Share

Chapter 2-The Paranormal Detectives

Pasado ala singko kwarenta'y singko na ng umaga ng bumangon ako sa aking kama. Masyadong naging exciting ang nangyari kagabi dahil sa wakas ay nabunyag rin ang sekretong pinakalilihim ng ama ni Gray. Nagpakulo ako ng tubig upang magtimpla ng kape dahil dama ko pa yung antok na dumadaloy sa aking sistema. Binuksan ko ang tv at nakita ko ang balitang dinakip na si congressman dahil sa mga video na inupload ko.

Patuloy niyang itinatanggi ang mga akusasyon sa kanya. Hindi ko alam kung saang lupalop kumukuha ng kapal ng mukha si Congressman at nagagawa niyang magsinungaling sa harap ng madaming tao. Nang kumulo na ang tubig ay isinalin ko iyon sa thermos at naglagay ako sa aking tasa. Dinama ko ang bawat patak ng aking kape. Naligo na rin ako upang maghanda patungo sa school. Naalala kong maglalakad nga pala ako ngayon dahil sinira ng tukmol ang aking bisikleta. Nagsimula na rin akong magtakal ng walong gatang ng bigas dahil marami-rami rin ang kakain ng almusal.

Nagising naman sina Kuya Eli at sila na ang sumalo ng ginagawa ko sa kusina. Kinuha ko ang baon kong pagkain at saka ako tumakbo palabas ng ampunan. Nagsimula na akong maglakad nang may isang sasakyan ang huminto sa aking harapan. 

"Hop in. Mahuhuli ka sa eskwelahan kung maglalalakad ka. Isa pa, apology ko ito sa sinira kong bisikleta mo," ang sabi ni Gray.

Napabuntung-hininga na lang ako dahil pagod na rin naman akong maglakad. Sumakay ako sa tabi ng driver seat at pinaharurot niya ang kanyang sasakyan. Isinuot ko ang seat belt dahil pakiramdam ko ay mamamatay ako sa kanyang pagmamaneho. Walang gustong bumasag sa amin sa katahimikang bumabalot sa aming paligid.

"Noong sinabi kong nakakakita ako ng multo, naniwala ka ba?" ang tanong ko.

"Noong una hindi, pero noong nalaman mo ang tungkol sa nakaraan ko d'on palang ako naniwala," ang sabi ni Gray.

Kinuha ko ang flashdrive sa aking bag. Siya dapat ang magtago n'on dahil hustisya para sa Mommy ang kanyang hinahabol.

"Ibinabalik ko na ito sa'yo. Kinuha ito ng Mommy mo kagabi at dinala sa akin. Ibigay ko daw sa'yo, kakailanganin mo daw yan para kalabanin ang Daddy mo," ang sabi ko.

Ang laking gulat ko nang bigla siyang prumeno.

"Ikaw ang nag-upload ng video?" ang tanong ni Gray.

"Oo ako nga. Ginawa ko iyon upang hindi na ako kulitin ng Mommy mo," ang sabi ko.

Napahilamos naman siya ng kanyang mukha dahil sa ginawa ko. Kung isa ka ngang tanga ay iisipin mo na isang pagpapatiwakal ang ginawa ko dahil nagawa kong iupload ang vid ng walang back up plan. 

"Paano kung bigla kang trinack ng mga pulis? Anong gagawin mo?" ang singhal sa akin ni Gray.

"Eh di sekretong malupet," ang natatawa kong sabi.

Hindi ko maaaring sabihin na may program akong ginawa upang hindi matrack ang web address at IP address ko. At kaya rin nitong pasabugin ang personal computer na magtatangkang i-track ang aking blogsite. Binuksan ko ang radio sa sasakyan ni Gray at nagkataong balita ang bumungad sa amin.

"Computer na sinubukan ipangtrack sa nag-upload ng video ni Congressman sa blogsite, sumabog!" ang sabi ng radio broadcaster.

