(Continuation of chapter 28)
Lizabeth's POV
Nilamutak ni Kenzo ang papel kung saan nakasulat ang mensahe mula sa kahon. Madilim din ang mukha niya na parang makakapatay ng tao anytime soon.
"Haven't you seen any suspicious people lately at your school?" tanong niya sa mababang tono. Nakaupo siya sa swivel chair niya habang ako naman ay nasa couch katabi si Lloyd dito sa loob ng office niya.
"W-wala. Bigla na lang may lumapit na bata kanina sa akin tapos binigay 'yan. Sigurado akong binayaran siya ng kung sino man ang nagpabigay ng regalo na 'yan," tugon ko.
"Actually, this is not a present. This is a death threat," wika niya na pinapatungkulan ang pulang regalong nasa ibabaw ng desk niya.
Para bang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Death threat, ibig bang sabihin, gusto ng nagpapabigay nito na mamatay ako?
"May kaaway ka ba, Beth?" tanon
Lizabeth's POV Puti. Bakit puro puti ang nakikita ko sa paligid? Patay na ba 'ko? Dahan-dahan kong iminulat ang pakiramdam ko'y napapagod ko ng mga mata. Sumilay agad sa akin ang puting kisame. "Beth? Finally, you're awake." Napalingon ako sa aking kanang bahagi nang may marinig akong pamilyar na boses ng lalaki. Nakangiti siya sa akin habang nakaupo sa kamang hinihigaan ko. Dahil sa hitsura ng silid, sigurado akong wala ako sa mansyon kundi nasa ospital ako. Dahil sa wala pa 'ko sa ulirat ay hindi ko na nasagot pa ang sinabi niya. Ano bang nangyari? Bakit ako nandito? Pinilit kong alalahanin ang huling nangyaring naaalala ko. Gabi na no'n at kakatapos ko lang kausapin sa video call ang mga kaibigan ko. Tapos nakaramdam ako ng uhaw at pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. May narinig akong kalabog na nagmumula sa likod-bahay ng mansyon kaya pinuntahan
(Continuation of chapter 29) Lizabeth's POV Nagising ako sa ingay na nagmumula sa baba. Napansin kong may konting siwang ang pintuan ng kwarto at nakalimutan sigurong isarado. Pagbangon ko ay tiningnan ko ang oras mula sa wall clock na nakasabit sa taas ng pintuan. 1:37 p.m Ang tagal ko palang nakatulog. Bumangon na ako sa kama at diretsong nagpunta sa baba. Nakita ko ang bukas na pintuan ng silid kung saan makikita ang mala cinemang big screen. May mangilan-ngilang lalaki ang naglalabas pasok dito papunta sa labas ng mansyon. Napatigil ako sa tapat ng kusina kaya pumasok na ako doon. Sinalubong ako ni Faye na nakasuot ng apron. "Hi, Ma'am Beth! Nagugutom po ba kayo? Ipagluluto ko po kayo ng gusto niyo," masiglang wika niya. "Ah... sandwich at juice na lang." Umupo na ako sa bakanteng upuan at pinanood ko lamang ang mga kasambahay
Lizabeth's POV "Katulad kaya ng mga nanay sa teleserye 'yong mother ni Kenzo?" tanong ni Weslynn habang nagtitipa sa kanyang laptop na nasa ibabaw ng center table. "What do you mean?" wika naman ni Irene na sinagot ng tanong ang tanong ni Weslynn. "'Di ba? Like, aalukin ka ng hundred million para lang layuan mo ang anak ko keme-keme. Kapag hindi ka lumayo sa anak ko ipapapatay kita ganern." "Hindi natin alam, pero sana naman hindi maging gan'yan ang sasabihin ng mommy niya. Pakiramdam ko tuloy gusto ko nang lumayas dito sa mansyon," nakabusangot kong tugon. Nandito kami sa library sa mansyon upang gumawa ng research presentation namin. Mabuti na lamang at pinayagan naman kami ni Kenzo, para naman daw hindi ako mag-isa dito. Napagpasyahan kasi ni Kenzo na 'wag muna akong pumasok ng school kaya sila Irene muna ang tutor ko pansamantala. "Hay, naku! Basta kapag may
