Share

CHAPTER 6

" Shit... Seryoso? " mura ni Kheed sa narinig samantalang wala man lang reaksyong makikita sa binatang nakasagasa. 

" Malakas at matindi ang naging pagbangga sa kanya. Some tissues from her brain ruptured that the doctor needs to operate her for twenty hours straight. It's actually a miracle that she stays alive seeing how much she suffered from the crash. " Dagdag pa ni Lucas.

" E yung mukha nya? May bangas ba?" Tanong muli ni Kheed. " Seriously? Yung mukha nya pa din ang iniisip mo? 

" Aba! Iilan lamang ang mga nabibiyaan ng ganong kagandahan kaya kaylangang pakaingatan" iling na lamang ang naging sagot ni Lucas dito. " In any case, this is still a problem to us. The longer she falls into coma, the longer we wait. " 

" Do we have to pause our operation as well?" Tanong ni Kheed. 

" I guess. We need to laylow for now until we make sure we fix this mess first. " 

" Ano na nga palang balita sa Asano? May ginawa ba silang habang matapos ang naudlot nilang operasyon? " Tanong muli ni Kheed. 

" Tahimik ang partido nila, mukhang hindi nila gustong malaman ng X Organization ang nangyare ngunit ang mga Lopez ay masugid pa ding hinahanap ang nagnakaw ng kanilang kayamanan. Patuloy pa din ang imbestigasyon sa nangyari. " sagot muli ni Lucas. 

Tango lamang ang naging sagot ni Kheed katulad nang kanilang pinuno na kung titignan ay matiim na nagtatrabaho ngunit ang utak nito ay nasa operasyon at sa nagawang pagkakamali. 

He supposed to focus on their operation yet because of a single mistake he has to halt their mission kung kaylan nakabangga na nila ang matagal na nilang minamatyagan. 

The reason why he entered this world of violence, the clan who killed his parents and the one he wants to punish. 

Mahigpit ang naging magkapit ni Luther sa papel na hawak dahilan upang ito ay malukot. Nagkatinginan naman ang dalawa nitong kaibigan batid ang nararamdaman ng binata sa sitwasyon ngunit wala silang magagawa kung hindi ang maghintay na magkamalay ang babae bago gumawa ng panibagong hakbang. 

Hindi na pinansin pa ang kanilang kaibigan ay kinuha na muli ni Kheed ang kanyang phone para sana maglaro ng mabasa ang isang mensahe galing sa kaalyadong grupo. 

" Dude, you won't believe this." Ani niya saka pinakita ang mensaheng natanggap. 

" Looks like we made a big impression" Ani ni Lucas matapos mabasa ng natanggap na mensahe ni Kheed. 

Base sa sinabi ng kaalyadong nilang grupo, lihim ang pagkilos ng Clan na ito sa lahat ng kanilang operasyon ngunit matapos ang ginawa nilang pag-hijack sa dapat sanang trading nila ng Lopez ay naging kapansin-pansin ang paghahanap ng mga tauhan nito. 

Isa lamang ang nasa isip nila, iyon ang kung hindi sila. 

" Natupad na ang gusto mong mangyari" Ani pa ni Lucas na nakatingin sa binatang ngayon ay nakangisi. 

" Natupad nga, ititigil naman muna" sali ni Kheed na siyang nagtanggal tuwa sa kaibigan. 

" We have to take precautions. It's not safe to proceed with a problem. And I think it's better to have it that way, para mas lalo silang mabaliw kahahanap sa atin" tumayong sabi ni Lucas saka sumilip sa salaming bintana ng opisina. " That way we could think more on our next step." 

Tango ang naging pagsagot ni Kheed, wala namang ibang makikitang reaksyong pa sa kaibigan nila bukod sa natural nitong expression. 

Lumipas ang maghapon at imbis na sa lihim na meeting sila magpunta ay sa private resthouse ng pamilya ni Lucas ang tuloy nila. Diretsong pumasok sa kwarto kung saan nandoon ang babaeng natutulog. 

