Lizabeth's POV
"Isang pink lemonade, milktea na taro, wintermelon, at lichee flavor."
Inililista ng waiter sa isang maliit na papel ang lahat ng sinasabi ni Irene at saka na ito umalis. Imbis na sa school ang punta ay dito ako dinala ng tatlo sa pinaka malapit na tea shop.
Nasa harap ko si Weslynn at Irene habang katabi ko naman si Kevin.
"So, pwede bang i-explain mo sa amin ang nangyayari? Kung bakit nasa mansyon ka ni Kenzo Navarro, ang sikat na artista, at kung anong ginagawa mo doon?" wika ni Welsynn na imbis na nakatutok sa cellphone ay naka focus din sa akin.
Itatanggi ko pa ba? Nakita na nila eh, caught in act na 'ko imposibleng maniwala pa sila sa alibi ko. Siguro ito na nga ang tamang oras para malaman nila ang katotohanan.
"First of all, ipangako niyo munang lahat ng malalaman niyo ay mananatili lang sa ating tatlo," seryoso kong s
(Continuation of chapter 27) Lizabeth's POV "Pasensya na kayo sa inasal ko kanina. Ayaw ko lang kasi na may ibang taong tumutungtong sa mansyon lalo na kung walang permiso ko," mahinahong wika ni Kenzo. Kumakain na kami ngayon ng hapunan kasama pa din ang mga kaibigan ko. Akala ko nga ipapakaladkad niya palabas kanina sila Irene nang makita niya kaming magkakasama sa lobby. Mabuti na lang ay kumalma siya nang sabihin kong mga kaibigan ko sila. No'ng una ay medyo nainis siya pero sa huli ay wala na siyang nagawa kundi ang kilalanin sila Irene, Welsynn, at Kevin. "O-okay lang, ano ka ba?! A-ang gwapo mo pala talaga sa personal," saad ni Irene habang hindi maalis ang tingin kay Kenzo. Kanina din ay parang natuod sila sa kinatatayuan nang lumapit na sa kanila ang lalaking 'to. Hindi ko na ata mabilang sa daliri sa kamay at paa kung ilang beses nilang binanggit
Third Person's POV "Argh! Bakit ba kasi hindi pa maghiwalay ang dalawang 'yan?!" Hinawi lahat ni Allyson ang mga gamit sa kanyang lamesa kaya nahulog itong lahat sa sahig at ang iba ay nabasag. Padabog itong umupo sa couch at saka napamasahe sa sintido niya. "Destroy all you can, Ally." Sa harap naman niya ay nakaupo si Luis habang abala sa pagbabasa ng libro. Naka-dekwatro pa ito. "Para namang walang nangyayari sa ginagawa natin, Luis! Akala ko ba maayos na kayo ni Lizabeth?" Sinarado ni Luis ang binabasang libro at saka ito inilapag sa lamesa. Walang emosyon niyang tiningnan ang dalaga na kanina pa namumula ang pisnge dahil sa galit. "Yes, we are. Pero parang iniiwasan naman niya 'ko," tugon nito. Napairap na lang ang babae at kumuha ng sigarilyo mula sa drawer sa ilalim ng center table. Sinindihan naman niya ito ng
(Continuation of chapter 28) Lizabeth's POV Nilamutak ni Kenzo ang papel kung saan nakasulat ang mensahe mula sa kahon. Madilim din ang mukha niya na parang makakapatay ng tao anytime soon. "Haven't you seen any suspicious people lately at your school?" tanong niya sa mababang tono. Nakaupo siya sa swivel chair niya habang ako naman ay nasa couch katabi si Lloyd dito sa loob ng office niya. "W-wala. Bigla na lang may lumapit na bata kanina sa akin tapos binigay 'yan. Sigurado akong binayaran siya ng kung sino man ang nagpabigay ng regalo na 'yan," tugon ko. "Actually, this is not a present. This is a death threat," wika niya na pinapatungkulan ang pulang regalong nasa ibabaw ng desk niya. Para bang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Death threat, ibig bang sabihin, gusto ng nagpapabigay nito na mamatay ako? "May kaaway ka ba, Beth?" tanon
Lizabeth's POV Puti. Bakit puro puti ang nakikita ko sa paligid? Patay na ba 'ko? Dahan-dahan kong iminulat ang pakiramdam ko'y napapagod ko ng mga mata. Sumilay agad sa akin ang puting kisame. "Beth? Finally, you're awake." Napalingon ako sa aking kanang bahagi nang may marinig akong pamilyar na boses ng lalaki. Nakangiti siya sa akin habang nakaupo sa kamang hinihigaan ko. Dahil sa hitsura ng silid, sigurado akong wala ako sa mansyon kundi nasa ospital ako. Dahil sa wala pa 'ko sa ulirat ay hindi ko na nasagot pa ang sinabi niya. Ano bang nangyari? Bakit ako nandito? Pinilit kong alalahanin ang huling nangyaring naaalala ko. Gabi na no'n at kakatapos ko lang kausapin sa video call ang mga kaibigan ko. Tapos nakaramdam ako ng uhaw at pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. May narinig akong kalabog na nagmumula sa likod-bahay ng mansyon kaya pinuntahan
