LOGINSi Celestine Monteverde. Isang matapang, matalino, at tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Sanay siya na siya ang may control, siya ang nasusunod. Pero nagulo ang mundo niya nang makilala niya ang equally powerful at cold-hearted CEO na si Adrian Velasco. Ang boss na hindi niya inakalang magiging pinakamalaking gulo ng buhay niya. Isang gabing puno ng tension at hindi mapigilang attraction ang nagbago ng lahat. Now, she’s pregnant with his child. Pero hindi siya yung tipong magtatago o magpapatalo. Kung akala ni Adrian na kaya niyang diktahan ang buhay niya, nagkakamali siya. Sa laro ng kapangyarihan, puso, at lihim. Sino ang talagang mananalo? Ang boss ba na sanay mag-utos, o ang babaeng hindi kailanman marunong sumuko?
View More<
Tahimik ang hapon sa villa, pero hindi na ito yung uri ng katahimikan na mabigat sa dibdib. Ito na yung katahimikan na may kapayapaan.Nakaupo si Celestine sa garden, hawak si baby Aiden habang pinapaarawan ito ng banayad na sikat ng araw. May hawak siyang bote ng gatas, dahan-dahang pinapadede ang anak.Habang pinagmamasdan niya si Aiden, hindi niya maiwasang mapangiti. Ang dami nilang pinagdaanan… takot, sakit, galit, pagkawala.Pero heto sila ngayon. Buhay. Magkasama.“Mommy’s here,” bulong niya. “Hindi ka na mawawala sa akin.”Mula sa loob ng bahay, lumabas si Adrian.May hawak siyang phone at halatang may kausap kanina. Lumapit siya kay Celestine at yumuko para halikan ang noo ni Aiden.“They’re here,” sabi niya.Napatingin si Celestine. “Who?”“My parents. Kakalapag lang nila.”Sandaling natigilan si Celestine. Hindi siya kinakabahan… pero ramdam niya ang bigat ng emosyon. Matagal na rin mula nang huli niyang makita ang parents ni Adrian. At alam niyang, gaya nila, marami rin it
Tahimik ang umaga sa villa nina Celestine at Adrian. Ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa malalaking bintana, nagbibigay ng warm na liwanag sa buong sala. Sa wakas, matapos ang lahat ng gulo, sigawan, takot, at luha… may katahimikan na rin.Nasa sofa si Celestine, karga si baby Aiden na mahimbing ang tulog. Pinagmamasdan niya ang maamong mukha ng anak, parang gusto niyang kabisaduhin ang bawat detalye… ang maliit na ilong, ang bahagyang pagkakurba ng labi, ang marahang paghinga.“Parang kailan lang,” mahina niyang sabi.“Akala ko mawawala ka sa akin.”Lumapit si Adrian, may dalang tasa ng tsaa. Inilapag niya iyon sa mesa at umupo sa tabi ni Celestine. Inilagay niya ang kamay sa balikat ng asawa.“Tapos na,” bulong niya. “Safe na kayo. Safe na tayo.”Tumango si Celestine, pero hindi pa rin maalis ang bahagyang lungkot sa mga mata niya. Kahit tapos na ang kaso, kahit nakakulong na si Bianca, may mga sugat na hindi agad naghihilom.Makaraan ang ilang araw, bumisita ang pamilya ni Celest
Mabigat ang hangin sa loob ng courtroom. Tahimik ang lahat, tanging mahinang pag-ubo at kaluskos ng papel ang maririnig. Nasa unahan si Bianca, suot ang simpleng beige na damit pangkulungan. Wala na ang mamahaling ayos, wala na ang palaban na tindig. Ang dating matapang na mga mata ay puno na ngayon ng kaba at pagod.Sa kabilang panig ng korte, tahimik na nakaupo sina Celestine at Adrian. Mahigpit ang hawak ni Adrian sa kamay ni Celestine, ramdam ang panginginig nito… hindi sa takot, kundi sa bigat ng alaala. Ang kidnapping, ang takot na mawala si baby Aiden, ang gabing halos gumuho ang mundo nila.“Are you ready?” mahinang tanong ni Adrian.Tumango si Celestine. “Tapos na ang takot. This ends today.”Pumasok ang hukom. Tumayo ang lahat.“This court is now in session.”Isa-isang binasa ang mga kasong isinampa laban kay Bianca…. conspiracy to commit kidnapping, psychological manipulation, obstruction of justice, at abuse of power. Habang binabanggit ang bawat kaso, lalong bumibigat an
Tahimik ang loob ng psychiatric ward. Walang sigawan, walang drama… tanging tunog lang ng mahinang electric fan at ang maingat na yabag ng mga nurse sa hallway. Nakaupo si Margaux sa gilid ng kama, yakap ang isang maliit na teddy bear. Maputla ang mukha niya, bagsak ang balikat, at parang wala nang sigla ang mga mata.Hindi na siya umiiyak.Hindi na rin siya galit.Parang pagod na pagod na ang kaluluwa niya.“Good morning, Margaux,” mahinahong bati ng therapist niyang si Dr. Reyes habang pumapasok sa kwarto. “How are you feeling today?”Matagal bago siya sumagot.“Empty,” mahina niyang sabi. “Parang may butas dito.” Sabay tapik sa dibdib niya.Umupo si Dr. Reyes sa tapat niya. “Do you still think the baby is yours?”Napapikit si Margaux. Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila.“No,” bulong niya. “Alam ko na… hindi siya sa akin.”Huminga siya ng malalim. “Pero masakit pa rin. Kasi sa isip ko, sandali… sandali naging totoo.”Sa unang linggo ng therapy, halos walang imik si Marga






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore