wag po kayong mag alala dahil rinig ko lahat at na record ko pa.” Hindi makapaniwala si Aurelia sa sinabing iyon ni Rhian at plinay pa nito ang record na nagawa. Agad iyong naisip ni Rhian ng mabanggit ng lalaki ang pangalan ni Tiffany. Hindi naman siya nagkamali ng hinala dahil inamin nito lahat ng kaniyang kasalanan at kuhang kuha niya ito sa record. Malakas na ebidensya iyon para mapakulong ito. “T-thank you Rhian! Isa kang malaking tulong! Pwede mo ba ako pahiramin ng cellp
ISANG oras ang lumipas ng umalis sila Josh at ang kambal dumating si Jess. Ngunit nagtaka si Tiffany kung bakit kasama nito ang magulang ni Seth. “Tito, tita, bakit po kayo naparito? Nakakahiya naman po hinatid niyo pa ang libro sana pinabigay niyo nalang po kay Jess.” Nahihiyang abi ni Tiffany sa mga ito pagkatapos magmano. Nakita niya ‘rin si Leona at nginitian ito. Pero dalawa sila ni Jess at leona na mayroong pagtataka sa muka kung kaya lalong nataka si Tiffany. “Hindi lang tungkol sa libro ang pinunta namin hija, mayroon kaming sasabihin sa inyo.” Dahil doon nag decide si Tiffany na paupuin ang mga ito sa kanilang sofa. Kung kanina sila Jess at Leona lang ang nagtataka ngayon maging si Tiffany na ‘rin. “Ano po iyon?” ngiting sabi ni Tiffany at pilit na pinapagaan ang atmosphere dahil masyadong seryoso ang magulang ni Seth. Hindi niya tuloy mapaisip na baka mayroon siyang nagawa o kung ano pa man. “Nasaan ang kambal?” tanong ni Angel ng mapansin na wala doon ang dalawa. “K
NATAPANGO si Leona sa sinabi ni Jess at muling nagsalita. “Alam na ba ni Tiffany at Seth ‘yan?”“Hindi pa, sasabihin ko pag uwi ko. Kunin ko lang yung pinapakuha saakin ni Tiffany,” Nakatanggap ng palo si Jess sa kaibigang buntis na ikinareklamo nito. “Aray ha!”“Aray mo muka mo! Importanteng information yan hindi mo agad sinabi kila Seth! Kunin mo na nga sa taas ang kailangan mo! Andoon sina mom and dad sa library!” Napatayo si Jess dahil pinapalo siya ng kaibigan. Ang bigat pa naman ng kamay nito. “Grabe ka sakin Leona! Nakalimutan ko lang e! Eto na aakyat na po!” Umakyat na si Jess sa taas at tulad ng sabi ni Leona nasa library ang mga ito. Alam naman niya kung saan iyon kaya walang problema lalo na alam nilang magkakaibigan na library ang paburito ng mag asawa. “Pasok Jess!” narinig niyang sigaw ng ina ni Seth sa loob. Alam na ‘rin kasi ng mag asawa na pupunta si Jess para ibigay nila ang pinapakuha ni Tiffany sa kanila. Naabutan niya sa loob ang daddy ni Seth na busy sa
NAPAKURAP lang si Aurelia sa sinabi ni Josh at nagsimulang mag kwento. “Naalala mo ‘yung panahon na nagkita tayo? Hindi ‘yun tadhana tulad ng sabi ko sa’yo noon nung nililigawan kita. Sadya iyon para mapunta ka saakin. Noong una nahirapan ako at akala ko nga hindi na ako mag tatagumpay pero masyado kang marupok at nakuha kita.Kung tinatanong mo mahal kita kaya ko ginawa ‘yun? Hindi. All those years hindi kita minahal at ginawa ko lang ‘yun dahil kasama iyon sa plano namin. ‘Yung tungkol sa anak niyo sana ni Seth sa surrogate mother? Sino ba ang nagpumilit sayo na pagpalitin ‘yun? Ako diba? Dahil parte iyon ng plano ko. Kaso namatay si Samantha kaya wala na akong pakialam sa kaniya. Ang kaso mas naging exciting pa ng mag apply si Tiffany sa kumpanya ni Seth. Syempre ako ‘din ang dahilan kaya napunta sa list ni Tiffany ang kumpanya ni Seth. Masyado kang bulag sa galit mo kaya hinayaan kitang gawin lahat ng gusto mo. Akala ko nga tatapusin mo na ang mission namin pero hindi pala. May