Ann Pov's
Grabe ang hirap ng buhay kelan kaya kami yayaman. Simula ng namayapa na sila mama at papa kami na lang ni Lei ang naiwan. Kinakaya naman buhayin si Lei sa kakarampot na kinikita ko bilang tindera sa bakery pero minsan sobrang hirap na talaga. Hirap maka diskarte paano ba kasi makakahanap ng mayaman na malapit ng mamatay. "Teh? tara gala tayo libre ko." masiglang sabi ni Lei. "Oh san mo naman nakuha yan? ikaw talaga." "Alam mo na te, naka diskarte eh may kano akong Costumer kanina malaki ang datung kaya eto tiba tiba tyaka para mabawasan naman yang stress na iniisip mo nakakawala ng ganda yan." pagbibiro ni lei. Pumapasok ang kapatid ko sa bar or club depende sa kanya paikot ikot sya kapit patalim talaga kung tawagin. 29 na ako si Lei naman 23 palang. Hindi kami parehas ng trabaho ni Lei ako nagtitinda ako sa bakery minsan naman nagha hanap din ng raket pero iba ang raket na hanap ko. Ang gusto ko makahanap ng matandang mamamatay na HAHAHAHA masama man pero kailangan kesa mag antay ako na gumapang kami sa hirap. Si Lei naman literal ang raket nya 10k kada gabi kapag may Costumer sya hindi ko na sya binabawalan don hanggang sa mabubuhay kami tatrabahuin namin. "Teh eto nga pala regalo ko sayo alam ko namang paborito mo ang black dress eh ayan bagay yan sayo, malay mo may makuha pa tayo sa pupuntahan natin sayang pera." naka ngising sabi ng kapatid ko. Hanga ako sa kapatid ko na to kasi kahit anong hirap ng buhay hindi nya ako iniwan at patuloy syang lumalaban yung iba kasi tinatapos ang sarili nilang buhay kesyo di na daw kinakaya. Ayoko naman na humantong kami sa ganoon ng kapatid ko. Di bale na lang. Agad na kaming tumungo sa bar na sinasabi ni Lei, naupo kami sa isang sulok at nag umpisa ng mag inom gusto kolang sana mag relax pero may lumapit samin ni Lei. "Hi girls, kayo lang ba dyan?" "Ahh yes bakit?." "Baka gusto nyong sumama samin ng mga friends ko? By the way my name is Rio and you are?" "Ann and she is Lei sister ko." malamig kong sagot. "Sure why not? sunod nalang kami dun rio." bungisngis na sagot ni Lei. Si Lei madiskarte pero pag pogi kahit walang pera go lang ng go, naghahanap pa din kasi sya ng magiging boyfriend sa kabila ng sinabi ko sa kanya na mahihirapan sya lalo na kung ganyan ang trabaho nya. "Tara na teh pogi naman yung Rio eh dali na." malamlam na tingin at malambing na tinig na ika ni Lei. "Ano pa bang magagawa ko? ikaw na yan sana mag success ka." pang aasar ko. Agad na kaming pumunta sa table nila Rio at duon namin nakilala si Micah okay naman sila kausap mababait at marunong makisama hanggang sa dumating ang dalawa pa nilang kasama na nakilala namin na sila Drake at Paulo. May itsura si Paulo pero halatang babaero mabilis akong maka amoy sa lalake halatang sa kama lang ang habol sabay takbo samantalang si Drake naman tahimik at halatang hindi sanay sa mga ganito. Ang gusto ko sa lalaki yung tahimik tapos pag nagtagal nag mimistulang halimaw na kumbaga yung Bastos pero Maginoo at nakikita kong kuhang kuha ni Drake lahat ng hinahanap ko. Ang kaso lang mukhang baby boy, batang bata ni hindi ko nga alam kung nakahawak na ba to ng babae. Nagtuloy tuloy ang inuman, pagkakakilala, kamustahan at kwentuhan. Sobrang solid nila kasama halatang masaya sa buhay at halatang mga mayayaman sa