Addicted to his stepmom

Addicted to his stepmom

last updateHuling Na-update : 2025-05-27
By:  Amara24In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
16Mga Kabanata
30views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

⚠️WARNING - R-SPG (18+) Si Ann na nakilala ni Drake sa Bar, maganda at malaman na katawan na una nyang kababaliwan, ngunit ang hindi nya alam ang kinababaliwan nya ay magiging parte ng pamilya nila at magiging Stepmom nya. Ang matinding karibal nya sa katawan at puso ng dalaga ay ang mismong papa nya. Sino ang magwawagi sa puso ni Ann? Sino ang mas makakapag paligaya sa kanya? Makokontento ba sya kay Drake na kayang ibigay ang ligaya na nais nya o sa Ama ni Drake na nabibigay ang yaman na kailangan nya.

view more

Kabanata 1

CHAPTER 1

Drake Pov's

Masarap maging mayaman o may kaya sa buhay pero wala yung yaman mo kung hindi naman buo ang nakukuha mong pagmamahal sa pamilya mo.

Bata palang ako nung iniwan kami ni mama, sumama sa ibang lalake. Hindi ko din alam bakit pa nagawang iwan ni mama si papa eh halos nakay papa na lahat. Mayaman, malaking bahay, maraming ari-arian, halos ibibigay sayo lahat ng luho mo. Simula ng umalis si mama yun ang naiwang tanong sa akin kung bakit?

Sa edad na 14 madami na akong nakasalamuhang babaeng inuwi ni papa sa bahay. Iba't ibang klaseng babae may Maliit, matangkad, maputi, maitim, pinay o madalas ibang lahi. Wala naman akong problema kung mag aasawang muli si papa ayoko naman syang pigilan na sumaya muli. Mas okay na yung ganyan kesa mag mukmok sya sa pag iwan sa kanya ni mama.

Si mama, wala nakong balita sa kanya simula ng umalis sya sa lugar namin at sumama sa kabet nya. Walang paliwanag oh iniwang sulat sakin parang walang anak na nag aantay sa kanya, para sakin isa syang pabayang ina.

"Oy Drake." sigaw ng kaibigan kong si Paulo.

Si paulo ang kababata ko twing may problema ako lagi syang nandyan para damayan ako at alalayan ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Napagkakamalan na nga kaming magkapatid dahil malapit na kaming maging magkamukha dahil lagi kaming magkasama.

"Pau oy, ano tara na."

"Sige sige kanina pa nag aantay sila Micah sa Bar akala ko nga di ka sasama di ka kasi nag uupdate kaya pumunta na ko dito." ika nya.

"Baliw, syempre sasama ako papalagpasin ko ba naman ang birthday mo. Alam mo namang malakas ka sakin." nakangising sabi ko.

Ganto ang buhay kung wala talaga tong kaibigan kong si Paulo baka matagal nakong sumuko. Nakukuha ko nga lahat ng gusto ko pero parang may kulang pa din. Malaki ang pagkakaiba namin ni paulo, ako normal kasi di abnormal, sasabay sa trip at tahimik lang sya naman madaldal, suki sa bar at babaero.

"Alam mo Drake, kung ako sayo aayusin ko sarili ko. May itsura ka naman pare kulang ka lang sa pag aayos sa sarili mo." pang aasar nya.

"Maayos naman ako ah, Bakit may dumi ba ko sa mukha?." pilyong sagot ko.

"Baliw ibig sabihin ko ayusin mo yang panlabas mong anyo sayang kagwapuhan mo ayaw mong gamitin. Kaya hanggang ngayon dika pa din nakakatikim ng babae eh nasobrahan ka sa pagka mahiyain." ika nya.

Hindi talaga ako mahilig sa babae, wala sa vocabulary ko yan. Para kasi sakin hindi naman isang collection ang mga babae para ipunin at padamihin. Gusto ko sana yung babaeng makakasama ko ay sya na din hanggang dulo. Sa totoo lang ayokong matulad kay papa na iniwan ni mama sa di malaman na dahilan.

"Lika na nga pumasok na tayo kung ano ano pang sinasabi mo dyan eh."

Pumasok na kami sa loob ng bar at nakita namin duon sila Micah, James, Rio at yung dalawang babae pa na kasama nila. Hindi pamilyar sakin yung dalawa kasi ngayon kolang sila makakasama.

"Paulo, Drake halina kayo apaka tagal nyo naman kanina pa kami nag aantay dito akala namin nabaon na kayo sa kalsada eh." ika ni micah.

"Pinagsabihan ko pa muna kasi tong tropa natin diko lang alam kung makikinig hahaha." sagot ni paulo.

"Oh sya tama na yan pakilala ko muna mga kasama natin eto si Ann at Lei, nasa kabilang table lang sila kanina inaya ko na mukhang malungkot eh." pagpapaliwanag ni Rio.

"Ah hello sa inyong dalawa." mahinahong sagot ko.

