Share

CHAPTER 9

Chapter 10

Samantha's POV

" Oh my god! Doc! Gising na siya!" 

Isang boses ng babae ang umagaw ng aking atensyon, hirap man ay pinilit kong idilat pa ang aking mga mata. Saglit pang naging malikot ang aking mata, naghahanap ng ibang makikita bukod sa kulay outi sa aking harapan. Patay na ba ako? Eto na ba ang langit?

" Isa itong himala." 

" Tawagan ninyo si young master at ibalita ang paggising niya" 

Patuloy kong naririnig ang mga boses malapit lamang sakin. Ganito ba talaga kaingay sa langit? pero kung patay na nga ako at ito na ang hangganan ay bakit ramdam ko ang kirot sa aking buong katawan?

Lumingon ako sa paligid at nakita ang mga babaeng nakaputi na pari't-parito sa kwarto, nagmamadali sa kanilang bawat kilos. 

Lumingon pa ako sa paligid at nakita ang laman ng istraktura. Isang itong kwarto na kulay puti at kahoy. Wala ito ganong disenyo ngunit kung titignan ang buong kwarto ay halatang pinagkagastusan. Mula sa cabinet, sofa at maging sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Mayroon ding napakalaking salamin malapit sa aking kinahihigaan na sa tingin ko ay libo ang halaga. Sigurado akong ang lugar na ito ay pang-mayaman. 

Pero... Nasaan ba ako? Hindi ko tanda ang lugar na ito... Hindi kaya isa lamang din ito sa aking panaginip? 

Pinilit kong muli ang aking mga mata saka ito muling idinilat ngunit ang lugar ay hindi nabago. Inulit ko pa ito nang ilang beses ngunit talagang ang lugar ay hindi nagbabago. 

Kung hindi ito isang panaginip, nasaan ako? Bakit hindi ko kilala ang lugar na ito?

" I'm glad your awake, finally!" Narinig ko ang boses nang isang babae na tingin ko ay may katandaan na. Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses at nakita ang isang ginang na malapad na nakangiti sa akin. Ginang na hindi ko din kilala. " Napakadaming naghihintay sa iyong paggising." 

" S-Sino k-ka? " Hirap man ay nagawa ko ding makapagsalita. Ngumiti ito sa akin, " I'm your doctor. Ako ang gumagamot sainyo, hija" 

" B-bakit po? B-bakit k-kaylangan ko n-nang doctor? M-may s-sakit po b-ba ako?" Utal na tanong ko; hirap pa din sa pagsasalita, ramdam ang kirot sa pagitan nang aking panga. 

" Naaksidente ka, hija. At napakatapang mo, nagawa mong laban ang kamatayan" ngiti pang Sabi nito na hindi tinatanggap nang isip ko. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nito. " Natural lamang na maguluhan ka sa mga sinasabi ko, dalawang buwan ka ding nawalan ng malay." 

" N-nasaan po b-ba ako? A-anong nangy-yari sa a-akin? B-bakit ako n-nandito? A-anong aksidente?" Naguguluhang tanong ko. 

" Nandito ka sa isang pribadong Lugar upang magamot. Nabangga ka nang kotse at dahil doon ay nagtamo ka ng mga injuries. Kaya ka din hirap mag-salita ay dahil na din sa tinamo mong pinsala. " Ngunit kahit na anong sabihin nito ay naguguluhan pa din ako, hindi maalala ang mga sinasabi nito, " H-hindi ko p-po m-matandaan... " 

Nawala ang kaninang ngiti sa mga labi nang ginang, " Hindi mo ba natatandaan ang aksidenteng kinasangkutan mo, hija? " 

Naguguluhan man ay pilit kong inaalala ang sinasabi nito ngunit walang lumalabas na sagot sa aking utak. Umiling ako dito. Tumango naman ito bago uliy nagtanong, " How about your name? Can you tell me your name? " 

Ibinuka ko bibig ko para sana sumagot nang bigla akong matigilan, " bakit hija?" 

Tumingin ako dito kasabay nang mamumuo nang mga luha sa gilid ng aking mga mata, " H-hindi ko po a-alam... " 

" Hindi mo matandaan ang pangalan mo?" Hirap mang igalaw ang ulo ko ay nagawa ko pa ding tumango. Ganon din ang ginawa nang ginang. Hindi ko alam kung naintindihan ako nito ngunit matapos nitong tumango ay nagpaalam na ito sa akin at nakipag-usap sa mga babaeng nakaputi. 

Naiwan ako sa kwarto na gulong-gulo ang utak, laman pa din ang mga katanungan ng ginang kanina.

Hindi ko matandaan ang aksidenteng sinasabi nito, ngunit ang mas lalong nakakapagpagulo sa akin ay papaanong hindi ko matandaan ang sariling pangalan? 

Tumungo ako upang makita ang aking kabubuan ay dito ko lamang nakita ang bendang nakabalot sa aking braso pati na din ang makapal na puting tela sa aking kanang binti. 

Mukhang totoo ang sinasabi nang ginang na ako ay naaksidente ngunit pano nangyaring hindi ko ito matandaan? Bakit maging ang sarili kong katauhan ay wala akong alam?

Tumingin pa ako sa paligid at napansin muli ang malaking salamin sa gilid. Iniisip na maari kong maalala ang pangalan kung sa aking makikita ang itsura. Pinilit ko ang sariling tumayo ngunit ang tangi ko lamang magawa ay makaupo sa gilid ng kama. Makirot, hindi ko kaya ang sakit na nangingibabaw sa aking katawan. 