" How is she?" Tanong ni Lucas sa doctor na nagbabantay dito. "Comatose pa din ang ating pasyente at walang makapagsasabi kung kaylan ito gigising. Tanging siya na lamang ang maaaring tumulong sa kanyang sarili. " 

Buntong-hiningang naman ang naging sagot nang dalawa maliban sa dahilan kung bakit walang malay ang babae. Walang makikitang awa sa Mukha ng binata bagkus pagkainis ang nakalarawan dito. Inis na hindi nila maaring ituloy ang operasyon hanggat ito ay nasa ganitong kalagayan. 

" Kamusta doc yung mukha nya? May mga bangas ba? Nako doc! Please! Gawan nyo ng paraan, sayang ang ganda nya! " ani naman ni Kheed na nagpangiti sa doctor. " Wag kang mag-alala. Ginagawa namin ang lahat para sa dalaga. Kahit kami ay nagulat nang ito'y aming malinisan. Napakaganda at mala-anghel pala ang kanyang itsura. Kami man ay manghihinayang kung ito'y magagalusan ng permanente. " 

" Buti naman doc, kinakabahan talaga ako don e! " nakahinga nang maluwag na sagot ni Kheed. Iling naman ang ginawa ni Lucas na nakatingin sa kaibigan. 

" ngunit may dapat pa kayong malaman tungkol sa kalagayan nya. " Napatingin ang dalawa sa doctor, naghihintay na muli itong magsalita. " Bukod sa mga nakuha niyang injuries sa pagkakabangga sa kanya, may mga nakita kaming fractured bones sa ilang parte na katawan nya na nakakapagtakang ibat-iba ang time frame." 

" Ano hong ibig nyong sabihin? " Tanong ni Lucas. " Looks like she has been physically abused." Napatingin naman agad ang dalawa sa babaeng tahimik pa ding natutulog. 

" Mukhang hindi maganda ang naging trato sa kanya ng kahirapan" awang Sabi ni Kheed habang nakatingin a dalaga. " But who would do that to her?" 

" Hindi kaya pamilya nya? Kase tignan nyo oh dalawang araw na ang nakakalipas pero wala pa din tayong naririnig na naghahanap ng anak." Sabay ni Kheed na nagbigay katanungan sa isip ni Lucas. " maaari. Pero wala tayong kasiguraduhan." 

" E kung wag na kaya natin syang ibalik? Wag na nating ipaalam na nandito sya" Sabi pa ni Kheed. " Hindi natin yon pwedeng gawin. Nakabangga na nga ito, kikidnapin pa natin edi mas lalo tayong nagkaron ng kaso. " 

" Kayo ang nakabangga sa dalaga? " Gulat na tanong ng doctor nang marinig ang sinabi ni Lucas. Buntong-hiningang namang wala nang nagawa ang binata kung hindi ng tumango. " It's an accident though." 

" Mukhang mabilis ang inyong pagpapatakbo para tamuhin ng babae ang napakalaking pinsala sa katawan nya. Maging maingat na kayo. " Tugon ng doctora. Tango ang naging pagtugon ng dalawang binata samantalang ang taong dahilan ng kanilang problema ay nakatingin pa din sa babae nag-iisip kung sa papaanong paraan nila magawang gisingin ang dalaga. 

Narinig niya ang sinabi ng doctora ukol sa dalaga ngunit hindi na niya ito problema. Mas madami at malaki ang kaniyang kinahaharap sa ngayon para problemahin pa ang pribadong buhay ng dalaga. 

Nakaalis na ang doctora ngunit ang tatlo ang nanatili pa din sa kwarto. Nag iisip nang susunod nilang hakbang habang wala pang malay ang babae. 

" I really think we should keep her. She in danger" Ani ni Kheed na nasa ulunan ng dalaga. 

" You know we can't. There is a higher chances that our operation will be exposed if we do. " Mariing tanggi ni Lucas. 

