Share

Chapter 7

IRITANG nilapag ni Tanya ang cellphone niya saka binukas ang libro at nagbasa na lang. Puro mukha ni Sixto ang nasa newsfeed niya kasama ang iba't ibang babae nito. Hindi niya alam kung bakit siya naiirita ngayon gayong binasted naman niya ito. She can't share her self to anyone as of now because of her studies. Alam niyang hindi niya dapat nararamdaman ang gano'ng klase ng pakiramdam dahil unang una wala time doon.

Isang tikhim ang pumukaw sa kanyang atensyon. Hindi pala siya nag-iisa sa school canteen ngayon. Kasama niyang nakatambay doon si Dessa - ang tanging kaklase niya na kinakausap niya. Silang dalawa lang ang magka-vibes nito at sinasakyan din nito ang pagiging introvert niya minsan. Sa katunayan, na-recruit na niya ito sa korean drama land.

"Hindi na nagtuturo si Prof. Altamirano dito. Balita ko abala na siya sa negosyo niya kaya nagresign na," Yeah, busy sa MSC at sa mga babae niya. Gusto niya sahihin iyon pero kakaunti lang kasi ang nakakaalam na related siya sa may-ari ng MSC. Akala ng lahat kaapelyido niya lang ang mga ito at tanging faculty lang ang nakakaalam ng totoong ugnayan niya sa mga Morales. "Na-try mo na makipag-relasyon sa mas matanda sa 'yo?"

"Huh? Ano ka ba? Wala akong time sa ganyan," aniya dito.

"Oo nga pala pero tingin ko kailangan mo subukan minsan para naman hindi ka puro aral. We need sometimes a breather, you know. Ako, kuntento na ako sa partner ko, no commitment at expectations. Mas madali iyon kaysa sa boyfriend, Tanya," suhestyon sa kanya ni Dessa.

"Ano ba 'yan, Dessa? Seryoso ka ba dyan? Paano kung magkasakit ka? Mabuntis gano'n?"

"May protection naman saka exclusive kami meaning we don't share each other to everyone,"

"Ewan ko sa 'yo." Naiiling siyang nagbasa ulit ng mga notes niya.

Liberated, iyon ang isang salita na maari niyang ipanglarawan kay Dessa. Laking America kasi ito kaya na-adapt nito ang ugali ng mga kano. Nag-click pa din sila kahit gano'n sobrang magkaiba ang ugali nila. Hindi na siya kinulit ni Dessa pero bago sila bumalik sa classroom nila panay pa din ang kwento nito sa kanya tungkol sa mga ginagawa nito at ng partner nito. Polluted na ang utak niya dahil hindi lang naman niya kay Dessa nadidinig ang mga iyon kung 'di lahat ng kaklase nila.

After class nila, sa isang bar siya inaya ni Dessa. Friday naman at wala sila pasok ng weekend kaya ayos lang na magliwaliw sabi ng kaibigan niya. She just sat on the bar counter and watched the bartender performs in front of her. Panay ang kindat nito sa kanya at tingin pero inignora niya lang ito.

'Di kaya may problema siya paningin?

Inabutan siya ng bartender ng inuming tinimpla nito saka kinindatan siya ulit. Akma niyang iinumin sana iyon ngunit may umagaw na siyang dahilan sa paglingon niya. Halos malaglag ang panga niya nang masino ang umagaw na iyon sa inumin niya. It was Sixto whose wearing short sleeves button down shirt, slack pants and white sneaker. Inisang lagok nito ang inumin saka hinila siya paalis doon. Dessa called her name from the crowd but she couldn't response because Sixto was pulling her outside that bar.

Nang makarating sila sa parking lot, marahas niyang binawi ang kamay niya dito habang ito naman napasandal sa kotse nito. Muli nitong hinawakan ang kamay niya nang akma siyang tatalikod. "Don't go back there. Drinks has drugs and if you drink they will take advantage on you,"

"Y-yung ininom mo may drugs? Bakit mo ininom?" Sunod sunod niyang tanong.

"Its fine isang baso lang naman," anito dahilan upang hampasin niya ito. Hindi niya maiwasang mag-alala at magpasalamat din dahil nailabas siya nito agad doon bago pa mangyari. Sasabunutan niya talaga ang kaibigan niya kapag nagkita sila sa Lunes. "Alis na tayo dito," pag-aya nito sa kanya. Hindi naman siya tumanggi pa at sumakay na sa sasakyan nito. Nilabas niya mula sa bag niya ang water jug niya saka inabot dito.

"Uminom ka ng tubig para bumaba yung alak sa sistema mo," aniya dito.

"Thanks!" He said and accepts her water jug. Uminom ito doon at halos maubos ni Sixto ang laman noon. Binalik nito sa kanya ang water jug saka nag-umpisa na mag-drive paalis doon. Parehas silang tahimik habang nasa biyahe hanggang sa lumiko ang sasakyan sa isang coffee shop. "I have to pee. May gusto ka ba ipabili?"

"Wala bilisan mo na lang," Hindi naman na ito nagtanong pa at tuluyan nang bumaba. Matamang niyang pinanood ito papasok sa coffee shop at agad na dumirecho sa cr. Kakaunti lang ang tao sa loob kaya madali niya lang itong nakita. Her attention diverted to Sixto's phone that he left there. Dinampot niya iyon saka tiningnan ang mensaheng pumasok. It was a text message from Alfred and because it has no password, she easily opened it. Curiousity made her nosy sometimes.

From: Alfred Morales

Baliw ka na talaga, Sixto. Bakit hindi mo magawang pigilan sarili mo? Anyway, wala na ako magagawa kung 'di hayaan ka basta hindi ka magiging distraction si Tanya. I'll beat you to death if ever you hurt her. Understood?

From: Alfred Morales

Takte pati pagiging celibate mo sa akin mo sinisi. Hindi katulad ng mga babae mo si Tanya. She's very dear to me so I'll assumed that you'll take care of her and not play with her heart.

Agad niya nabalik sa lagayan nito ang cellphone ng makita niyang pabalik sa sasakyan si Sixto. Umakto siyang parang walang nabasa pero hindi niya magawang makalimutan ang mga eksaktong salitang binitiwan ni Alfred kay Sixto via text. What does it mean? Hindi naman niya nabasa ng buo ang convo ng dalawa kaya wala siyang ideya talaga.

Half of her is sure that its all about courting her. Napaisip siya kung nagpaalam ba ito sa pinsan niya tungkol doon? Pero binasted na niya ito hindi pa 'man ito nakaka-first move. Hindi ba uso dito salitang sumuko? He's really a pain the in the ass. Her trouble if ever she would let him in. She deeply sigh.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status