Tumawa ako nang malakas dahil subok ko na ang program na ginawa ko.

"Ang galing ko no?" ang sabi ko kay Gray.

"Nakakatakot talaga kayong mga babae," ang sabi ni Gray at muling pinaandar ang sasakyan.

Nang makarating kami sa school ay akmang bababa na ako nang biglang magsalita si Gray.

"Gusto kong magpasalamat sa'yo. Teka ano nga ulit pangalan mo?" ang tanong ni Gray.

"Seryoso ka ba talaga? Ang tagal nating magkasama, hindi mo matandaan ang pangalan ko?" ang natatawa kong tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at muli ko siyang tinawanan. 

"Okay, okay. Chill ka lang pwede? I'm Adamantine Lightwood," ang sabi ko.

Nangunot ang noo niya at halatang hindi siya naniniwala na iyon talaga ang pangalan at apelyido ko. Kay Father Juan ko lang nalaman na iyon ang totoo kong pangalan dahil nakaburda daw ang pangalan ko sa lampin nang iniwan ako sa ampunan.

"Totoo. Iyon talaga ang pangalan ko. Nakaburda ang pangalan ko sa lampin ko noong iniwan ako sa ampunan," ang sabi ko at saka bumaba ako sa sasakyan ni Gray.

Lumingon ako kay  Gray dahil nalimutan kong magthank you sa kanya dahil sa pagpapasakay niya.

"Hoy! Gray! Thank you!" ang sigaw ko at saka tumakbo ako patungo sa classroom.

Nang makarating ako sa classroom ay nakita ko ang isang lalaking seryoso at tila malalim ang iniisip. Hindi ko rin alam kung bakit ganyan siya kalalim mag-isip. Hindi ko maintindihan kung anong problema nito.

Pumunta ako sa aking pwesto at masaya kong binuksan ang aking lunchbox. Dalawa ang baon ko. Isa para sa almusal at isa para sa tanghalian. Bumungad sa akin ang hotdog at scrambled eggs na niluto ko kanina. Mabuti na lamang at madaming feedback ang blog ko kaya madaming pera na naman ang papasok sa aking account mamaya.  Nilagyan ko ng ketchup ang aking almusal at sinimulang lantakan iyon. 

Dumating naman si Gray at kita ko ang pagod sa kanyang mukha. Inabutan ko siya ng tinidor at nagulat siya nang alukin ko siyang kumain.

"O ano pang hinhintay mo? Kakain ka ba o hindi?" ang tanong ko.

"Heto na. Siguraduhin mo lang na walang lason ang pagkain mo ha kundi mumultuhin kita kapag namatay ako," ang pagbibiro ni Gray.

Tumawa naman ako nang malakas. As if kaya kong gawin yun. Baka patayin ako ng nanay niya kapag ginawa ko iyon. Isa pa, gaya nga ng sabi ni Father masama iyon.

"Di ko gagawin y'on! Yari ako sa nanay mo!" ang pagbibiro ko.

Napalingon naman ako nang makarinig ako na may kumulong tiyan. Tiningnan ko si Gray upang makumpirma kung sa kanya nagmula iyon ngunit agad siyang umiling. Hinanap ko ang lalaki kanina at nakita kong nakayuko siya. Kinuha ko ang isa ko pang baon at iniabot sa kanya iyon. Tiningnan niya ako ngunit sinungitan lang niya ako. Ganito ba talaga ang mga lalaki? Suplado sa una?

"Kunin mo na 'to. Mahirap makinig sa klase kapag walang laman ang tiyan," ang sabi ko.

"Kung ayaw niya, eh di ako na lang kakain," ang sabi ni Gray.

Agad namang kinuha ng lalaking nasa harapan ko ang pagkain. Agad niyang binuksan ang baunan at saka  sinimulan niyang kumain.

"Salamat," ang matipid niyang sabi at muli siyang bumalik sa pagkain.