(Continuation of chapter 30) Lizabeth's POV Nahumaling ako sa ganda ng dagat kaya naman binitawan ko ang kamay ni Kenzo at tumakbo na ako sa puting buhangin habang nakataas ang magkabilang braso at nilalanghap ang sariwang hangin. "Breath taking." Napabulong ako sa kawalan dahil sa sobrang saya. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala dito. "Ehem." Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang pagtikhim ni Kenzo. Lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang hawak niyang bouquet ng pink roses na nakabalot sa puting tela. "These flowers are as beautiful as you. But the difference between the two of you, they are many but you, you are the only one in my heart," wika niya habang diretsong nakatingin sa aking mga mata. Napahagalpak ako ng tawa at halos mawalan na ako ng hininga. Pakiramdam ko ay kailangan ko ng oxygen kung sakaling bumagsak na lang ako
Lizabeth's POV Naghahanda na ako para sa aming pag-alis. Sabado na kasi ngayon at ngayon din ang kaarawan ni Lloyd. Syempre wala munang work sila Kenzo dahil imbitado lahat ng mga katrabaho nila. Nakasuot ako ng simpleng pink drop waist style dress na below the knee ang haba at saka two inch sandals na dark pink naman. Tumerno din dito ang pink pouch ko. "Tatawag ka lang ba para mangulit? Pang sampong beses mo nang tumawag simula pa kaninang madaling araw para lang ipaalalang birthday mo!" Napalingon ako sa kakapasok lang na si Kenzo habang nakakunot ang noo at may kausap sa telepono. Base sa pananalita niya ay mukhang si Lloyd ang kausap niya. Sikreto akong natawa dahil sa narinig. Ito naman kasing si Lloyd parang hindi na makatulog. Pinatay niya ang tawag at saka ako nilapitan. "Ano ba 'yan? Ang aga-aga para kayong aso't pusa. Hindi ba pwedeng magk
(Continuation of chapter 31) Lizabeth's POV Parehong napatigil sa pagsasalita sila Kevin at Lloyd at sabay na napatingin sa direksyon namin. Nakita ko ang paglikot ng mga mata ni Kevin at nagpatuloy lamang sa pagkain. "Hey! Nandito na pala kayo, have a seat." Kung hindi pa kami inanyayahan ni Lloyd na umupo ay baka nakatayo pa din kami at hindi makapaniwala sa nakita kani-kanina lang. Umupo ako sa tabi ni Kenzo habang sila Weslynn at Irene naman ay sa tabi ni Kevin na simpleng kumakain ng carbonara. "Ikaw, ha. Nauna ka pa palang umalis sa amin, mas excited ka pa ata kaysa kay Lloyd, eh," panunukso sa kanya ni Weslynn. "Ano bang sinasabi niyo?" simple niyang tanong. "Ang sabi kasi ng mommy mo kanina noong dumaan kami sa inyo, pumunta ka daw ng mall. But it looks like the opposite." Gumuhit sa labi ni Irene ang makahulugang ngiti.
Lizabeth's POV "Thank you so much for joining me and my brother in this very special day for me. Na-appreciate ko lahat ng mga dumalo and of course ang mga nagbigay ng regalo. So, tuloy lang ang party hanggang midnight!" Nagsigawan ang mga bisita nang matapos mag-speech si Lloyd. Itinaas namin ang mga mga baso namin na mayroong champagne. "Long life, Kuya!" sigaw ni Luis. "Maging mature ka na! 'Wag ka ng maging isip bata!" Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi ni Kenzo. Matapos no'n ay sabay-sabay naming ininom ang laman ng mga baso namin at saka nagpalakpakan. Madilim na ang paligid dahil seven o'clock na din ng gabi. Nang kumagat ang dilim kanina ay mas lalong lumitaw ang ganda ng bahay nila Lloyd dahil sa mga nagkikislapang ilaw sa buong bahay. "Punta lang akong CR," bulong ko kay Kenzo na nasa aking tabi. Nasa iisang table lang k
(Continuation of chapter 32) Lizabeth's POV "Bye, guys! Thanks for today, sobrang saya ko na nakadalo kayo. Lalo ka na Kevin," wika ni Lloyd. Kakatapos lang ng party. Eleven o'clock na din ng gabi kaya napagpasyahan na naming magpaalam. Hindi ko na sinabi kay Kenzo o sa mga kaibigan ko ang nangyari sa 'kin kanina. Wala namang masamang nangyari sa akin kaya mas pinili ko na lang itago sa kanila. "S'ya nga pala, nakita niyo ba si Luis? Bigla na lang kasing nawala kanina." Napakagat ako sa labi dahil sa tanong ni Lloyd. Malamang ay nasa kwarto pa din na madilim si Luis kung saan ko siya iniwan kanina. Napahigpit ang hawak ko sa pouch. Nagpalinga-linga ang mga kasama ko sa paligid habang ako ay nakatingin lamang sa kawalan. "'Di bale, baka natutulog na. Ang dami din kasing nainom kanina. Paano ba 'yan, gabi na, magpapahinga na din ako." Niyakap ni Lloy