Natulala ako sa nangyari. Kinakabahan ako para kay Ada. Hindi dapat malaman ng organisasyon ang tungkol sa kanya. Tiningnan ako ng seryoso ni Dad. Akmang lalapit si Dad nang biglang lumitaw ang isang constellation. Ang Auriga.
Lumabas naman sa kanan niyang mata ang constellation ng Auriga. Lumabas ang Charioteer at umatungal ang kambing na hawak nito. Sinakop kami ng kadiliman kaya naman napapikit ako. Nang imulat ko ang aking mga mata ay laking gulat ko nang matagpuan namin ang mga sarili namin sa loob ng judgement room ng Marionette Mansion.
“Anong ginagawa natin dito?” ang tanong ni Ate Ciana.
Narinig ko ang pagpukpok ng martilyo mula sa pinuno ng organisasyon. Si Lolo Elion. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa tindi ng aura na bumabalot sa paligid niya ay talagang maninindig ang mga
Mahimbing na nagpapahinga si Ada. Si Gray naman ay nakailang pabalik-balik dulot ng kaba na baka daw mahuli siya ng immigration officer. “Pwede ba Gray? Pwede bang pumirmi ka at maupo ka? Ako ang nahihilo sa’yo!”ang sigaw ko kay Gray. Kinewelyuhan ako ni Gray. Alam kong nag-aalala siya. Pero sana naman magtiwala siya sa proseso ng elders. “Nasa London ako! Pero hindi ko man lang magawang bumisita sa bahay ng sikat na detective na si Sherlock Holmes!” ang sigaw ni Gray at ngunguto-nguto niya akong tinitingnan. Napahilot naman ako ng aking sentido dahil sa mga oras na ito ay iyan pa ang inaalala niya? Ibang klase talaga ang utak ng lalaking ito. Napatayo naman ako nang biglang lumabas sa kwarto si Lola Seraphine. Nakasimangot naman si Lolo Elion at halatang sinigawan siya ni Lola Seraphine. Kahit na sabihin mong pinuno si Lolo Elion ng Elder, pagdating kay Lola Serphine ay lagi siyang tiklop. “Kamusta po si Ada?” ang tanong ko. Makikita sa mukha ni Lola ang blangkong ekspresyo
Malalim na ang gabi ngunit hanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa malamig na selda. Yakap-yakap ko ang sarili ko dahil naiisip ko kung gumagawa pa ba ng paraan sina Mom para hanapin ako. Sa kabilang selda naman ay naririnig ko ang mahinang pag-awit ng batang babae bilang pang-aliw sa kanyang sarili habang naghihintay kami ng tulong. “Walang bituin ang kalangitan Walang gagabay sa mga nawawala Mananatiling ligaw ang mga batang hindi alam ang patutunguha Ang gabing kay dilim ay dalang lamig sa mga nag-iisa,” ang awit niya. Napatingala naman ako at lumapit sa bukana ng selda. Minsan nagtataka ako kung bakit malalim na ang gabi ay hindi pa ito natutulog. “Ang ingay mo. Alam mo ba yun?”ang reklamo ko sa batang babae. Nakita kong malungkot ang kanyang ekspresyon. Ngumunguto siya dahil sa sinabi ko. “Gusto ko nang bumalik sa ampunan,” ang sambit ng batang babae. Ampunan? Nasaan ang mga magulang niya? Napatingin ako sa batang babae. Nakita ko sa paligid niya ang malakas na dal
Tatlong araw na ang nakakalipas at sa bawat araw na paghihintay ay bumalik na din ang driver na may kakayahang magteleport. At sa tatlong araw na iyon ay kumakalat na ang lason sa katawan ni Ada mula sa insidenteng nangyari ilang taon na ang nakakalipas.Ayon kay Lola ay hindi basta-basta naalis ag lason dahil hindi ito dumadaloy sa mismong dugo ngunit sa mga blood vessel wall lamang. At sa pagdikit nito sa ugat ay pinapahina nito ang pagtibok ng puso dahil sa oras na lumakas ito ay maaaring hindi na masilayan ni Ada ang mundo. Ngunit sa nakalipas na taon ay pinanatili ni Mother Violet ang pagtibok ng puso ni Ada habang pinatatag niya ang mga ugat sa katawan ni Ada.“Ma’am Seraphine, okay na po ang lahat. Maaari na po tayong maglakbay pabalik sa Pilipinas,” ang samit ni Enyd.Tumungo naman
Sumapit na ang hating gabi at hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Mother Superior. Kung exorcist at spirit meister ang mga batang nandirito, bakit hindi nila alam kung sino ang magulang ko? Gusto ko na lang maluha sa nagyayari. Ang alam ko lang maaaring buhay pa ang magulang ko pero bakit ni anino nila simula bata pa ako hindi man lang nila ako nagawang bisitahin. Pinunansan ko ang luha ko na siyang tumulo sa aking mukha. Tanggap ko na hindi sila magpapakita eh. Bakit ba nagpapahiwatig sila na nariyan lamang sila sa paligid pero hindi ko ramdam na buhay sila?“Ada? Okay ka lang ba?” ang tanong ni Calix.Isa pa itong si Calix! May alam siya sa magulang ko ngunit hindi niya sinasabi sa akin kung sino sila dahil ang lagi niyang linyahan na makikila mo sila sa tamang panahon. Ngunit hindi ito ang panahon na iyon.“Huwag mo akong kausapin. Kakausapin lang kita kapag sinabi mo na sa akin ang tungkol sa magulang ko!” ang galit na sambit ko.Huminga naman nang malalim si Calix. Umup