(Continuation of chapter 29) Lizabeth's POV Nagising ako sa ingay na nagmumula sa baba. Napansin kong may konting siwang ang pintuan ng kwarto at nakalimutan sigurong isarado. Pagbangon ko ay tiningnan ko ang oras mula sa wall clock na nakasabit sa taas ng pintuan. 1:37 p.m Ang tagal ko palang nakatulog. Bumangon na ako sa kama at diretsong nagpunta sa baba. Nakita ko ang bukas na pintuan ng silid kung saan makikita ang mala cinemang big screen. May mangilan-ngilang lalaki ang naglalabas pasok dito papunta sa labas ng mansyon. Napatigil ako sa tapat ng kusina kaya pumasok na ako doon. Sinalubong ako ni Faye na nakasuot ng apron. "Hi, Ma'am Beth! Nagugutom po ba kayo? Ipagluluto ko po kayo ng gusto niyo," masiglang wika niya. "Ah... sandwich at juice na lang." Umupo na ako sa bakanteng upuan at pinanood ko lamang ang mga kasambahay
Lizabeth's POV "Katulad kaya ng mga nanay sa teleserye 'yong mother ni Kenzo?" tanong ni Weslynn habang nagtitipa sa kanyang laptop na nasa ibabaw ng center table. "What do you mean?" wika naman ni Irene na sinagot ng tanong ang tanong ni Weslynn. "'Di ba? Like, aalukin ka ng hundred million para lang layuan mo ang anak ko keme-keme. Kapag hindi ka lumayo sa anak ko ipapapatay kita ganern." "Hindi natin alam, pero sana naman hindi maging gan'yan ang sasabihin ng mommy niya. Pakiramdam ko tuloy gusto ko nang lumayas dito sa mansyon," nakabusangot kong tugon. Nandito kami sa library sa mansyon upang gumawa ng research presentation namin. Mabuti na lamang at pinayagan naman kami ni Kenzo, para naman daw hindi ako mag-isa dito. Napagpasyahan kasi ni Kenzo na 'wag muna akong pumasok ng school kaya sila Irene muna ang tutor ko pansamantala. "Hay, naku! Basta kapag may
(Continuation of chapter 30) Lizabeth's POV Nahumaling ako sa ganda ng dagat kaya naman binitawan ko ang kamay ni Kenzo at tumakbo na ako sa puting buhangin habang nakataas ang magkabilang braso at nilalanghap ang sariwang hangin. "Breath taking." Napabulong ako sa kawalan dahil sa sobrang saya. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala dito. "Ehem." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang pagtikhim ni Kenzo. Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang hawak niyang bouquet ng pink roses na nakabalot sa puting tela. "These flowers are as beautiful as you. But the difference between the two of you, they are many but you, you are the only one in my heart," wika niya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. Napahagalpak ako ng tawa at halos mawalan na ako ng hininga. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng oxygen kung sakaling bumagsak na lang ako
Lizabeth's POV Naghahanda na ako para sa aming pag-alis. Sabado na kasi ngayon at ngayon din ang kaarawan ni Lloyd. Syempre wala munang work sila Kenzo dahil imbitado lahat ng mga katrabaho nila. Nakasuot ako ng simpleng pink drop waist style dress na below the knee ang haba at saka two inch sandals na dark pink naman. Tumerno din dito ang pink pouch ko. "Tatawag ka lang ba para mangulit? Pang sampong beses mo nang tumawag simula pa kaninang madaling araw para lang ipaalalang birthday mo!" Napalingon ako sa kakapasok lang na si Kenzo habang nakakunot ang noo at may kausap sa telepono. Base sa pananalita niya ay mukhang si Lloyd ang kausap niya. Sikreto akong natawa dahil sa narinig. Ito naman kasing si Lloyd parang hindi na makatulog. Pinatay niya ang tawag at saka ako nilapitan. "Ano ba 'yan? Ang aga-aga para kayong aso't pusa. Hindi ba pwedeng magk