tingin ko may mabibingwit si Lei dito. "Lei mag ccr muna ako." "Teh sama ako. Excuse muna guys ha cr lang kami." pagpapa alam ni Lei. "Go lang." sagot naman ni paulo sabay kindat kay Lei. Nang makadating na kami sa cr agad kong tinanong si Lei kung may napala na ba sya sa pagsama sa grupo ni Rio. "Oh kamusta may mahahatak ka ba sa mga yan?" "Oo teh okay sana si Rio kanina kaso parang jowa nya yung micah tapos si Drake naman oks din kasi virgin auto pass bali si Paulo na lang teh mukha namang mayaman at may ibubuga sa kama HAHAHAHA." hagikhik ni Lei. "Eh mukhang babaero yun sure ka ba sa desisyon mo?" pagtatakang tanong ko. "Di ko naman sinabi te na seseryosohin ko pero depende nakaka kilig kaya yung bad boy matuturuan mong maging good boy like parang come to mama dear halaaaa te kilig." "Gaga anong come to mama eh patpatin ka buti na nga lang may hubog yang katawan mo kung hindi mukha kang pinagdamutan ng feeding program nung elementary." pang aasar ko kay Lei. Payatot kasi talaga si Lei hindi biniyayaan sa hinaharap pero bawi naman sa kurba at sa pwet kaya okay na din pero kung wala sya non mukha syang adik sa kanto namin sa totoo lang. "Balaka ngajan te porket biniyayaan ka ni lord ng ganyang kalaking pangarap gumaganyan ka na! Eh bakit kasalanan ko bang tulog ako non?." inis na sagot ni Lei. "Bat ka kasi tulog nung nagpaulan ng dibdib? Katamaran mo yan pwet lang sinalo mo dati kabang bibe? de jk." Bugnutin talaga si Lei pag dating sa asaran talo sya sakin buti na lang talaga hindi sya maoy sa inuman kung hindi malaking problema to. "Sige na teh balik nako dun." pagpapa alam nya. "Sige sige mag yo-yosi muna ako balik ako pagtapos." Dumiretso na ako kaagad sa area ng yosihan wala din akong makitang pwedeng trabahuin dito. Mukhang mag eenjoy na lang talaga ako ngayong gabi tyaka na uli iisipin yang lintek na pera na yan. "Bwiset talaga di ko na alam san pa kukuha para bukas." mahinang bulong ko habang humihithit ng sigarilyo. Natigilan ako sa pag hithit ng biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin si Drake. Nag yo yosi din pala to kala ko Good Boy lang eh. Nagulat ako kasi nakatulala lang sya sakin. Di nga ako makahanap ng matandang mamamatay ngayon gabi pero parang makakahanap ako ng binatang pasok sa standards ko. Di naman sa pag aano pero mahilig ako sa bata maliban sa fresh gusto ko yung innocent type sila kasi yung tipong anghel sa panlabas na anyo pero may tinatagong kademonyohan sa loob. "Oh baka matunaw na ako nyan bata." pagbibiro ko sa kanya. Naka kwentuhan ko si Drake at based sa pag oobserve ko sa kanya mukhang malaki ang biceps nya at mukhang pumapalo sa 6 pack abs yung mga nakatago sa polo nya. Halatang halata ko na nahumaling sya sakin ang tanong nalang kung may issue ba sya pagdating sa age gap. "Drake i have a question naniniwala kaba sa age doesn't matter?." mahinang tanong ko "Ha? a-ah eh oo wala naman sa edad yan." tipid nyang sagot "Nasaan? nasa performance?" pagbibiro ko. Di nakasagot si Drake halatang hindi sanay sa gantong usapan. Good boy nga talaga pero mahahasa pa natin yan. Kuhang kuha mo ang gusto ko at sa tingin ko makukuha din kita kasi gusto ko. "Jk lang eto naman masyadong seryoso." pagbasag ko sa katahimikan "Pasensya kana ha di ko lang nakasanayan yung ganyang