Kasalukuyang nasa clubroom kami at patuloy ko pa din iniisip ang mga nangyari sa mga nakalipas na buwan. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon ay buhay pa ako at masaya ako na makikita kong lalago pa ang nasimulan ng Phantom Club. Nawala naman ako sa aking pagmumuni nang masagi ako ng siko ni Seren. Patuloy na nag-aaway si Serendipity at Gray dahil sa isang pirasong karne na aking niluto. Napahalumbaba na lamang ako habang pinagmamasdan ang pagtatalo nilang dalawa. Tanging pagbuntung-hininga na lamang ang nagawa ni Gray habang hinihigop ang kape na Kalinga Robusta na dark roast na siyang nilagyan ng sariwang gatas ng kalabaw na siyang ibinigay ng may-ari ng Villa Illumina. “Ano ba, Gray? Ako ang nauna! Kaya pwede ba bitiwan mo na ang karneng ito!” ang sigaw ni Serendipity.
Nag-impake na ako ng mga dadalhin kong gamit para sa camping trip. Bumili na din kami ni Arius at Gray ng Butane gas upang hindi kami mapasubo kung sakaling hindi kami makapaggawa ng bonfire upang magluto ng aming kakainin. Bumili na din sila ng tent at cooler dahil doon kami magpapalipas ng gabi. Nagpaalam na ako kay Mother Superior na mawawala ako ng ilang gabi. At pumayag naman siya katulad nang dati. Nagulat pa nga ako ng bigyan niya ako ng isang maliit na pouch na pwedeng gawing protection charm. Ang alam ko may tawag ito eh. Lomamiri? Amamiro? Ah! Omamori charm! Sabi ni Mother Superior, bukod sa paniniwala ko kay Lord, bibigyan din daw ako nito ng proteksyon. Hindi ko nga lang alam kung paano. “Handa na ba ang lahat?” ang tanong ko kay Gray. Nagthumbs up naman si Gray at itinaas nito ang trapal na siyang nakabalot sa generator na aming dala. Akala ko ba camping gagawin namin? Bakit may generator siyang dala? Napailing na lang si Arius. Alam kong walang ideya si Gray sa ibig
Bumuo naman ng isang palayok na gawa sa putik. Kinuha naman ni Arius ang kanyang talisman. Hindi ko naman maintindihan ang nakasulat doon dahil hindi ko alam kung Japanese o Chinese character ba ang nakasulat sa papel. Sinindihan niya iyon at biglang lumaki ang apoy. Pinalibutan nito ang bagong gawang palayok at pagkalipas ng ilang minuto ay nagawa nitong patigasin at lutuin ang palayok. Agad naglagay ng uling si Gray at doon nagtungo ang apoy mula sa talisman ni Arius. Nang maupos na ang papel ay humina na ang apoy na nagmumula sa talisman ni Arius. Inilagay ni Arius ang insenso at kamangyan sa baga na nasa loob ng palayok. Pinasundan naman iyon ng rock salt at agad kumalat ang usok sa paligid. Nakita namin kung paano lumipad paitaas ang mga kaluluwa ng mga manliligaw. Nagsimula naman kaming magdasal upang ipagdasal ang kanilang mga nabiktima. Nagulat ako nang makita ko ang kaluluwa ni Mr. Gerard na siyang kumakaway sa amin. “Mga bata, pwede bang makiusap ako sa inyo? ” ang tanong n
Natigilan naman si Lapunaya sa rebelasyong ginawa ni Arius. Napatinigin naman ako kay Lapunaya. Bakit niya tinulungan si Mr. Gerard kung papatayin niya rin lamang ito? Naikuyom ni Lapunaya ang mga kamay niya. Mababakas sa mukha niya ang galit kaya naman pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. “Ipinagtanggol ko lamang ang sarili ko! Kung hindi ko ipinagtanggol ang sarili ko malamang ako naman ang mamamatay! Hindi ko ginustong patayin ang mortal na iyon!” ang sigaw ni Lapunaya. Halos mangatal ang sarili kong katawan sa narinig ko. Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito. “Oo! Alam kong mali! Pero mamamatay ako at ang gubat! Prinotektahan ko lamang ang puso ng kagubatang ito!” ang sigaw ni Lapunaya. Oo. Maling-mali. Dahil sa padalos-dalos na desisyon, nalimutan niyang walang naniniwala sa kanya at walang nakakakita sa kanila. Miski ang kanilang