Share

CHAPTER 10

Habang mahimbing pa din na natutulog ang dalaga. Tatlong nurse ang pumasok sa kwarto upang imonitor ang lagay nito.  

" Napakaganda niya no? Pati ang kutis, napakaporselana. Para bang naliligo sa gatas" nakangiting ani ng isang nurse na siyang nagpupunas ng pisngi ng dalaga. 

" Sinabi mo pa, pati ang mga mata niya ay hindi pangkaraniwan. Napakapusyaw na kulay ginto. Hindi kaya, isang siyang dayuhan? " Gatong ng isa pang nurse. 

"Maaari, ang kanyang itsura ay hindi pangkaraniwan sa ating mga pilipino. Ngunit ang impormasyon nakalakip ukol dito ay kabaliktaran." Sagot ng isa pang nurse. " Ang kanyang mga magulang ay parehas na pilipino, " 

" Hindi kaya siya ay ampon? " 

" Manahimik ka, Clara. Marinig ka ng mga binata " saway ng pinaka-matanda sa kanila at siyang tumatayong head nurse. Napatakip naman ng bibig ito kasabay ng pagtingin sa paligid. " Paumanhin" 

" Nakita ko ang mga impormasyong ibibigay ni young master, pati na din ang mga litrato ng pamilya ng dalaga. Magkamukha sila ng kapatid niyang lalaki. Ginto din ang kulay nang kanyang mga mata." Sabat ng isa na nagpupunas sa mukha nito. 

" Kung gayo'y mukhang pinagpala talaga ang dalaga. Maladyosa ang kanyang nakuhang kagandahan." Tumango naman ang dalawa bilang pagsang-ayon. 

" Ito na din siguro ang dahilan kung bakit nagmamadali ang tatlong binata na makita siya. " Hagikgik na turan ng isa. 

" Tama ka dyan. Ako man ay naiinggit sa nasaksihan. Tatlong naggagwapuhang lalaki ba naman ang magmadali upang akong masilayan" 

" Ngunit kaano-ano kaya nila ang dalaga. Malabong maging kamag-anak nila ito. Kilala ang mga apelyido ng tatlong binata sa ating lipunan. " Takhang tanong pa ng isa. 

" Hindi kaya lahat sila ay kasintahan ng dalaga? " 

" Hinaan mo ang iyong boses, Clara. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho. " Saway muli ng head nurse. " Paumanhin, ma'am " 

" Hindi ba natanggal si Faustina matapos kunan ng litrato ang pagdalaw ng binata sa dalawa na nagresulta ng malaking komosyon? Hindi kaya totoo ito? " 

" Maaari"

" Nako kayong dalawa, tigilan nyo nang gumawa ng tsismis sa dalaga. Tapusin na ninyo ang paglilinis sa kanya at marami pa tayong dapat gawin. Paparating na si doktora. " Ani ng head nurse kasabay ng pagtayo nito na siya ding ginawa ng dalawa pang nurse. Naunang lumabas ang dalawang nurse habang ang isang naiwan ay nagliligpit nang ilan pa nilang pinaggamitan. 

Napatingin ito sa dalagang mahimbing pa ding natutulog at hindi maiwasang kuhanan ng litrato. Lingid sa kaalaman ng doktora, siya ang kumuha ng litrato noon sa binata at nagbigay scoop sa mga reporter. 

Dahil sa malimit na pagdalo ni Luther sa mga pampublikong pagtitipon, wala halos makuhang balita ang mga reporter sa binata. Ang dalagang head nurse ay anak ng isang columnists, hindi niya inakala na ang pansamantalang trabahong ito ang magbibigay buhay muli sa trabaho ng kanyang mga magulang

Ang kaylangan na lamang niya ay makuhanan ng litrato ng magkasama ang dalawa. Nang sa ganon ay mas malaking headline ang kasangkutan ng binata, mas malaking pera ang makukuha ng kanyang magulang. 

Nakangiting nakatitig sa litrato ng dalaga saka tumingin dito, " Pasensya na, pero mas mahalaga ang aking mga magulang"

Alam niyang mali ang kanyang ginagawa ngunit para sa ikauunlad nang kanyang pamilya, kaya nyang ipikit ang mata sa kasalanan. 

 Muli ay tumingin ito sa dalaga kasabay nang pagsilid ng cellphone. Siya ay bumulong pa bago tuluyang lumabas ng kwarto, " Bukas ay magiging laman ka ng balita, pasasalamatan mo din ako."