 Mabuti na lang at may isa pa akong baong pagkain. Kinuha ko iyon at sinimulang kong kumain. Kumuha ko ang thermo flask ko at saka ininom ang kape ko.

"Nga pala, Adamantine. Napapansin mo pa ba sa paligid ang Mommy ko?" ang tanong ni Gray.

Tumango naman ako at saka sumilip ako sa kanyang likuran. Kumaway naman ang Mommy ni Gray.

"Oo, nandito nga siya sa loob ng classroom eh," ang sabi ko.

Nagningning naman ang mga mata ni Gray nang marinig niya iyon.

"Nasaan si Mommy?" ang tanong ni Gray.

"Nasa likuran mo, kasama si Calix," ang sabi ko.

Nangunot naman ang noo ni Gray. Nalimutan ko hindi nga pala niya nakikita si Calix. Isa pa, kapag nalaman ni Gray na si Calix ang kumuha ng flashdrive na iniingatan niya ay tiyak na malaking sermon ang matatanggap niya mula kay Gray.

"Si Calix ay yung isa kong friend na multo. Lagi ko siyang pinagdarasal para hindi siya manghina. Kaya ikaw, ipagdasal mo lagi ang Mommy mo para may lakas siya upang bantayan ka," ang sabi ko at saka itinago ang lunch box.

Lumapit naman sa akin ang lalaking inabutan ko ng pagkain kanina. Nasilayan ko ang ngiti sa kanyang mga labi sa unang pagkakataon.

"Alam mo interesante ka. Willing ka bang magtrabaho sa akin bilang detective?" ang tanong sa akin ng lalaki.

Nagkatinginan naman kami Gray. Ano kayang ibig sabihin ng lalaking ito?

"My bad. Nakalimutan kong magpakilala. I'm Arius Ashford. Isa akong transferee at kararating ko lang kahapon kaya absent ako sa first meet up," ang nakangiti niyang sabi.

Iniabot ko ang kamay ko bago ako magpakilala.

"I'm Adamantine Lightwood, pero you can call me Ada for short," ang sabi ko.

"I'm Gray Perseus Jacinto. You can call me, Gray," ang sabi ni Gray.

Hindi pala De Silva ang gamit niyang apelyido? Kung sabagay, malaki ang galit niya sa kanyang ama kaya hindi ko siya masisisi.

"Napansin kong nag-uusap kayo kanina tungkol sa multo. At napansin kong nakikita mo ang dalawang iyon sa may pisara at ang abilidad mo ang kailangan ko para sa aking club," ang sabi ni Arius.

Tumingin naman siya kay Gray at naningkit ang kanyang mga mata.

"Bagamat hindi pa bukas ang iyong third eye ay may kakayahan ka rin at iyon ang kailangan mong mahasa," ang sabi ni Arius.

Napakunot naman ang noon namin Gray dahil akala ko ay wala nang mas weweirdo pa sa akin. 

"Magkita tayo mamaya sa likuran ng Arcana building aasahan ko kayo doon," ang sabi ni Arius.

Napabuntung-hininga naman ako dahil ngayon lang ako nakasalamuha ng taong may kakayahang makakita na hindi nakikita ng hindi ordinaryong mata. Nagsimula na ang klase namin ngunit hindi maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Arius kanina. Napansin ko ang kaba kay Calix at sa Mommy ni Gray.  Parang may kung ano pang nilalang sa paligid bukod sa kanila. Nagulat ako nang biglang magwala ang isang estudyante.

Sumisigaw ito ng mga salitang hindi ko maintindihan. Inawat siya ng aming mga kaklase dahil sinisimulan nitong saktan ang kanyang sarili. 

Nakita kong lumapit si Arius at naglagay siya ng isang pirasong papel na may sulat. Binanggit niya ang dasal sa rosaryo ngunit naka-latin iyon. Tumindi ang pagwawala ng kaklase naming babae. Natapos na ang dasal ng rosaryo ngunit wala pa ring pagbabago. Muling nagsalita si Arius ng latin ngunit sa pagkakataong iyon ay tumindi ang pagwawala ng babae bago ito tuluyang kumalma. Lumapit naman sa akin si Calix at nagsimula akong bumulong.

"Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko kanina. Hindi ko inakalang may iba pa tayong nilalang na kasama rito," ang mahina kong sabi.

"Kahit ako rin, bigla akong kinabahan. Akala ko ay hindi kakayanin ni Arius ang nilalang na iyon," ang sabi ni Calix. 

Nakita ko ang panlalamig ni Gray dahil yakap-yakap nito ang kanyang sarili.

"Huy, anong problema mo?" ang tanong ko.

"Bigla akong nilamig eh hindi ko alam kung bakit?" ang sabi niya.

Sumilip ako sa ilalim ng desk at nakita kong umiiyak ang Mommy niya dahil sa takot.

"Okay lang yan. Lilipas rin yan," ang sabi ko kay Gray.   

Agad namang dinala ang kaklase namin sa infirmary at na-kansela ang klase namin dahil sa insidente. Pambihirang buhay 'to ang gusto ko lang naman ay makapag-aral nang matiwasay ngunit heto at naka-encounter na naman ako ng kababalaghan na dapat kong iwasan. Napatingin naman ako kay Arius at bakas sa mukha niya ang inis dahil sa nangyari. Lumapit kami ni Gray kay Arius  at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. 

"I suggest na sabay-sabay na lang tayong pumunta sa likod ng Arcana Building?" ang sabi ko.

Sumang-ayon naman si Arius at sinundan namin siya. Hindi ko inakalang may lumang bodega rito. 

"Lumabas kayo diyan! Hindi namin kayo sasaktan! Kailangan lang namin ng impormasyon tungkol sa kaluluwang pumasok sa katawan ng kaklase namin!" ang sigaw ni Arius at nagulat ako nang makitang puro estudyante ang mga kaluluwang iyon.

Bakas sa mukha nila ang takot at ang iba ay hindi sa amin makatingin ng diretso.

"Teka, hindi naman ako namamalik-mata hindi ba?" ang tanong ni Gray.

Napatingin naman kami ni Arius kay Gray. Akala ko ba ay hindi nakakakita ng multo ang isang ito? Paano niya nakita ang mga ito?

"Teka Gray, akala ko hindi ka nakakakita ng multo? Ibig bang sabihin nito nakikita mo na sila? Including yung Mommy mo?" ang tanong ko.

Tiningnan ako ni Gray at bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Tiningnan ko naman si Arius na tila may ideya sa nangyayari ngayon kay Gray.

"Mukhang nagising ang third eye mo dahil sa naungkat na trauma sa nakaraan mo,"ang sabi ni Arius.

Nagkatinginan naman kami ni Gray dahil pakiramdam ko ay ako pa ata ang naging dahilan para mag-open ang Third eye niya.

"Teka huwag mong sabihing naging dahilan ng pagkabukas ng third eye mo ay pagkawala ng malay mo kagabi?" ang tanong ko na tila di makapaniwala sa nangyari.

Pero nagtataka pa rin ako kung bakit hindi niya nakita sina Calix? 

"Ada, legit bang nakakakita yang si Gray?" ang bulong sa akin ni Calix.

"Aba malay ko sa tukmol na iyan? Bigla na lang nag-open ang third eye," ang sagot ko kay Calix.

Napailing na lang si Arius sa bulungan namin ni Calix. Ewan ko ba sa lalaking 'to anong trip niya sa mundo. Out of nowhere bigla niya kaming inalok na pumunta rito sa bodega para makipag-usap sa multo. 

"Ano bang kailangan niyo sa amin? Bakit niyo kami tinatawag! Gusto na naming magpahinga! Ilang dekada na kaming gumagala sa eskwelahang ito!" ang sigaw ng isang multo.