"Pagpasensyahan nyo na girls tong tropa namin ha medyo mahinhin virgin pa kasi HAHAHAHAHA." muling pang aasar ni Paulo.

Maganda parehas si Ann at Lei pero iba sa paningin ko si Ann, parang hindi namin sya kaedad pero sa totoo lang ang hot nya and kung sa hubog ng katawan talagang pasado sya.

Naginom kami ng nag inom hanggang sa makadami, masaya ang kwentuhan nang biglang para akong sisinukin sa tanong ni Lei sa akin.

"Drake right?"

"Ah oo Ikaw si Lei diba? Nice to meet you." tipid kong sagot.

"So totoo ba virgin ka pa? Hahaha." pilyong tanong nya.

Hindi ako sumagot kasi diko alam ang isasagot para akong binabalot ng hiya dahil sa babae ang nagtanong sakin neto. Ano isasagot ko? Oo wala pa? Kahit hawak hindi pa? Baka isipin nito bakla ako pag di ako umimik.

"So bakit ka nga virgin? Ayaw mo sa p******?" habol na tanong ni Lei.

"Ah hindi naman sa ayaw, a-ano lang kasi.."

"Di pa sya handa." singit ni paulo.

"Panget naman diba kung titikim sya ng babae tapos di buo loob nya edi di masa-satisfied yung babae kung sino man yun. Kaya mas maigi mabuo muna loob ng tropa ko bago mangyari yun." habol na paliwanag ni paulo

"A-ahh oo t-tama si pau." nangangatog kong sagot.

"Siguro Lei kaya mo natanong gusto mong subukan tong tropa ko ikaw ah HAHAHAHHAA bata payan Lei kumalma ka." ika ni paulo.

"Edi pasusuin charot HAHAHAHA wala curious lang." tawang sagot ni Lei.

Tinuloy tuloy ko na lang ang pag inom ko kesa makipag kwentuhan kay Lei. Naiilang talaga ako pag ganyang mga topic eh. Nagpa alam muna ako sa kanila para mag yosi ng makahinga muna. Pagdating ko sa area ng yosihan nakita ko dun si Ann. Ang ganda nya talaga sa paningin ko kitang kita ang kurba ng katawan sa suot nyang itim na sexy dress.

"Oh baka matunaw ako nyan bata." tawang sabi ni Ann.

Diko pala napansin na natulala ako sa kanya at di na nakagalaw. Lakas ng tama ata sakin ng alak ah ngayon lang ako na turn on sa babae.

"Ah pasensya ka na medyo nakainom na eh tumatama na." sagot ko.

"Wala yun, nga pala pasensya na kanina kay Lei ha ganon lang talaga yun. Manyakis yung haliparot na yun eh bata pa kasi." paliwanag nya.

"Wala yun, magkaibigan kayo? At bakit bata pa yun ilang taon kana ba?" tanong ko.

"Kapatid ko yun si Lei HAHAHAHA di lang halata. Sa edad naman 29 na ko eh ikaw?"

"Ah 23 na ko. Ann tama? nice to meet you pala."

29? Going 30? Talaga ba parang hindi naman bakit parang ang bata nya tingnan para sa edad na 29. Dala ba to ng amats ng alak? Nagtuloy tuloy lang ang kwentuhan namin ni Ann habang nagyo-yosi medyo bad girl din pala ito ang hot nya din tingnan sa bawat hithit nya sa kanyang sigarilyo. Pagkatapos naming magsigarilyo ay agad din kaming bumalik sa pwesto namin kung nasan sila Paulo kanina.

"Kaya pala di mo pinapansin si Lei pare ah ate pala ang nais." pang aasar ni paulo.

"Baliw kung ano ano iniisip mo sabay lang kaming nag yosi eto talaga eh pasalamat ka birthday mo kasi kung hindi nako."

Pero tama si paulo kung sabik lang ako sa babae baka si Ann talaga ang matipuhan ko hindi dahil sa magandang kurba at angking kagandahan nya kundi dahil mabait at maayos syang makitungo at tila isa syang misteryosong babae.

Ala una na ng madaling araw kami nakauwi ni Paulo at ng iba pa naming kasama. Pagod, antok at amats na ang nararamdaman ko pero diko pa ding maiwasang isipin si Ann kung nakauwi ba to ng ligtas o kung okay lang ba sya. Pero sa tingin ko okay lang sya kung titingnan kasi para syang batak sa alak o sa pag iinom kaya piling ko hindi sya agad agad nalalasing.

Papasok na ako sa kwarto at papahiga na sana ng biglang nag ring ang cellphone ko. Unknown number halatang diko kilala.

"Hi salamat nga pala sa pakikitungo nyo samin kanina nag enjoy kami. Sana maulit uli tnx!"

-Ann

Halos mapaupo ako sa higaan ng makita ko na galing kay Ann ang text para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil lang sa kilig.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Joven Peralta
Solid ng story grabe yung mga spg part and flow ng kwento maganda try nyo guys
2025-05-27 16:15:41
0
16 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status