" They doesn't even care about her!" Pakikipagtalo pa ni Kheed dito. 

" Ganyan na ba talaga kalala ang pagkahumaling mo sa babae para gustuhin mong itago ito? " inis na tanong ni Lucas sa hindi makaintinding kaibigan. 

" No, I just don't like the idea of her getting hurt again, she might die" mahinang sagot ng binata dito. Napabuntong hininga si Lucas naintindihan na ang pinanghuhugutan ng kaibigan." Si Stacy ba?" 

Bigkas niya sa pangalan ng babaeng mahalaga sa buhay ng binata. Hindi naman sumagot ito sa halip ay tumingin lamang sa dalaga. 

" Hindi porket nangyari kay Stacy iyon ay mangyari din sa iba ito." Ani pa ni Lucas. 

" That's what I told her when I told her not to involve herself on that fvcking lovebirds" kita ang hinanakit sa mga mata ni Kheed sa pagsagot nito. 

Hindi niya gusto pang muling balikan ang mapait na nakaraan ngunit nang dahil sa kalagayan ng dalaga y nanunumbalik muli ang matagal na niyang gustong kalimutan. 

Hindi na muling sumagot si Lucas sa nakitang ekspresyon ng kaibigan. Masayahin at makulit ito ngunit kada na lamang mababanggit ng pangalan ng babaeng iyon ay nag-iiba ang timpla nito. 

Nakamasid lang naman ang binatang CEO at nakikinig sa palitan ng salita ng dalawa. " I think he's right. It better we keep her." 

" What? Are you out of your mind? " Gulat at inis na tanong ni Lucas dito. Hindi naman nabago ang ekspresyon ng binata. " She saw my face and if we are really taking the situation under control, we should keep her close. " 

" But she has family! How can we explain that to them? " 

" Then think of an excuse that we can use to let her stay with us. " Ani pa ng binata na nagbigay ng panibagong problema kay Lucas. 

Nauunawaan niya ang point ng kaibigan ngunit mas magiging mapanganib kung itatago nila ang babae, bukod sa maaari silang kasuhan ng kidnapping ay maaari din malaman ng dalaga ang sikretong katauhan ng kaibigan. " No there's no way we could think of an excuse---" 

" How about we tell them she's in a relationship with one of us? " Putol ni Kheed sa sasabihin pa ni Lucas. 

" No, no, no. That's the dumbest excuse I ever heard " iling na sagot ni Lucas. " Why? That's the most natural excuses on why would a girl stay with a guy. " Pagtanggol pa ni Kheed sa sariling ideya.

" He's right though" sang-ayong sabi ni Luther na nakapagpagulat sa dalawa. Ang tanging nasa isip lamang ay ang mahawakan sa ulo ng dalaga. 

" See? I told you dude! Maganda ang idea ko! " 

" Then that wouldn't be me. I won't be dealing with it. " pag-ayaw ni Lucas hindi dahil hindi niya gusto ang dalaga ngunit hindi niya gustong may makaalam nito. 

" I would gladly do---" 

" No, you are morethan dangerous when it comes to girl. Baka magulat na lang kame hindi pa gising to nabuntis na agad" iling na pagtanggi ni Lucas. 

" Grabe ka naman sakin oy! Hindi ko naman gagawin Yan! " 

" Mas mabuti na ang nag iingat. Baka imbis na reckless driving at kidnapping lang ang ikaso sa atin madagdagan pa ng rape" 

" Grabe ka naman, e sinong gusto mo? Eto? E wala ngang interes to sa babae" turo ni Kheed sa binatang nakatingin lamang sa dalawa. " Don't involve me to that" 

Tumingin naman si Lucas dito saka ngumisi, " tutal ikaw naman ang may gawa nito at sang-ayon ka naman sa ideya ni Kheed bakit hindi na lang ikaw?"

Malakas na iling ang naging tugon ng binata, " Hell no!" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status