-----

" Have you gathered any information about Le'Roux?" Tanong ni Luther matapos umupo sa swivel chair nito. Kasunod nito ay pumasok na din ang dalawang kasama nito. 

Matapos dalawin ang dalaga kahapon ay nagpatuloy ang tatlong binata sa kanilang misyon at ngayon ay sinisimulan ang panibagong plano. 

 "That clan has been dissolved. According to my source, the founder was assassinated along with his family, but what surprised me was who was behind the assassination," panimula ni Kheed, “Asano.” 

Tahimik naman na nakikinig lamang ang dalawa habang pinapakinggan ang impormasyong dala ng kaibigan. Why would Asano murder their ally? Aren't they the clans that murdered his parents?  

"The only thing I see around here is power. They could be fighting each other to see who is superior." Pag-analisa ni lucas sa sitwasyon na kumuha ng pagsamg-ayon sa dalawa. "That could be the case. “ 

"Then I don't think we'll get any on that clan," sabi pa ni Lucas.

"There is," sagot ni Kheed kasabay ng pagguhit ng ngisi sa mga labi nito, "their child was still alive." “   

"How can that be when both of his parents were murdered?" Takhang tanong ni Lucas habang si luther ay tahimik pa ding nakikinig. 

"I'm not sure, but it appears that they were successful in saving the child."

"What was its age?"" Luther inquired, his mind sculpting a devious plan.   

"The assassination occurred eighteen years ago, so it was most likely eighteen."

Luther remained motionless for a time before turning to face his two companions. "Look for the missing child." If I don't kill his parents, he'll have the honor."   

" That's a good idea; leave it to me, boss!" Natuwa pang sagot ni Kheed saka kinuha ang kanyang phone upang isagawa ang utos ng mapansin niya ang isang nag-pop up na balita. "Dude..." tawag niya sa atensyon ng dalawa. "What?" 

"You're in the news."

Inabot ni Lucas ang phone dito at nakita na laman siya ng isang column sa dyaryo kalakip ang picture niya kaharap ang dalagang nasagasaan. 

" Lupet ng title, the cold young CEO has melted and has a girlfriend?" Natatawang sabi ni Kheed. " What the fvck!" Iling naman ang naging tugon ng dalawa. 

" Aasahan mo sa media? Gagawin nila lahat para lang tangkilikin ng tao ang tsismis nila." Ani pa ni Lucas. " But on the other hand, pabor ito sa gagawin mong pagpapanggap" 

Sa sinabi ng kaibigan ay hindi na nagreact pa ang binata, Wala din naman siyang pakialam sa sasabihin ng iba. 

" Speaking of her, may naghahanap sa kanya. It was her brother" si Lucas, " sa tagal nawala ng kapatid ngayon lang hinanap" 

" E buti nga hinanap, pano naman yung nanay? " Iling na sagot ni Kheed. " Parang wala talagang pakialam sa anak e" 

" Her mother was sick. " 

" Ow"

"What bothered me was, if she was sick and worried about her daughter, why didn't she ask her son to find her the first day she went missing? Why wait two long months?"Nagtatakang tanong ni Lucas. 

" Yeah, kahit ako nagtataka e" 

" Parang may hindi tama sa pamilyang yon" Sabi pa ni Lucas. 

" E baka nga kase wala talagang pakielam kay Samantha, " sagot ni Kheed. " Anyways, bibisita ba tayo ulit?"

" Yeah, we have to start with his plan," sagot naman ni Lucas. " But I won't be joining you. Pupuntahan ko ng nanay nito. I need to get her cooperation on this matter. " 

Tumango naman si Kheed dito. " And I want you to teach him how to be a boyfriend." 

" My pleasure" Nakangising sagot ni Kheed. " I don't need him for that. I can do it my way" iling na sagot ni Luther dito.

" Pano? Yung susugurin mo na halos lumiyab na yung mata mo sa galit? Tingin mo maniniwala yung babae sayo? " Tanong naman ni Lucas. 

" I'm not gonna do that. " 

" Then tell me how you're going to do it?" Parehas nakatingin ang dalawa dito." It's a secret." 

" Secret daw. Wala ka lang plano e. Sabihin mo lang boss, nandito naman ako." Pang-aasar pa ni Kheed. " I don't need your help" 

" Okay, but I know you're gonna need me later" Nakangising sabi ni Kheed na hindi na pinansin pa ng binata. Iling naman na nakatingin dito si Lucas. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status