Ngumiti naman si Arius na tila may naiisip na plano kung paano huhulihin ang nilalang na pumasok sa katawan ng kaklase namin.

"Bakit ba kayo naririto pa? Hindi ba dapat nasa kabilang buhay na kayo?" ang tanong ko.

Tinaasan ako ng kilay ng multo at humalukipkip ito. Tingnan mo itong multo na ito may gana pa siyang magtaray eh sila na nga ang tutulungan basta tulungan rin nila kaming hulihin ang nilalang na iyon.

"Hindi namin alam ang daan papuntang langit. Kung tutulungan niyo kami tutulungan rin namin kayo," ang sabi ng isa pang multo.

"Iyon na nga ang ginagawa namin ngayon kaya sana maki-cooperate kayo," ang sabi ni Arius.

Nagkatinginan naman ang mga multo at sumang-ayon sila sa suhestyon ni Arius.

"Now, anong nalalaman niyo sa nilalang na nanggulo sa klase namin kanina?" ang tanong ni Arius.

"Kinatatakutan siya ng lahat ng multo rito. Kilala siya bilang si Aurelia Manalaytay. Ayon sa kwento, pinagtripan siya ng mga kaklase niya noong dekada sisenta. Akala nila ay nakikipagbiruan pa ang dalaga ngunit huli na ang lahat dahil hindi na humihinga ang dalaga,"ang paliwanag ng isang multo.

Kung ganun, maaaring isa itong kaso ng naghihiganting kaluluwa. Tumingin ako kay Calix ngunit napansin kong umiling ito.

"Masyadong malakas ang isang ito,Ada. Natatakot ako sa pagkakataong ito ay ang ibang kaluluwa naman ang masaktan," ang sabi ni Calix.

Sumang-ayon naman si Arius sa sinabi ni Calix. Kung ganun ano ang dapat naming gawin?

"Kanina habang pinalalabas ko ang kaluluwang iyon sa katawan ng kaklase natin ay parang may matinding kapit ang kaluluwang iyon,"ang sabi ni Arius.

Matinding kapit? Kinuha ko ang notebook ko at isinulat ko ang mga posibleng dahilan. Una, maaaring may nagawa ang estudyanteng iyon. Pangalawa, maaaring may naging kasunduan ang nilalang sa estudyanteng iyon. Pero kung may kasunduan, ano naman kaya iyon? Sa pag-iisip ko ay tumunog ang phone ko. Nagflash sa screen ang number ni Sister Kat. Bakit naman kaya siya tumatawag?

"Hello, Sister? Bakit po kayo napatawag? May problema po ba?" ang tanong ko.

"Ada! Si Fred! Nagwawala siya! Parang may hinahanap siya!" ang sigaw ni Sister.

"Hello, Sister! Sister!" ang sigaw ko.

Naputol ang linya at muli kong ibinalik sa bulsa ko ang phone ko. Masama ang kutob ko dito. Kailangan kong umuwi sa ampunan!

"Arius, aalis muna ako. Kailangan ako sa ampunan. Nagwawala daw ang isa sa mga bata,"ang natataranta kong sabi. 

Aalis na sana ako nang hawakan ni arius ang balikat ko. 

"Sasama kami. Maaaring konektado ang pagwawala ng batang nasa ampunan sa kaso natin ngayon," ang sagot ni Arius.

Napataas naman ang kilay ko nang marinig ko iyon. Pero bakit naman tatargetin ng nilalang na iyon si Fred? 

"May punto si Arius, Ada. Pumunta na tayo sa ampunan. Ipagmamaneho na kita papunta doon,"ang sabi ni Gray.

Tumakbo kami papunta sa kotse ni Gray.

Sumakay ako sa may backseat at sa may driver seat naman sina Arius at Gray. Pinaharurot ni Gray ang kanyang sasakyan at wala pang labinglimang minuto ay nakarating na kami sa ampunan. Agad akong bumaba ng sasakyan at tumakbo sa kwarto ng mga bata. Nang makarating ako ay kita ko ang kumpulan ng mga madre habang dinadasalan si Fred. Nagwawala si Fred at ang ibang mga bata ay umiiyak dahil sa takot.