topic busy din kasi sa work tyaka di ako gaanong nakikipag usap sa mga babae." paliwanag nya. "Bakla kaba?" diretso kong tanong. "Huh? hindi ha busy lang talaga ako kasi sakin na iniwanan ni papa ang business namin at company so alam mo na wala talagang time." ika nya. Mayaman check, matangkad check, matcho check, baby boy check pwedeng pwede talaga parang mas okay to kesa sa matandang mamamatay na. "Bat mo pala natanong about sa age?." "Ah wala naman may nakaka usap kasi ako na mas older sakin. As in older 29 palang ako diba then sya 50s na." Nakita ko ang pag ka bigla sa mga mata ni Drake.Drake Pov's Nagdaan ang mga araw na magkasama kami ni trixie. Actually the work that i offer to her is very fun and interesting. Sobrang saya niyang kasama, sobrang kalmado, sobrang mabait pa."So ano drake bukas na yung kasal nila handa ka na ba talaga?" Mahinahong tanong sa akin ni trixie."Actually hindi pa, pero kailangan kong maging handa." Sagot ko naman sa kanya. May magagawa pa ba ako, bukas na yung kasal nila, hindi naman mag-a-adjust yung wedding nila para sa akin. So i need to put all of my efforts sa ginagawa namin ni trixie. "So ano? c'mon shopping na tayo." Yaya ko kay trixie. "Yes ready na din ako let's go."Nagpunta muna kami ng mall ni trixie upang mamili ng mga susuotin at nang ireregalo sa kasal nila. Hindi naman pwedeng pumunta kami doon ng wala kaming dala or hindi kami handa. We spend our time sa mall, halos maikot na namin yung buong lugar. Kumain kami and nilibre ko na din si trixie ng sine.Habang naglalakad-lakad kami sa mall ay nakasalubong namin si paul
Drake Pov's Konting araw na lang malapit na ang kasal nila papa at ni ann, hindi ko alam kung paano ako magpapakita doon ng maayos. Lumipas na ang ilang mga buwan pero hindi ko pa din siya nakakalimutan. This past few days, weeks and months sobrang ginugol ko ang sarili ko sa trabaho. Nagpakalunod ako para makalimutan ang lahat pero hindi pala ganun kadali iyon. "Pare ang dami mo atang iniisip, kinakabahan ka ba sa araw ng kasal nila tita ann at ni tito?" Kalabit sa akin ni paulo. "Oo eh hindi ko nga alam paano magiging maayos yung pagbabalik ko. Yung tipong wala ng magiging bakas ng nakaraan namin." Saad ko sa kanya "Ganito na lang may suggestion ako eh bakit ayaw mo kayang maghanap ng girlfriend for hire. That day lang naman or hanggang sa tuluyan kang maka-move on. Hindi na biro iyan pare ilang buwan na ang lumipas." Saan naman ako maghahanap ng girlfriend for hire. May mga ganung babae ba talaga na kayang makipagsapalaran dahil sa pera. Napabuntong hininga na lang ako sa mga
Ann Pov's Dumaan ang mga araw. Walang aberyang nangyayari. Lahat ng dapat tapusin sa kasal ay nagawa na namin ni leo. Invitation, venue, theme at ang aming mga susuotin pati sa mga bisita. Sobrang plakado ng mga plano. Sobrang ganda ng mga kinalabasan ng aming kasal. "Ate i'm so excited for you. Pero at the same time malungkot din ako." Ika ni lei "Ha bakit ka naman malulungkot hindi ka ba masaya sa nangyayari? Umaahon na tayo sa hirap hindi mo na kailangan gawin yung mga dati mong ginagawa. Settled ka na rin kay paulo at higit sa lahat makakabalik ka na ng pag-aaral." Paliwanag ko kay lei "Masaya naman ako sa nangyayari ate, ang akin lang malungkot ako kasi isinantabi mo ang pangarap mo para sa ating dalawa. Para sa akin." Malungkot na tinig nito Naisip ko na rin ang mga pangarap ko. Ang gusto kong kasal, ang pangarap kong lalaki, at ang masayang buhay na nais ko para sa akin. Pero ayokong maging unfair sa aking kapatid. Wala na sila mama at papa pati ba naman ako mawawala sa ka