Nasa ganitong posisyon ako nang marinig ang malakas na pagbukas nang pinto. Ramdam na may pumasok. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ang tatlong naggagwapuhang lalaki.

Lahat sila ay biniyayaan nang magandang mukha ngunit ang lalaking huling pumasok ang nakakuha nang aking atensyon. Bukod sa matipuno at kaakit-akit nitong mukha ay pumukaw nang pansin niya ang mga mata nakakalusaw ng tingin. 

Ngunit ang kaninang paghangang aking naramdaman ay napalitan nang takot nang nagsimula itong magsalita, " tell me what you see," 

Nanginig ang aking kaibuturan. Hindi inaakala ang gwapong mukha nito ay kayang magbigay ng takot sa eistema ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang aking nagawa para masilayan sa mata nito ang galit. Ano bang nagawa kong mali sa kanya? Bakit parang galit na galit ito sa akin?

Kahit ang kasama nitong binata na kanina pa nakangiti sa akin ay hindi ko magawang gantihan ng ngiti, takot na sa magiging dulot nito sa sitwasyon. 

Mabuti na lamang at nagawang palabasin ng nagpakilala sa aking doktora ang mga lalaki. 

Dito na bumuhos ang luha ko. Luhang kanina ko pa pinipigilan dulot ng takot na naramdaman sa lalaki. 

Hindi ko alam kung anong kasalanan ko... Hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin, papaano ko siya masasagot kung kahit ako naguguluhan sa mga itinatanong niya? 

Papaano nangyari saakin ito? Bakit hindi ko alam ang ibig nilang sabihin? Bakit maging ang aking pangalan ay nagawa kong makalimutan? Ano bang nangyari? 

Baluktot na pinahiga ako ng mga babaeng nakaputi bago ako turukan sa braso ng hindi ko malaman kung ano. Dito ko lang din napansin na tumutulo na pala ang aking mga luha habang pilit na inaalala ang gustong malaman ng nakakatakot na binata. 

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang aking mga matang bumibigat hanggang sa hindi ko na ito napigilan pa. Ngunit bago ko pa man maipikit ang aking mga mata ay nakita ko sa bintana ang mukha ng binatang nakakatakot na nakatingin na puno nang galit ang mga mata. Anong nagawa kong mali?

-----

" Are you sure about that, bro? You know I can take your place, just like what we used to do on the mission" ngiting tanong ni Kheed sa kaibigan kasabay ng pag-upo nito sa isa sa mga kwarto nang pribadong bahay nina Lucas. 

" No, I'm going to do this thing myself." Seryosong sabi ni Luther sabay sindi ng sigarilyo. 

" Why do you have to that far just to keep her close? Don't tell me, nahulog ka na?" Tanong naman ni Lucas na siyang katabi ni Kheed at naglilinis ng kanyang salamin sa mata. " Hell no!" 

" Then why? Kung tutuusin hindi mo na kaylangang gawin pang magpanggap at ubusin ang oras mo sa babaeng yon. She doesn't remember a thing! " 

" Oo nga, kapag naman may mga kaylangan gawin, iniuutos mo na lang samin. Bakit ngayon ikaw pa ang kilos? Yung totoo? Nagandahan ka din, no? " Sali din ni Kheed sa usapan na may halong pang-aasar pa sa tono nito.

Nagbuga ng usok ang binata, " loving was the least thing I would ever do. My revenge will always be my top priority." Lumingon sa dalawa. " She was the thorn I need to take off my vein in order to keep the blood flows again." Sabi nito na siyang naintindihan ng dalawa. 

Ang babae ang itinuturing ng binatang sagabal sa kanilang misyon at upang maipagpatuloy nila ang plano ay kaylangan masiguro nilang hindi hahadlang ang babae sa kanilang mga balak. 

" What if, she does really doesn't remember anything? You would just be wasting your time instead of focusing on our mission. Remember Luther, this is not just about your parents. " Ani pa ni Lucas na hindi pa din sang-ayon sa desisyon ng kaibigan. 

" I know. That's why I'm going to exposed her little act in a matter of time. And this will not affect our mission. We're going to continue as planned." Sagot ni Luther. 

" But how are you going do it? You don't have any experience about love" tanong muli ni Kheed na nagpatigil sa binata. " You know, pretending means you really must act like his boyfriend. So kaylangan mong umarteng sweet sa kanya." 

Hindi ito napaghandaan ng binata. Ang tanging nasa isip lamang niya ay manatiling malapit ang dalaga upang masigurado ang kanyang sikreto ay mananatiling nakatago. " I don't think I have to do that... All I have to do was to tell her, I'm her lover." 

Natawa naman parehas ang dalawang binata, " paano sya maniniwala? Dude kung gusto mong gawin yang plano mo, e kaylangan mong umarte. Aba hindi ata madali ang trabaho ko" Ani ni Kheed patungkol sa madalas nitong pagpapanggap bilang si Luther. 

" Looks like even before he start his new mission, problems are popping up on his way" natatawang komento naman ni Lucas. Masamang tingin lamang ang pinukol ng binata sa dalawa, hindi magawang gumanti dahil na din tama ang mga sinabi nito.

" Well, If you like, you can take classes from me, it's one hundred percent free, " ngising pang-aasar pa ni Kheed na dumagdag sa inis ni Luther. " No need. I'll do it my way" sagot nito saka muling humithit ng sigarilyo. Tinawanan lamang naman ito nang dalawa, iniisip kung papaanong pagpapanggap ang gagawin ng kaibigan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status