"Fred!" ang pagtawag ko sa kanya.

Tumingin sa akin si Fred at nakita ko ang kakaibang ngiti sa kanyang mukha. Nagulat ako nang marinig ko ang salitang latin sa kanyang bibig.

"Mortem! Mortem!" ang paulit-ulit na sigaw ni Fred.

Nakaramdam ako ng kilabot sa aking katawan sa tuwing binibigkas niya ang salitang iyon. Bakit naman pati walang kamalay-malay na bata ay dinadamay nila rito? Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa galit. Kung galit siya sa mga pumatay sa kanya bakit kailangan niyang idamay ang mga taong walang kinalaman sa nakaraan? 

"Tumahimik ka! Aurelia Manalaytay! Yun ang pangalan mo, hindi ba?" ang sigaw ko.

Napansin kong napaantanda ng krus ang mga madre at napahawak sa balikat ko si Arius. Ngumisi si Fred at tumigil sa pagwawala.

"Para sa isang mortal ay napakalakas ng loob mong banggitin ang pangalan ko. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ka tinatalaban ng pwersang itim?" ang sabi ni Fred.

Lumapit siya at kinuha niya ang aking kamay. Sinundan niya ang bawat linya ng aking kamay.

"Hindi mo mararating ang dulo kung palagi kang padalos-dalos. Mag-iingat ka binibini. Hindi lahat ng taong makakasalamuha mo ay mapagkakatiwalaan mo. Maaaring sila ang magdala sa'yo sa hukay. Hindi pa dito magwawakas ang panggugulo ko," ang sabi ni Fred at bigla itong nawalan ng malay.

Napalunok ako ng sunud-sunod at tiningnan sina Arius. Bakas sa mukha ni Arius ang galit at hinila nito ang kamay ko at nagpunta kami sa gulayan ng ampunan. Kumalas ako sa panghahatak ni Arius. 

"Nababaliw ka na ba?" ang galit na sigaw ni Arius. 

Natulala ako sa sinabi ni Arius. Bakit ba galit na galit ang lalaking 'to? Ano ba ang ginawa ko? 

"Sandali nga muna! Ano ba kasing ikinagagalit mo?" ang sigaw ko kay Arius. 

Napasabunot naman sa kanyang sarili si Arius. Halatang may gusto siyang gawin na hindi niya magawa. 

"Anong ikinagagalit ko? Maaari kang mawala sa amin kanina! Hindi mo dapat binabanggit ang totoong pangalan nila! Paano kung wala kang divine protection? Eh di nasaktan mo ang lahat ng tao sa paligid mo! Mag-iingat ka naman! Mahalaga kayo sa akin!" ang sigaw ni Arius. 

Napahalukipkip naman ako dahil parang ang bilis naman ata niyang magtiwala sa amin. 

"Matanong nga kita, bakit na concern na concern ka sa amin? Sa akin? Samantalang kaninang umaga lang tayo nagkakilala?" ang tanong ko kay Arius. 

Kumalma naman si Arius. Inisip niya ang kanyang isasagot kung bakit ganun na lamang ang kanyang reaksyon. 

"Dahil isang club tayo. Mga paranomal detectives tayo. At tungkulin nating panatilihin ang balanse ng mundo ng mga mortal at ng mga nilalang na hindi nakikita ng ordinaryong mata. Kapag nawala tayo, sino na lang ang tutulong sa kanila? Mag-isip ka, Adamantine. Maraming nagmamahal sa'yo kaya naman wag mo silang bigyan ng alalahanin," ang sabi ni Arius. 

At kailan pa nabuo ang club? Napangiti na lang ako dahil hindi ko akalaing ganito ang kahihinatnan ng araw ko ngayon. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status