Ann Pov'sMaaga akong gumising kinabukasan upang maghanda ng makakain namin ni leo at ni lei. Naabutan ko pa si ate emily na kakauwi lamang galing palengke."Ate emily tulungan na po kita dyan." Wika ko sa kanya. "Oh sige iha maraming salamat. Maaga ka atang gumising ngayon?" Tanong naman nito sa akin."Oho eh masaya lang po ako sa pagdating ng kapatid ko na si lei." "Ako din masaya din ako para sa inyo. Alam mo ngayon ko lang ulit nakita si don leo na masigla at masaya araw-araw simula ng dumating ka dito sa bahay." Nakangiting sambit nito sa akin. Ngumiti at tumango lamang ako kay ate emily. Sa tuwing napag-uusapan si leo ay para akong kinakain ng aking konsensya. Sinusubukan kong isang tabi ito at alalahanin si lei at ang buhay namin. Sadyang madamdamin ako at mabilis makaunawa, malambot din ang puso ko ibang-iba sa itsura ko. Madalas kasi akong napagkakamalang napakasamang babae dahil siguro sa look ko hindi ko naman sila masisisi. Nakita ko si lei na pababa na sa hagdan at ha
Ann Pov's Tuloy tuloy ang pag uusap namin ni lei, habang nag iinom. Naituro na din sa kanya ni ate emily ang magiging kwarto nya. Ibinigay na sa kanya ni leo ang guest room since tatlo naman ang guest room dito sa mansyon. Hindi maipaliwanag ang saya ko dahil natatamasa na din ni lei ang dapat nyang maranasan nuon pa. Pinagsasaluhan pa namin ito.Madaming alak at pagkain ang naubos namin, binigay todo na talaga namin ang lahat. Nalalapit na kasal, nalalapit ding kayamananan. Tapos na kami sa pagiging mabuhay mahirap, ito na ang simula ng pag ahon ng Velasquez."O sya lei, mukhang hindi na natin kaya masakit na din talaga ang ulo ko. Ipapahatid na kita kay ate emily sa kwarto mo at magpapahinga na din ako." Saad ko sa kanya.Tinawag ko si ate emily upang alalayan si lei sa kanyang kwarto parang nalantang gulay na kasi ito sa sobrang kalasingan. Ako naman ay umakyat na patungo sa kwarto namin ni leo, hindi pa naman ako ganon kalasing alam ko pa naman ang nangyayari. Nasa dulo ang kwart
Ann Pov's Dumating na ang araw na tuluyan ng nag pa alam sa amin si drake. Nagbiro pa ang kanyang ama na baka pag balik nya may bitbit na daw syang asawa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging malungkot, mag alala o ano ba."Tama na ang kaka isip ann, hindi na maganda ang naidudulot nito sayo." Bulong ko sa aking sarili. "Ano yung sweety?" Takang tanong naman ni Leo, ang papa ni drake."A-ah w-wala yun, so nasan na nga tayo?" Agadang tanong ko."Sabi ko mamasyal na muna tayo at mamili ng mga bagong gamit mo. Lalo na para sa kasal natin, kunting buwan na lang ang aantayin magiging Monteverde ka na." Ngiting sagot naman ni leo.Tuluyan na kaming iniwan ni drake. Umalis na sya sa bahay kagaya ng kanyang pagpapa alam sa kanyang papa. Hindi ko naman sya pwedeng pigilan dahil para saan pa? May karapatan ba ako?Wala naman talagang problema kay leo, may itsura pa din naman ito kung pagmamasdan mo ng maigi. Saan ba mamamana ni drake ang kakisigan nya malama